Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BEING A VISIONARY LEADER

(Ang Pangungunang Mapangarapin)

Bilang mga Lider na napagkatiwalaan na manguna sa loob ng Iglesia, dapat natin maintindihan na sa tuwing
tayo ay tumutupad, ang inaasikaso natin ay hindi lang basta kung ano pa mang bagay, kundi kapakanan at
kaligtasan ng mga Kapatid. Kaya, hindi pwede na ang klase ng pagtupad natin ay “ano pa baga” natin. Dapat
ay maging mataas ang ating mga pamantayan at malawak ang pagtanaw. Ngunit, sino nga ba ang
magkakaroon ng mataas na uri ng mga pagtupad? Sila ay yung mga nagtataglay ng Visionary Characteristic
bilang mga Lider. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang Visionary?

VISIONARY
 (especially of a person) thinking about or planning the future with imagination or wisdom.
SOURCE: Oxford Dictionary
 Mapangarapin
SOURCE: Tagalog to English Dictionary

Samakatuwid, kapag pala ikaw ay isang Visionary Leader, hindi kalang basta kumikilos. Kumikilos ka ng may
pagtanaw sa mangyayari sa hinaharap. Kumikilos ka ng may pangarap at hangarin para sa organisasyon na
iyong kinabibilangan.

BAKIT ANG IBA AY HINDI NAGIGING VISIONARY LEADER?


1. Mayroon silang ibang mas Pinapahalagahan.
2. Hindi nila natatanaw ang sitwasyon ng kanilang Organisasyon
3. Hindi malinis ang layunin sa Pagtupad.
4. Kulang sa Karunungan o Inspirasyon

NEGATIVE TO POSITIVE

HINDI NAGPAPAHALAGA …………… NAGPAPAHALAGA


HINDI TUMATANAW ………………………………….. TUMATANAW
WALANG PAKE ……………………….. NAGMAMALASAKIT

Ngunit, hindi sapat na magkaroon lamang tayo ng hangarin. Dapat ay tiyakin natin na ito ay magkaroon ng
katuparan, dahil doon natin napapatunayan na tayo ay Lider.

“Leadership is the capacity to translate a vision into reality.”


-Warren Bernis

PAPAANO MAGKAKAROON NG KATUPARAN ANG ATING MGA VISION?


1. Magkaroon ng Matinding Hangarin para Magtagumpay
2. Bantayan ang Sarili
3. Manalangin

You might also like