Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
DIVISION OF DAVAO DE ORO
CORAZON C. AQUINO NATIONAL HIGH SCHOOL
C. PAGTALAKA
Y
Pamilya
Ang pamilya ay
itinuturing bilang
pinakamaliit na yunit sa isang komunidad o
lipunan. Ang pamilya ang pangunahing institusyon ng lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang
pagmamahalan.
Uri ng Pamilya ayon sa Kasapi
• Pamilyang Nuclear – ito ay binubuo lamang ng mga magulang at mga
anak.
• Pamilyang Extended – kasama ang lolo, lola, mga tiyuhin at pinsan bukod
sa mga magulang at anak na nakatira sa iisang bahay.
1.
Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan
ng pag – iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay (Dr. Mnauel Dy).
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang
pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin
nitong magbigay – buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang
buhay
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay
sa mabuting pagpapasiya, at paghubog sa pananampalataya.
Ang Pamilyang Nagtutulungan
1. Ang pamilyang nagtutulungan itinutuon ng mga magulang ang pagtuturo sa
kanilang anak ng mga wastong tuntunin at tinutulungan silang gamitin ang
kalayaang pumili.
2. Ang pamilyang nagtutulungan ay pinatatatag ng mga magulang ang
kanilang pamilya.
3. Ang pamilyang nagtutulungan, pinapahalagan ang relasyon sa isa’t – isa.
4. Ang pamilyang nagtutulungan itinuturing na aktibong guro ang mga
magulang.
5. Ang pamilyang nagtutulungan, namumuno ang mga magulang sa
pamamagitan ng mga halimbawa.
6. At sa huli ang pamilyang nagtutulungan, tinuturuan ng mga magulang ang
kanilang mga anak na sumampalataya sa Panginoon.

D. PAGLALAHAT
1. Mahalaga ba ang pamilya para iyo? Sa lipunan?

E. PAGLALAPAT
Panuto: Isa – isahin ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong
nakapupulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyong
sarili. Upang mas maliwanangan may mga halimbawa sa ibaba. Isulat ang
sagot sa kwaderno

Halimbawa:
✓ Natutuhan kong magpasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay at
pagtulong sa kapwa.
✓ Kapag ako ay napagalitan napagtatatanto ko na ito ay para sa aking
kabutihan.

F. PAGTATAYA
Maramihang Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan?
a. Simbahan
b. Paaralan
c. Pamilya
d. Barangay
2. Kasama ko si Mama, Papa at aking mga kapatid sa iisang bahay. Anong
uri ng pamilya ito?
a. Buong pamilya
b. IIsang pamilya
c. Extended na pamilya
d. Nuclear na pamilya
3. Kasama kong nakatira sa iisang bahay ang aking lolo, lola, ama, ina at mga
kapatid. Anong uri ng pamilya ito?
a. Buong pamilya
b. IIsang pamilya
c. Nuclear na pamilya
d. Extended na pamilya
4. Paano nabubuo ang isang pamilya?
a. Dahil sa pera
b. Dahil sa pasisikap
c. Dahil sa pagtitiwala
d. Dahil sa pagmamahalan
5. Sinasabing ang ama ang haligi ng tahanan, sino naman ang ilaw ng
tahanan?
a. Lola
b. Tita
c. Ate
d. Ina

IV-KASUNDUAN
Panuto: Sa isang kalahating papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakitmahalagang maglaan ng panahon sa pamilya?
2. Ano ang karanasan mo sa iyong pamilya na tunay na nakatutulong sa iyo
bilang anak?

Inihanda ni:
Meljane P. Estomata
Teacher I
Inaprubahan ni:
Hilda D. Gales, EdD.
Head Teacher II/School In-Charge
CORAZON C. AQUINO NATIONAL HIGH SCHOOL
Purok 11, Baclog, Osmena, Compostela, Compostela Valley Province

“Oasis of Dreams”
School I.D. 315820

You might also like