Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY


Mga Lungsod ng Mandaluyong at Pasig
KOLEHIYO NG MGA SINING AT AGHAM
Kagawaran ng mga Sining, Letra, Wika, at Humanidades

PAGBASA NG MGA DALUMAT SA FILIPINO TUNGO SA PANANALIKSIK


Lorenz Lhoyd D. Gonzaga PETSA NG Oktubre 10,
PANGALAN:
PAGPAPASA: 2022
ORAS NG
SEKSYON:
KLASE:

GAWAIN 4
PAGLALAPAT AT PAGLALAPIT

Panuto: Sa minimum na 100 salita, makabuluhan mong ilapat at ilapit ang binasang
transkripsyon ng panayam kay Dr. Sergio S. Cao sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong
na ito:

Paano makatutulong ang Filipino at iba pang wikang katutubo


sa aking disiplina?

Para sa akin, makatutulong ang Filipino at iba pang wikang katutubo sa ating
disiplina sa pamamagitan ng paglikha ng mas mahusay na kasanayan. Katulad na
lamang ng sinabi ni Dr. Sergio S. Cao, mas matututo at mas lubos nating
mauunawaan ang mga bagay-bagay o ang ating inaaral kung ang wikang gagamitin
natin ay ang wikang kumportable tayong gamitin. Dahil ang paggamit ng
kumportableng wika ay tiyak na masosolusyunan mo ang mga problema sapagkat
ito ay iyong lubos na mas nauunawaan dahil pamilyar at pasok sa iyong
bokabularyo ang mga salitang ginamit at mga salitang iyong gagamitin.

Bukod pa riyan, mayroong mga bagay na masasabi mo lamang sa wikang


Filipino o sa iyong wikang katutubo na hindi mo masasabi sa wikang Ingles. Kaya’t
dapat ay bigyang puwang ang mga nagsusulat gamit ang wikang Filipino, sapagkat
napakahalaga ng Wikang Pambansa upang maging daan na rin ito sa pampublikong
serbisyo ng mamamayan. Ito ay susi sa pag-unlad ng ating bansa sa iba’t-ibang
aspeto para sa ating mga minimithing tagumpay.

Bilang mamamayang Pilipino, tungkulin nating pahalagahan, ingatan at


pagyamanin ang ating Wikang Pambansa. Dahil sa ating wika, tayo ay nagkakaisa
at nagkakaintindihan. Kaya’t ating panatilihin ang ating wika sapagkat ito ang
sumasalamin sa atin.

You might also like