Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPIO SA PILING LARANG TEKNIKAL BOKASYUNAL

Feasibility Study

Pamagat

Lumpiang Puso ng Saging

Proponent ng Proyekto

Kazyra M. Umali

Email: umalikazyra9@gmail.com

No: 09162606403

I. Pangkalahatang Lagom
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa ibenebentang produkto produkto ng aking tiyahin sa kaniyang
karinderya sa tapat ng Brgy.Hall ng San Joaquin Sto. Tomas City Batangas. Ang panagalan ng produkto na
ito ay “ Lumpiang Puso ng Saging “.

Matapos na magustuhan ng mga tao ang nasabing produkto nung sinubukan niyang gumawa nito ng
isang beses sa kaniyang karinderya, napagpasyahan ng aking tiyahin na ito ay ibenta at isama na sa
listahan ng kaniyang nilulutong putahe. Ang nasabing gastos ay umabot sa Php 300.00 sa paggawa ng
produkto na umabot sa singkwenta [50] piraso, ibenenta niya ito sa halagang Php 10.00 bawat isang
piraso. Ang kaniyang nagging kita rito ay nagkakahalaga ng Php 500.00 sa kaniyang pagbebenta sa
nasabing produkto.

II. Deskripsyon ng Produkto


Ang produktong ito ay maihahalintulad sa lumpiang gulay na kalimitang sa pinaghalong gulay ang lahok
subalit ang produktong ito ay gawa sa puso ng saging na hinaluan ng giniling na karne bilang
karagdagang sahog. Mas masarp ito kung ikukompara sa lumpiang gulay at mas malasa dahil hindi mo
malalasahan ang puso ng saging na ginamit rito.

Sangkap:

 Puso ng saging
 Itlog
 Sibuyas
 Bawang
 Oyster Sauce
 Harina
 Mantika
 Tubig
 Paminta
 Asin
 Pangbalot ng Lumpia [wrapper]
 Giniling na baboy

Proseso:
1. Balatan ang puso ng saging hanggang sa maging puti na ang balat nito.
2. Hiwain ang puso ng saging sa apat na piraso.
3. Hugasan ang nahiwang puso ng saging pagkataos ay ilagay o pakuluan sa kaldero hanggang sa
ito ay lumambot.
4. Pagmalambot na ang puso ng saging hanguin at gayatin ito ng pino at ilagay sa isang lalagyan o
sa sulyaw.
5. Ilagay ang mga natirang sankap katulad ng sibuyas, bawang, paminta,asin,harina,giniling na
baboy at itlog saka haluin sa pininong puso ng saging. Tantsahin ang mga sangkap na ilalagay
batay sa dami ng iyong gusting gawing lumpiang puso ng saging.
6. Pagkatapos na haluin ang mga sangkap na inilagay ay isunod na ilagay ang oyster sauce at haluin
ito ulit.
7. Pagnahalo na ibalot na ito sa pambalot ng lumpia o wrapper, tantsahin ang dami ng ilalagay sa
warpper batay sa gusto mong dami.
8. Pagnatapos lahat balutin ay iprito na ito sa mantika siguraduhin na mainit ang mantika bago ito
ilagay ng di madurog.
9. Pagnagkulay brown na ang kulay ng pambalot ay pede na itong hanguin, ulitin lang hanggang sa
matapos iprito lahat.
III. Makinarya at kagamitan

Mga kagamitan sa paggawa ng produkto:

 Kalan at gatas
 Kawali
 Kutsilyo
 Kaldero
 Sandok
 Sangkalan
 Pinggan
 Platito lagayan ng sangkap

Kagamitan sa paggawa ng flyers o picture ng produkto:

 Kompyuter
 Putting papel [Bond paper]
 Printer

IV. Pag- aanalisa ng Pamilihan

Ang produktong ito ay magiging dagdag sa putahe sa karinderya ng aking tiyahin na ipagbibili sa tapat ng
Brgy. Hall. Maganda ang pwesto ng karinderya ng aking tiyahin sapagkat ito ay daanan ng mga tao
bukod pa rito ay malapit lang ito sa patisan kung saan sa karinderyang ito nakain ang mga trabahador
dito, kaya Malaki ang posibilidad na mabili ito at maubos dahil nagustuhan na nila ito nung unang
nagluto ang aking tiyahin,tiyak na mauubos ito sa buong maghapon na pagtitinda.

V. Estratehiya sa Pagbibili

Magpapaskil ng picture o litrato ng produkto sa labas ng karinderya, at isasama ito sa menu o listahan ng
putahe ng karinderya. Magkakaroon rin ng free taste ang produktong ito upang malasahan at
magkaroon ng ideya ang mga tao sa produktong ito.
VI. Kinakailangang Tauhan

Tagaluto:
 Nakatalaga upang magluto ng produkto sa karinderya

Tagabenta:
 Nakatalaga upang magbenta ng nasabing produkto, siya rin ang nakatuka sa panghihikayat na mabili
ang produkto.

VII. Iskedyul

Ang pagbebenta ng produkto na ito ay mula Lunes hanggang Biyernes lamang simula ika- 6:00 ng umaga
hanggang ika- 7:00 ng gabi. Ang pamimili ng sangkap ay isasagawa tuwing Miyerkules at Linggo.

VIII. Pananalapi at Kita

Sa pagastos para sa produkto ay umaabot lamang sa Php 300.00 hindi ito umaabot sa malaking gastos,
sapagkat ang puso ng saging na gagamitin rito ay hindi na binibili at ito ay galling sa sagingan ng aking
lolo. Ito ay ibebenta sa halagang Php 10.00 lamang sa Php 300.00 na gastos rito ay makagagawa ng
mahigit na singkwentang [50] piraso ng nasabing produkto, kung ito ay mauubos o mabebenta lahat ay
kikita ka rito ng mahigit Php 500.00. Ipinagpapalagay na sa limang araw na pagtitinda ay makakabenta
ka ng 50 piraso sa bawat araw na kung iisipin mo ay tutubo ka rito ng malaki. Tinatayang kikita ka ng
mahigit na Php 2,500.00 sa limang araw lamang na pagbebenta nakadepende pa ito sa dami ng iyong
magagawa na lumpiang puso ng saging maaari na tumaas o lumaki pa rito ang iyong kikitain.

IX. Rekomendasyon

Dahil sa tinatayang kita nitong Php 2,500.00 sa loob lamang ng limang araw na pagbebenta,
iminumungkahi ng aking tiyahin na isasama na ang produktong ito sa listahan ng kaniyang putahe sa
karinderya na matatagpuan sa harap ng Brgy. Hall ng San Joaquin Sto. Tomas City Batangas upang ito ay
ipagbenta o ipagbili.

Ito ay dahil sa maraming tao ang nasarapan rito noong una itong ginawa ng aking tiyahin kaya marami
ang nagsabe na ito ay isama na sa kaniyang ipinagbibili sa kaniyang karinderya.

You might also like