Ang mga Amerikano ay dumating sa Pilipinas matapos silang manalo
sa digmaan laban sa mga Espanyol. Inangkin nila ang Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Nag-umpisa ang digmaan ng mga Pilipino at ng mga Amerikano taong 1899 at tinawag itong “inresurection”. Noong mga panahong iyon tuluyan ng wala sa ilalim ng kontrol ng mga Espanyol ang Pilipinas bagkus tuluyan ngang nasa kamay ng bagong mananakop ang Pilipinas.
Ang pag-unlad ng Tranvia
Taong 1902 hindi naging madali ang pinagdaanan lalo na sa pag-unlad ng La Compania. Tinatayang na tanging limang “streecars lamang ang nagagamit ‘araw-araw upang magbigay ng serbisyong pangtransportasyon sa limang ruta na madadaanan ng mga ito. Ito ay nagdulot ng suliranin kung saan mas naging mabagal ang biyahe lalo na’t mayroong “14 runs” na kinakailangang madaanan sa Malabon line. Makalipas ang isang taon sinisi ng Manila City officials ang mabagal na “economic growth” at “population congestion" sa antiquated horse-car system” at dahil na rin sa hindi maayos na kalidad at hindi organisadong pampublikong transportasyon. Ang naisip naman na solusyon ng mga opisyal sa suliraning ito ay mas lalong bigyang pansin ang daang riles at paunlarin pa sapagkat sinasabi na magkakaroon ito ng mas magandang oportunidad na makapagbigay ng maayos at murang pang-transportasyong serbisyo.
Ang Pag-usbong ng Electric Car
Nagsulong ng isang batas ang Philippine Comission noong ika-20 ng Oktubre taong 1920 na naglalayong maglunsad ng isang operasyon at konstraksyon ng "electric power at transportation networks". Noong ika-24 ng Marso taong 1903 nagpasa ng "ordinace 44" ang Municipal Board of Manila na nagsasabing tinatanggap nito ang "bid" na inaalok ni Charles M. Swift na nagmula sa bansang Detroit. Tatlong araw ang makalaipas naitayo ang New Jersey Company at kalauna'y ito ay naging Manila Electric Railroad and Light Company o mas kilala bilang Meralco. Sa kasalukuyan ang Meralco ay nasa "electric power business" pa rin sa Metro Manila maging sa iilang probinsya sa Pilipinas. Kalauna'y pinahintulutan ng Philippine Comission ang Meralco mapasailalim ng kontrol ang La Compania de Tranvias kaakibat nito ang pagbayad ng Meralco sa mga "streetcars" sa "Compania's line". Mayroong anim na buwan bago simulan ni Swift ang proyekto at 20 buwan upang matapos lahat ito. Sa kasalukyan ang ruta ng LRT 1 ay nakabatay rin kagaya ng Meralco route kung saan daan ito ng Pasay at San Cruz na ruta. Sa kabilang banda ang LRT 2 naman ay kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng konstraksyon. Taong 1913 mayroon ng 9/12 lines na natapos ang Meralco. Taong 1906 naman mayroon din na proyekto si Swift na "9.8-kilometer extension line" mula Paco hanggang Fort Mckinley at Pasig. Naging kapakipakinabang ang linya na ito sa Meralco System. Ang Meralco lines ay konektado sa Manila Railroad Company's line na sa kasalukyan ito ay Philippine National Railway (PNR). Nagbigay naman ng pahayag ang propesor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) na si Dr. Leonardo Q. Liongson patungkol sa kanyang obserbasyon. ‘It is also interesting to note from the 1913 (route) map that the three principal tranvia lines (Santa Cruz, Santa Mesa and Santa Ana) led directly to outlying cockpits in suburban La Loma, San Juan and San Pedro de Macati respectively’. Cockfighting was and still is a popular form of gambling. He concluded, ‘From the point of view of city-wide commuter service, commerce and cockfighting, the Manila electric tranvia was indeed a complete system serving the city by the end of the first decade of the 20th century’. Sa pag-unlad ng Road Network ipinakilala ng Meralco "electric and gasoline powered bus services " taong 1930's. Inilunsad din ng Meralco ang paggamit ng mga "appliances" kabilang na rito ang mga radio at mga refrigerators. Patuloy ang pagtakbo ng tranvia ngunit kaakibat nito ang pagtigil ng paglawak nito.
War takes it’s toll
Noong panahon ng WWII natigil ang operasyon dahil na rin sa mabagal na pag-ayos ng mga nawasak ng mga gusali at dahil na rin sa mga landslide. Marami ang nasawi sa dignmaan na ito na naganap noong Pebrero 1945. Maraming mga ari-arian at buhay ang nawasak at nawala. Ayon sa obserbasyon ni Eisenhower ang Manila City ang lubhang nawasak matapos ang digmaan. Matapos ang digmaang ito kasabay rin nito ang kalayaan na ipinangako ng mga Amerikano taong 1935. Inumpisahan din ang pagsasaayos ng mga nawasak dahil sa digmaan. Mas binigyang diin noon nong Meralco ang pagbibigay ng kuryente sapagkat magkakaroon ito ng malaking tulong sa pagsasaayos ng mga nawasak. Dahil sa digmaan ang jeepney ang nagsilbing transportasyon na nakapagbigay ng malaking serbisyong transportasyon sa buong Metro polis. Karamihan ngayon sa jeppeny line ay nakabatay pa rin sa tranvia lines. Sinasabing ang jeepney ang kinilala bilang " most photographed object" sa Metro Manila. Ngunit sa kasalukyan makikitang pakonti-konti ng napapalitan ang King Jeepney ng ibang pangtransportayong sasakyan. Marahil dahil na rin sa mag maganda rin ang mga makabagong transportasyong sasakyan sa kasalukyan lalo na ang mga "air-conditioned" na mga sasakyan kung saan mas patok sa mga pasehero at kinikilala bilang "commuter linggo" sa Metro Manila sa kasalukyang panahon.