Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Politika

Naging ‘blockbuster’ ang Eleksyon 2022 sa Pilipinas na umarangkada nitong Lunes ng


umaga, Mayo 9, matapos na pilahan ng mga botante ang mga polling precincts upang
makaboto.

Ikinatuwa naman ito ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) dahil


indikasyon anila ito na nais ng mga Pinoy na marinig ang kanilang mga tinig sa
pamamagitan nang paglahok sa halalan.

“Blockbuster. The long lines are magnificent. Filipinos wanted to be heard and heard
loudly,” ayon kay Comelec Commissioner George Garcia sa isang mensahe sa mga
mamamahayag.

Nabatid na pasado alas-5:00 pa lamang ng madaling araw ay marami na ang mga


botanteng nagtutungo sa mga polling precincts upang mauna sa pila, partikular na ang
mga kailangang pumasok pa sa trabaho.

May ilan namang nakaranas ng mga aberya, kabilang na rito ang problema sa vote-
counting machines (VCM) sanhi upang bahagyang maantala ang botohan doon.

Maliban sa ilang lugar, ang halalan sa bansa ay nagbukas dakong alas-6:00 ng umaga
at inaasahang magtatapos hanggang alas-7:00 ng gabi.

Naging mahigpit naman ang pagpapatupad ng mga otoridad sa health and safety
protocols sa mga polling precincts.

Ang lahat ng mga botante ay kailangang nakasuot ng face masks.

Kinakailangan din muna ng mga botante na pumila bago magpakuha ng kanilang mga
temperatura.

Ang mga mababa ang temperatura ay kaagad na pinadidiretso sa kanilang polling


precincts habang ang mga mataas ang temperatura ay pinagpapahinga muna ng ilang
minuto at saka isasailalim muli sa temperature check. 

Sakaling mataas talaga ang temperatura nito ay papupuntahin ito sa isolation polling
precincts (IPPs) kung saan pinaboboto ang mga taong kakikitaan ng sintomas ng
COVID-19.

Una nang sinabi ng Comelec na dahil pampanguluhan ang halalan ay inaasahan nilang
magiging mataas ang voter turnout ngayong taon.

Mahigit sa 65 milyong botante ang inaasahang lalabas ng kanilang mga tahanan upang
makaboto para sa Eleksyon 2022. 
Balitang Showbiz

Binatikos ni Mocha Uson si Toni Gonzaga dahil sa pahayag ng huli na si presidential


candidate Ferdinand Marcos, Jr. ay nakatakda na umanong magbalik sa kanyang tahanan
sa Malacañang Palace.

Ang pahayag ni Gonzaga, ay sa gitna ng kampanya ni Marcos sa Cebu.

Pagpuna ni Uson, hindi maganda ang sinasabi ni Gonzaga, at napaghahalataang umanong


wala itong alam sa public service.

Paalala pa ni Uson, ang Malacañang ay pagmamay-ari ng bawat Pilipino, at ito ay opisina


lamang ng public servant ng ating bayan.

Para kay Mocha, tila ipinapahiwatig ng aktres na tila ginawa talaga noon ng pamilya Marcos
ang Malacañang bilang tahanan at ngayon ay babalik muli para angkinin ito.

Sports News
Sinunog ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa Game 2 ng NBA western conference
semi-finals para angkinin ang 2-0 lead sa serye.

Humakot ng 59 combined points sina Devin Booker at Chris Paul at tinambakan ang Dallas
129-109.

Susi sa panalo ang mainit na 4th quarter run ng Suns para lumayo mula sa pumapalag na
Dallas.

Nagtala ng 35 points si Luka Doncic para sa Mavs subalit kulang ang nakuha nitong tulong
sa opensa mula sa kanyang teammate.

Sa ibang laro, 2-0 na rin ang standing sa East semis pabor sa Miami Heat kung saan
kalaban nito ang Philadelphia 76ers.

Tinalo ng Heat ang 76ers sa Game 2, 119-103.


Pulis report
Isang pulis ang nahuli-cam na nagwala at nanutok ng baril sa isang lalaki sa Quezon City.
Ang sinasabing ugat ng init ng ulo ng pulis, ang pakikipaghiwalay sa kaniya ng nobya.

Nangyari ang insidente noong nakaraang Biyernes sa labas ng isang bahay sa Barangay
Pasong Tamo.

Naging mainit ang pakikipagsagutan ni Hernandez sa lalaking live in partner ng kapatid


ng kaniyang nobya.

Hindi nagtagal, naglabas na ng baril si Hernandez at tinutukan ang kasagutang lalaki.


Pilit namang inaawat ng nobya ang pulis.

Nang makatakbo sa loob ng bahay ang lalaki, umalis na si Hernandez, na nakatalaga sa


drug enforcement unit sa isang police station sa QC.

Pero bago ang pakikipagkomprontasyon ni Hernandez sa lalaki, nauna na palang


nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang pulis at ang kaniyang nobya na nakikipaghiwalay
na sa kaniya.

Hindi rin pala ito ang unang pagkakataon na nagwala si Hernandez lalo na kapag lasing
umano. Inireklamo na rin siya noon pero iniurong ito matapos na mangakong hindi na
uulitin ang ginawa.

Ayon sa lalaking tinutukan ng baril, napasugod siya sa bahay nang tawagan siya ng
kaniyang partner dahil nagwawala si Hernandez at pinagbabantaan ang kanilang buhay.

Inalis na sa puwesto si Hernandez at inilipat na sa personnel holding and accounting unit


sa Camp Karingal, at hindi na nakuhanan ng kaniyang panig.

Mahaharap siya sa patong-patong na reklamo, kasama na ang administratibo na posibleng


ikasibak niya sa trabaho.

--FRJ, GMA News

You might also like