Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAIKLING PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

PANGALAN__________________________________ ISKOR____________________
SEKSIYON____________________________________ PETSA____________________

Panuto :bilugan ang tamang sagot.


1. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari?
a. ebidensya o datos b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon
2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na
maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka video?
a. kapani-paniwala b. nagpapakita
c. may dokumentaryong ebidensiya d. pinatutunayan ng mgadetalye
3. Ano ang tawag sa pahayag kung saan ipinakikita ng salitang ito na angebidensya, patunay at kalakip na datos ay
kapani-paniwala at maaaringmakapagpatunay?
a. pinatutunayan ng mga detalye b. nagpapakita
c. nagpapatunay/ katunayan d. kapani-paniwala
4. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng patunay?
a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap
o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.
b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at kasalungat ng isang salita.
c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata.
d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at kaantasan ng wika.
5. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?
a. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga
nasalanta.
b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
c. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.
d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong
piso para sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Para sa Bilang 6-15.


Panuto: Kilalanin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi. Isulat ang P kung nagbibigay ng patunay at
DP kung hindi.

______6. Nakatanggap ang mga taga-Santa Clara County ng pag-apruba ng CDC


upang maisagawa ang unang pagsubok ng COVID-19 sa kanilang laboratoryo
ng pampublikong kalusugan noong ika-26 ng Pebrero taong 2020.
_______7. Mahalagang maging handa tayo sa anumang sakuna na darating sa ating buhay.
_______8. Marami sa atin ngayon ang labis na nahihirapan dahil sa pandemyang ating nararanasan.
______ 9. “No Vaccine, No Classes.” Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address ngayong
taon.
_______10. Noong ika-5 ng Agosto taong 2020, inilabas ng Departamento ng Edukasyon na mayroon ng 47,587 aktibong
kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
_______11. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa mgakababaihan.
_______12. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang masolusyunan ang mga problema na
may kaugnayan sa karahasan at pangaabuso sa mga kababaihan.
_______13. Tuluyan nang ipinasara ng House of Representative ang pinakamalaking broadcasting network sa Pilipinas
na ABS-CBN Corporation noong ika-10 ngHulyo taong 2020.
_______14. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating saligang batas.
Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.
_______15. Huwag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media dahil baka
ito ay fake news lamang.

You might also like