Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSUSURI NG PELIKULA: Hello Stranger : The Movie

Calebjosiah C. Getubig & Iris Joyce Venegas

Ang teoryang pumasok sa aming napiling pelikula ay Romantisismo. Sa simula ng pelikula ay


ipinakita na ang bida na si Mico ay galing sa isang heartbreak dahil iniwan siya ng kanyang
boyfriend o kinakasama habang si Xavier ay nasa isang relasyon pa, noong nag simula ang
kanilang camp ay doon sila nagkakilala at ipinakita kung paano nahulog ang loob nila sa isa’t-isa
naging Romantisismo ito dahil sa lalim ng pag-unawa ng pagmamahal sa dalawang karakter,
habang si Xavier ay nasa relasyon, unti-unti niyang nagugustuhan si Mico ngunit hindi niya ito
magawa dahil nga sa kanyang Girlfriend at ganon din si Mico, alam niyang may nararamdaman
siya para kay Xavier ngunit itantanggi niya ito sa kanyang mga kaibigan dahil alam niyang nasa
relasyon si Xavier.

Ang ipinakita naman na tema ng pelikula ay ang Kasariaan, ang kwento na Hello Stranger: The
Movie ay tungkol lang sa dalawang tao na pareho ang kasarian na nagkaibigan, Si Mico ay galing
na sa isang relasyon kung saan siya nga ay nag resulta sa heartbreak, samantalang si Xavier ay
nasa relasyon na magkaiba ang kasarian. Ngunit sa paglipas ng pelikula ay nagkaroon sila ng pag
tingin sa isa’t-isa kaya nangibabaw ang tema na kasarian.

Ang skriptrayer ng pelikula na Hello Stranger: The Movie ay sina Daniel Saniana at Patrick John
Valencia. Ipinalabas itong pelikula noong taong 2021. Ang mensahe na ipinapadala ng pelikula
sa mga manunuod ay ang pagiging totoo sa identidad mo, sila ay nagkaroon ng pagsubok sa
buhay habang hinahanap nila ang totoong identidad nila hanggang sa napagtanto nila na ang
gusto talaga nila ay kapwa lalake at ang pangagamba na baka sila ay mahusgahan ng lipunan
dahil sa relasyon nilang dalawa.

Sa mga karakter naman, ang bida sa pelikula ay sina Tony Labrusca bilang Xavier de Guzman at JC
Alcantara as Mico Ramos. Ang mga sumusuporta naman na karakter ay sina Vivoree Escilito bilang
Kookai Yambao, Patrick Quiroz bilang Seph Policarpio, Miguel Almerandas as Junjun Sandico, Gillian
Vicencio bilang Crystal Santos, at Meann Espinosa bilang Prof. Kristine Moran at Nanay ni Mico. Ang
Protagonista naman ay sina Tony Labrusca bilang Xavier de Guzman- Isang sikat nabasketball
player sa kabilang unibersidadJC Alcantara bilang Mico Ramos-isang pala-aral at nerdy
naestudyante. Sa Antagonista naman ay si Gillian Vicencio- Crystal Santos- Dating nobya na
kung saan Paulit ulit na bumabalik kay Xavier bilang mapagpanggap na babaengnais lang ng
pagmamahal. Ang diyalogo ng pelikula ay halo sa tagalog at ingles, Ang pahayagna tumatak sa
mga manonood ay ang linyang “Sana ako na lang,sanatayo na lang” na sinasabing hinango mula
sa pelikulang One MoreChance. Sinabi ito ni Mico kay Xavier sa harap ng kanilang mgakaklase at
guro sa isang zoom meeting.
Ang direktor ng Movie na ito ay si Dwein Ruedas Baltazar isa siyang Filipina, siya ay kilala sa
pagiging director ng pelikula na Gusto kita With All My Hypothalamus na ipinalabas noong
taong 2018 at Oda sa Wala.

Sa Disenyong Pamprudoksyon ay Ipinakita ang mga kasuotan na normal para sa isang mga
kabataan, nandito rin ang lugar na kung saan sila ay nag camp at ito ay angkop sa pelikula dahil
nga ang pelikula ay tungkol sa dalawang tao na nagkakilala sa isang school camp.

You might also like