Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Department of Education

Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY

DIVISION DIAGNOSTIC TEST


Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 1

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa


patlang ang titik ng tamang sagot.

______ 1. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi tungkol sa interes o gustong


gawin?
A. nag - eensayo ng sayaw
B. nakaupo
C. nakatayo
D. natulog

______ 2. Alin sa mga pahayag ang hindi nagpapakita ng pagkilala sa sariling mga
gusto o kayang gawin?
A. Tinuruan ni Gino ang kanyang mga kaklase sa pagtugtog ng gitara.
B. Palaging sumasali sa mga patimpalak si Lino kahit magaling ang
kanyang mga kalaban.
C. Mahiyain si Ana kaya ayaw niyang sumali kahit magaling siya sa
pagtula.
D. Nakikinig pa rin si Rica sa mga payo ng kanyang magulang upang mas
mapaganda ang kaniyang pagguhit.

______ 3. Sa anong paraan maipapakita ang pagtitiwala sa sariling kakayahan?


A. Hindi ipagpapatuloy ang mga mahihirap gawin.
B. Matatakot at mahihiya ka na gawin ang isang bagay.
C. Kailangang linangin at huwag ikahiya ang nakakayanang gawin o talento.
D. Makakamit ang tagumpay kung palaging nakadepende sa ibang tao.

______ 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gawain tungo sa


pagkakaroon ng mabuting kalusugan?
A. paglalaro ng cellphone
B. pagkain ng mga prutas at gulay
C. pagkain ng junk foods sa almusal
D. pagsuot ng mga labahang damit
______ 5. Ang mga sumusunod ay gawaing nakabubuti sa kalusugan maliban sa
isa. Alin dito?
A. Pagkain ng mansanas kahit hindi hinugasan.
B. Paminsang pagkain ng kendi at tsokolate.
C. Pagpunas sa katawan ng malinis na tuwalya tuwing pinapawisan.
D. Limitahan ang paglalaro ng mobile games upang hindi sumakit ang mata.

______ 6. Gutom na gutom ka na ngunit nakita mo na abala pa ang iyong ina sa


paghahanda ng inyong pagkain. Ano ang dapat mong gawin upang sabay kayong
pamilya kumain?
A. Titingnan ko lang ang aking ina.
B. Aalis ako at babalik lamang sa oras ng kainan.
C. Maghihintay ako na tawagin kung kami ay kakain na.
D. Tutulungan ko ang aking ina upang sabay kaming lahat sa pagkain.

______ 7. Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit


sa kasapi ng pamilya?
A. Magnakaw ng biskwit sa tindahan.
B. Tumulong sa kapatid ng may suhol.
C. Sigawan ang mga kasambahay.
D. Pag-aalaga sa kasapi ng pamilya na may sakit.

______ 8. Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa


mga magulang?
A. magmano sa lolo at lola
B. sumagot nang pasigaw
C. sumagot kahit hindi kasali sa usapan
D. hugasan ang mga pinggan nang padabog

______ 9. Tinanghali ka ng gising. Mahuhuli ka na sa iyong klase kaya hihingi ka


ng tulong sa inyong kasambay. Ano ang dapat mong sasabihin?
A. Ate, magluto ka na agad.
B. Ate, bilisan mo mahuhuli na ako sa klase!
C. Ate, bakit hindi mo ako ginising?
D. Ate, maaari mo ba akong tulungan upang mahabol ko ang aking klase.

______ 10. Ano ang iyong maitutulong sa kapitbahay mong nasunugan?


A. yayain silang maglaro
B. bigyan sila ng laruan
C. bigyan sila ng pagkain
D. bigyan sila ng mga butas na damit
______ 11. Gusto mong uminom ng tubig, ngunit hindi mo maabot ang
kinalalagyang ng mga baso. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro upang
matulungan ka?
A. Mam, pakikuha po ng baso.
B. Mam, bilis kunin mo ang baso.
C. Mam, akin na ang baso.
D. Mam, kunin mo ang baso.

______ 12. Kung ikaw ang papipiliin sa iyong magiging kaibigan, sino sa
sumusunod ang pipiliin mo?
A. Kaibigang pasaway sa mga magulang.
B. Kaibigang marunong makinig sa utos ng mga magulang.
C. Kaibigang nagdadabog ng mga paa kapag inuutusan.
D. Kaibigang pasigaw kung sumagot kapag tinatanong

______ 13. Nakapulot ka ng lapis ilalim ng iyong upuan, ngunit hindi mo ito pag-
aari. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibibigay ko sa aking guro upang maipaalam sa lahat.
B. Ibibigay ko ito sa aking nakababatang kapatid.
C. Itatago ko ito sa aking bag.
D. Itatapon ko ito sa basurahan.

______ 14. Nag-iisa ka lamang sa inyong bahay dahil may pinuntahan ang iyong
mga magulang. Pinuntahan ka ng iyong kaibigan upang mamasyal. Gusto mong
mamasyal, ngunit hindi pa nakauwi ang iyong mga magulang . Ano ang nararapat
mong gawin?
A. Hindi ko siya papapasukin sa bahay.
B. Sasama ako sa aking kaibigan dahil hindi pa nakauwi ang
aking mga magulang.
C. Tatanggihan ko ang aking kaibigan dahil hindi ako
nakapagpaalam sa aking mga magulang.
D. Sasabihan ko ang aking kaibigan na tawagan ang aking
mga magulang upang ipagpaalam niya ako sa kanila.
______ 15.Tinawag ka ng iyong ina na huminto na sa paglalaro dahil oras na ng
pag-aaral ng iyong leksyon. Ano ang iyong gagawin?
A. Susundin kaagad ang sinabi ng ina.
B. Hindi makikinig sa pagtawag ng ina.
C. Magagalit sa iyong ina at ipagpatuloy ang ang paglalaro.
D. Sasabihin mo sa iyong ina na hindi ka na mag-aaral dahil
alam mo na ang inyong leksyon.

______ 16. Isa sa mga ipinagbabawal sa paaralan ay ang pagtatapon ng basura


kahit saan. Ano ang dapat mong gawin sa pinaglalagyan ng iyong pagkain
pagkatapos mong kumain?
A. Itatapon sa likod ng bintana.
B. Ilalagay sa ilalim ng upuan.
C. Itatapon sa tamang basurahan.
D. Itatago sa bag ng aking kaklase.

______ 17. Sa oras ng recess, anong uri ng pagkain na makabubuti sa kalusugan


ang dapat mong bibilhin sa canteen?
A. lollipop at ice candy
B. softdrinks at kendi
C. junk foods
D. sopas at puto

______ 18. Nag-aral ka ng inyong leksyon. Binigyan mo ang iyong nakababatang


kapatid ng gusto niyang laruan upang hindi ka nito aabalahin. Ano kaya ang
maaaring maging reaksyon ng iyong kapatid?
A. Iiyak siya.
B. Magagalit siya.
C. Magpapasalamat at matutuwa siya.
D. Magpapatuloy ito sa pang-aabala sa iyo.

______ 19. Kung ikaw ay papipiliin sa iyong magiging kaibigan? Sino sa kanila
ang iyong pipiliin?
Si Rita na batang pasaway.
Si Ana na batang naiingit kung ano ang mayroon sa iba.
Si Mila na batang mapagmataas.
Si Rita na batang mapagkumbaba.

A. si Rita
B. si Ana
C. si Mila
D. si Dora

______ 20. Nakita mo na ang lahat ng mga kasapi ng inyong pamilya


nagtutulungan sa paglilinis ng bahay. Sa anong paraan ikaw ay makatutulong?
A. manood ng telebisyon
B. maglaro ng cellphone
C. mag-utos kung ano ang kanilang gagawin
D. magwalis sa sahig at magpunas ng mesa

______ 21. Nagtanong ang iyong guro kung sa anong pamamaraan mo maiiwasan
ang pagkalat ng basura sa loob ng inyong silid-aralan. Ano ang maaari mong sagot
sa kaniyang tanong?
A. Itapon ang basura sa tamang basurahan.
B. Ilagay ang basura sa bag ng aking kaklase.
C. Ipunin ang basura sa gilid ng silid-aralan.
D. Isuksok ang basura sa upuan.
______ 22. May mga walang laman na lata sa inyong kusina. Sa anong paraan mo
ito mamaaring magamit muli o maresiklo?
A. Ibaon ito sa lua upang maging abono.
B. Gawin itong lagayan ng bolpen at lapis.
C. Itapon ito sa basurahan.
D. Ikalat ito sa daan.

______ 23. Kaninong mga utos ang nararapat sundin ng isang batang katulad mo?
A. sa kapitbahay
B. sa mga kaibigan
C. sa mga nakakatanda
D. sa mga magulang at nakakatanda

______ 24. Ano ang maaaring mangyari kung ang isang bata ay sumusunod sa
mga utos ng kaniyang mga magulang at ng mga nakakatanda?
A. kalungkutan sa buong pamilya
B. magiging magulo sa bahay
C. magagalit ang mga magulang
D. may saya at kapayapaan sa bahay

______ 25. Nalaman mong hindi kumakain ng karne ng baboy ang kaibigan mong
isang Muslim. Anong pagkain ang ihahain mo sa kaniya kung yayayain mo siya sa
iyong kaarawan?
A. nilagang karne ng baboy
B. nilaga na sariwang isda
C. adobong karne ng baboy
D. prito na karne ng baboy

______ 26. Naimbitahan si Mika ng kaniyang kaibigang isang Muslim na sumama


sa kanilang pagsimba. Nakita niya na sila ay nakadapa sila sa kanilang pagdarasal.
Tahimik lamang siya habang nagmamasid sa pamamaraan ng kanilang pagsimba.
Tama ba ang ginawa ni Mika?
A. Hindi, dahil hindi niya sinaway ang kaniyang kaibigan.
B. Hindi, dahil hindi siya sumali sa pagdarasal ng kaniyang
kaibigan.
C. Oo, dahil nagpakita siya ng paggalang sa paniniwala ng
kaniyanG kaibigan.
D. Oo, upang magiging katawa-tawa ang pagdarasal ng
kaniyang kaibigan.

______ 27. Sino sa mga bata sa ibaba ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala
ng ibang relihiyon?
A. Si Rena na pinilit na pakainin ng sitsarong baboy ang kaibigan na isang
Muslim.
B. Si Lita na tinawanan ang kaklase nang makita ang marka na krus sa noo
nito.
C. Si Ben na sinigawan ang kanilang kapitbahay nang marinig ang
pagpapatugtog nito ng awiting pangsimbahan.
D. Si Gino na tahimik lamang habang dumaan sa mga nakaluhod na
nananalanging mga tao sa loob ng isang simbahan.

______ 28. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagsunod sa mga gawaing
panrelihiyon?

A. B.

C. D.

______ 29. Sa anong paraan iyong maipakikita ang pagsunod sa gawaing


panrelihiyon sa inyong pamilya?
A. Hindi ako makikinig sap ag-uusap ng aking pamilya tungkol sa aming
simbahan.
B. Makiisa ako sa pagdarasal kasama ang ibang kasapi ng aking pamilya.
C. Mag-iingay ako habang nagdarasal ang aking mga magulang.
D. Hindi ako magsisimba kasama ang aking pamilya.

______ 30. Bakit kailangan sa isang batang katulad mo ang pagsunod sa mga
gawaing panrelihiyon?
A. upang magiging mayaman
B. upang makahanap ng mga tunay na kaibigan
C. upang matuwa at masiyahan sa akin ang Dios
D. upang makakuha ng mataas na marka sa paaralan
Inihanda nina:

You might also like