Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamilya

Isang simpleng salita


Payak naman ngunit sa akin ay napakahalaga
Ito ay binubuo ng ama’t ina
Kasama ang bulilit at makukulit na mga bata
Pamilya, ako’y meron nito
Isang masaya at buo
Kahit kung minsan kami’y magulo
Lagging pasaway at sakit sa ulo
Ngunit gayun paman pagmamahalan naming sa isa’t isang kumpleto
Ito’y walang halong biro
Nais kong ipabatid at ipakilala
Ang aking boung pamilya
Na siyang nagmahal sa akin at nagaruga
Kahit pama’y ugali ko’y kasuka-suka

Tatay’ siya yong nagtataguyod at todo kong kumayod


Upang sa gayun kami’y hindi maghihirap sa susunod
Sa kaniya’y hindi alintana ang pagod
Basta kami’y makita niya nalulugod

Si ina, ang ilaw ng ating mga tahanan


Na kung maka sermon ay daig pa ang putukan
Talak dito, talak doon
Ngunit gayun paman siya ang kaisa-isang nagbigay sa atin sa kamunduhan

Narito rin si ate, kuya at bunso


Lagging nariyan upang mayroon kang kalaro
Magkaka-isa kapag may naiisip na mga biro
Kakampi sa lahat ng gulo
Ngunit sila’y bigla-bilang naglalaho
Kapag maraming hugasin na mga plato

Isama narin natin si lolo at si lola


Na kung tumawa daig pa ang maliit na bata
Lage silang nakangiti
Upang ipakita ang kanilang galagid na namumuti
Sila yong lage nating takbuhan
Kapag tayo’y may pangangailangan
Sila yong laging nandiyan
Na handa tayong damayan
Sa mga problema ating kinasasangkutan
Sila yong wala sawang gumagabay
Upang mapabuti lang ang ating paglalakbay
Sa mundong pait at pighati lamang ang taglay

Sa kanila’y hindi ka iiwan


Kahit paman kung minsa’y lage mo silang sinsigawan
At kung minsa’y hindi mo sila pinagkakatiwalan
Sila’y lage paring naandiyan
Sila’y hinda ka hinuhusgahan
Kapag may nagawa kang kamalian
Madali kong magpatawad
Mga kasalan ay kanila kinakalimut agad-agad

Sa mahabang panahon na kami’y nagkasama


Milyon-milyong ala-ala ang aming nagawa
Nariyan ang lungkot, pighati, tawa at saya
Napakaswerte ko dahil ako’y may kumpletong pamilya
Ang pamilyang kaya kang ipaglaban
Kahit kapalit naman nito’y kapaitan
Lagi nilang inuuna ang iyong kapakanan
Kung ikaw ba’y malungkot o nasasaktan
Sila’y mas matibay pa sa ating mga barkada
Dahil ang barkada ay nawawala kung wala kanang halaga
Ngunit ang pamilya, umulan at kumidlat nairyan parin sila.

You might also like