Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of EDUCATION
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Lanuza District

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION


INTEGRATION

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6, Ika-apat na


Markahan
School Year 2021-2022

Date :
Blocks of Time: Work Period 1 (45 Minutes)

Learning Areas: Araling Panlipunan


Domain: Kalusugan Pisikal at Pagpapaunlad ng Kakayahang Motor (KP)

A. Content Standard
 Ang bata ay nagkakaroon ng pang-unawa sa kakayahang
pangalagaan ang sariling kalusugan at kaligtasan.
B. Performance Standard
 Ang bata ay nagpapamalas ng pagsasagawa ng mga
pangunahing kasanayan ukol sa pansariling kalinisan sa
pang-araw-araw na pamumuhay at pangangalaga para sa
sariling kaligtasan.
C. Learning Competency (MELC)
 Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan
tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad
na bansa.
(AP6TDK-IVe-f-6)
I. Layunin

a. Kaalaman- Natutukoy ang ibat-ibang kahalagahan ng


pansariling kaligtasan.
b. Kasanayan-Nasasabi ang ibat-ibang kahalagahan
pansariling kaligtasan.

1
c. Pandamdamin -Maipakita ang kahalagahan ng
pangangalaga sa pansariling kaligtasan.

II. Paksang Aralin


 Pangangalaga sa sariling Kalusugan at Kaligtasan (PKK)

CSE Integration
Demonstrate how to say ‘no”, walk away; talk to trusted adults
(S6A2)

III. Sanggunian:
a) MELC p. 11
b) Comprehensive Sexuality Education K to 12 Curriculum
Guide p. 9
c) Standards and Competencies for Five-Year Old Filipino
Children pp. 6-8
d) Materials: TV, Laptop, Speaker, Pictures, Art Materials

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala sa mga lumiban sa klase
d. Pagpasa ng takdang aralin
e. Pagbigay ng alintuntunin
f. Balik Aral
 Ipagawa sa mga bata sa harap ng klase ang tamang
paraan sa pagligo, pagpalit ng damit, pagsipilyo,
pagsuklay,at iba pang gawaing paglinis ng sariling
katawan.
 Ipaalala sa mga bata na kailangang gawin ang paglinis ng
katawan araw araw at sabihin na huwag ipakita ang mga
masisilang bahagi ng katawan sa mga tawo kung maliligo
at kung magpalit ng damit.

B. Panlinang na Gawain

a. Pagganyak
Ipakita sa mga bata ang awiting tungkol sa “Karapatan ng
mga Bata” gamit ang video clips na kuha sa Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=vlhyXx6Ab2U

2
b. Aktiviti:

Ipalaro sa mga bata ang larong , “Deal or No deal”

Kung ang bata ay sumasangayon gawin ang thumbs up

Kung ang bata ay hindi sang- ayon gawin ang thumbs down

1. Magpaalam sa mga magulang kung lalabas ng bahay.


2. Sasama sa mga taong di kakilala.
3. Maglaro sa kalsada.
4. Umakyat sa bobong ng bahay.
5. Maglaro sa Luneta kasama si Papa at Mama
c. Analisis
Itanong sa mga bata ang sumusunod:

 Ano ang mangyari kung ang bata ay hindi mag


paalam sa mga mgulang kung lalabas ng bahay.
 Sa palagay ninyo masisiyahan ba ang iyong mga
magulang kung gagawin ninyo ito?
 Ikaw ba ay ligtas kung sasama ka sa taong hindi mo
kakilala? Bakit?
 Papayag ka ba na may taong hahawak sa mga
masisilang bahagi ng iyong katawan? Bakit
d. Abstraksyon
Ipaliwanag sa mga bata ang tungkol sa aralin.

 Ngayon pag aralan natin ang tungkol sa pansariling


kaligtasan.
 Dapat nating malaman ang mga dapat gawin para ligtas
tayo sa kapahamakan. Pagiging ligtas sa lahat ng
panahon ibig sabihin na malayo sa panganib ang sarili.
 May narinig na ba kayo na mga balita tungkol sa mga
batang nawawala o na kidnap? May ibang bata ding
biktima ng mga karahasan gaya ng pag-aabuso sa
katawan (Physical abuse) gaya ng pagbugbog ng katawan
o pagmamaltrato sa mga bata.

3
 May mga bata rin na biktima ng sekswal na pang-aabuso
gaya nag paghihipo ng mga masisilang bahagi ng katawan
o panggagahasa (rape)
 Dapat huwag kayong magpaabuso kahit kanino man.
Alamin kung kailan kayo magsabi ng “HUWAG” o “HINDI”
kung sa palagay ninyo na kayo ay inabuso na dapat
ipaalam sa mga taong malapit sa inyo.
.

Paalaala sa guro:
Para sa layunin ng integrasyon kailangan na ipaliwanag ng guro an ka
kahalagahan ng pansariling kaligtasan ng bawat bata gaya nag
pagsabi ng “HUWAG” o “HINDI” at huwag pagsama sa mga taong di
kakilala.

E. Applikasyon: Pangkatin ang mga bata sa tatlo at ipagawa ang

sumusunod.

Unang Pangkat – Pagpapaalam sa nakatatanda kung lumabas


ng bahay.
Pangalawang Pangkat – Huwag sumama sa mga taong di
kakilala
Pangatlong Pangkat – Mag sabi ng “Huwag o Hindi” sa mga
taong hahawak sa masisilang bahagi ng katawan.

Rubriks sa Pagganap
Krayteria 5 pts 3pts 1 pt
Nilalaman Nagpakita ng Kulang ang Walang ipinakita
tamang ideya ipinakita na na ideya
ideya
Kooperasyon Lahat ay Hindi lahat Walang
nagpakita ng nagpakita ng nagpakita ng
pagtulong o pagtulong o koopersayon.
kooperasyon kooperasyon
Pagganap Maganda ang Hindi Magulo ang
pag kaganap sa masyadong pagkaganap sa
harap ng klase maganda ang harap ng klase
pagka ganap sa
harap ng klase

4
F. Pagtataya

Bilugan ang larawang nagpapakita ng pansariling kaligtasan.

V. Mga Tala

V. Pagninilay

Inihanda ni:

HAZEL NALLA
T-I

5
6

You might also like