‘Isang nobela, Dekada ’70 ni Lualhati Bautista ay masasabing isang mapangahas na akdang naglalarawan ng mga pangyayari sa panahong ng Martial Law. Sa puntong ito, naiiba ang Dekada ’70 sa mga nobelang nasulat sa panahong iyon. Maitatanong nga lamang: Kung nalathala kaya ito sa panahong iyon, Malaya kaya itong mailalabas sa mga bookstand? Si Lualhati Bautista ang syang nagningning lalo sa larangan ng nobela sapagkat tatlong ulit syang ginawaran ng parangal para rito mula nang simulant ang pagbibigay ng ganitong uri ng gantimpala. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagunlad ng nobela dahil nagkaroon na ng pagkakataon na mailimbag ang mga obra maestra ng mga dakilang nobelista sa bansa. Ito ay sa pagtataguyod ng mga palimbagan ng mga pamantasan ng Ateneo, UP at De La Salle. Ang pangatlong nobelang nagwagi sa Palanca Memorial Awards noong 1980 ay ang kay Lualhati Bautista na pinamagatang “Gapo”. Ang nobelang ito ay naglalarawan ng buhay ng tatlong pamilyang may magkakaibang pananaw, paninindigan at katayuan sa buhay. Naging malaking suliranin sa nobela ay ang kamahalan ng pagpapalimbag. Ang mga mambabasa ay nasisiyahan na lamang na mabasa ang mga ito sa serye ng mga lingguhang babasahin. Sa muling pagkakatatag ng Bagong Demokrasya, naipalimbag ang mga nobela ng sinundang panahon sa layuning makilala at maunawaan ng mga Pilipino sa bagong panahon ang nilalaman ng mga klasikong ito. Mabibilang natin dito ang pagdagsa sa mga bookstores ng mga nobelang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pena, ang mga manunulat na lumutang ang pangalan sa naturang larangan sa panahong tinalakay natin. Nagpatuloy rin ang Carlos Palanca Memorial Awards sa pagbibigay ng gantimpala sa mga natatanging nobela ng taon na sinimulan nila sa taong 1980. Sa panahong ito ay apat na nobela ang natangi. Nong 1977 ay lumabas ang nobelang May Tibok ang Puso ng lupa ni Bienvenido Ramos, naging patnugot ng Liwayway. Ang nobela ay pumaksa sa kwento ng isang magbubukid na nabigo sa kanyang panaginip na magkaroon ng sariling lupa. Nagkamit ito ng gantimpala sa timpalak sa pagsusulat ng nobela na inilunsad ng CCP noong 1979 Paniniwalang Kristiyano na ang buhay ay nakatakda at nakaguhit ang romantikong sangkap na matatagpuan natin sa mga tauhang palasunod, palatiis. Dahil sa ang tauhang paniniwala sa koseptong sa bawat paghihirap ay may katapat na kaligayahan para sa mga taong mabubuti. Lope K. Santos Dr. Fausto Galauran Isang batikang nobelista si Lope K. Santos bukod sa pagiging mahusay na mandudulat at makata. Halos lahat ng naisulat ni Lope K. Santos ay may kamalayang panlipunan. Isang impresor sa palimbagan ang kaniyang ama na si Ladislao Santos, kaya't ang gawing iyon ang kinagisnan ni Lope K. Santos. Si Dr. Fausto Galauran ay isa sa mga kilalang tagapaghatid ng mga romantikong nobela. Una siyang nakilala sa kaniyang Dr. Kuba noong 1920, isang adaptasyon ng “The Hunchback of Notre Dame”. Siya rin ang sumulat ng “Anak ng Kriminal”. Ito ay punung puno ng alitan at masalimuot na pamumuhay ng tao. Ang pagsulat ang naging hanapbuhay ni Tandang Anong sa buong buhay niya. Namalagi siyang manunulat ng pitak na Buhay, Maynila sa pahayagang Muling Pagsilang. Dito nalathala ang kaniyang nobelang "Nene at Neneng". Panahon ng Kalayaan Panahon ng Amerikano Mga Nobelistang Napatanyag Valeriano Hernandez-Pena Panahon ng Kastila Samantalang taong 1905 nang sinimulang ilathala nang paputol-putol ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Lumahas din ang putol-putol na paglalathala ng Anino ng Kahapon ni Fransisco Lacsama. Ang sumunuod na mga taon ay itinuring na "Panahong Ginto" ng nobelang Tagalog. Dito nagpatuloy sa paglalathala ng mga nobelang dugtungan ng mga nobelista sa lingguhang "Liwayway". Ang sumunuod na mga taon ay itinuring na "Panahong Ginto" ng nobelang Tagalog. Dito nagpatuloy sa paglalathala ng mga nobelang dugtungan ng mga nobelista sa lingguhang "Liwayway". Noong 1901 ay lumabas naman sa Ang Aklatang Bayan ang isa pang nobela ni Valeriano H. Pena na pinamagatang “Si Rosa at si Valerio” at noong 1903, sinimulang ilathala nang payugtu- yugto sa pahayagang Muling Pagsilang ang dalawa niyang nobela, ang Nena at Neneng at ang Mag-inang Mahirap. Kilala sa sagisag na "Kintin Kulirat", si Valeriano Hernandez-Pena ay natanyag bilang makata, mandudula at higit sa lahat nobelista. Kinagiliwan na niyang basahin at pag-aralan ang katesismo sa gulang pa lamang na sampung taon. Sinasabing ang nobela ay napalalamanan ng kultura't lipunang Pilipino. Ito'y unang lumabas nang paseryse sa mga unang pahayagan tulad ng "Ang kapatid ng Bayan". Mula sa unang dekada ng ikadalawampung taon ang noble o kathambuhay ay tinangkilik na ng mambabasa lalo na nang dumami ang mga mamamayang natutong bumasa't sumulat dahil sa pagbubukas ng mga paaralang publiko. Barlaan at Josaphat Ang istorya ng nobelang ito ay tungkol sa isang hari ng Indiya na nagngangalang Haring Abenir na nagnanais na magkaroon ng isang anak. Di nagtagal ay natupad ang kanyang nais at nagkaroon siya ng anak na pinangalanang Josaphat. Tahasang nating masasabi na ang nobela'y unang ganap na nakakita ng liwanag sa pagsisimula ng Aklatang Bayan taong 1900. Kapansin-pansin ang masiglang pagpasok ng nobelang Tagalog sa panahon ng Amerikano. Maraming manunulat na Pilipino ang sumikat sa panahong iyon, mga nobelista, tulad ng mga kilalang manunulat na sina Lope K. Santos sa kanyang nobelang Salawahang Pag-ibig, Valeriano H. Peña sa kanyang nobelang Unang Bulaklak at ang Pagsintang Naluoy ni Modesto Santiago. Si Josaphat ay pinahulaan sa labindalawang bantog na manghuhula. Napag alaman sa hula na siya'y sasampalataya raw kay Kristo o sa Kristiyanismo kaya gayon na lamang ang galit ng hari. Nagpagawa ng palasyo ang hari para sa kanyang anak upang matiyak na walang sino man ang makapahihikayat kay Josaphat na sumanib sa Kristiyanismo. Dito darating ang isang marunong at banal mula sa Senaar na nagngangalang Barlaan. Hindi maikakaila na malaki ang naiambag ng dalawang klasikong nobela ng bayaning si Dr. Jose Rizal sa pag unlad ng nobelang tagalog noon. Ito ay ang "Noli Me Tangere" at " El Filibusterismo". Alam natin na ang Noli Me Tangere na ito ay isinulat ni Jose Rizal upang ipahayag sa mga Pilipino ang kasamaang naghahari sa pamamahala ng mga kastila sa Pilipinas. Ito ay naging daan upang magliyab ang mga damdamin ng mga rebolusyonaryong Pilipino na nagresulta sa pag aalsa. Ang El Filibusterismo naman na karugtong ng Noli Me Tangere ay inihandog niya sa tatlong paring Pilipino na naging martir na sina Burgos, Gomez at Zamora.