Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Rewards and Recognition Night”

Ang lokal na pamahalaan narito upang magbigay-pugay;


Rewards and Recognition Night magsisilbing kulay;
Sa mga huwarang tao na nagsilbing tulay;
Nag-alay ng talino’t galing sa serbisyong matagumpay.

Sandali nga lamang, atin muna silang pangalanan;


Ilan sa kanila’y matagal na panahon nang lingkod-bayan;
Katapatan at dedikasyon kanilang puhunan;
Ang panahon at lakas ay malikhain nilang inilaan;

Top 3 Finalist for Best Employee of the Year ating kilalanin


Helen Priscila Contreras, Charlito Raroque at Jose Giovanni Guiamoy;
Ating binabati ang kanilang serbisyong tuloy-tuloy;
Nag-aalab na kagustuhan sa paglilingkod gaya ng apoy.

Best Performing Office atin namang kilalanin;


City Civil Registry Office palakpakan natin;
Serbisyong tapat at secret ingredient ang puhunan;
Tubo nila’y masaya at satisfied na Alaminian.

Dumako naman tayo sa Best Peer Employee of the Year;


Ating saludo kay Dr. Emielou E. Gellado;
Emalyn V. Celino at Jayson R. Castro;
Department Head, Rank and File at Casual na empleyado.

Di pahuhuli ang ating mga masisigasig na Job Order;


Emerson Ravi, Merlinda Extremadura, Gil Dacanay;
Ito pa, Cayzell Joyce Rivera, Leo Asia at Rene Zaldy Gameng;
Sila ang mga bida ngayon sa gabing nagniningning.

Hindi naman natin malilimutan ang ating mga retirees;


Iba’t-ibang pagsubok at panahon kanilang tiniis;
Ating palakpakan, Liberato Reinoso, Rodolfo Carmelo;
Pelagio Enriquez at Rodolfo Domingo.

Crisis Management Team, ang aming papuri;


Salamat sa dedikasyong katangi-tangi;
Sa ating CLGOO, Ma’am Victoria Jean P. Dawis;
Salamat sa gabay na ibinigay, ito’y walang kapares.
Di naman natin malilimutan ang ating mga finalists na naggagalingan;
Maraming salamat, dedikado kahit minsa’y trabaho ay delikado;
Mayor Arth Bryan C. Celeste, aming pagpupugay at lubos na pasasalamat;
Pagmamahal at suporta sa mga empleyado ay sapat na sapat.

Sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentives for Service


Excellence o PRAISE kung tawagin;
Rewards and Recognition Night naisagawa natin;
Mga taong nasa likod ng masaya at prestihiyosong gabi na ito;
Masaya at ganadong empleyado naging produkto.

Silang lahat ay tapat na naglingkod at naninilbihan;


Sa ahensyang lumalago at puno ng kasaysayan;
Itong parangal ay isang katunayan, nararapat silang hindi makalimutan;
Ating pakatandaan, mabuting ehemplo nila’y ating tularan.

Tayo ay kanilang mga katrabaho, kapamilya at kaibigan;


Walang salita ang sapat at makakatapat upang sila’y pasalamatan;
Alay namin ay dalangin para sa patuloy na kalakasan at kabutihan;
Ooops mayroon pa, ang aming nagkakaisang masigabong palakpakan!

You might also like