Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Daily Lesson Plan in EPP 4


Quarter 1-Week 6, Day 1
Date/Time:_________________________
I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at
kasanayan sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa masistemang pamamaraan
C. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng: Pagdidilig at
pagbubungkal ng lupa. Paggawa ng organikong pataba at Paglalagay ng abono sa lupa.
D. Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang kahalagahan ng masistemang pangangalaga ng mga tanim at Nakikilala
ang mga materyales na maaaring gamitin sa pagbubungkal ng lupa.
2. Nakaguguhit ng mga materyales na maaring gamitin sa pagbubungkal ng lupa.
3. Napapahalagahan ang ibat-ibang uri ng mga halaman.
NILALAMAN:

A. ARALIN: Pagsasagawa ng Masistemang Pangangalaga ng Tanim Tulad ng Pagdidilig at


Pagbubungkal ng Lupa, Paglalagay ng Abonong Organiko atbp
B. SANGGUNIAN: ADM module in EPP Module 6
C. KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV
II. PAMAMARAAN:
1. PANLINANG NA GAWAIN:
A. BALIK-ARAL: Itanong sa mga bata ang mga paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental
na kanilang natatandaan sa nakaraang aralin.
 Natural =_____________________
 Artipisyal
=____________,______________,___________,___________,__________
B. PANGGANYAK: Ipakita sa mga bata ang mga sumusunod na larawan.
Mga Katanungan:
1. Ano ang nakikita nyo sa larawan?
2. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?
3. Ano-anong mga materyales na pangbungkal ng lupa ang inyong nalalaman?
4. Ano-ano namng materyales ang maaring magamit sa pagdidilig ng halaman?
2. PAGLALAHAD: Anu-ano ang mga dapat mong tandaan kapag gusto mong lumago ang
inyong halamanan? Narito ang ilang tips sa pagpapalago ng halaman.
I. Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa. Sa pagbubungkal ng lupang pagtataniman
kinakailangang gumamit ng mga kagamitang angkop sa pagbubungkal ng lupa. Ito ay
nakatutulong upang maging maayos at mainam ang gawain sa paghahanda ng
paghahalaman.
3. PAGTATALAKAY:
Dapat ding alam mo ang wastong paraan ng paggamit ng iba’t ibang kagamitan.
Pagaralan ang mga sumusunod:
Dulos – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Ito rin ay mahusay
na panglipat ng punla.

Asarol – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.


Regadera – ginagamit pangdilig ng halaman

Kalaykay – ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang
uri ng basura.

Pala – ginagamit sa palilipat ng lupa. Ang pagdidilig at pagbubungkal ng lupa ay


nakatutulong upang maging malusog ang halamang ating inaalagaan.
PAGLALAPAT:
PAGLALAHAT: Sa pagbubungkal ng lupang pagtataniman kinakailangang gumamit ng
mga kagamitang angkop sa pagbubungkal ng lupa. Ito ay nakatutulong upang maging maayos at mainam
ang gawain sa paghahanda ng paghahalaman. Sa pagbubungkal ng lupa, ang mga kailangang materyales
ay Dulos,Asarol Kalaykay at Pala. Regadera naman ang angkop na gamitin kapag magdidilig.

PAGTATAYA:
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung
hindi.
_____________1. Ang pagdidilig at pagbubungkal ng lupa ay nakatutulong upang maging malusog ang
halamang ating inaalagaan.
____________2. Regadera ang pinaka-angkop na gamitin sa pagdidilig ng anomang uri ng halaman.
____________3. Ang Asarol ay ang pinakamahusay na panglipat ng punla.
____________4. Ang kalaylay ay ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at
iba pang uri ng basura
____________5. Ang dulos ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

KARAGDAGANG GAWAIN:
Ipakita ang tamang pagdidilig at pagbubungkal ng lupang taniman ng halamang ornamental. Magpakuha
ng larawan o video habang ginagawa ito at ipadala ito sa guro.

You might also like