Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KASAYSAYAN, KAMALAYAN, KAUNLARAN

“KwentaSaysayan: Mga Salaysay na may Saysay”


Agosto 31, 2022 9:00AM

“KwentaSaysayan: Mga Salaysay na may Saysay” sa pamagat pa lamang ay


talagang nakaka-interesado na, pakiwari ko’y maganda ang talakayang ito at hindi nga
ako nagkamali. Sa umpisa pa lamang ng kanilang pagtatalakay ay pinapahapyawan na
nila nang bahagya ang tungkol sa magiging usapin para sa araw na ito, binibigyang diin
na rin ang mga mahahalagang salita na maari naming makita sa kanilang
presentasyon. Sa kalagitnaan ng pag bibigay opinyon ng tagapagsalita ay mayroon
ding mga batuhan ng mga katanungan mula sa tagapakinig na agarang sinasagot ng
tagapagsalita sa webinar na ito. Nabanggit din niya ang kawikaang “History is not
Chismis” na talaga namang binigyan niya ng linaw kung bakit ito ay hindi chismis at
pawang katotohanang may ibedensya at mabusising pinag-aralan ng mga
mananalaysay. At tama nga siya ang mga mananalaysay ay hindi mga chismoso at
chismosa na nagpapalaganap ng kwentong barbero lamang. Tinalakay rin niya kung
saan ba hango ang salitang “HISTORY” at kung ano ang ibig nitong sabihin. Sa
kanyang presentasyon ay may napansin akong mga salita at ito ay ang “The essence
of history is to bring life and re-create what happened in the past” pinaliwanag naman
ito ng tagapagsalita at hinimay-himay ang bawat kahulugan na naturang pangungusap.
Kung walang historia, wala ring mga historians o mananalaysay at hindi natin alam
kung ano nga ba ang tunay na kaganapan noong mga panahon na tayo’y hindi pa
isinisilang kung gayon ay baka nga naging chismis na lamang ang mga naturang
kasaysayan ng ating bansa na may dagdag at bawas at taliwas sa kung ano ang
katotohanan.
Sa aking pakikinig ay may pumukaw ng aking atensyon at ito ay ang mga salitang “You
can revise history but do not distort it” Tama! Maaaring baguhin ng isang mananalaysay
ang isang historya kung ito ay nararapat baguhin o mayroon silang bagong natuklasan
na mas may krebilidad na salaysay at may angking katotohanan ngunit, hindi nila ito
pupwedeng baluktutin kahit na ito’y taliwas sa kanilang mas naunang paniniwala
sapagkat ang hatid nito ay kalituhan sa mga mambabasa. Nabanggit rin ng
tagapagsalita ang dalawang uri ng batis, ang primaryang batis at ang sekondaryang
batis na kung saan ipinabatid din niya ang pagkakaiba ng dalawang batis na nabanggit.
Nagbigay din siya ng mga halimbawa nito at paano nga ba nakakalap ang mga
impormasyon na naaayon sa primary at sekondaryang batis. Talaga nga namang
nakakaaliw ang talakayang ito. Ang naunang tagapagsalita ay maraming naibahaging
kaalaman bagamat ang iba ay pahapyaw lamang sapagkat ang ibang usapin ay
tatalakayin ng susunod na panauhing pandangal na siya namang magbibigay
impormasyon para sa mga taong nakikinig sa webinar na ito.
Sa ikalawang yugto ay ibinahagi naman ng ikalawang tagapagsalita ang kanyang
presentasyon patungkol pa rin sa usaping Mga Salaysay na may Saysay. Nabanggit
nya rito ang mga Historians ng ating kasaysayan at ang kanilang saloobin patungkol sa
kasaysayan na meron tayo. Isa na nga dito ay si Reynaldo Ileto na nagsabing, “History
is written not just about the winners. The masses are also part of the story.” Na ang ibig
sabihin ay hindi lamang umiinog sa isang victors ang isang historya ito ay tumutukoy din
sa mga taong mismong nakasaksi sa pangyayari at mga taong nagbabasa at
napupukaw ang kaalaman sa kung anong totoong historyang naganap sa isang lugar
ito ay parte na rin ng isang kwentong makasaysayan ang masa, at ang historya. Kinilala
si Ginoong Reynaldo Ileto sa kanyang makasaysayang aklat na may pamagat na
Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910, na
pumapatungkol sa relihiyosong dokumento na nagsasalaysay sa talata ng pagdurusa at
pagtubos ni Kristo. Ang sumunod na Filipino Historian ay si Ginoong Teodoro Agoncillo
na nagpaliwanag sa kasabihang “History is a discipline that embodies the elements of
Humanities and Social Sciences.” Na ang ibigsabihin ay ang kasaysayan sy isang
disiplina na naglalaman ng iba’t-ibang elemento na makakatulong sa pagtuklas sa kung
ano ang totoo sa haka-haka lamang at makatutulong sa agham panlipunan ng ating
bansa. Si Teodoro Andal Agoncillo ay isang kilalang Pilipinong mananalaysay noong
ika-20 siglo. Siya at ang kanyang kontemporaryong Renato Constantino ay kabilang sa
mga unang Pilipinong mananalaysay na kilala sa pagtataguyod ng isang natatanging
makabansang pananaw sa kasaysayan ng Pilipino. Isa rin siyang makata. Isa sa mga
librong nalimbag niya ay ang “History of the Filipino People.” Talaga namang
nakakamangha ang mga manunulat na nabanggit.
Sunod na tinalakay ng tagapagsalita ay ang mga uri ng pagsulat sa kasaysayan. Ito
ay ang mga Pagsasalaysay, Paglalarawan, Interpretasyon at Panghihikayat. Sa
Pagsasalaysay ay nararapat lamang na tama at siguradong impormasyon lamang ang
dapat isalaysay ng manunulat, Sa Paglalarawan naman ay maingat na inilalahad ang
bawat detalyeng naaayon sa kaganapan. Interpretasyon sa pangyayaring nasaksihan o
napanood ng isang manunulat, hinimay-himay at maingat na sinuri ng sinumang
manunulat at ang pang huli ay ang Panghihikayat, kung talaga namang tama ang mga
impormasyong nakalap ay maaaring manghikayat ang isang manunulat upang mabago
ang maling paniniwala ng isang tao patungkol sa mga usapin. Ayon pa sa tagapagsalita
ay “History is written by the people also.” Tao ang siyang gumagawa at sumusulat ng
isang historya, tayo mismo ay maaring maging manunulat ng sarili nating historya na
may kalakip na katotohan. Ngunit dapat isaalang-alang natin ang tamang paghahanap
ng mga impormasyon, pag aanalisa sa bawat pangyayari at mabusising proseso bago
natin isulat ang mga kasaysayang nais nating ipabatid sa mga mambabasa sa gayon ay
hindi tayo magdulot ng maling impormasyon sa masa. “We are the witnesses to the
changes of our time period” kung sa tutuusin, tayo ay may malaking ambag sa isang
historya na naganap at magaganap pa lamang sa henerasyon natin ngayon sapagkat
isa tayo sa mga nakasaksi ng kaganapan na may ambag at halaga para sa susunod
pang henerasyon. Maaari nating ikwento at maari nating ibahagi sa ating mga magiging
anak at apo ang tunay na kaganapan sa panahon natin ngayon.
Napaka laking ambag sa aking kaalaman ang pag pupulong na ito na pinamunuan ng
mga estudyanteng nagmula sa Polytechnic University of the Philippines. Aking
nahinuha na hindi biro ang pagsulat ng isang salaysay lalo pa’t patungkol ito sa historya
ng ating bansa. Napaka huhusay ng mga tagapagsalita na siya namang nakakapukaw
ng atensyon. Naipabatid nang ayos ang mga nais nilang iparating sa mga nagbigay ng
kani-kanilang oras sa pakikilahok sa webinar na ito tulad kong estudyanteng nagmula
sa Quezon City University marami akong natutunan. Nakakatuwa at nagbahagi rin sila
ng mga Filipino Historians at naiambag nito sa kasaysayan. Tama nga na tayong mga
simpleng mamamayan ay maaaring gumawa ng ating sariling historya na may kalakip
na tamang impormasyon na maari nating ibahagi sa iba. Hindi basta-bastang kwento at
usapin kundi puno ng makasaysayang istorya na maaaring magpabago ng hinaharap.
Ika nga natin “History is not Chismis, The Filipino Historians are not Chismoso and
Chismosa.” Walang Pilipinong Mananalaysay ang gumagawa ng istoryang pangsarili
lamang at hindi pinag-aralan nang mabuti wala ring mananalaysay na ang nais ay
magbigay ng maling impormasyon at magdulot ng kaguluhan sa kaisipan ng masa.
Kung nais mong ipabatid ay maling interpretasyon, maling pananaliksik at pang sariling
kapakanan lamang ang nais ibahagi, kung gayon hindi ka nararapat tawaging
“Historian” kundi isang Chismoso/Chismosa na nagbibigay ng kulang, labis at maling
impormasyon.
KATIBAYAN NG PAGDALO:

You might also like