Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

BAHAGI NG

PANANALITA
PART OF SPEECH
BAHAGI NG PANANALITA

01. PANGNGALAN/NOUN 06. PANGATNIG/CONJUCTION


02. PANGHALIP/PRONOUN 07. PADAMDAM/INTERJECTION
PANG-URI/ADJECTIVE 08. PANTUKOY/ARTICLE
03.
09. PANG-UKOL/PREPOSITION
04. PANDIWA/VERB
10. PANG-ANGKOP/LIGATURE
05. PANG-ABAY/ADVERB
PANGAWING/LINKER
11.
PANGNGALAN NOUN
-salitang tinutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay,
hayop o pangyayari.

TAO ate, lola, Xyra, anak, magulang

HAYOP pusa, aso, kuneho

LUGAR Cavite, paaralan, simbahan

PANGYAYARI Pasko, kaarawan, araw ng mga guro


URI NG PANGNGALAN
PANTANGI (proper noun)
Itoaymga pangngalang tumutukoy sa mga tiyak o
tanging pangngalan ng tao, bagay, lugar, hayop,
gawain,at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
PAMBALANA (common noun)
Ito ay pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, hayop,
at pangyayari. Ang mga pangngalang ito ay di-tiyak,
walang tinutukoy na tiyak o tangi. Maliit na titik ang
simula ng mga salitang ito.
PAMBALANA PANTANGI

kapatid Ate Xyra

bansa Switzerland

sapatos Adidas
PANGHALIP PRONOUN

-panghalili ng mga pangngalan.


1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
Halimbawa:
ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya,
kanila, siya, kanya

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)


malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire, malapit
sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan, malayo sa
nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)


Halimbawa:
lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

5. Panghalip na Pamanggit
Halimbawa:
na, -ng
PANG-URI ADJECTIVE

-salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng


pangngalan at panghalip.

Kaantasan:
1.Lantay na Pang-uri
2.Pahambing na Pang-uri
a.Magkatulad na paghahambing
b.Di-magkatulad na paghahambing
3.Pasukdol na Pang-uri
Lantay na Pang-uri:
Ang lantay na pang-uri ay nagpapakita o nagsasaad ng isa o
payak na pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
Halimbawa:
Si Timothy ay mataba.
Bago ang aking damit.
PAHAMBING na Pang-uri
Ang pahambing na pang-uri ay sinasaad ang pagkakatulad
ng dalawang pangngalan o panghalip.
1. Pahambing na Magkatulad
Ang pahambing na magkatulad ay isinasaad nito
ang pagkakaktulad ng katangian ng dalawang bagay na
pinaghahambing. Ginagamitan ng mga panlaping ka-,
ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
Halimbawa:
Singgaling ni Tina si Stella sa pagsasayaw.
Magsingliit kami ni Mariel.

2. Pahambing na Di-Magkatulad
Ang pahambing na di-magkatulad ay isinasaad nito ang
di-pagkakatulad na paghahambing. Ito ay nagbibigay ng diwa ng
pagkakait, pagtanggi o pagsalungat. May dalawa rin itong uri –
ang pahambing na palamang at pahambing na pasahol.
Halimbawa:
Di-hamak na mas maputi ako kaysa sa kanya.
Ang proyekto mo ay higit mas pinag-isipan kaysa
sa akin.
a. Pahambing na Palamang
Ang pahambing na palamang ay nagsasaad ng higit na
katangian sa pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang higit,
mas-, di-hamak at lalo. Katuwang nito ang mga salitang kaysa o
kaysa kay.

b. Pahambing na Pasahol
Ang pahambing na pasahol ay nagsasaad ng katangiang kapos
o kulang sa pinaghahambingan. Ginagamit dito ang mga salitang di-
gaano, di-tulad ni o di-tulad ng, di-gasino, di-masyado, at marami
pang iba.
PASUKDOL na Pang-uri
Ang pasukdol na pang-uri ay nagsasaad ng katangiang
namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ito
ay maaaring negatibo o positibo.
Ang paglalarawan dito ay sadyang masidhi kaya ginagamit
ang mga salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan at
kung minsan ay inuulit ang pang-uri.
Halimbawa:
Pinakamahusay si Philip sa aming klase.
Tunay na ligaya ang makasama kita.
PANDIWA VERB
-bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos.

URI:
1.Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa naisagawa

2.Aspektong Nagaganap o Imperpektibo


Ito ay nagsasaad ng kilos na ginagawa o kasalukuyang
nangyayayari.

3. Aspektong Naganap o Perpektibo


Ito ay nagsasabi ng kilos na natapos na natapos na.
PANG-ABAY ADVERB
-naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay

URI:
1.Pang-abay na Pamaraan
-nagsasad kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na, o -ng.

2. Pang-abay na Pamanahon
-nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may
pananda, ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas.
URI:
A. Pamanahong may Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung,
kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o hanggang.

B. Pamanahong Walang Pananda


Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali, atbp.

C.Pamanahong Nagsasaad ng Dalas


Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas.
Halimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw, taun-taon,
tuwing, oras-oras, linggo-linggo, atbp.
3. Pang-abay na Panlunan
-Nagsasaad kung saan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa,
kina, o kay.

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang


pambalana o isang panghalip.
Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantangi na pangalan ng isang tao.

4.Pang-abay na Pang-agam
-nagbabadya ng di-katiyakan o pag-aalinlangan sa pagganap sa
kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, o parang.
5.Pang-abay na Ingklitik o Kataga
-mga kataga na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita
sa pangungusap.
Ang mga ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at daw/raw.

*ba – nagsasaad ng pagtatanong na nagbibigay- diin sa


pangungusap
*daw o raw – ginagamit sa di-tuwirang pahayag
*din o rin – nagsasaad ng pagsang-ayon
*kasi – nagpapahayag ng pagdaramdam, pagsisisi, o paninisi
*kaya – nagpapahiwatig ng pag-aagam-agam
*
*man – nagsasaad ng pinakamaliit na aksyon
*muna – nagsasaad na may gawain pa o ng paghihintay
*na – nagsasaad ng natapos na o nagawa na
*nga – nagsasaad ng pagpapatunay o pagsang-ayon
*pa – nagsasaad ng karagdagan
*pala – nagsasaad ng pangyayaring hindi inaasahan
*sana – nagpapahiwatig ng nais mangyari
*yata – nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakan

6.Pang-abay na Benepaktibo
-nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap
sa kilos ng pandiwa o layunin ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng panandang para sa.
7.Pang-abay na Kusatibo o Kawsatibo
-nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng parirala na pinangungunahan ng dahil sa.

8.Pang-abay na Kondisyonal
-Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na
isinasaad ng pandiwa. Ito ay may pariralang kung, kapag/pag, o
pagka.

9.Pang-abay na Pamitagan
-Ito ay nagsasad ng paggalang. Ginagamitan ito ng mga salitang
po, opo, ho, o oho.
10.Pang-abay na Panulad
-Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Ito ay
ginagamitan ng salitang kaysa.

11.Pang-abay na Pananggi
-Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay ginagamitan ng
mga pariralang hindi, di at ayaw.

12.Pang-abay na Panggaano o Pampanukat


-Nagsasaad ang pang-abay na panggaano ng timbang, bigat, o
sukat. Ito ay sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

13.Pang-abay na Panang-ayon
-Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre.
14.Pang-abay na Panturing
-Ito ay nagpapahayag ng pagkilala o pagtanaw ng utang na loob.

15.Pang-abay na Pananong
-Ito ay ginagamit sa pagtatanong hinggil sa pandiwa, pang-uri o
pang-abay.

16.Pang-abay na Panunuran
-Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod sa panahon o
pagkakalagay.

17.Pang-abay na Pangkaukulan
-Ito ay ginagamitan ng mga salitang tungkol, hinggil, o ukol.
PANGATNIG CONJUCTION

-ginagamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay


upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang
pahayag.Halimbawa: subalit, samantala, saka, kaya, dahil
sa, sa wakas, sa lahat ng ito, kung gayon.

Halimbawa:
a. Si Nena ay ginugulo ng kaniyang kapatid habang nag aaral
subalit hindi siya nagpatinag at patuloy siyang nag aral.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay hindi.
c. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
PADAMDAM INTERJECTION

-pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.


Nagsisimula ito sa malaking titik at gumagamit ng bantas
na tandang padamdam (!).

Halimbawa:
Wow! Ang gandang laruan niyan!
Naku! Nasira ang laruan mo!
PANTUKOY ARTICLE/DETERMINER

-ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan.

Ang "ang," "si," ni" at "kay" ay ang mga pantukoy na


ginamit kung ang tinutukoy nito ay pang-isahan.
Ang "ang mga," "sina," nina" at "kina" ay ang mga
pantukoy na ginamit kung ang simuno ay
pangmaramihan.
PANG-UKOL PREPOSITION

-Ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o


panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Mga
halimbawa ng pang-ukol:sa, nasa, para sa, ayon, para
kay, tungkol sa, na may

Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kalalakihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa napagdaanan niya.
PANG-ANGKOP LIGATURE

-Ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang


salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito
at magkaroon ng ugnayang panggramatika.Ang pang-
angkop ay mayroon ding tatlong uri ng pang-angkop at
ito ay ang mga katagang "na", "ng" at "g".
Pang-angkop na "NA"
- nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N.
Halimbawa:
Tumalon si Anna sa malalim na bangin dahil sa kilig.
Pang- angkop na "NG"
- isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig o vowel
(a.e.i.o.u).
Halimbawa:
Gusto ni Lucia na buo-ng buo ang pagmamahal ni Gaston sa kanya.

Pang- angkop na "G"


- ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa katinig
na N.
Halimbawa:
Gustong- gusto ni Christian na pumunta sa aliwan-g pambata.
PANGAWING LINKER

-Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-


karaniwang ayos. Halimbawa nito ang salitang AY.

Halimbawa:
Kayo ay magagaling sa klase.
Si Jhoern ay madaldal.
MARAMING SALAMAT!

You might also like