Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nagtatapos ngayong araw ang apat na batches ng ating Drug-free Workplace Awareness Training na

ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Ang aktibidad na ito ay bilang pagtalima at pagsuporta ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa
Administrasyon upang sugpuin ang iligal na droga at kriminalidad sa bansa.

Hinikayat rin ng kinauukulan ang mga empleyado na tumalima at sumunod sa mga patakaran upang
masugpo ang paggamit sa ipinagbabawal na droga.

Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang lungsod na pinamumunuan ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa
mga speakers na sina City Legal Officer Atty. Melanie P. Aoanan, CGDH-I Dr. Emielou E. Gellado, City
Health Officer Dr. Ma. Victoria O. Carambas at PLTCOL Leonard C. Paredes na nagpresenta ng kanilang
mga bahagi sa napakamakabuluhang aktibidad na ito.

Hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan upang tulungan at bigyan ng dagdag kaalaman ang mga
empleyado ukol sa mga isyung ito na napapanahon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Alaminian.

You might also like