Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

0

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga


HINDI IPINAGBIBILI

12
FILIPINO SA PILING LARANG
(Akademik)
Kuwarter 1
Linggo 1-3 (MELC 1.1)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
1

FILIPINO sa
ASIGNATURA PILING
LARANG:
MARKAHAN 1 LINGGO 1-3 ARAW ___________________________
AT BAITANG dd/mm/yyyy
AKADEMIK
CODE CS_FA11/12PN-0a-c-90
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
a. layunin b. gamit
c. katangian d. anyo
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong
sagot sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Paksa: Iba’t ibang akademikong pagsulat ayon sa: layunin, gamit, katangian at anyo.
(Lunsaran)
Uri ng Akademikong Pagsulat
Layunin: Mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong
papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa
1. ABSTRAK pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
Anyo: Ito ay maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, rebuy,
disertasyon, proceedings, at papel-pananaliksik na naisumite sa
komperensiya at iba pang gawain na may kaugnayan sa disiplina
upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
Layunin: Inilalahad ang mga pangunahing ideya sa binasang teksto.
Gamit: Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para
mabigyan ng buod, tulad ng maikling kuwento.
2. SINTESIS/BUOD Katangian: Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa
sunod-sunod na pangyayari sa kwento.
Anyo: Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling
pamamaraan.
Layunin: Isang impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung sino o anu-ano ang mga nagawa ng tao bilang
propesyunal.
3. BIONOTE Gamit: Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng
kanyang akademik career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
Katangian: May makatotohanang paglalahad sa isang tao.
Anyo: Anyo ng sulatin na pumapaksa sa sarili o sa ibang tao, maikli
lamang, at karaniwang may tonong pormal.
Layunin: Ipinapakita o ipababatid ang paksang tatalakayin sa pulong
na magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong.
Gamit: Isinusulat upang magbigay-impormasyon sa mga taong
kasangkot sa mga temang pinag-uusapan at sa mga usaping
4. AGENDA nangangailangan ng pansin at tugon.
Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng
pagpupulong.
Anyo: Talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong
Layunin: Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
2

Gamit: Naglalayong magbigay-solusyon sa mga problema at suliranin.


Katangian: Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may
5. PANUKALANG PROYEKTO malinaw na ayos ng ideya.
Anyo: Mayroon lamang 2-10 pahina na kadalasan ay nasa anyong
liham lamang. Maaaring maikli o mahabang proyekto na sumusunod
sa isang structured format.
Layunin: Ito ay sulating nagpapaliwanag ng isang paksang
naglalayong manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng
kabatiran o kaalaman.
Gamit: Binibigkas sa harap ng maraming tao at isang akademikong
6. TALUMPATI sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay,
paglalahad at pangangatwiran.
Katangian: ito ay pormal na nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at
may malinaw na pagkaayos ng mga ideya.
Anyo: Naglalahad, Nangangatwiran, Nagsasalaysay, Naglalarawan
Layunin: Ito ay ang tala o record o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
7. KATITIKAN NG PULONG Gamit: Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa
pulong.
Katangian:Nararapat na organisado at umaayon sa pagkakasunud-
sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Anyo: Uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at
institusyon. Isa din itong anyong komunikasyong teknikal.
Layunin: Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong
tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
Gamit: Nanghihikayat itong pumanig sa opinion ng manunulat.
8. POSISYONG PAPEL Katangian: Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang
pagkakasunud-sunod ng ideya.
Anyo: Isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga katwiran ukol
sa panig sa isang isyu. Naglalaman ito nang malinaw na tindig sa isyu,
mga argumento at ebidensiya.
Layunin: Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik-tanaw ang
manunulat at nagrereplek.
Gamit: Nangangailangan ito ng reaksyon at opinyon ng manunulat.
9. REPLEKTIBONG SANAYSAY Katangian: Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga
binasa at napanood.
Anyo: Uri ng personal, mapanuri/kritikal at impormal.
Layunin: Magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng
salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain.
Gamit: Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa mga
10.PICTORIAL ESSAY salita.
Katangian: Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa
litrato na may 3-5 na pangungusap.
Anyo: Isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong
pagkakasunud-sunod ng larawan.
Layunin: Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapag-balik tanaw sa
paglalakbay na ginawa ng manunulat.
Gamit: Paglalarawan at pagsasalaysay ng mga lugar, tao, aktibidad at
pagkain sa isang particular na lugar.
11. LAKBAY-SANAYSAY Katangian: Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan.
Anyo: Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng
mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang
tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong
ideya.

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
3

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Kung ikaw ay magbabasa ng isang kuwento mula sa wattpad at


ilalahad mo ang mga tauhan, mga pangyayari, at tunggalian.
Anong uri ng akademikong sulatin ang iyong bubuoin? Bakit?
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Anong akademikong sulatin ang iyong gagamitin upang
maisalaysay ang iyong mga nasaksihan sa pagkakaroon ng
pandemyang covid 19 sa komunidad, sa Pilipinas at sa mundo?
Ipaliwanag.
Pagtatasa ng Pagkatuto 3: Ano ang maitutulong ng akademikong pagsulat sa disiplina o kurso
na iyong kukunin sa kolehiyo? Sa paanong paraan?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

GAWAIN 1 : PAGTUTUKOY
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng akademikong sulatin ang sumusunod na aytem. Mababasa sa loob ng
kahon ang mga uri ng akademikong sulatin. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel na inilaan.

A. Abstrak F. Katitikan ng Pulong


B. Sintesis/Buod G. Posisyong Papel
C. Bionote H. Agenda
D. Panukalang Proyekto I. Pictorial Essay
E. Talumpati J. Labay-Sanaysay

_____1. Binigyan ka ng iyong guro ng paksa tungkol sa “Wika at Ako” at bibigkasin mo ito sa darating na
Buwan ng Wika. Anong akademikong pagsulat ang iyong gagamitin?
_____2. Pinanood sa inyo ang pelikulang “Hello, Love Goodbye”. Pagkatapos, ilalahad ninyo ang tauhan,
tagpuan, banghay, istorya, problema at kalutasan ng problema. Anong sulating akademikong ito?
_____3. Nag-uusap ang iyong mga kaibigan tungkol sa basketball. Isa sa pinag-uusapan nila ay si Kobe
Bryant. Ngunit hindi mo siya kilala. Anong uri ng sulatin ang iyong hahanapin upang makilala ang
isang tao?
_____4. Isa sa pangarap ni Joy ang makapasyal sa iba’t ibang lugar. Isinusulat niya ang kanyang nakikita,
nararanasan, mga lugar na kanyang napupuntahan, kinakain, nakakausap at iba pa. Anong uri ng
akademikong sulatin ang kanyang ginamit?
_____5. Bilang isang SSG President, pinaplano mong gumawa ng proyekto para sa inyong paaralan. Anong
akademikong pagsulat ang gagamitin upang ilahad ang deskripsyon ng iyong proyekto, ano ang mga
layunin nito at budget sa proyekto?

GAWAIN 2 : PAGPAPAHALAGA
Panuto:Basahin ang mga pahayag na makikita sa talahanayan. Tukuyin ang nagagawa ng sarili sa pagkilala ng
mga sulating akademiko ayon sa tatlong (3)pagpipilian. Isulat lamang ang tsek () sa kahong napili
Hindi
makapagpa
Pagpapahalaga sa Iba’t ibang Sulatin Oo Hindi
sya
Nakikilala ang pagkakaiba ng mga sulating
akademiko nang walang gabay mula sa iba
Nakapag-iisip nang mga ideya nang mabilis at
may kabuluhan ayon sa paksa
Natutukoy ang mga sulating akademikong
tumatalakay sa personal na karanasan
Nasasabi ang kaibahan ng katangian ng bawat
sulatin
Nababatid sa sarili na mahalagang matutuhan
lahat ang akademikong sulatin

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
4

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Ang akademikong sulatin ay isang intelektuwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas


ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para rin sa makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din
ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
 Ang layunin ng akademikong sulatin ay magsulat ng mga sanaysay na kapupulutan ng mga
mahahalagang impormasyon at mga kaalaman na nakuha sa iba’t ibang karanasan ng mga
taong may-akda.
 Ang kahalagahan ng pagsulat ng akademikong sulatin ay nagkakaroon ang isang tao ng
pagkakataon na maibahagi sa iba ang mga ideya at impormasyong kanyang nalalaman. Sa
pamamagitan nito, nakakuha ng impormasyon at bagong kaalaman ang babasa.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !

Panuto:Basahin at unawain ang bawat aytem at ang teksto. Sagutin ang mga katanungan sa bawat
aytem at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay madalas na nakikita sa tesis, disertasyon at papel-pananaliksik.


A. Posisyong Papel B. Talumpati C. Abstrak

“Konsepto ng Bayani sa akdang “Kapitan Sino” ni Bob Ong”


Camille L. Valdez
Ang bayani ay itinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyang-buhay sa midya,
sining, at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kaya naman hindi kataka-taka na
maging laganap ang konseptong ito sa buong mundo. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang
akdang Kapitan Sino ni Bob Ong. Layunin ng pag-aaral na matuklasan ang konsepto ng bayani
at pagkabayani sa akda.

2. Mula sa nabasang teksto sa itaas, ano ang binabanggit na impormasyon tungkol sa isang tao?
A. Abstrak B. Bionote C. Talumpati
Si Eilene Antoinette G. Narvaez ay isang mananaliksik at tagasalin. Nagtapos siya ng MA
Filipino (Pagpaplanong Pangwika) sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UP
Diliman. Isa rin siyang mananaliksik sa UP Sentro ng Wikang Filipino. Aktibo rin siyang kasapi
ng Filipinas Institute of Translation, isang samahang nagtataguyod ng pagsasalin at iba pang
gawain para palaganapin ang wikang pambansa. Kamakailan lamang ay inilunsad ang kaniyang
aklat na nakabatay sa kaniyang tesis—ang Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon
(2015) na inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino.
3. Base sa tekstong iyong nabasa sa itaas, ano ang ginawa ng manunulat upang kunin ang
mahahalagang ideya at gawin ito sa maikling teksto. Anong akademikong pagsulat ito?
A. Buod B. Abstrak C. Bionote

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
5

Sa Pilipinas, hango sa dayong pananaw ang pag-aaral ng astronomiya. Dahil dito, hindi natin
natutunton ang sarili nating kabihasnan at ang kulturang Pilipino na mapatutunayan ng mayamang
termino ng mga ninuno ukol sa kalikasan, partikular na sa konstelasyon. Sa katunayan, ang iba’t ibang
grupo sa Pilipinas ay may mga katawagan sa lahat ng bahagi ng mundo at ang mga ito ay hindi
magkalayo sa isa’t isa. Gayundin, ang iba’t ibang bansang kabilang sa wikang Austronesya ay may
kahawig ding mga termino. Tunay ngang repleksyon ng kultura at kabihasnan ang wika. Ang paraan ng
pamumuhay, pag-iisip, pagdedesisyon sa mga gawain, pati mga oral na panitikan at kaalaman, ay
masasalamin sa mga salitang astronomikong gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga kaalamang ito
ay makatutulong upang maintindihan ng mga Pilipino ang kanilang sarili, komunidad, at bansa kung
pag-aaralan lang sana ng mga mag-aaral.
(mula sa 12-pahinang artikulo ni Dante Ambrosio)

4. Mula sa nabasang teksto sa itaas, ito ay isang akademikong sulating na ____


A. lakbay sanaysay B.pictorial essay C. replektibong sanaysay
5. Pinagbuo ka ng guro sa akademikong pagsulat ng isang salaysay na naglalaman ng mga larawan ng
pangyayari at pahayag na may limitadong salita. Anong akademikong pagsulat ang iyong
bubuoin?
A. lakbay sanaysay B.pictorial essay C. replektibong sanaysay
6. Magtatapos ka mula sa antas Senior High school at pinagbuo kayo ng isang sulating nakapang-
hihikayat upang mas maging inspirado ang buong batch na kasabayan mo sa pagtatapos.Alin sa
mga akademikong sulatin ang iyong bubuoin?
A. abstak B.replektibong sanaysay C. talumpati
7. Nagkaroon ng pulong ang organisasyong iyong kinabibilangan at naatasan kang sumulat ng mga
naganap sa naging daloy ng inyong pulong. Alin sa mga sulating akdemiko ang iyong mabubuo?
A. Bionote B.katitikan ng pulong C.posisyong papel
Para sa mga bilang 8-9, basahin at unawain ang halimbawa ng isang akademikong sulatin.
Pamantasang De La Salle-Dasmariñas
Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasyon
Tanggapan ng Dekano

Regular na Pulong ng mga Administrador ng CLAC


Agosto 26, 2015
CLAC Conference Room / 08:30-16:20
Katitikan ng Pulong

Mga Dumalo:
Dr. Christian George C. Francisco – Dekano/Namuno
Mr. Rafael Julius D. Estrada – Kawaksing Dekano
Ms. May L. Mojica – Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Dr. Teresita P. Pareja – Tagapangulo, Kagawaran ng Wika at Literatura

Daloy ng Talakayan
Nagsimula ang pulong sa ganap na ika-8:30 ng umaga sa panalanging pinamunuan ni Ms. May Mojica.

Usapin
1. Pagwawasto at pagpapatibay sa nakaraang katitikan ng pulong
2. Mga Hangong Usapin
2.1 Professorial Chair
2.2 Performance Data of CLAC Departments
3. Mga Bagong Usapin
3.1 Presentasyon ng Faculty Audit
3.2 Pagsasanay at Workshop sa OBE Curriculum
4. Other Matters
4.1 Program Offerings
4.2 Commwork

Ang pulong ay natapos sa ganap na ika-4:30 ng hapon.

Inihanda ni: Nabatid ni:


Ms. Adelina E. Leyba Dr. Christian George C. Francisco
Kalihim, CLAC Dekano, CLAC

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
6

8. Anong uri ng akademikong pagsulat ang iyong nabasa?


A. Agenda B. Katitikan ng Pulong C. Panukalang Proyekto
9. Sa iyong nabasang halimbawa ng akademikong sulatin, sino kaya ang nagsulat para sa naganap na
pulong?
A. G. Rafael Francisco B. Gng.Adelina E Leyba C Dr.Christian George C Francisco

“Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo


Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
18 Hunyo 2014
1. Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay matinding
tumututol sa pagbabago sa siyam nay unit na kahingian sa wikang Filipino sa General
Education Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng
ipinalabas na CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.
2. Narito an gaming batayan.
3. Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo.
4. Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong
dominyo ng karunungan.
5. Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang
pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan.
6. Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam nay unit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng
karahasang pangkamalayan.
7. Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas.
8. Ang wikang Filipino ay identidad ng Filipino.
9. Ang wikang Filipino ay susi ng kaalamang bayan.
10. Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!

10. Mula sa iyong nabasa sa itaas,ito ay nagpahayag ng hindi pagsang-ayon ng manunulat sa isang
isyu. Anong akademikong pagsulat ito ?
A. Lakbay-sanaysay B. Posisyong-papel C. Replektibong-sanaysay

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong
CapSLet.

1. Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra, Filipino sa Piling Larang Akademik


(Unang Edisyon), Manila, Philippines: REX Book Store, 2016, 69, 81, 146, 220-222
2. Christian George C. Francisco at Mary Grace H. Gonzales, Filipino Sa Piling Larang
Tech-Voc (Unang Desisyon), Manila, Philippines: REX Book Store, 2017, 46-52
3. Corazon L. Santos PhD at Gerard P. Concepcion PhD, Filipino sa Piling Larang
Akademik Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Edisyon), Pasig City: Department of
Sanggunian
Education-Bureau of Learning Resources, 2016, 54-57, 73-76, 94-97, 105-108, 148-
150
4. “Akademikong Sulatin”, uploaded by Claire sengco on July 3, 2017,
https://www.scribd.com/document/352786603/AKADEMIKONG-SULATIN
5. Corazon L. Santos PhD at Gerard P. Concepcion PhD, Filipino sa Piling Larang
Akademik Patnubay ng Guro (Unang Edisyon), Pasig City: Department of
Education-Bureau of Learning Resources, 2016

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
7

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Inihanda ni: JERAMAY U. BARACOL


Vitali National High School

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
8

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa

Pangalan
FILIPINO SA PILING
Asignatura Baitang
LARANG-AKADEMIK

KUWARTER Unang Kuwarter LINGGO 1-3 ARAW ____________________________

dd/mm/yyyy

PAKSA Ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin

KASANAYANG Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


PAMPAGKATUTO a. layunin b. gamit
c. katangian d. anyo

Paksa: Iba’t ibang uri ng akademikong sulatin

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Kung ikaw ay magbabasa ng isang kuwento mula sa wattpad at


ilalahad mo ang mga tauhan, mga pangyayari, at tunggalian.
Anong uri ng akademikong sulatin ang iyong bubuoin? Bakit?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Anong akademikong sulatin ang iyong gagamitin upang


maisalaysay ang iyong mga nasaksihan sa pagkakaroon ng
pandemyang covid 19 sa komunidad, sa Pilipinas at sa mundo?
Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

What is Digestion?
Pagtatasa ng Pagkatuto 3: Ano ang maitutulong ng akademikong pagsulat sa disiplina o kurso
na iyong kukunin sa kolehiyo? Sa paanong paraan?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
9

Rubriks
Katangian 10 6 3 1

May isang malinaw at tiyak May isang malinaw at tiyak May isang paksa. Hindi Hindi malinaw ang paksa
na paksa, na na paksa, ngunit hindi gaanong malinaw ang mga at ang mga argu-mento.
sinusuportahan ng mga detalyado ang mga suportang impormasyon o
Pokus at Detalye detalyadong impormasyon suportang impormasyon o argumento.
o argumento. argumento.

Organisasyon Kawili-wili ang


introduksyon; naipakilala May introduksyon, May introduksyon, at Hindi malinaw ang
nang mahusay ang paksa. mahusay na pagtalakay. pagtalakay. introduksyon, pagtalakay
Mahalaga at nauukol sa sa paksa.
paksa ang mga
impormasyon na ibinahagi
sa isang maayos na
paraan.
Malinaw ang paggamit ng Malinaw ang paggamit ng Nasasabi ng manunulat Limitado ang paggamit sa
Pagpili ng mga angkop mga salita; Angkop at mga salita, bagaman sa ang nais sabihin, bagaman mga salita.
na salita natural at hindi pilit. ilang pagkakataon ay hindi walang baryasyon sa
angkop at natural. paggamit sa mga salita.

Estruktura, Gramatika, Mahusay ang Mainam ang pagkakaayos Nakagagawa ng mga Hindi maayos ang mga
Bantas, Pagbabaybay pagkakaayos ng mga salita ng mga salita at pangungusap na may pangungusap at hindi
at pangungusap. Walang pangungusap. May saysay. Maraming mga maunawaan. Lubhang
pagkakamali sa gramatika, kaunting pagkakamali sa pagkakamali sa gramatika, maraming pagkakamali sa
bantas at baybay. gramatika, bantas at bantas at baybay. gramatika, bantas at
baybay. baybay.

Mga Komento at
Mungkahi

SANAYIN NATIN!

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)


Panuto: Tukuyin kung anong uri ng akademikong sulatin ang sumusunod na aytem. Makikita
sa loob ng kahon ang mga uri ng akademikong sulatin. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel na inilaan.

GAWAIN 1 : PAGTUTUKOY

A. Abstrak F. Katitikan ng Pulong


B. Sintesis/Buod G. Posisyong Papel
C. Bionote H. Agenda
D. Panukalang Proyekto I. Pictorial Essay
E. Talumpati J. Labay-Sanaysay

1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____


GAWAIN 2 : PAGPAPAHALAGA
Panuto:Basahin ang mga pahayag na makikita sa talahanayan. Tukuyin ang nagagawa ng sarili sa pagkilala ng
mga sulating akademiko ayon sa tatlong (3)pagpipilian. Isulat lamang ang tsek () sa kahong napili
Hindi
makapagpa
Pagpapahalaga sa Iba’t ibang Sulatin Oo Hindi
sya
Nakikilala ang pagkakaiba ng mga sulating
akademiko nang walang gabay mula sa iba
Nakapag-iisip nang mga ideya nang mabilis at
may kabuluhan ayon sa paksa
Natutukoy ang mga sulating akademikong
tumatalakay sa personal na karanasan
Nasasabi ang kaibahan ng katangian ng bawat
sulatin
Nababatid sa sarili na mahalagang matutuhan
lahat ang akademikong sulatin

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School
10

SUBUKIN NATIN

1. A B C D 6. A B C D

2. A B C D 7. A B C D

3. A B C D 8. A B C D

4. A B C D 9. A B C D

5. A B C D 10. A B C D

Jeramay U. Baracol
Vitali National High School

You might also like