Nakakapag-Sort at Filter NG Impormasyon Gamit Ang Electronic Spreadsheet Tool - Unang Araw

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa EPP 4 Entrepreneurship at Information Communication Technology (ICT)

4.3 nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool

I. LAYUNIN

1. Natutukoy ang proseso ng pag-sort ng impormasyon


2. Nakatatamo ng kasiyahan sa paglahok sa mga pangkatang-gawain
3. Nakakapag-sort ng impormasyon gamit ang Electronic Spreadsheet Tool

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa : Pag-sort at Pag-filter ng Impormasyon gamit ang Electronic Spreadsheet
Tool
Sanggunian : K to 12 CG p. 6 EPP4IE0h-15 p.7
Aklat:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-aaral )
Samadan, Efren F. Lalaguna, Marlon L. Laggui, Virgilio L. Marilou E.
Benisano, Marta R. 2015 Vibal Group Inc. p. 140-149
Online Resources : SDO-QC LR
Kagamitan : laptop, manila paper, markers
Araw : 2 – Unang Araw
Integrasyon : Araling Panlipunan, MAPEH (Health) Values Education at GAD

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paksa: Paggawa ng Table at Tsart gamit ang Electronic Spreadsheet Tool
Anu-ano ang mga proseso sa paggawa ng Table at Tsart gamit ang E-
Spreadsheet?
2. Pagsasanay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbangin sa pamamagitan ng paglalagay ng titik
( A-Unang Hakbang…E-panlimang hakbang)

________1. Pagkatapos i-highlight ang mga cell na naglalaman ng datos, i-click ang insert-
tab.
_________2. Gamit ang mouse, piliin ang cells na naglalaman ng datos na gagamitin para sa
tsart.
_________3. Pagkabukasa ng mga options sa ribbon ng insert tab, piliin ang klase ng tsart na
nais gamitin sa Charts group.
_________ 4. Pagkalitaw ng tsart sa spreadsheet, i-save ang file sa inyong folder.
_________5. Pagkabukas ng file na spreadsheet table, gumawa ng tsart mula sa datos dito.

3. Pag-alis ng Balakid

Sort- isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang maisaayos ang mga
listahan ng numerikal na tekstwual na datos.
B. Gawaing Pagganap o Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
a. Bumuo ng apat na pangkat.
b. Bawat grupo ay bibigyan ng guro ng impormasyon tungkol sa mga presyo ng produkto.
c. Maguunahan ang bawat grupo sa pagsasaaayos ng impormasyon at paggawa ng
sumusunod na ulat.

2. Itanong ang mga sumusunod:

1. Naging madali ba ang mga pagsubok sa palarong ito? Bakit?


2. Sa unang pagsubok , paano ninyo isinaayos ang impormasyon upang maibigay ang tamang
ulat?

C. Paraan ng Pagganap:

1. Pagpapalalim

PAG-SORT NG MGA TEKSTUWAL NA IMPORMASYON

1. Ipakita sa klase (COMPUTER LABORATORY) ang paraan o proseso ng pag-sort ng


mga tekstuwal na impormasyon gamit ang E-Spreadsheet tool.

A. Buksan ang SchoolSupplies.xlsx file gamit ang inyong electronic spreadsheet

B. Gamit ang mouse, piliin ang cell range ng mga datos sa hanay ng Code No. School
Supplies at halaga ( Cell B2-Cell C12)

C. I-click ang Data Tab, piliin ang Sort Button


D. Magbubukas ang Sort-Dialog Box.

E. Sa Column, i-click ang drop down arrow ng Sort by na box. Piliin ang School Supplies.

F. Sa order, i-click ang drop-down arrow at piliin ang A-Z


G. I-click ang OK. Pansinin na sa listahan ng mga pangalan ng School Supplies, ang Bolpen
ang naging pinakauna sa listahan at Ruler na ang nasa huli.
PAG-SORT NG MGA NUMERIKAL NA IMPORMASYON
A. Gamitin ang parehas na file: School Supplies.xlsx, subukin naman natin amg -sort ng
numerikal na impormasyon sa ating listahan.
B. Gamit ang mouse , piliin ang cell range ng mga pangalan at marka ( CellE E2 -Cell G11)

C. I -click ang Data Tab , piliin ang Sort Button

D. Magbubukas ang Sort Dialog Box.Sa Column ay i-click ang drop down arrow ng Sort by
Box. Piliin ang Halaga. Sa order, piliin ang smallest to largest ascending kung nais na ang
mga presyo ng tinapay ay nakaayos mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas.

E. I-click ang OK.

F. I-save ang file sa inyong folder

2. Sa pinakitang proseso ng guro, anu-ano ang mga proseso sa pag-sort ng tekstuwal at


Numerikal na impormasyon gamit ang Electronic Spreadsheet Tool?
Paraan ng Pag-Sort ng Tekstuwal at Numerikal na Impormasyon Gamit ang
Electronic Spreadsheet Tool

A. Buksan ang file na aayusin mula sa Spreadsheet.


B. Gamit ang mouse, piliin ang Cell Range ng mga Datos C. I-click ang Data
Tab, Piliin ang Sort Button
D. Buksan ang Sort Dialog Box.
E. Sa Column, I-click ang drop down arrow ng Sort by na box. F. Sa Order, I-
click ang drop down arrow at Piliin ang A-Z
G. I-click ang OK.
H, I-save ang file sa inyong folder.

3. Paano makakatulong ang pag-sosort ng impormasyon gamit ang Electronic Spreadsheet Tool
sa pagnenegosyo?

D. Paglalahat

Ang electronic spreadsheet application ay maaari ding gamitin sa pagsusuri at


pagsasala ng mga numerikal at tekstuwal na impormasyon.

Ang sorting ay proseso ng pagsasaayos ng listahan ng mga impormasyon. Ang mga


tekstuwal na impormasyon ay maaaring pagsunurin nang paalpabetikal (A-Z O Z-A). Ang
numerikal na impormasyon ay naiaayos din mula sa pinakamababab pataas o mula sa
pinakamataas hanggang pababa.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang pahayag at M kung mali.
_______1. Ang sorting ay pagpili ng pamantayan sa gagawing pagsala ng impormasyon.
_______2. Ang sort ascending sa tekstuwal na impormasyon ay pagkakasunod-sunod ng mga
impormasyon mula A hanggang Z.
_______3. Kailangan munang piliin ang cells na naglalaman ng mga impormasyon kung nais
mag-sort.
_______4. I-click ang File tab upang ma-access ang Sort at Filter command.
_______5. Ang electronic spreadsheet application ay maaari ding gamitin sa pagsususri at
pagsasala ng mga numerikal at tekstuwal na impormasyon.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Paksa: Pag-sort at Pag-filter ng Impormasyon gamit ang Electronic Spreadsheet
Tool
Gawain:
1. Siyasatin ang inyong kantina, Alamin ang kanilang mga tinda, presyo at bilang ng stock ng
mga ito.
2. Gamitin ang Electronic Spreadsheet tool , gumawa ng listahan o inventory system.
3. Gumawa ng pagsusuri sa mga paninda sa pamamagitan ng paggamit ng sort at filter
command. Ilista ang lahat ng paninda na nakaayos.

You might also like