Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ngayong buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang natin ang Philippine Civil Service

Month bilang pagkilala sa mga tapat na kawani na instrumento sa matiwasay na


pagdaloy at pagpapatakbo ng ating gobyerno.

Kaya naman taas-noo po nating sinasaluduhan ang mga kawani kasabay ng


selebrasyon ng ika-122 taong Anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Patuloy po ang ating pakikiisa at pagsulong sa mga panukalang makakatulong sa mas


maayos na paglilingkod ng ating mga kasamahang nagtatrabaho sa pamahalaan

Ilan sa mga inaabangang aktibidad na nakapapaloob sa isang buwang selebrasyon ay


ang pagsasagawa ng Blood Letting Activity na pangungunahan ng mga empleyado ng
lokal na pamahalaan, Drug Free Workplace Awareness Seminar, LGU Quiz Bee, at
Rewards and Recognition Night upang kilalanin ang mga di matatawarang kontribusyon
ng ating mga kawani sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

Sama sama nating ipakita ang pasasalamat at malasakit sa mahalagang kontribusyon


ng ating mga lingkod bayan. Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng mga Kawani ng
Gobyerno!

You might also like