Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Filipino

Ano ang wika?


● Henry Gleason - ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog a pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
● Edward Howard Sturtevant - ito ay isang sistema ng mga arbitraryong
simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao
● Pamela Constantino - ang wika ay maituturing na behikulo ng
pagpapahayag ng damdamin, isang instrument rin sa pagtatago at
pasisiwalat ng katotohanan.

Masistemang Istruktura ng wika


- Tumutukoy sa kaayusan o order.
- Ang wika ay may pattern at istruktura
- Ponolohiya (tungog)
- Morpolohiya (Salita)
- Sinataks (pangungusap)
- Semantiks (Kahulugang nabubuo)
Arbitraryong Simbolo
- Napagkasunduan ng isang grupo ng tao na mayroong isang kultura
- Ang mga simbolo ito ay binubuo ng mga tunog na may katumbaaas na
kahulugan
Kultura
- Paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao
- Wala namang katumbas ng salita ang mga pilipino sa salitang snow
- Halimbawa: Rice, palay, kainin, bigkas
Dinamiko o Bukas sa pagbabago
- Ang wika ay nagbabago dahil sa pangangailangan ng tao at sa
pag-usbong ng iba't ibang grupo sa bansa.
- Halimbawa: Lol, shookt,beshie

Mga mahalagang konsepto kaugnay sa wika


● Dayalekto
- Ang pagkakaiba-iba sa isang wika dulot ng sosyo heograpikong
kadahilanan
- Baryasyon sa loob ng wika kung saan mayroong pagkakaiba ng
wikang sinasalita
- Halimbawa: Filipino Waray, Filipino Ilocano
● Bernakular
- Tinatawag ding wikang panrehiyon
- Ay mga katutubong wika sa isang lugar o Kommundad
- Halimbawa: Wikang Ilocano, Wikang Waray
● Lingua Franca
- Tinatawag na wikang komon
- Ang wikang ginagamit ng dalawang tao na may magkaibang unang
wika
● Wikang Pambansa
- Artikulo XIV, Seksyon 6 ng konstitusyon ng 1987, ang wikang
pambansa ng pilipinas ay Filipino
● Wikang Opisyal
- Konstitusyon 1987 sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay
filipino.
● Wikang Panturo
- Artikulo XIV, Seksyon 6, itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal ng na komunikasyon pagtuturo sa sistemang
pang edukasyon.
● Tagalog
- Wikang katutubo o dayalektong umiiral sa isang partikular na
pangkat o rehiyon sa Pilipinas
● Pilipino
- Mga mamamayan ng bansang Pilipinas
● Filipino
- Pambansang wika ng Pilipinas sa kasalukuyan, alinsunod sa
Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6-9
● Bilinggwalismo
- Ang tawag sa dalawang wika
- Ang tawag sa taong kayang magsalita ng dalawang wika
● Multilinggwalismo
- Ay tumutukoy sa higit na dalawang wika
- Tawag sa taong kayang magsalita ng higit sa dalawang wika ng
pantay na kahusayan.
● Homogeneous
- Ay tumutukoy sa isang lugar na mayroong iisang wika at walang mga
baryasyon, diyalekto o pagkakaiba
● Heterogenous
- Ay tumutukoy sa sitwasyong pangwika kung saan maraming
sinasalita, dayalekto, o baryasyon ang isang lugar o komunidad.
● Unang wika at ikalawang wika
- Ang unang wika ay tinatawag ding inang wika o sinusong wika dahil
ito ang kinamulatan ng isang tao mula ng siyay isinilang
- Ang ikalawang wika naman ang sumunod ng wikang natutunan ng
isang tao

Barayti at Baryasyon sa wika


● Dimensyong Heograpikal
- Nagkaroon ng barayti at baryasyon sa wika dahil sa lugar na
kinalalagyan ng mga nagsasalita
- Halimbawa: Filipino, aso Tagalog (Batangas, Quezon, Nueva Ecija),
binabange
● Dimensyong Sosyal
- Ito ay tumutukoy sa katayuan sa buhay ng isang indibidwal
- Halimbawa: Guro- Lesson plan, Abogado- Legal na dokumento
● Dimensyong Kontekstuwal
- Ang pagkakaiba sa paggamit ng wika batay sa konteksto
- Halimbawa: Reresetahin kita ng gamut ngayon kahit generic pwede
na

Iba pang konseptong nagpapahayag ng Barayti at Baryasyon


● Punto(Accent)
- Ay ang paraan ng pagbigkas na nagpapakilala sa tagapagsalita
kung saan siya nagmula o ang rehiyon na kanyang kinabibilangan
● Istandard ng wika
- Wasto o tamang pagsusulat at pagsasalita ng wikang filipino
● Idyolek
- Ang nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal
na kaugnay ng personal na kakayahan ng tagapagsalita
- Halimbawa: Kalidad ng boses
● Teno/Tono
- Ang iba't ibang antas ng estilo sa pagsasalita
- Pagiging magalang, antas ng pormalidad
- Halimbawa: Maam/Sir
● Mode/paraan
- Ang tawag sa pagkakaroon ng pagkakaiba sa paraan ng pagsulat at
pananalita ng isang tao
● Argot
- Tumutukoy ito sa mga natatanging bokabularyo ng wala sa ibang
wika o maaring isang partikular na grupo kamang
- Halimbawa: Acronyms, abbreviations
● Pidgin
- Ang tawag sa isang barayti ng isang wika na napaunlad para sa mga
gawaing praktikal
- Nobody’s native language
● Creole
- Kapag ang pidigin ay nadevelop at naging unang wika ng isang
komunidad ay tinatawag itong creole
- Halimbawa: Wikang Chavacano

Ang pitong gamit ng wika sa lipunan


● Instrumental
- Pakikipag Ugnayan sa kapwa upang makamit niya ang kanyang
pangangailangan.
- Pamumungkahi, Paguutos
- Halimbawa: “Sasamahan mo naman akong bumili ng sapatos kasi
kailangan ko ng bago bukas”
● Regulatori
- Magkontrol ng tao
- Pagtatakda ng mga patakaran
- Halimbawa: No entry, Left lane must turn left
● Representasyunal
- Pagbibigay at pagbabahagi ng mga mahalagang impormasyon ing
isang tao sa kanyang kapwa
- Magbalita
● Heuristiko
- Pagtiyak na tama ang mga impormasyong nababasa at naririnig
- Halimbawa: Who? Why? Where
● Interaksyunal
- Nakakatulong upang mapanatili ang maayos na pakikitungo at
ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
● Personal
- Ang gamit ng wika kung naipapahayag ng tao ang kanyang sarili,
damdamin,emosyon at opinyon
● Imahinatibo
- Nakabubuo ng sarili niyang senaryo at imahinsayon

Mga Dagdag na Kaalaman Hinggil sa Gamit ng Wika


● Emotive
- Ipinapahayag ang ating damdamin
- Halimbawa: Napakaganda naman ng anak mo sa kagabi
● Labelling
- Ang tao ay nagbabansag at nagbibigay na katawagan
- Halimbawa: Ikaw ay isang it girl
● Expressive
- Ibahagi mo ang sariling opinyon, pananaw, hangarin
- Halimbawa: Tingin ko, mas gusto ko
● Conative
- Makikiusap, manghihikayat, at magpakilos
- Halibawa: Anak! Pumasok ka sa bahay
● Informative
- Pagbabahagi sa ating kausap
- Halibawa: Ang bullying ay
● Phatic
- Pagbubukas ng usapan
- Halimbawa: Kamusta ka?

You might also like