Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 54

SENIOR HIGH SCHOOL

MGA KONSEPTO NG
POLITIKA AT
PAMAMAHALA
Panimulang Batayan

ARVIN D. ALCORIZA
Senior High School

MGA KONSEPTO NG POLITIKA AT


PAMAMAHALA

Panimulang Batayan

First Edition 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Department of Education – Region IV-A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

1
Senior High School

PASASALAMAT

Pasasalamat sa Panginoong Diyos sa biyaya at paggabay sa mga panahon na


aking ginugol sa paggawa ng librong ito.

Sa aking ina at pamilya na nabigay ng kanilang buong suporta at pagmamahal.

Kay Atty. Sabrina Samonte sa paglalaan ng oras at panahon upang busisiin at


itama ang mga nilalaman.

Ganun din sa aking mga kaibigan na si Bb. Josie Gaynilo, Bb. Agnes Capagas at
G. Fritch Cortez sa paniniwalang magagawa ko ito at sa pagbibigay ng suporta at tulong
sa mga panahon na kinakailangan ko ng ideya at materyal na suporta para sa aking
proyekto. Ganun din kay G. Rikardo Capulong sa pagpapahiram ng kanyang mga libro
upang maging sanggunian ko sa pagbuo ng librong ito.

Sa lahat ng mga naging instrumento at inspirasyon ko sa pagbuo at pagsulat ng


librong ito.

2
Senior High School

PANIMULANG SALITA

Ang librong ito ay naglalayon na tulungan ang mga mag-aaral ng Senior High
School na magkaroon panimulang ideya at pang-unawa sa mga terminong ginagamit sa
pag-aaral ng Politika at Pamamahala sa Pilipinas (Philippine Politics and Governance).
Ang mga nilalaman ng libro ay iniayon sa pagkakasunod-sunod sa Curriculum Guide ng
Senior High School. Ito ay upang panatilihin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga termino
simula sa una hanggang sa huli. Hindi layunin ng librong ito na bigyan ng mahabang
diskusyon o eksplanasyon ang mga salitang may kaugnayan sa politika bagkus ay
gawing simple at madaling maunawaan ang mga ito sa lebel ng mga mag-aaral. Ito ay
upang maging madali sa kanila na unawain ang mga termino at sa huli ay maging
interesado sila sa mga mas malalim na mga diskurso ng politika at pamamahala.

Nakikita natin ang kahalagahan ng kaalaman at partisipasyon sa mga bagay at


usapin tungkol sa ating politika at lipunan. Ang mga napapanahong isyu ay hindi lamang
isang bagay na dapat ipagwalang bahala dahil lamang sa kawalan ng kaalaman ukol sa
mga bagay na ito. Ang pakikialam ay mahalaga ngunit nangangailangan ng ibayong
kaalaman. Ito rin ang layunin ng pagkakabuo ng librong ito. Sapagkat kung mahirap para
sa mga mag-aaral ang unawain at pag-aralan ang politika at pamamahala, paano sila
magkakaroon ng interes makialam sa mga isyu at usapin ng lipunan. Mahalagang
magkaroon sila ng pang-unawa upang sa gayon sila ay matulungan natin sa kanilang
paghahanap ng sagot sa mga problema ng bansa. Kagaya ng sinabi ni Dr. Jose Rizal
“ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Nararapat lamang na buksan natin ang isip at
puso ng mga kabataan sa responsableng pakikialam sa pamamahala ng ating bayan.
Paano ito mangyayari kung hindi nila lubos na nauunawaan ang mga bagay na ukol
dito? Kaya nga ang librong ito ay isinulat sa simpleng paraan at sa pinakamababaw na
pagpapaliwanag. Ito ay upang magkaroon ng malinaw na simula ang mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral ng naturang asignatura na Politika at Pamamahala.

ARVIN D. ALCORIZA
Teacher II
Nasugbu East Senior High School

3
Senior High School

Lupang Hinirang
Julian Felipe

Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay

Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok sa simoy


At sa langit mong bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya kalian pa ma’y di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta


Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa’yo.

TALAHANAYAN NG MGA NILALAMAN

4
Senior High School

Pahina

Pasasalamat …. 2
Panimulang Salita …. 3
Pambansang Awit …. 4

POLITIKA (Politics) …. 6

PAMAMAHALA (Governance) …. 9

IDEOLOHIYA (Ideologies) …. 12

KAPANGYARIHAN (Power) …. 15

ESTADO AT NASYON (State and Nation) …. 19

GLOBALISASYON (Globalization) …. 22

MGA SANGAY NG PAMAHALAAN (Branches of Government) …. 26

EHEKUTIBO (Executive Department) …. 27

LEHISLATURA (Legislative Department) …. 30

HUDIKATURA (Judiciary) …. 34

LOKAL NA PAMAHALAAN (Local Government) …. 37

PAGKAMAMAMAYAN (Citizenship) …. 40

PAGHAHALAL (Suffrage) …. 43

PARTIDONG POLITIKAL (Political Parties) …. 46

LIPUNANG SIBIL AT KILUSANG PANLIPUNAN


(Civil Society and Social Movements) …. 49

MGA SANGGUNIAN …. 52

5
Senior High School

1 POLITIKA
Ang salitang “politika” ay isang
mahalagang konsepto para sa ating mga
Pilipino. Kapag narinig ng isang simpleng
mamamayan ang salitang ito agad itong
iniuugnay sa ‘gobyerno’ o ‘pamahalaan’. Ito
ay hindi mali sapagkat ang pamahalaan ay
isang mahalagang konsepto ng politika.
Subalit kung ating uunawain, ang politika ay
may mas malalim na kahulugan. Ang
“politika” ay maaaring unawain sa dalawang
paraan: bilang isang arena o lugar o kaya
ay proseso.

https://images.app.goo.gl/v2BJA71oSRGoCVQY7

Bilang isang arena, ang politika ay itinuturing na: a) Sining ng


pamamahala at; b) pampublikong pakikialam.

Ang politika ay isang sining ng pamamahala sapagkat ito ay tumutukoy


sa pagkontrol o pagpapatakbo ng lipunan sa pamamagitan ng pagbuo at
pagpapatupad ng pangkalahatang desisyon. Ibig sabihin, ang politika ay
pagpapakita ng kakayahan na pamunuan ang isang komunidad o lipunan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng batas at mga bagay na may kinalaman sa
ikabubuti ng lipunan. Makikita natin dito kung paanong ang mga sangay ng
pamahalaan ay gumagalaw upang gawin ang mga nakaatang na responsibilidad sa
kanila.

Ang politika ay maituturing din na isang pampublikong pakikialam. Ang


politika ay nangyayari sa loob ng isang komunidad kaya ang politika ay maituturing
na isang gawaing panlipunan. Ito ay nangangahulugan na ang bawat miyembro ng
komunidad o bansa ay may karapatang makialam sa mga isyu at bagay-bagay na
may kinalaman sa pagpapatakbo ng lipunan at ng pamahalaan.

Bilang isang proseso, ang politika ay itinuturing na: a) paghanap ng


solusyon sa pamamagitan ng negosasyon at pakikipagkasundo at; b) paggamit ng
kapangyarihan.

Itinuturing na proseso ng paghanap ng solusyon ang politika sapagkat


bilang gawaing panlipunan, ang lahat ng bagay na may kinalaman sa bansa ay
maayos na pinaguusapan at pinagdedesisyunan ng lahat. Ito ay pagpapakita ng
isang demokratikong proseso kung saan ang lahat ng isyu at problema na
kinakaharap ng lipunan ay pinag-uusapan at hinahanapan ng solusyon na
magbibigay ng benepisyo sa lahat ng miyembro. Ang politika ay dapat unawain
bilang isang gawain ng pakikialam para sa kabutihan ng lahat. Ibig sabihin, bawat isa
ay nakikipagkasundo at sumasang-ayon nang hindi iniisip ang pansariling interes

6
Senior High School

kundi ang interes ng mas nakararami. Sa larangan ng politika, makikita natin ito sa
kung papaano nagkakaroon ng pagtatalakayan ang mga kawani ng sangay ng
pamahalaan at paano sila humahanap ng solusyon sa mga problema at isyung
kinakaharap ng bansa.
Ang pinaka-radikal at pinakamalawak na depinisyon ng politika ay ang
paggamit ng kapangyarihan. Radikal sapagkat makikita at nararanasan ang politika
sa halos lahat ng gawain at buhay ng lipunan at sa indibidwal na buhay ng tao. Hindi
maiiwasan ng tao ang politika sapagkat kahit saan ay mayroong paggamit ng
“kapangyarihan”. Napakalawak ng sakop ng politika kung ito ay ating uunawain
kaugnay ng kapangyarihan sapagkat ang kapangyarihan ay nangangahulugan
bilang kakayahan ng isang tao na maabot ang kanyang layunin sa kahit na anong
pamamaraan. Bawat isa ay may kanya-kanyang layunin ngunit ang kapangyarihan
upang tupadin ang mga ito ay hindi pareho. Bawat tao ay iba’t iba ang estado sa
buhay at pinagkukuhanan ng pangangailangan kaya naman dito natin makikita
paano ang isang tao ay gumagamit ng kapangyarihan upang matupad ang kanyang
layunin. Ito ay pareho din sa larangan ng pamamahala.

7
Senior High School

PAGLALAGOM
Punan ang mga kahon sa dayagram ng mga angkop na salita ayon sa tinalakay.
Piliin ang mga salita na nasa kahon.

Paggamit ng kapangyarihan arena


sining ng pamamahala Proseso
pampublikong pakikialam negosasyon at pakikipagkasundo

Politika

PAGPAPALALIM
Magbigay ng ilang halimabawa na iyong nakikita o nararanasan sa inyong pamilya
kung saan maiuugnay mo ang “politika” at ipaliwanag bakit mo nasabi na
nagpapakita ang mga ito ng politika.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

8
Senior High School

__________________________________________________
__________________________________________________

2 PAMAMAHALA
Ang ‘pamamahala’ at ‘pamahalaan’ ay malimit gamitin sa iisang
kahulugan. Ito ay dahil ang pinakapayak na pang-unawa ng mga Pilipino sa
pamahalaan ay siyang namamahala sa bansa; kung kaya’t ang pamamahala ay sa
pamahalaan at ang pamahalaan ang namamahala. Kung ating susuriin, may
pagkakaugnay ang dalawang terminong ito ngunit may pagkakaiba sa isa’t isa. Ano
nga ba ang pinagkaiba ng dalawa?

Kapag sinabi nating pamahalaan, ito ay tumutukoy sa mga makinarya na


nagpapatakbo o nagpapagana at nagdedesisyon sa isang pamahalaan o gobyerno.
Ito ang tawag sa katauhan ng mga gumagamit ng lehitimong otoridad o
kapangyarihan sa bansa o lipunan. Halimbawa ng mga ito ay ang tatlong (3) sangay
ng pamahalaan, kapulisan, Armed Forces, iba’t ibang kagawaran ng ehekutibo
(DepEd, Department of Justice, Department of Health atbp.) Sa pamahalaan
binubuo, isinisiwalat at binibigyang buhay ang kalooban o layunin ng isang estado.

https://images.app.goo.gl/zkMxXcxWGU9tr2Vt8

Ang mandato o ipinaguutos ng Estado sa gobyerno o pamahalaan ay


ang siguruhin ang kabutihan ng mga mamamayan. Dahil ang gobyerno ay isa
lamang kasangkapan, lahat ng mabuting ginawa ng gobyerno ay kapurihan ng
estado ngunit lahat ng pagkakamali ng gobyerno ay kasalanan ng [gobyerno
lamang] at hindi ng estado.

Makikita natin na ang pamahalaan o gobyerno ay limitado lamang sa


iilang kawani nito. Ngunit ang pamamahala ay di hamak na mas malawak kaysa sa
pamahalaan. Bakit? Sapagkat hindi kabuuan ng pamamahala ang isang gobyerno o
pamahalaan bagkus ang pamahalaan ay isa lamang sa mga elemento ng
pamamahala. Kapag sinabi nating “pamamahala” ito ay tumutukoy sa iba’t ibang
pamamaraan kung paano ginagabayan ang ating buhay panlipunan.

Nasasakop ng “pamamahala” ang gobyerno ngunit ito ay di hamak na


mas mataas kaysa gobyerno o pamahalaan. Paano? Sa kadahilanang ang

9
Senior High School

“pamamahala” ay hindi lamang nasa kamay ng gobyerno o ng mga sangay nito


kundi pati sa mga samahan at grupong panlipunan (civil organizations and civil
societies). Dito natin makikita na sa larangan ng pamamahala, ang lahat ay may
karapatang makialam. Ating matatandaan na ang politika ay isang pampublikong
pakikialam. Ibig sabihin, ang “publiko” ay may boses ukol sa mga bagay tungkol sa
kung paano pamamahalaan ang bansa.

Samakatuwid, ang pamahalaan at ang pamamahala ay magkaugnay


ngunit magkaibang konsepto kung ang ating paguusapan ay lawak ng nasasakop at
kahulugan. Ngunit parehong konsepto ay may mahalagang kaugnayan sa politika.

Ang pamahalaan o gobyerno kasama ng mga grupo at lipunang sibil ay


magkaagapay sa pagpapatakbo ng lipunan. Ito ay nangangahulugan na kahit ang
gobyerno ang lehitimong otoridad sa bansa at tagapagpatupad ng mga batas, ang
mga mamamayan at grupong panlipunan ay may kapangyarihang makialam sa
pamamahala ng bansa. Ito ang esensiya o kahulugan ng ‘demokrasya’, ang
pagkakaroon ng karapatang makialam at makiisa sa pagpapalakad ng lipunan at
pagbuo ng hinaharap at kinabukasan nito. Ito ay dapat at laging sang-ayon sa
layunin na mapaayos at mapabuti ang bansa para sa kapakanan ng lahat ng
mamamayan nito.

10
Senior High School

PAGLALAGOM
Gamit ang Venn Diagram, isulat ang mga katangian at pagkakaiba ng pamahalaan
at pamamahala. Sa gitnang parte ng pinagsamang bilog, isulat naman ang
kaugnayan ng dalawa.

Pamahalaan Pamamahala

PAGPAPALALIM
1. Sa iyong pananaw, kailangan pa ba na magkaroon ng gobyerno upang
pamahalaan ang bansa? __________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit nangangailangan tayong makialam sa pamamahala ng ating bayan?
Ano sa tingin mo ang epekto nito sa pangkalahatang buhay natin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Posible bang magkaroon tayo ng perpektong pamahalaan? Ipaliwanag ang
iyong saloobin.__________________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

11
Senior High School

3 IDEOLOHIYA
Isa sa mga mahalagang
konsepto na kaugnay ng pag-aaral ng
politika ay ang ideolohiya. Ang ideolohiya
ang nagsisilbing basehan ng isang tao o
mamamayan kung bakit siya nagnanais
matuto tungkol sa politika o di kaya ay
pumasok sa larangan nito. Ito rin ang
nagsisilbing pwersa na gumagabay sa tao
o grupo ng mga tao sa kanilang mga
gawain at kilos na may kaugnayan sa
lipunan. Mahalaga ang ideolohiya sa
larangan ng politika sapagkat ito ay
nagbibigay sidhi sa kalooban ng tao na
kumilos para sa ikabubuti o kaya ay ikasasama nito.
https://images.app.goo.gl/j9CkbBNNbdcDoKTz9
Ang ideolohiya ay salitang unang ginamit ng Pranses na si Claude Destutt
de Tracy noong ika-19 na siglo. Ayon sa kanya, ang ideolohiya ay ang agham ng
mga ideya at ng pinagmulan ng mga ito. Ngunit sa kasalukuyan, iba ang pananaw ng
marami tungkol dito. Ang agham ay tinitingnan hindi bilang isang agham kung hindi
bilang isang “partikular na ideya.” Ito ay nabubuo upang patunayan ang isang
pananaw sa politika, pagsilbihan ang interes ng ilang grupo ng tao. Ayon kay Daniel
Bell, ang ideolohiya ay “katawan ng mga paniniwala na ang nilalayon ay
maisakatuparan ito” na nangangahulugan na ang ideolohiya pala ay nagsisilbing
motibasyon sa mga tao upang gawin at hindi gawin ang isang bagay.

Samakatuwid, kapag sinabi nating “ideolohiya” ito ay tumutukoy sa kung


paano natin nakikita at ninanais na gumalaw ang mundo at lipunan na ating
ginagalawan. Ang ating ideolohiya ang nagbibigay ng kahulugan sa ating paligid.
Ngunit hindi ibig sabihin na binibigyan nito ng kahulugan ang ating mundong
ginagalawan ay nagiging maganda ang ating pagtingin sa ating paligid, maaari ding
maging negatibo o pangit ang maging pananaw sa mundo dahil ng ating ideolohiya.

Ano naman ang kaugnayan ng ideolohiya sa politika? Kagaya ng ating


sinabi, ang ideolohiya ay tumutukoy sa kung paano natin binibigyan ng kahulugan
ang ating mundo at ang politika ay tumutukoy sa buhay ng lipunan. Dito ay makikita
natin na ang bawat tao ay may kanya-kanyang ideya o pananaw kung paano dapat
gumalaw ang kanyang lipunan. Ang mga pangyayari sa kanyang lipunan at paligid
ay maaaring ayon sa kanyang pananaw at kagustuhan o di kaya ay salungat. Kung
salungat sa pananaw o ideya ng tao o grupo ng mga tao ang nagaganap sa lipunan,
dito nabubuo ang kanilang ideolohiyang politikal.
Ano naman ang ideolohiyang politikal? Kapag sinabi nating ideolohiyang
politikal, ito ay isang klase ng pananaw ukol sa isang “maayos at mabuting lipunan.”
Ating tatandaan, bawat tao ay may iba’t ibang pananaw ng “maayos at mabuting
lipunan.” Kaya naman bawat isa ay maaaring may iba’t ibang
ideolohiyang politikal. Samakatuwid, kung papaano
natin nakikita o naiisip ang posibilidad ng isang
mabuting lipunan, iyon ang nagtutulak sa atin kung

12

https://images.app.goo.gl/hPT2UXHKS859sjct8
Senior High School

paano tayo kikilos sa ating kapaligiran at mundo. Ito rin ang magdidikta sa atin ng
mga bagay at paraan kung paano natin makakamit ang isang lipunan na naaayon sa
ating ideya o pananaw.

Isang halimbawa ang CPP-NPA. Sila ay


grupo ng mga tao na naniniwalang marami ang
mapang-abuso sa kapangyarihan, talamak ang
korupsyon, mataas ang porsyento ng kahirapan
sa ating bansa. Kaya naman nais nilang palitan
ang sistema sa bansa at ipalaganap ang
komunismo. At ito ay makakamit lamang sa
pamamagitan ng pakikidigma at paggamit ng
https://images.app.goo.gl/x8zg64irvhHsShqV7 armas sa pakikibaka.

Tingnan naman natin ang isa pang halimbawa na nagpapakita ng


ideolohiya. Marahil madalas natin naririnig o napapanood sa telebisyon ang grupong
Gabriela. Ito ay isang party-list na kumakatawan sa mga kababaihan. Ang grupong
ito ay naniniwala na ang lipunan ay dapat magkaroon ng pantay at makatarungang
pagtingin sa lahat ng uri ng kasarian at pagkilala lalo na sa mga kababaihan sa lahat
ng aspeto ng lipunan. Kaya naman isinusulong ng grupong ito ang lahat ng mga
programa at batas na naglalayon na palakasin at palawigin ang karapatan at
oportunidad para sa mga kababaihan. Isinusulong nila ang kanilang mga layunin at
programa sa legal na pamamaraan at naayon sa batas.

Kung ating pagkukumparahin ang dalawang nasabing ideolohiya, makikita


natin ang parehong mga bagay. Una, makikita natin na pareho silang may layunin na
nagbibigay ng kahulugan sa kanila at sa kanilang mga ginagawa. Ikalawa, pareho
silang may pananaw kung ano ang isang mabuting lipunan. Mayroon silang sariling
ideya o pagkaunawa kung ano ang mukha ng isang maayos at mabuting lipunan.
Ikatlo, pareho silang gumagamit ng pamamaraan upang maisakatuparan nila ang
kanilang mga layunin.

Sa ikatlong elemento makikita natin ang tuwirang pagkakaiba ng dalawa.


Pareho man silang nagnanais ng pagbabago sa lipunan, ang isa ay naniniwala sa
paggamit ng dahas at armas sa pagkakamit ng pagbabago. Ang isa naman ay
naniniwalang ang pagkakamit ng pagbabago sa lipunan ay posibleng sa paggamit ng
mga karapatang politikal at naayon sa batas. Malinaw na makikita natin kung
paanong ang ideolohiya ay makapangyarihan sa pagiimpluwensiya sa isang tao
upang kumilos kung paano niya isusulong ang kanyang ideolohiya, kung sa mabuti
ba o sa masamang pamamaraan.
PAGLALAGOM
Base sa naging diskusyon, isulat ang mga katangian na parehong makikita sa
“ideolohiya” at “ideolohiyang politikal”.

IDEOLOHIY IDEOLOHIYA
A NG

13
Senior High School

PAGPAPALALIM
1. Kung ikaw ay tatanungin, lahat ba ng ‘ideolohiya’ ay mabuti? Ipaliwanag ang
iyong sagot.____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang ideolohiya? Ano ang positibong aspeto ng pagkakaroon


ng ideolohiya?
_____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Magbigay ng mga ideolohiyang politikal na iyong nalalaman. Sa iyong


pananaw, positibo ba o negatibo ang epekto ng mga ideolohiyang ito sa ating
lipunan? Bakit?__________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4 KAPANGYARIHAN
Hindi mahirap para sa atin ang
maunawaan ang salitang “kapangyarihan”. Kapag
naririnig natin ang salitang ito, mabilis nating
naiiugnay ang termino sa ating mga paboritong
‘super heroes’. Bakit? Dahil ang mga super heroes

14
Senior High School

na ito ay mga taong may pambihira at katangi-tanging lakas at kapangyarihan na


ginagamit nila sa kabutihan. Sa aking palagay, ito ay hindi maling pang-unawa sa
salitang ito.

Kapag sinabi nating kapangyarihan, ito ay tumutukoy sa “kapasidad ng


tao na makapagdulot ng epekto sa iba ayon sa kanyang nais at naiisip.” Ibig sabihin,
ito ay isang daynamikong relasyon sa pagitan ng dalawang tao. Ang isa ay
nakakaimpluwensiya at ang isa naman ay naiimpluwensiyahan.

Ang kapangyarihan ay may iba’t ibang mukha o dimension. Ito ay ang


https://images.app.goo.gl/LJM91gL42BU7HVB79
mga sumusunod: a) pagbuo ng desisyon b) pagpigil sa nabuong desisyon at; c)
pagkontrol.

Ang ibig sabihin ng kapangyarihan bilang pagbuo ng desisyon ay ang


kakayahan ng tao na impluwensiyahan ang iba sa iba’t ibang pamamaraan.
Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pananakot, pakikipagkasundo, o sa
pamamagitan ng pagbuo ng obligasyon sa pagitan ng dalawang tao. (Halimbawa,
pananakot sa isang tao upang tumestigo tumestigo sa korte laban sa nasasakdal)

Kung ang kapangyarihan ay kakayahan para maimpluwensiyahan ang


desisyon ng iba, ito ay maaari din namang maging kakayahan upang gawin ang
kasalungat nito, ang pagpigil sa desisyon ng tao. (Halimbawa, upang hindi matuloy
ang isang batas na magpapataw ng malaking buwis sa mga negosyo, isang grupo
ng mga negosyante ang nagbayad ng malaking halaga sa mga senador upang
harangin sa pagdinig ang nasabing batas).

At sa huli, ang kapangyarihan ay maaari ding maging paraan upang


kontrolin ang pag-iisip ng tao. Ito ay maaaring sa pamamaraan ng pagtuturo o
pagkukumbinse sa iba’t ibang paraan. Ang isip ng tao ay naiimpluwensiyahan sa
pamamagitan ng paghubog sa kanyang pagiisip at ideya. (Halimbawa, ang
pagrerecruit ng mga makakaliwang grupo sa mga studyante ng UP upang sumapi sa
NPA).

Ano naman ang kaugnayan ng kapangyarihan sa usapin ng politika at


pamamahala? Sa politika, makikita natin kung paano gumagana at ginagamit ang
kapangyarihan ng mga otoridad o mga kawani ng pamahalaan. Mahalaga ang
kapangyarihan spagkat ito ay isa sa mga importanteng elemento ng politika
sapagkat dito naipapakita ng gobyerno ang kanilang kakayahan na bumuo ng isang
mabuting desisyon para sa kapakanan ng mga mamamayan, maipatupad ang mga
batas para sa kaayusan ng lipunan, makapag-isip at panindigan ang mga desisyon
at aksyon na kanilang ginawa na may malaking epekto sa bansa at lipunan.

Kaya nga mayroon tayong tinatawag na tatlong (3) kapangyarihan ng


Estado: a) police power; b) power of eminent domain at; c) power of taxation.

Ang police power ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na gumawa


at magpatupad ng mga batas upang protektahan ang kalusugan, moral, kaligtasan,
at pangkalahatang kabutihan ng mga mamamayan. Bawat mamamayan ay
nararapat lamang isaalang-alang ang ikabubuti ng nakararami kaysa sa sariling
kapakanan.

15
Senior High School

Ang
power of
eminent
domain
naman ay

https://images.app.goo.gl/XwhPTeST1qWKkJ5J7
tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na kuhanin ang mga pribadong pag -aari ng
mga mamamayan para gamitin sa imprastraktura at gawaing pambayan. Dapat
tandaan na ang mga pribadong pag-aaring ito ay dapat bayaran ng pamahalaan sa
presyo na naaayon sa kasalukuyang merkado (market price).

Ang
power of

taxation https://images.app.goo.gl/MzC8F8Cv5wCtUPS27
naman ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaan na magpataw ng mga buwis
sa mga tao, ari-arian, serbisyo at produktong nasa loob ng bansa upang makalikom
ng pondo. Ang mga buwis na ito ay ginagamit ng pamahalaan upang pondohan ang
mga serbisyong pampubliko na ibinabalik sa mga mamamayan.

16
Senior High School

https://images.app.goo.gl/X5n8z2X3BhqXCS5w7

1 PAGLALAGOM
3
Crossword Puzzle: Gamit ang
4 mga ‘clue’, ibigay ang mga
2
salitang hinihingi.
8

7
Pababa:
1.Pagpapaikot sa tao
3. Nakikita sa lahat ng aspeto
ng buhay
5 4. sama-samang nabubuo
bunga ng pag-uusap at
sanggunian

17
6
Senior High School

8. isang paraan ng paggamit ng kapangyarihan sa isang tao

Pahalang:
2. Kakayahan baguhin ang isip ng tao
5. ingles ng ahensiya na nagpapatupad ng batas
6. ingles ng proseso ng pagpapataw ng obligasyon sa mga mga produkto at serbisyo
sa loob ng bansa
7. ingles ng Karapatan ng
pamahalaan na gamitin ang
mga pribadong ari-arian
para sa mga gawaing
pambayan

PAGPAPALALIM
Ipaliwanag ang iyong ideya at saloobin: “Power comes responsibility”. Bakit
mahalaga na ang paggamit ng kapangyarihan ay laging kaakibat ang
responsibilidad?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

5 NASYON AT ESTADO
Ang salitang “nasyon” at “estado” para sa pagkaunawa ng mga Pilipino ay
halos magkapareho lamang. Ito rin ang malimit na sinasabi ng maraming mga mag-
aaral. May pagkakaiba nga ba ang dalawang terminong ito?

Ang salitang nasyon ay


salitang nagmula sa salitang nasci na ang
ibig sabihin ay “ang ipanganak”. Ibig
sabihin ang mga taong miyembro nito ay
maaaring nabibilang sa iisang lahi o
pinagmulan na may pagkakakilanlan sa
kanilang lengwahe at kinagawian. Maaari
ding sila ay binubuklod ng isang
kasaysayan, kultura, pagkakakilanlan at
relihiyon. Ang mga nabanggit ay itinuturing

18
Senior High School

na mga bagay na nagbibigay sa isang grupo ng mga tao ng isang sariling


pagkakakilanlan at nagbibigay sa kanila ng konsepto ng kanilang “pagkatao”.

Samakatuwid, ang ‘nasyon’ ay terminong kultural at etniko. Kung gayon,


hindi nalilimitahan ang isang nasyon sa sapagkat ang kultura ay hindi lamang
nakabase sa iisang partikular na lugar. May nasyon na binubuo ng iba’t ibang estado
o bansa. Halimbawa nito ay ang nasyong Arabo (Arab nation) na binubuo ng mga
bansang Iraq, Iran, Saudi Arabia, UAE, Lebanon, Egypt, Jordan, Algeria at iba pa.
https://images.app.goo.gl/wjZcw1C6PdfkJnMw5
Ngunit may mga nasyon din na walang sariling estado kagaya ng Palestina
(Palestine). Ibig sabihin lamang nito na hindi lahat ng nasyon ay estado.

Kapag sinabi naman nating estado, ito ay tumutukoy sa isang komunidad


ng mga tao na permanenteng nakatira sa isang lugar o teritoryo at may sariling
gobyerno na ang layunin ay ang kapakanan ng mga naninirahan dito, na ang kapalit
ay buong pusong pagsunod ng mga taong naninirahan
sa estado. Samakatuwid, ang salitang ‘estado’ ay isang
politikal at legal na konsepto sapagkat dito pumapasok
ang mga bagay na may kaugnayan sa pamahalaan at
pamamahala. Pero ating tatandaan na hindi lahat ng
estado ay nasyon. Halimbawa nalang nito ay ang
bansang Singapore. Ang Singapore ay isang estado
ngunit hindi isang nasyon sapagkat ang mga
mamamayan ng Singapore ay nanggaling sa iba’t ibang
lahi at kultura.

https://images.app.goo.gl/tF2ArTA5kUX2BuNN6
Isa pang mahalagang elemento ng isang estado ay pagiging malaya nito
at soberanya. Kapag sinabi nating soberanya, ito ay nangangahulugan na ang bansa
ay hindi nasasakop ng kahit na anong mas malakas na bansa. Ito ay malaya at
kapantay ng iba pang mga bansa pagdating sa sariling pamamahala ng estado.

Upang mas maunawaan natin kung ano ba ang tinatawag nating “estado”,
ating tukuyin ang mga elemento na bumubuo dito: a) populasyon; b) territory; c)
pamahalaan; d) soberanya.

Ang populasyon ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa isang estado.


Walang estado na walang pinamumunuan. Ganun din naman, ang teritoryo o
nasasakupan ay isa sa pinakamahalagang elemento ng estado sapagkat ang bawat
estado ay may itinakda o hangganan ng pinamumunuan. Ang ikatlong esensyal na
elemento ng estado ay ang gobyerno. Ang gobyerno ang kinatawan ng populasyon
at sila rin ang bumubuo ng mga polisiya at batas na tinatanggap ng mga
mamamayan bilang batayan ng pamumuhay ng lahat ng miyembro nito. Sa huli ay
ang soberanya. Ang soberanya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na
mamahala sa sarili niya ng walang pagdidikta at pakikialam ng ibang estado. Ito rin
ang basehan ng kapangyarihan ng gobyerno sa pamamahala at pakikipag-ugnayan
nito sa mga karatig bansa o estado.

Ano naman ang tinatawag nating estadong-nasyon (nation-state)? Base


sa ating deskripsiyon ng dalawang termino, makikita natin ang simpleng pagkakaiba

19
Senior High School

ng dalawa. Ang nasyon at estado ay maaaring mabuo ng wala ang bawat isa.
Kagaya ng ating sinabi, ang nasyon ay pwedeng walang sariling estado at ang
estado ay maaaring walang sariling nasyon. Ngunit maaari din naman magkasama
ang dalawa. Kung ang isang estado ay binubuo ng isang nasyon, ito ay tinatawag
nating estadong-nasyon. Ngunit ating mapapansin na ang ideyang ito sa ating
kasalukuyang panahon ay isang malaking “imposible” dahil ng tinatawag nating
globalisasyon na ating sunod na tatalakayin.

https://images.app.goo.gl/hiwgshBNNU9yAjbBA

PAGLALAGOM
Ibigay ang mga elemento ng ‘estado’ at ‘nasyon’ na tumutukoy sa pagkakaiba ng
dalawa at kung ano ang mga bagay na bumubuo sa isang ‘nasyong-estado’.

Nasyon Estado
(Nation) Estadong- (State)
Nasyon
(Nation-State)

PAGPAPALALIM
20
Senior High School

1. Sa iyong palagay, alin ang mas mahalaga, ang nasyon o ang estado? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong ideya. _____________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

2. Ano sa iyong palagay, bakit mahalaga sa panahon ngayon na ang isang


nasyon ay maging estado? Ano-ano ang implikasyon nito sa isang “bayan at
mga mamamayan nito”?
_______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

6 GLOBALISASYON
Ang salitang “globalisasyon” ay terminong pinagtatalunan parin
hanggang ngayon ng maraming eksperto. Bawat eksperto ay may kaniya-kaniyang
pag-unawa ng salita base sa aspetong kanilang tinitingnan (halimbawa ng mga
aspeto ay ekonomiko, politikal, teknolohikal atbp.) Isa sa pinakamahirap gawin
hanggang ngayon ay ang humanap ng isang depenisyon na magbubuklod sa lahat
ng aspeto ng globalisasyon. Hindi man imposible ngunit isang bagay na mahirap
maabot.

Sa
kabila ng hirap na

magkaroon https://images.app.goo.gl/RdiaJTKPstXxM8cB6
ng iisang depinisyon ng salita, maaari parin nating maunawaan kung ano
ba ang ibig nitong sabihin. Ang globalisasyon ay tumutukoy sa isang proseso,
kundisyon, sistema o isang panahon.

21
Senior High School

Ang globalisasyon ay maiuugnay sa konsepto ng pandaigdigang


koneksyon ng lipunan. Ito ay kaugnay ng paglago at pagkakaroon ng mga
modernong gamit sa pakikipag-komunikasyon gaya ng telepono, kompyuter, at
internet. Ganun din, nagkaroon ng makabagong sasakyan panlupa, pandagat at
panghimpapawid na nagpadali sa tao upang makapaglakbay sa iba’t ibang parte ng
bansa at mundo. Dahil sa mga ito, mas naging malawak ang abot ng ugnayan ng
mga tao mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Hindi nagiging hadlang ang lugar o
layo ng isang tao upang magkaroon ng ugnayan sa iba.

Ang globalisasyon ay nauunawaan din bilang kundisyon ng pagkawala ng


hangganan o teritoryo. Ang ibig sabihin nito, dahil sa globalisasyon nawawala na ang
problema ng limitasyon o hangganan. Makikita natin ito sa takbo ng pandaigdigang
merkado kung saan ang mga produktong kanluran ay nakararating na sa silangan,
ganun din ang silangan patungong kanluran. Sa larangan naman ng politika,
makikita natin ang globalisasyon sa impluwensiya ng mga malalakas na bansa sa
mahihirap at maliliit na bansa kagaya ng pangyayari sa Hong Kong kung saan, dahil
sa suporta ng Estados Unidos, ang mga liberal na mamamayan ng Hong Kong ay
nagkilos protesta laban sa kanilang inang bayan na Tsina na isang komunistang
bansa.

Masasabi din natin ang globalisasyon ay nangyayari base sa bilis ng


pagpapalitan at pangyayari ng mga panlipunang gawain. Naging posible ang
malawakang ugnayan ng tao sa mundo at pagkawala ng limitasyon dahil sa mabilis
na proseso ng palitan at ugnayan bunga ng globalisasyon. Ang buong mundo ay
nagiging isa at ang tao ay nagkakaroon ng kamalayan tungkol sa kaisahang ito.
Nagbibigay ito sa atin ng ideya tungkol sa isang sambahayan ng mundo kung saan
tayo lahat ay miyembro ng iisang pamilya ng sangkatauhan.

Ang mga nabanggit na ideya ay ilan


lamang sa napakalawak na impormasyon
tungkol sa globalisasyon. Ngunit ang mga ito
ay sapat na upang bigyan tayo ng karampot na
kaalaman at ideya ukol dito. Ang isa naming
mahalagang katanungan ngayon ay ano
naman ang kaugnayan ng globalisasyon sa
usaping politika?
https://images.app.goo.gl/VjhoHUAZLxaAf6Qv7

Dahil sa epekto ng globalisasyon,


naging malawak ang ugnayan ng lahat ng
tao sa buong mundo. Naging mabilis din ang
pagpapalitan ng impormasyon at ideya sa
bawat sulok ng daigdig. Nawala na din ang
tinatawag nating teritoryo o limitasyon
heograpikal sapagkat nagkaroon ng

https://images.app.goo.gl/3GGFZjJ4qrWn6u2o6

22
Senior High School

pagunlad sa larangan ng transportasyon at komunikasyon. Ano naman ang


kahalagahan ng mga ito sa usapin ng politika?

Dahil nga mabilis at malawak na ugnayan ng mga tao at bansa, naging


malawak din ang relasyon ng bawat bansa sa buong mundo. Ang malawak na
relasyong ito ay makikita sa pagpapalitan sa mga aspeto ng ekonomiya, kultura,
sosyal at politikal. Ang dating watak-watak na mga bansa at estado, ngayon ay
nabuo ang isang komunidad ng mga bansa kung saan naging maigting ang relasyon
ng bawat isa na nagkaroon din ng malaking epekto sa politika ng bawat bansa.
Halimbawa nito ay ang pagkakabuo ng tinatawag nating ASEAN (Association of
Southeast Asian Nations). Dito, ang mga bansang sakop ng timog-silangang Asya ay
nagkaroon ng mas malawak na ugnayang ekonomiko sa pamamagitan ng mabilis na
palitan ng kalakal at produkto na pabor sa mga miyembrong bansa. Sa aspetong
kultural, may palitan na nagaganap sa mga
miyembrong bansa sa pamamagitan ng
taunang pagdiriwang ng SEA Games kung
saan ang mag piling manlalaro ng mga
miyembrong bansa ay nagtatagisan ng galing at
nagpapakita ng kani-kanilang kultura. Sa
aspetong politikal naman, halimbawa ay ang
pagbuo ng CoC (Code of Conduct) sa West
Philippine Sea at South China Sea na isang
dahilan ng isyu sa mga karating bansa sa Asya.
https://images.app.goo.gl/RR6kdweur94TXaay6

Isa pang nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa politika ay ang pagkabuo


ng United Nations. Sa pagkabuo ng organisasyon na ito, ang bawat miyembrong
bansa ay nabubuklod ng mga obligasyon, responsibilidad at pananagutan. Dahil dito,
nawawalan ng malaking soberanya ang kasaping bansa sapagkat sa tuwi-tuwina ay
kailangan nilang sumunod sa pinagkasunduan ng organisasyon. Ang bawat
pambansang polisiya at batas ay kailangang sang-ayon sa adhikain ng
organisasyon.

https://images.app.goo.gl/FrzxjBb574i65s4T9 https://images.app.goo.gl/PPiFWW13U52MiR8p9

23
Senior High School

PAGLALAGOM
Ibigay ang mga aspeto kung saan makikita ang mga bakas ng “Globalisasyon”.
Ganun din, ibigay ang mga nakikita mong pagbabago sa lipunan ayon sa mga
aspetong ito na sa iyong palagay ay bunga ng globalisasyon.

Globalisasyon

Aspeto Aspeto Aspeto Aspeto


___________ ____________ _____________ _____________

PAGPAPALALIM
1. Ano ang mga mabuti at masamang epekto ng globalisasyon na iyong
napapansin sa kasalukuyan?_______________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

24
Senior High School

2. Bilang isang kabataan, ano ang napupuna mo sa iyong mga kapwa kabataan
na sa iyong palagay ay bunga ng proseso ng globalisasyon?Sa tingin mo ba
ito ay mabuti o masama? Ipaliwanag.
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

7 MGA SANGAY NG PAMAHALAAN


Ayon sa ating Saligang Batas, ang Pilipinas ay mayroon tatlong (3)
sangay ng pamahalaan. Ito ay nangangahulugan na ang bawat sangay ay may
kaniya-kaniyang mandato mula sa ating konstitusyon ngunit hindi hiwalay sa gawain
ng bawat isa. Ang mga sangay na ito, ayon narin sa ating konstitusyon, ay hiwalay
ngunit may pantay-pantay na kapangyarihan (separate but co-equal). Ang
prinsipyong ito ang nagbibigay ng hangganan o limitasyon sa bawat isa. Ibig sabihin,
bawat sangay ay may kapangyarihan na bantayan ang isa’t isa kung ginagawa ba
nila ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Ang pagbabantayan ng bawat isa ay ayon sa prinsipyo ng “check and


balances”. Ang prinsipyong ito ay nabuo upang panatilihin ang demokratikong
proseso sa pamahalaan at upang mabantayan ang bawat sangay laban sa pag-
abuso sa kanilang kapangyarihan. Ating maaalala ang kaganapan noong
panunungkulan ng dating pangulong Ferdinand Marcos kung saan nagkaroon ng
pag-abuso ng kapangyarihan ang dating pangulo sa pamamagitan ng pagsaklaw
niya sa kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatibo. Kaya naman sa bagong
konstitusyon, nagkaroon na ng malinaw na pagkakahiwalay ang bawat sangay
ganun din ang limitasyon ng bawat isa. Ito ang
dahilan ng pagkakaroon ng prinsipyo ng “check
and balances” sa pagitan ng tatlong sangay.

Paano ba gumagana ang prinsipyo


ng “check and balances”? Ayon sa
Konstitusyon, hindi tahas ang pagkakahiwalay
ng tatlong pangunahing sangay ng pamahalaan.
Maraming probisyon sa konstitusyon ang
nagpapahintulot sa pakikialam ng bawat sangay
sa isa’t isa. https://images.app.goo.gl/Eu6mYzAtHo1GMcYC7

Kapangyarihan ng Presidente na hindi aprubahan ang isang bill o


iminungkahing batas na ginawa ng kongreso. Maaari din niyang bigyan ng
kapatawaran ang kahit sinong nagkasala at nahatulan sa kahit na anong korte o di
kaya ay baguhin ang kaparusahan at hatol nito (pardoning power).

25
Senior High School

Sa kabilang banda, ang Kongreso naman ay may kapangyarihang


baligtarin ang desisyon ng Presidente laban sa mga iminungkahing mga batas.
Ganun din, maaari din nilang hindi aprubahan ang mga iniluklok ng Presidente sa
mga sangay ng pamahalaan. Maaari din hindi sang-ayunan o payagan ng Kongreso
ang deklarasyon ng martial law. Maaari din nilang baguhin ang desisyon ng mga
korte sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga bagong batas na aamyenda o
babago sa kasalukuyang batas na umiiral. Sila din ang may kapangyarihan na
isuplong ang Presidente at mga kawani ng Korte Suprema sa pamamagitan ng
Impeachment.

Ang Hudikatura naman, sa pangunguna ng Korte Suprema bilang


tagapamagitan at huling tagahatol, ay maaaring ideklarang walang saysay at hindi
konstitusyunal ang mga batas na ginawa ng Kongreso at mga desisyon ng Pangulo.
Maaari din nilang ideklara kung may pag-abuso o pagkukulang sa paggamit ng
kapangyarihan ang buong Kongreso at ang Presidente ng bansa.

8 EHEKUTIBO
Isa sa mga sangay ng pamahalaan ay ang
ehekutibo (executive department). Ayon sa Saligang
Batas ng 1987 Artikulo VII seksyon 1, “ang kapangyarihan
ng ehekutibo ay ibinibigay sa Pangulo ng Pilipinas.” Ang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas lamang ang may hawak
ng kapangyarihan ng ehekutibo. Ito ay dahil ang pangulo
lamang ang kinikilalang ulo ng estado at ulo ng gobyerno.

https://images.app.goo.gl/
ES6ZhMtDgL3AA5yr5
Ang kapangyarihan ng “ehekutibo” ay ang pagpapatupad ng mga batas at
ang siguruhin na ang mga batas na ito ay nasusunod ng lahat ng mga mamamayan.
Ito ay nangangahulugan na napakalawak ng kapangyarihan ng pangulo ganun din
ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. Dahil din sa lawak ng kanyang
kapangyarihan, siya ay tinaguriang pinaka-maimpluwensiyang tao sa bansa.

Ano ba ang mga kwalipikasyon sa pagiging isang Pangulo ng Pilipinas?


Ayon sa seksyon 2 ang mga kwalipikasyon ng mga mga tatakbong Pangulo ay ang
mga sumusunod: 1) ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas; 2) rehistradong
botante; 3) marunong bumasa at sumulat; 4) 40 taong gulang sa araw ng eleksyon;
at 5) naninirahan sa Pilipinas ng hindi bababa ng 10 taon bago ang eleksyon.

Ano ano naman ang mga kapangyarihang ng Pangulo?

Appointment Power. Ayon sa seksyon 16 ng parehong artikulo, ang


pangulo ay may kapangyarihan na maglagay ng mga tao sa mga opisina o
departamento na nasa ilalim niya (executive departments). Ngunit ito ay
nangangailangan ng pagsang-ayon at pagapruba ng Commission of Appointments.
Kung sakaling hindi aprubahan ng Komisyon ang inilagay, kailangan ng pangulo na
pumili ng panibagong ilalagay sa posisyon.

26
Senior High School

Power of control. Ayon naman sa seksyon 17, ang pangulo ang may
kontrol sa lahat ng kagawaran, sangay at opisina sa ialalim ng Ehekutibong sangay
upang siguruhin na maipatutupad ng maayos ang mga batas.

Military power. Ayon naman sa seksyon 18, ang pangulo ay may


kapangyarihang militar. Ang kapangyarihang ito ay base sa kanyang posisyon bilang
pinaka-puno ng sandatahang lakas ng Pilipinas. Maaari niyang gamitin ang
sandatahan ng Pilipinas sa mga pagkakataon hinihingi katulad ng kaguluhan at
kawalan ng kaayusan sa lipunan, pananakop, at pagaaklas. Maaari din siyang
magdeklara ng martial law o batas military ngunit ito ay dapat niyang ipagbigay alam
sa kongreso sa loob ng apatnaput-walong (48) oras. Ang kongreso ang may
kapangyarihan na mag-apruba, magpalawig o magpatigil ng batas militar.

Pardoning power. Ayon sa seksyon 19, ang pangulo ng republika ay may


karapatang magbigay ng amnestiya o pagpapatawad, pagpapaliban o pagbabawas
ng sentensiya sa mga taong may kasalanan sa batas at nahatulan na sa korte.
Borrowing power. Ayon naman sa seksyon 20, may kapangyarihan din
ang pangulo upang manghiram ng pondo sa ibang bansa sa ngalan ng republika.
Datapuwat ito ay isang kapangyarihang eksklusibo sa pangulo, ito ay mayroon ding
limitasyon. Ang panghihiram ng pondo, ayon sa batas, ay nararapat lamang na may
pagsang-ayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ay upang masigurado na ang pag-
utang ay sang-ayon sa pangangailangan ng pamahalaan upang tugunan ang
pangangailangan ng bansa. Bakit? Sapagkat ito ay magdadagdag sa utang ng
bansa kaya’t marapat lamang na isaalang-alang ang maayos na paggamit nito at
ang kakayahan ng bansa na makabayad sa nasabing pagkakautang.

Budgetary power. Ayon naman sa seksyon 22, ang pangulo ay may


kapangyarihan na magbuo ng pang-taunang plano ng pamahalaan at pagpopondo
sa mga ito. Ito ay kanyang isinusumite sa Kongreso sa unang tatlumpung (30) araw
simula sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Veto power. Isa pa sa mga mahalagang kapangyarihan niya ay nakasaad


sa Artikulo VI seksyon 27 na nagsasabing ang isang “bill” bago maging isang batas
ay kailangan ng pirma at pagsang-ayon ng pangulo. Ang mga batas ay
binabalangkas sa pambansang lehislatura ng Pilipinas ngunit ang pag-apruba ay
nasa pangulo. Ito ay upang panatilihin ang integridad ng ehekutibong sangay at
upang mabantayan din ang mga mambabatas sa kanilang pagbuo ng mga batas ng
bansa.

Ngunit isa sa limitasyon sa kapangyarihang ito ng pangulo ay nakasaad


na kung hindi mapirmahan o maibalik ng pangulo sa kongreso ang bill kasama ng
kanyang mga hindi sinang-ayunan sa loob ng tatlumpung araw (30) araw simula ng
matanggap niya ang dokumento, ito ay magiging batas kahit wala siyang pirma.

Ating mapapansin na ang bawat kapangyarihan ng pangulo ng republika


ay malawak ngunit may kaakibat na limitasyon. Ito ay upang maiwasan muli ang
pagabuso sa kapangyarihan. Ang mga limitasyon na itinakda ng konstitusyon ay
magbibigay ng proteksyon laban sa mga mapang-abuso at diktador na pangulo ng
bansa.

27
Senior High School

ORGANISASYON NG EHEKUTIBO
(Simula sa Sentral hanggang sa Lokal na
Pamahalaan)

Makikita natin na simula sa Pangulo ng


Pilipinas, may iba’t ibang ulo ng sangay ng lokal
na pamahalaan. Ang gobernador hanggang sa
kapitan ng barangay ay kinikilala din bilang mga
ulo ng pamahalaang lokal na ayon sa saklaw ng
kanilang kapangyarihan na nakasaad sa
tinatawag na Local Government Code of 1991 na
ating tatalakayin sa mga susunod na kabanata.

https://images.app.goo.gl/CRUTk7tPpGciQLHd6
PAGLALAGOM
Ibigay ang mga probisyon ng Saligang Batas at ang isinasaad nitong kapangyarihan
ng Pangulo ng Pilipinas.

Probisyon sa Kapangyarihan Deskripsyon


Saligang Batas

Appointment Power

Control Power

Military Power

Pardoning Power

Borrowing Power

Budgetary Power

Veto Power

28
Senior High School

PAGPAPALALIM
Kung ikaw ay tatanungin, sumasang-ayon ka ba na madagdagan ang haba ng
panunungkulan ng isang Pangulo mula sa anim (6) na taon? Kung oo o hindi, bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9 LEHISLATURA

https://images.app.goo.gl/GvG1Y4ZSjqf27xed8

Isa sa mga sangay ng pamahalaan ay ang lehislatura (Philippine


Legislature). Ang sangay na ito ng pamahalaan ang inatasan ng Konstitusyon upang
bumuo ng mga batas. Ito ay binubuo ng dalawang kamara (bicameral). Ang
lehislatura ay tinatawag din bilang Kongreso. Ayon sa Saligang Batas ng 1987
Artikulo VI seksyon 1 “ang kapangyarihang bumuo ng mga batas ay ibinibigay sa
Kongreso ng Pilipinas na binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan…”
Ibig sabihin nito, tanging ang kongreso lamang ang maaaring magbigay ng
suhestiyon, bumuo ng bago o bumaklas sa umiiral nang batas. Bakit ba may
dalawang magkaibang kamara ang kongreso?

Kung ating babalikan ang kasaysayan ng pamahalaan, sa ilalim ng


tinatawag na Jones Law ang Pilipinas ay nagkaroon ng tinatawag na Bicameral
Legislature (Senate at House of Representatives) na pinamumunuan mismo ng mga
Pilipino. Ito rin ang batas na nagbigay sa atin ng pag-asa na makamit ang ating
ninanais na kasarinlan sa kamay ng mga Amerikano. Ang pagkakaroon ng dalawang

29
Senior High School

kamara ay bilang paghahanda sa mga Pilipino upang pamahalaan ang kanilang sarili
sa loob ng sampung taon na itinakda ng Jones Law.

Ngunit nang mabuo na ang Saligang Batas ng 1935, ang dating bicameral
legislature ay naging unicameral na ang ibig sabihin ay isa na lamang ang Kongreso.
Pinagsama na ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (House of
Representatives). Subalit nung 1940, ibinalik muli ito sa bicameral system. Noong
panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Marcos, nabuo ang Saligang
Batas ng 1973 kung saan ang Kongreso ay naging unicameral parliamentary system
na tinawag na Batasang Pambansa. Ngunit pagkatapos ng EDSA I, nabuo ang ating
kasalukuyang Konstitusyon ng 1987 kung saan nagbalik muli sa bicameral system
ang ating Kongreso. Ang pagbabago bago ng sistema ay dala ng mga pangyayari at
pangangailangan ng mga panahong nagdaan. Kaya naman, ang sistema ng ating
lehislatura ay ayon sa hinihingi ng panahon at pangangailangan ng bansa.

Ang kongreso ay may dalawang


kamara. Ang una ay tinatawag nating Senado
(Senate/ Upper House). Ito ay pinamumunuan
ng tinatawag na Senate President na inihahalal
mula sa 24 na senador. Ayon sa Artikulo VI
seksyon 2, ang senado ay binubuo ng 24 na
senador na inihalal ng taumbayan. Ngunit hindi
lahat ng senador ay pare-pareho ang tagal ng
panunungkulan. Ang unang labindalawang (12)
senador na may pinakamataas na boto ay
manunungkulan ng anim (6) na taon habang ang
sunod na labindalawang (12) senador na may
sunod na pinakamataas na boto ay manunungkulan sa loob ng tatlong (3) taon
https://images.app.goo.gl/Jy8A7GYEjBvxmCPAA

lamang. Ito ay upang panatilihin at siguruhin na gumagalaw ang Kongreso.

Ayon naman sa seksyon 3, ang mga kwalipikasyon ng isang senador ay


ang mga sumusunod: 1) ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas; 2) 35 taong
gulang sa araw ng eleksyon; 3) marunong bumasa at sumulat; 4) rehistradong
botante; at 5) naninirahan sa Pilipinas na hindi bababa sa 2 taon bago ang
eleksyon.

Ang ikalawang kamara ng Kongreso


ay tinatawag naman Kapulungan ng mga
Kinatawan (House of Representatives/ Lower
House). Ang kamarang ito ay pinamumunuan
ng tinatawag na House Speaker na inihahalal
mula sa mga kawani ng kapulungan. Ayon sa
seksyon 5 talata 1, ang Kapulungan ng mga
Kinatawan ay binubuo ng hindi hihigit sa
dalawang daan at limampung (250) miyembro
maliban na baguhin ng batas, na iboboto galing
sa mga distrito at party-list. Dalawampung
porsyento (20%) ng kapulungan ay nakalaan sa party-lists.
https://images.app.goo.gl/7NWUv9BmPfx3fDui9

30
Senior High School

Ayon sa seksyon 6 ng parehong artikulo, ang kwalipikasyon ng mga


miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay ang sumusunod: 1) ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas; 2) 25 taong gulang sa araw ng eleksyon; 3) marunong
bumasa at sumulat; 4) rehistradong botante sa kanyang distrito, maliban sa
kinatawan ng mga party-list; at 5) naninirahan sa Pilipinas na hindi bababa sa 2 taon
bago ang eleksyon.

Ano-ano ang mga kapangyarihan ng Kongreso?

Appointment power. Ayon sa seksyon 18, ang Commission of


Appointment ay binubuo ng Senate President, labindalawang (12) senador at
labindalawang (12) miyembro ng House of Representatives. Ang komisyon ang may
kapangyarihang magapruba o magbigay pahintulot na umupo ang mga itinalaga ng
Pangulo sa mga departamento.

Power of legislative inquiry and investigation. Ayon naman sa seksyon


21, ang kongreso o ang mga komite nito ay may kapangyarihan magimbestiga
upang mas mapagbuti nito ang pagbubuo ng mga batas.
Power to declare the existence of war. Ayon naman sa seksyon 23, ang
kongreso lamang ang may kapangyarihan magdeklara ng pagkakaroon ng digmaan.
Ngunit, binibigyan din ng konstitusyon ng kapangyarihan ang pangulo ng Republika
na pumasok sa isang digmaan bago pa man ideklara ng kongreso.

Power of appropriation. Ayon naman sa seksyon 24, hawak ng


kongreso ang kapangyarihang gumawa ng batas na nagsasaad ng mga paglalagyan
ng pondo mula sa kaban ng bayan. Subalit ayon sa seksyon 25, talata 1, hindi
maaaring itaas ng kongreso ang mga pondong inilaan ng pangulo para sa mga
gawain ng pamahalaan.

Propose, review and adopt bills into a law. Ayon sa seksyon 27, ang
kongreso ay may kapangyarihang maghain, magsuri, tumanggap at bumuo ng mga
Bill upang maging batas. Subalit, bago ito maging batas, ito ay nararapat na ihain
muna sa Presidente para sa kanyang pirma. May kapangyarihan ang pangulo na
ibalik ang bill kasama ng kanyang mga di sinasangayunan sa nasabing batas.

Overturn presidential veto.Sakaling matapos mapag-aralan ng kamara


kung saan nanggaling ang bill at 2/3 ng miyembro nito ay sumang-ayon na ipasa ang
batas, ito ay dadalhin sa isa pang kamara at pagbobotohan. Kapag nagkaroon din ng
2/3 na boto sa nasabing kamara, ang bill ay magiging batas kahit walang pirma ng
pangulo.

Taxation power. Ang seksyon 28 naman ay tumutukoy sa kapangyarihan


ng kongreso na magpataw ng iba’t ibang klase ng buwis. Lahat ng uri ng buwis ay
manggagaling lamang sa kongreso.

Allow referenda. Ayon sa seksyon 32, ang kongreso ay may


kapangyarihan na magpahintulot na magkaroon ng initiative o kapangyarihan ng
taumbayan na maghain, magpasa, magpahintulot o hindi-pagpapahintulot ng isang
batas. Ganun din ang tinatawag na referendum o ang proseso ng pagsangguni sa

31
Senior High School

taumbayan tungkol sa batas na ginawa ng Kongreso o ng lokal na kinatawan ng


bayan upang aprubahan ng mga mamamayan.

Propose amendment to the Constitution. Isa rin sa kapangyarihan ng


kongreso ay nakasaad sa Artikulo XVII seksyon 1 na nagsasabing ang pagbabago at
pagpapalit ng mga nilalaman ng Konstitusyon ay maaari lamang gawin ng Kongreso
na may ¾ na boto ng pinagsamang miyembro ng Senado at Kapulungan ng mga
Kinatawan.

ORGANISASYON NG KONGRESO
(Simula sa Sentral hanggang sa Lokal na Gobyerno)

PAGLALAGOM
https://images.app.goo.gl/3gAtiQSHbMpUrkx66
Philippine
Ibigay ang mga probisyon ng
Saligang Batas at ang isinasaad nitong CONGRESS
kapangyarihan ng Kongreso.

Probisyon sa Mandato/ Deskripsyon


Saligang Batas Responsibilidad
Appointment of Public
Officials

Legislative Inquiry and


Investigation

Grant Emergency Powers

Approve Budget

Propose, Review and


Adopt Bill into a Law

Taxation Power

Allow Referenda

Propose Amendments to
the Constitution

32
Senior High School

PAGPAPALALIM
Sa iyong palagay, alin ang mas epektibong struktura ng Kongreso? Unicameral o
Bicameral? Ano-ano ang mga maganda at di kagandahang epekto ng iyong napili?
Magbigay ng mga tunay na nagyayari sa ating pamahalaan na magpapatunay sa
iyong sinasabi.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10 HUDIKATURA
Ang huling pangunahing
sangay ng pamahalaan ay ang tinatawag
nating Kataas-taasang Hukuman
(Supreme Court). Ang sangay na ito ng
ating pamahalaan ang siyang may
kapangyarihan na magsalin (interpret) ng
ating mga batas kung ito ba ay naaayon
sa ating Konstitusyon. Ang pangunahing
gawain ng hudikatura ay ang bantayan
ang ating Konstitusyon at siguruhin na ito
ang palaging mamamayani sa lahat ng
gawain at desisyon ng mga sangay ng
https://images.app.goo.gl/36q4NUTeCokPB5kq8 pamahalaan.

Ayon sa ating Saligang Batas Artikulo VIII


seksyon 1, “ipinagkakaloob ang kapangyarihan ng
paghuhukom sa Korte Suprema at sa mga mabababang
hukuman”. Ibig sabihin, ang Korte Suprema at ang mga
mabababang hukuman sa ilalim nito ang may
kapangyarihan na magbigay kahulugan sa ating
konstitusyon at mamagitan sa mga usaping legal na may
kinalaman sa mga isyu ng karapatan at tungkulin sa
pagitan ng estado at pribadong mamamayan at mga
https://images.app.goo.gl/
usaping legal, pampubliko o pribado man. bYHUAviXKxBd7DrB6

Gaano ba kalawak ang sakop ng kapangyarihan ng ating mga hukuman?


Una ay ang tinatawag nating Kapangyarihan Maghusay (Adjudicatory power). Ito ay
nangangahulugan ng dalawang bagay. Una ay ayusin o bigyang linaw ang mga
usapin, isyu at kontrobersiyang may kinalaman sa batas. Ikalawa, ay ang suriin kung
may paglabag o pag-abuso sa paggamit ng kapangyarihan ang mga ahensiya ng
pamahalaan.

33
Senior High School

Ikalawa, ang Panghukumang Pagsusuri (Judicial Review). Ang korte


lamang ang may kapangyarihan na magdesisyon kung wasto at naaayon sa
konstitusyon ang mga batas ng bansa at mga kilos at desisyon ng ibang mga sangay
ng pamahalaan. Ang korte lang din ang may may karapatan na magbigay kahulugan
sa mga batas at sa huli ay magbigay ng pinal at nagbubuklod na desisyon sa mga
usaping legalidad.

Ikatlong sakop ng kapangyarihan ng korte ay ang mga may Kaugnayan sa


Gawain ng mga korte (Incidental Powers). Ang mga gawaing ito ay tumutukoy sa
mga kinakailangan ng mga korte upang maisakatuparan nila ang kanilang mandato o
trabaho sa pagbibigay ng hustisya kagaya halimbawa ng pagbibigay parusa sa mga
taong nagkasala sa batas.

Ayon naman sa seksyon 4 ng parehong artikulo, ang Korte Suprema ay


binubuo ng isang (1) Punong Mahistrado (Chief Justice) at labing apat (14) na mga
Kasamang Mahistrado (Associate Justices). Nakasaad naman sa seksyon 5 ang ilan

https://images.app.goo.gl/Mb2fmdQAumRDN3539
pang mga kapangyarihan ng korte suprema na kaugnay parin sa mga nabanggit na
pangunahing kapangyarihan nito.

Ano-ano naman ang mga kwalipikasyon ng mga miymebro ng Korte


Suprema o Kataas-taasang Hukuman? Ito ay ang mga sumusunod: 1) Isinilang na
mamamayan ng Pilipinas; 2) hindi bababa sa edad na apatnapu (40); 3) mayroong
karanasan bilang isang hukom sa mababang hukuman o di kaya ay nasa larangan
ng abogasya ng hindi bababa sa labinlimang taon (15 years); at 4) isang taong
napatunayang mahusay, may integridad, marangal; at may layang mag-isip.

ORGANISASYON NG HUDIKATURA
(Simula sa Kataas-taasang Hukuman hanggang sa Mababang mga Hukuman)

Makikita natin sa
organisasyon ng mga hukuman

34
Senior High School

na may iba’t ibang lebel. Ang bawat kaso na binibigyang hatol sa mababang
hukuman ay maaari paring iluhog sa mas mataas na hukuman ayon sa struktura
nito. Ang pinakahuli at pinal na desisyon ay ang Korte Suprema. Kapag nakapag
desisyon ang Korte Suprema, ang hatol ay hindi na maaaring iapela at baguhin.

https://images.app.goo.gl/SHE3iGXLkDR17hv3A

PAGLALAGOM
Ibigay ang tatlong (3) mahahalagang kapangyarihan ng Hudikatura at ano ang
kahalagahan ng mga ito sa Sangay na ito ng Pamahalaan.

______
______ ______

Philippine
Judiciary

PAGPAPALALIM
1. Sa iyong pagkaunawa, ano ang kahalagan ng malayang Hudikatura sa
pagbibigay ng hustisya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit kinakailangan na ang Hudikatura ay maging malaya at may kasarinlan


sa dalawa pang mga pangunahing sangay ng pamahalaan? Paano nila
napapanatili ang balanse sa kapangyarihan ng gobyerno?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

35
Senior High School

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ipaliwanag: “Justice delayed is justice denied.” Ano ang kaugnayan nito sa


usapin ng hudikatura?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11 LOKAL NA PAMAHALAAN
Nakasaad sa Saligang Batas ng
1987 Artikulo II seksyon 1 na ang Pilipinas ay
isang demokratiko at isang Republikang
estado. Ito ay nangangahulugan na ang
kapangyarihan ay nasa taumbayan gayun din
ang pagpili ng kanilang magiging pinuno ng
pamahalaan. Iisa lamang ang pamahalaan at
ito ay pinangungunahan ng Pangulo. Ibig
sabihin, ang kapangyarihan ay hawak ng
pamahalaang sentral (National Government). https://images.app.goo.gl/p4FtKbLNim2rnV239

Isang malaking rebolusyon sa pamahalaan ang tinatawag nating


Desentralisasyon. Ang prosesong ito ay nagkaroon ng rurok sa pagkakabuo ng
Batas Republika 7160 o kilala sa tawag na Local Government Code of 1991. Bakit
mahalaga ang prinsipyo ng desentralisasyon sa ating bansa?

Kapag sinabi nating “desentralisasyon,” ito ay nangangahulugan ng


paglilipat ng ilang kinakailangang kapangyarihan mula sa nasyunal pababa sa lokal
na pamahalaan upang mabigyan ng mas malawak na partisipasyon ang mga
mamamayan sa gawaing pamamahala sa bayan at sa mga komunidad. Hindi ibig
sabihin ay hiwalay ang mga Lokal na Pamahalaan sa Pamahalaang Sentral, bagkus
ang bawat lokal na pamahalaan ay may mas malawak na awtonomiya sa
pamamahala sa sarili nilang mga komunidad ganun din ay upang maging mas
mabilis ang pagdadala ng serbisyo publiko sa mga tao.

May tatlong (3) aspeto ang desentralisasyon: 1) politikal; 2)


pampananalapi; at 3) institusyunal.

Ang desentralisasyong politikal ay tumutukoy sa pagsasalin ng ilang


kapangyarihan at responsibilidad ng sentral na pamahalaan sa lokal na pamahalaan.
Ito ay ayon sa Artikulo X seksyon 2. Halimbawa ng mga responsibilidad na ito ay ang
serbisyong agrikultural, pangkalusugan, pagpapatupad ng batas pangkalikasan at
serbisyong panlipunan. Kasama rin ang sektor ng edukasyon, pabahay,
komunikasyon at iba pa. Isa sa kapangyarihan na isinalin sa mga lokal na
pamahalaan ay ang pagbibigay ng mga lisensya sa iba’t ibang kalakaran ng
transportasyon, pagproproseso at pagpapahintulot ng pagtatayo ng mga subdibisyon
at mga pabahay gamit ang mga lupang pangagrikultura at iba pa.

36
Senior High School

Ang desentralisasyong pampananalapi naman ay tumutukoy sa


kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan na magpataw ng mga buwis sa mga
pagawain at serbisyo sa loob ng kanilang lokalidad mula sa mga pribadong sektor at
mamamayan, ganun din ang pagbibigay sa kanila ng sapat na bahagi sa buwis na
nakokolekta ng pamahalaang sentral na kilala sa tawag na IRA (Internal Revenue
Allotment). Sa pamamagitan nito, ang mga lokal na pamahalaan ay nagkakaroon ng
pagkakataon na palakasin ang kanilang sariling ekonomiya upang mapaunlad ang
buhay at estado ng bawat kawani ng pamayanan na sang-ayon sa mga programa ng
pamahalaang sentral. Ito ay makikita natin sa Artikulo X seksyon 5, 6 at 7.
Ang panghuli ay ang desentralisasyong institusyunal na tumutukoy naman
sa pagbibigay ng karapatan at direktang partisipasyon sa mga lipunang sibil at mga
samahang panlipunan na binubuo ng mga ordinaryong mamamayan sa
pamamahala. Ito ay makikita kung saan binibigyan ng representasyon ang mga
sektor ng lipunan sa mga gawaing pagdedesisyon, pagpaplano sa mga sanggunian
at pagpapatupad ng mga programang pambayan. Ganun din sa mga parte ng
konseho ng bayan kung saan may mga kawani na galing sa ilang organisasyon ng
mga mamamayan. Ito ay nakasaad sa Artikulo X seksyon 9.

Ayon sa Artikulo X seksyon 1, ang politikal na pagkakahati-hati ng


republika ay ayon sa probinsiya, siyudad, munisipalidad at mga barangay ganun din
ang pagbuo ng ARMM at CAR (Autonomous Region in Muslim Mindanao at
Cordillera Autonomous Region). Ito ang tinatawag nating Lokal na Pamahalaan na
binuo sa ating bagong konstitusyon. Ang Kinatatalaan ng Kautusan ng Lokal na
Pamahalaan ng 1991 (Local Government Code of 1991) ay nagsasaad ng sistema at
kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan. Nilalayon nito na bigyan ng mas
epektibong struktura at sistema ng pagsasalin ng kapangyarihan ang mga lokal na
pamahalaan para sa mas epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan.

Ayon naman sa seksyon 4 at seksyon 16 isinasaad na


ang Pangulo ay may kapangyarihang pamahalaan at siyasatin
ang mga lokal na pamahalaan kung nagagampanan ba nila
ang kanilang mandato at responsibilidad ayon sa nakasaad
sa batas. Ngunit hindi maaaring pakialaman ng Pangulo ang
paraan ng pamamahala ng mga lokal na opisyal at bawat
desisyon ng mga ito liban kung ito ay nakasaad sa batas.
Kaya nga mayroon tayong tinatawag na Kagawaran ng
Panloob at Lokal na Pamahalaan (Department of Interior and
Local Government or DILG) na siyang nagmamatyag sa mga https://images.app.goo.gl/
KLCLkJxsBuMAwrS48
opisyal ng lokal na pamahalaan.

ORGANISASYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN


(Mula sa Sentral pababa sa Lokal na Pamahalaan)

Makikita natin sa dayagram


paano ang pagkakaayos ng
ating lokal na pamahalaan
simula sa Pangulo
hanggang sa
pinakamababang sektor ng

37
Senior High School

mga barangay. Ang bawat sektor ng lokal na pamahalaan ay may awtonomiya sa


pamamalakad sa kanilang nasasakupan ngunit sila ay pinangangasiwaan parin ng
Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng DILG.
https://images.app.goo.gl/p48oEtafwfMbAzcy7

PAGLALAGOM
Ano-ano ang mga katangian ng Desentralisasyon ng kapangyarihan ng Pambansang
Pamahalaan?

Decentralization
of Power

PAGPAPALALIM
ALAGOM
1. Ano ang bumubuo ng mga Lokal na Pamahalaan ayon sa Saligang Batas at
sa Batas Republika 7160?
___________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Naging epektibo ba, sa iyong palagay, ang nangyaring desentralisasyon ng


kapangyarihan mula sa Pamahalaang Sentral? Oo o hindi? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano-ano sa palagay mo ang naging mabuti at di-mabuting naidulot ng


desentralisasyon ng kapangyarihan sa ating pamahalaan? Magbigay ng mga
konkretong halimbawa.

38
Senior High School

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

12 PAGKAMAMAMAYAN
Kung ang usapin ng politika ay mahalaga sapagkat
dito natin makikita at napag-uusapan ang lahat ng bagay
tungkol sa ating pamahalaan, marahil ay atin ding makikita ang
kahalagahan ng pag-unawa sa konsepto ng
“pagkamamamayan” natin. Kagaya ng ating mga puna at
opinyon sa ating gobyerno, marapat din lamang na ating
unawain ang konsepto ng pagkamamamayan upang mas
maging makabuluhan sa atin ang salita o terminong ito.
https://images.app.goo.gl/
kP39y4iJ3GbWXGXu9

Ano ba ang ibig sabihin ng pagkamamamayan?


Kapag sinabi nating pagkamamamayan (citizenship) ito ay
nangangahulugan ng pagiging miyembro o kawani ng isang
lipunang politikal na kung saan ito ay nangangahulugan ng
‘pag-anib’ bilang tungkulin sa parte ng miyembro at
pagproteksyon sa bawat kaanib sa parte naman ng estado.

Ang isang mamamayan naman ay tumutukoy sa


isang tao na kaanib o miyembro ng isang demokratikong
komunidad na mayroong politikal at sibil na mga karapatan at
binibigyang proteksyon ng estado maging sa loob at labas ng
https://images.app.goo.gl/ bansa.
egm5ECKdLFrmHPje9

May dalawang (2) paraan paano nagiging mamamayan ang isang tao.
Una ay sa tinatawag nating jus sanguinis o relasyon sa dugo. Ang anak ay nagiging
mamamayan ayon sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o alin man sa
kanila. Halimbawa nito ay ang Pilipinas. Ang ikalawa naman ay ang jus soli or jus
loci. Ang ibig sabihin, lugar ng kapanganakan ang nagiging basehan ng
pagkamamamayan. Halimbawa nito ay ang Estados Unidos (United States of
America).

Sino naman ang mamamayan ng Pilipinas? Ayon sa Artikulo IV seksyon 1


ng ating Saligang Batas, ang mamamayan ng Pilipinas ay ang mga sumusunod:

1) Yung mga mamamayan na ng Pilipinas nung araw na gamitin ang


Konstitusyon (1987 Constitution);
2) Iyong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas;
3) Yung mga ipinanganak bago ang Enero 17, 1973 na ang ina ay
Pilipino, na piniling maging mamamayan ng Pilipinas pagdating sa
kanilang hustong gulang;
4) Iyong mga tao na ginawang mamamayan ayon sa batas.

39
Senior High School

Ating himay-himayin. Bago pa ang Saligang Batas ng 1987, may dalawa


pang naunang konstitusyon ang Pilipinas. Ang una ay ang Saligang Batas ng 1935
(1935 Constitution) na nabuo noong panahon ng Commonwealth sa ilalim ng mga
Amerikano at ang ikalawa ay ang Saligang Batas ng 1973 (1973 Constitution) noong
panahon ni dating Pangulong Marcos.
Itinuturing na mga Pilipino yung mga mamamayan na ng Pilipinas nung
araw na gamitin ang Konstitusyon (1987 Constitution). Ibig sabihin lamang nito na
lahat ng opisyal at kinikilalang mamamayan sa ilalim ng Konstitusyon ng 1973 ay
awtomatikong mamamayan sa ilalim ng bagong konstitusyon.

Isa kang mamamayang Pilipino kung ang iyong ina o ama ay isang
mamamayang Pilipino. Makikita natin dito na may pantay na karapatan ang ina at
ama. Sang-ayon din sa bagong konstitusyon, hindi rin pinaguusapan kung lehitimo
(legitimate) o ilehitimo (illegitimate) ang batang isinilang sa pagtukoy sa kanyang
pagkamamamayan (citizenship).

Isa pa sa sinasabi ng bagong konstitusyon ay lahat ng ipinanganak bago


ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na piniling maging mamamayan ng
Pilipinas pagdating sa kanilang hustong gulang ay ituturing na mamamayang
Pilipino. Ito ay sapagkat sa ilalim ng Konstitusyon ng 1935 sa panahon ng
Commonwealth, ang lahat ng bata na isinilang na ang ina ay Pilipino at ama ay ibang
lahi ay itinuturing na alien o hindi mamamayan. Magiging mamamayang Pilipino
lamang ang bata pagdating niya sa hustong gulang kung saan ay siya ang pipili ng
pagiging Pilipino.

Ang pinakahuling paraan upang maging mamamayang Pilipino ay sa


pamamagitan ng batas. Kapag sinabi nating ayon sa batas, ito ay tinatawag na
naturalisasyon (naturalization). Ito ay tumutukoy sa aktong pagtanggap sa isang
dayuhan (foreigner) sa isang lipunang politikal na nagbibigay sa kanya ng mga
karapatan at prebilehiyong naaayon sa isang mamamayan. Ang tatlong (3) paraan o
proseso ng naturalisasyon ay sa pamamagitan ng: 1) paghuhusga ng korte; 2)
desisyon at akto ng kongreso; at 3) administratibong pagdinig.

Ngayon na alam na natin paano nagiging isang mamamayan ang isang


Pilipino, marapat naman na ating itanong sa ating sarili, “ano naman ang obligasyon
natin bilang isang mamamayang Pilipino?” Dapat nating tandaan na ang pagiging
mamamayan ay hindi lamang tungkol sa karapatan at pribelehiyo kundi obligasyon at
responsibilidad din.

Ano-ano ba ang obligasyon natin bilang mamamayang Pilipino?

1. Maging tapat
sa
Republika.
2. Mahalin at
ipagtanggol
ang bayan.

40
Senior High School

3. Tumulong sa pagpapaunlad at kapakanan ng


Estado.
4. Manindigan sa Konstitusyon at sumunod sa
mga batas.
5. Makipagtulungan sa mga kawani ng batas.
6. Responsableng paggamit ng mga karapatan na
may paggalang sa karapatan ng iba.
7. Magtrabaho upang kumita.
8. Magparehistro at bumoto.

PAGLALAGOM
Punan ang daygram sang-ayon sa prinsipyo na sinusunod sa pagkilala ng
“Pagkamamamayan” ng isang tao gayun din kung paano ang isang tao ay nagiging
isang “Mamamayang

How to be
a citizen? Filipino
Citizen
Pilipino”.

PAGPAPALALIM
1. Maaari bang magkaroon ng dalawang uri ng “pagkamamamayan” ang isang
tao? Bakit?_____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

41
Senior High School

2. Ano ba ang kahalagahan ng pagiging isang mamamayang Pilipino at paano


natin naipapakita ito?
_____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, naipapakita ba nating mga Pilipino lalo na ng mga kabataan


ang kahalagahan ng pagiging isang mamamayan? Ano kaya sa iyong palagay
ang mga dahilan bakit? ___________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

13 PAGHAHALAL
Ang pagiging isang mamamayan ay isang prebilehiyo at isang obligasyon.
Sinasabi nga na ang pagiging mamamayan ng isang bansa ay may kasamang mga
karapatan ngunit may kaakibat ding malaking obligasyon at responsibilidad. Isa sa
mga ito ay ang kanilang obligasyong maghalal. Ang halalan ay isang mahalagang
elemento at proseso ng demokrasya. Kaya naman ito ay isa ring mahalagang
pagkakataon sa bawat mamamayan ng isang soberanyang estado.

Ang salitang halalan ay isang terminong politikal na nangangahulugan ng


iba’t ibang bagay. Marahil, sa isang simpleng mamamayan, kapag sinabing halalan
ay eleksyon lamang o pagpili ng mga mamumuno sa bansa. Ito ay isa lamang sa
mga gawain ng halalan. Kapag sinabi nating “halalan” (suffrage), ito ay tumutukoy sa
karapatan at obligasyon bumoto ng isang mamamayan sa pagpili ng mga
mamumunong opisyal ng bansa at sa mga lokal na pamahalaan gayundin sa
pagdedesisyon sa mga usaping pambansa na inihain sa mga mamamayan.

42
Senior High School

https://images.app.goo.gl/L7xSwkQJ3AjVWV5Y6

Dalawang bagay ang dapat nating maunawaan sa kahulugan ng halalan.


Ano-ano ba ang mga gawain na sakop ng “halalan?” May limang (5) gawain ang
nasasakop ng halalan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Eleksyon (election). Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagpili ng mga


mamamayan kung kanino nila ipagkakatiwala ang pamumuno at
pagpapatakbo ng bansa at ng bayan at magiging kinatawan sa pamunuan
ng bansa.

2. Plebisito (plebiscite). Ito naman ay tumutukoy sa pagboto ng mga tao na


nagpapakita ng kanilang pangsang-ayon o pagtutol sa isang batas na
isinumite sa kanila. Halimbawa nito ay ang pagboto ng mga mamamayan
upang pagtibayin (ratify) ang mga pagbabago at pagpapalit sa
Konstitusyon.

3. Reperendum (referendum). Ito naman ay tumutukoy sa pagsusumite sa


mga tao ng isang batas o ilang bahagi nito na binuo ng pambansa o lokal
na lehislatura upang pagbotohan ng mga mamamayan ng bansa kung
kanilang sinasang-ayunan o hindi ang nasabing batas.
4. Inisyatibo (initiative). Ito ay ang proseso kung saan ang mga mamamayan
mismo ang direktang naghain at bumuo ng isang batas. Ang pagbabago
sa Konstitusyon ay maaari ring maging inisyatibo na magmumula sa mga
mamamayan.

5. Pag-aalis bisa (recall). Ito naman ay isang paraan kung saan ang isang
lokal na namumuno sa pamahalaan ay maaaring alisin sa kanyang pwesto
o posisyon bago pa man matapos ang kanyang termino sa pamamagitan
ng pagboto ng taumbayan matapos ang paghahain ng isang petisyon mula
sa ilang porsyento ng mga botante sa naturang lugar.

https://images.app.goo.gl/4rpzZdSfe7qd8JVo9

43
Senior High School

Ano -ano naman ang kwalipikasyon ng isang mamamayan upang siya ay


maging isang botante? Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod: 1) isang
mamamayan ng Pilipinas; 2) hindi pinagbabawalan ng batas; 3) labingwalong (18)
taong gulang pataas; at 4) naninirahan sa Pilipinas ng hindi bababa sa isang (1) taon
at hindi bababa sa anim(6) na buwan sa lugar kung saan niya ibig bumoto. Ang
paghahalal, dapat nating tandaan, ay isang karapatan at obligasyon ng isang
mamamayan. Ito ay nararapat nating gamitin ganun din ay ingatan sapagkat malaki
ang papel nito sa pagpapanibago ng ating bayan at lipunan.

PAGLALAGOM
Pag-ugnayin ang mga isyu at kaganapan sa ating lipunan ayon sa uri ng gawaing
halalan na nakasasakop rito.

1. Eleksyon  Paghahain ng taumbayan ng batas


upang mabigyan ang ABS-CBN ng
prangkisa.
2. Plebisito  Pagboto ng mga tao sa Mindanao kung
sumasang-ayon sila o hindi na maging
bahagi ng Bangsamoro Autonomous
3. Reperendum Region (BARMM)
 Isang mayor na inalis sa pwesto dahil
sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
4. Inisyatibo
 Paghahalal kay Pangulong Rodrigo
Duterte bilang presidente
5. Pag-aalis Bisa  Pagkakabuo ng ARMM at CAR na
sinag-ayunan ng mga mamamayan
 Pagbabago ng isang munisipalidad sa
pagiging isang siyudad

PAGPAPALALIM

44
Senior High School

1. Sa iyong palagay, sa kasaysayan ng ating lipunan, naging matagumpay ba


ang taumbayan sa pagpili ng tamang pinuno sa pamahalaan?
___________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano naman sa iyong palagay ang mga dahilan kung bakit malaki parin ang
problema natin sa korapsyon gayong ang kapangyarihan ng paghahalal ay
nasa kamay na ng taumbayan? ____________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ikaw ba ay naniniwala na masosolusyunan pa ang problema ng korapsyon sa


bansa at makapipili tayo ng tamang pinuno? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

14 PARTIDONG POLITIKAL

https://images.app.goo.gl/Z98QUz5gyKiAa2ur6

Kilala mo ba ang mga nasa larawan? Kapag pinaguusapan ang halalan o


eleksyon sa partikular, hindi maiiwasan na hindi mapagusapan ang mga ‘partido’ ng
mga kandidato. Kung minsan nga ay ito ang nagiging basehan ng ating pagpili ng
mga kandidato. Ito ay sapagkat ang mga “Partido politikal” ay isang malaking bahagi
sa kasaysayan ng ating bansa simula pa nung una magpa hanggang ngayon.

45
Senior High School

Ayon sa probisyon ng ating Saligang Batas na nakasaad sa Artikulo IX


seksyon 6 na pinapayagan ang pagkakaroon at pagbubukas ng isang malaya at
bukas na sistema ng mga Partido sang-ayon sa kagustuhan ng mga tao.
Nangangahulugan na ito ay isang prebilehiyong ibinibigay sa mga tao upang mas
maging aktibo ang kanilang pakikiisa sa pamamahala ng bansa. Ano ba ang mga
Partido politikal at ano ang kanilang kahalagahan sa usapin ng politika?

Ang Partido Politikal (political party) ay isang boluntaryong


organisasyon ng mga mamamayan na may adbokasiya ukol sa mga prinsipyo at
polisiya kung paano nararapat pamahalaan ng isang gobyerno ang bansa. Ngunit
hindi lamang mga partidong may kinalaman sa politika ang tinutukoy dito. Mayroon
ding mga grupo o organisasyong hindi politikal ang layunin kagaya ng samahan ng
mga magsasaka, manggagawa, kababaihan at iba pang sektor na nageendorso at
sumusoporta sa ilang kandidato. Upang ang kanilang mga adbokasiya at layunin ay
mangyari, ang mga partidong politikal ay pumipili at sumusuporta mga kandidato
tuwing eleksyon. Kung ating susuriing mabuti, ang pinaka-layunin ng isang partido
politikal ay makontrol ang pamahalaan o gobyerno.

Mahalaga ang ginagampanan ng mga partidong politikal sa ating politika.


Sila ay nagsisilbing tagapamagitan ng estado at lipunan. Sapagkat ang mga
partidong ito ay nagsisilbing boses ng lipunan at ng kanilang interes. Sila rin ang
nagsisilbing mukha ng magiging pamahalaan kung sakaling ang mahalal ang
kanilang mga napiling kandidato.

Sa pamamagitan ng mga partidong


politikal nagkakaroon ng representasyon ang
tao at ang kanilang interes sa ating
pamahalaan. Sila rin ang nagiging mukha ng
mga saloobin at naisin ng iba’t ibang sektor ng
ating lipunan lalo na yaong mga hindi
nabibigyan ng pansin at nasa laylayan ng
lipunan. Dito din sa loob ng mga partidong ito
nabubuo ang mga layunin at programang
panlipunan na nagiging basehan ng mga
iniluluklok na opisyal ng pamahalaan.
https://images.app.goo.gl/e1SspGJdyt58hn4TA

Ang pagkakaroon ng partidong politikal ay isa rin sa daan ng paghanap at


pagpili ng mga taong nararapat mamuno sa bayan. Sa mga partidong ito nagaganap
ang paghuhubog at pagsasanay ng mga susunod na mamumuno sa pamahalaan.
Kaya naman, ang mga partidong ito ay mahalagang taniman ng ideolohiya, mga
ideya at kaisipan at magagandang katangian ng isang mabuting pinuno at opisyal ng
pamahalaan.

46
Senior High School

https://images.app.goo.gl/nFACi9e23Ngo8PZg6

Isa pa sa mahahalagang gawain ng mga partidong politikal ay ang


pagiging daan ng pagunawa at edukasyon sa larangan ng politika. Ito ay nangyayari
sa tuwing nagkakaroon ng mga pagtatalo, debate at diskusyon tungkol sa mga
isyung panlipunan at politika sa panahon ng kampanya. Dito ay nagkakaroon ng
pagkakataon ang mga mamamayan na himay himaying mabuti at suriin ang mga
plataporma ng mga kandidato na nais nilang iboto sapagkat iyon din ang magiging
punto at basehan ng uri ng pamamahala ng mga mananalo at mauupong opisyal.

PAGLALAGOM
Ano-ano ang kahalagahan ng mga Partidong Politikal lalo na sa pamamahala ng
ating bansa?

Political
Parties and
Governance

47
Senior High School

PAGPAPALALIM
1. Paano naipapakita ng mga Partidong Politikal ang mahalagang pagkakaiba-
iba ng pananaw ng mga Pilipino?
______________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, nagagampanan ba ng mga partidong politikal ang kanilang


layunin na isulong ang interes ng taumbayan tungo sa isang epektibo at may
pananagutang pamahalaan? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

LIPUNANG SIBIL AT KILUSANG


15
PANLIPUNAN
Ang pamamahala ng ating bayan ay hindi lamang solong obligasyon ng
ating pamahalaan. Bilang isang bansang nagpapahalaga sa diwa ng demokrasya,
ang pamamahala ay isa ring obligasyon ng mga mamamayan at mga organisasyong
hindi sakop ng politika. Bukod sa mga kinatawan na ating inihahalal, nagkakaroon
din ng partisipasyon ang mga tao sa pamamahala ng bansa sa pamamagitan ng
mga lipunang sibil at mga kilusang panlipunan. Ano ba ang lipunang sibil at mga
kilusang panlipunan? Bakit sila mahalaga sa usapin ng politika at pamamahala sa
Pilipinas?

May tatlong sektor ang lipunan. Una, ang pamahalaan, ikalawa, ang mga
pribadong kumpanya na nagpapatakbo ng ekonomiya. Ang lipunang sibil (civil
society) ay itinuturing na ikatlong sektor ng lipunan. Ang mga organisasyong
bumubuo sa lipunang sibil ay yaong mga hindi kontrolado ng gobyerno at hindi
layuning kumita bagkus ay tumulong sa iba. Sila ay mahalagang bahagi ng liberal na
demokrasya at kinikilala bilang kaagapay
ng mga ahensiya ng estado sa mga
layuning kaunlaran ng bansa. Nagsisilbi
din silang mukha ng pagbabago at
sagisag ng mga halagang panlipunan

48
Senior High School

(social values). Ang mga lipunang sibil din ay nagpapanatili ng balanse sa


kapangyarihan ng gobyerno. Sa pamamagitan nila nagkakaroon ng katuturan at
moralidad ang ating pamahalaan. Kung may mataas na moral ang ating gobyerno,
magkakaroon sila ng mabuting pamamahala at pananagutan sa taumbayan.
https://images.app.goo.gl/SVFTCCx8G1kMjhRY6

Ang mga lipunang sibil ay


nagsisilbing pasimuno ng pagbabago sa
pamamagitan ng kanilang mga ideyang
magpapanibago sa sistema ng lipunan at
sa kanilang mga gawaing pumupukaw ng
atensyon ng pamahalaan at mga pribadong
sektor. Sila rin ay nagsisilbing boses ng
maliit na mga mamamayan lalo na yung
mga nasa laylayan ng lipunan. Hindi lang
din kapakanan ng tao ang kanilang
isinusulong, ganun din ang kapakanan ng
kalikasan at iba pang nabubuhay sa
mundo.
https://images.app.goo.gl/cfFZLvbpCfUszkcz8
Ang mga Kilusang Panlipunan
(social movements) ay isang mahalagang
elemento ng lipunang sibil. Ito ay tumutukoy
sa isang samahan na may kumikilos at may
mataas na pagnanais sa pagbabago ng
lipunan. Hindi lamang pinalalawak ng mga
kilusang panlipunan ang buhay ng mga tao
gayun din nilalayon ng mga ito na magkaroon
ng pagbabago sa lipunan (social change).
Kaiba ito sa lipunang sibil sapagkat ang
kilusang panlipunan ay nabubuo kahit walang
pormal na organisasyon.

Ang mga kilusang panlipunan ay


may malinaw na pakay sa kanilang
paglaban para sa pagbabago. Ganun din,
hindi pormal ang samahan ng mga
miyembro nito sapagkat bawat isa ay
malaya at walang maituturing na isang lider
ang samahan. Gayun pa man, ang
samahan ng isang kilusang panlipunan ay
maaaring nakabase sa iisang katauhan,
layunin o naisin na nagsisilbing bigkis at
dahilan ng kanilang pagkakaisa.
https://images.app.goo.gl/ibmJ2CwmMyW37LpL6

49
Senior High School

Ang pagbuo ng lipunang sibil at kilusang panlipunan ay


ginagarantiyahan at pinangangalagaan ng ating Saligang Batas. Makikita natin ang
mga probisyon nito sa mga sumusunod:

1. Artikulo II seksyon 23: “Dapat pasiglahin ng Estado ang mga


organisasyong hindi pang-gobyerno, pangkomunidad o sektoral na
nagsusulong ng kapakanan ng bansa.”

2. Artkulo XIII seksyon 15: “Dapat irespeto ng Estado ang papel ng


malayang organisasyon ng mga tao upang mabigyan sila ng
pagkakataon na maisulong at maprotektahan, sa ilalim ng balangkas
ng demokrasya, ang kanilang lehitimo at pangkabuuang interes at
mga layunin sa pamamagitan ng paraang mapayapa at naayon sa
batas.

3. Artikulo XIII seksyon 16: “Ang karapatan ng mga tao at ng kanilang


organisasyon sa isang epektibo at makatwirang pakikiisa sa lahat ng
antas ng panlipunan, politikal at pang-ekonomiyang pagdedesisyon ay
hindi dapat paigsiin. Ang Estado, sa pamamagitan ng batas, ay dapat
pabilisin ang pagbuo ng mekanismo para sa sapat na talakayan.”

PAGLALAGOM
Ano ang ginagampanan ng mga Lipunang Sibil at mga Kilusang Panlipunan
pagdating sa pamamahala at pagbabago sa ating Pamahalaan?

Mga Kilusang
Mga Lipunang Sibil
Panlipunan

Philippine
Governance

50
Senior High School

PAGPAPALALIM
1. Ano ang ginagampanan ng mga lipunang sibil at mga kilusang panlipunan sa
pagpapanatili ng isang buhay na demokrasya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Magbigay ng ilang mga mahahalagang gawain ng mga lipunang sibil at


kilusang panlipunan na ginagampanan sa iyong komunidad.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, maaari bang magkaroon ng isang maayos na pamahalaan


sa ating bansa kahit walang mga lipunang sibil at kilusang panlipunan? Bakit?
_____________________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
MGA SANGGUNIAN
Bernas, Joaquin. The 1987 Philippine Constitution: A Comprehensive Reviewer
(Manila: Rex Book Store Inc.).

Boll, Alfred. (2007). Multiple Nationality and International Law (Netherlands: Martinus
Nijhoff Publishers).

Cruz, Isagani A. (2002) Philippine Political Law (Quezon City: Central Lawbook
Publishing Co. Inc.).

De Leon, Hector and Hector M. De Leon Jr. (2014) Textbook on the Philippine
Constitution (Manila: Rex Book Store).

Freeden, Michael. (2003) Ideology: A very short introduction (New York: Oxford
University Press).

51
Senior High School

Gunther, Richard and Larry Diamond. (2001). “Types and Functions of Parties” in
Political Parties and Democracy, Larry Diamond and Richard Gunther eds.
(Baltimore: The Johns Hopkins University Press).

Heywood, Andrew. (2012) Political Ideologies: An Introduction, 5 th Edition (London:


PalgraveMacmillan).
___(2019) Politics, 5th Edition (London: Red Glove Press).

Lazo, Ricardo. (2006) Philippine Governance and the 1987 Constitution (Manila: Rex
Book Store).

MacKenzie, Lain. (2014) “The Meaning of Ideology” in Political Ideologies, 4th


Edition, Vincent Geoghegan and Rick Wilford, eds. (New York:
Routledge).

Mitra, Subrata et al. eds. (2004) Political Parties in South Asia (Westport,
Connecticut: Praeger Publishers).

Muñoz, Mauro and Delilah G. Muñoz. (2002) Philippine Governance and Constitution
(Quezon City: Katha Publishing Co. Inc.).

Purdue, Derrik. (2007) “Introduction: Dimensions of Civil Society’ in Civil Societies


and Social Movements: Potentials and Problems, Derrik Purdue, ed.,
(New York: Routledge).

Recepcion, Andrew. (2007) God’s Global Household: A Theology of Mission in the


Context of Globalization (Naga City: Agnus Press).

Ritzer, George and Paul Dean. (2019) Globalization: The Essentials 2nd. Edition,
(New Jersey: Wiley-Blackwell, John Wiley & Sons Ltd.).

Osterhammel Jurgen and Neils Petersson. (2003) Globalization: A short history (New
Jersey: Princeton University Press).
Salao, Ernesto C. Law Dictionary: Definition of Terms and Phrases of Philippine
Laws and Jurisprudence (Manila: Rex Book Store Inc.).

Steger, Manfred. (2017) Globalization: A very Short Introduction 4th Edition, (New
York: Oxford University Press).

Villanueva, Prince Aian. (2017) Philippine Politics and Governance (Makati City:
DIWA Learning Systems Inc.).

Weaver, Kent and James McGann. (2000) “Think Tanks and Civil Societies in a Time
of Change” in Think Tanks and Civil Societies: Catalysts for Ideas and
Actions, James McGann and Kent Weaver eds., (New Jersey: Transaction
Publishers).

Wetherly, Paul. (2017) Political Ideologies (New York: Oxford University Press).

52
Senior High School

White, Gordon. (2004) “Civil Society, Democratization and Development: Clearing


the Analytical Ground” in Civil Society in Democratization, Peter Burnell
and Peter Calvert eds., (London: FRANK CASS AND COMPANY Ltd.).

Zulueta, Francisco and Abriel Nebres. (2006) Philippine History and Government
Through the Years (Mandaluyong City: National Book Store).

Dr S.B.M. Marume et. al. “An analysis of essential elements of the State” in
International Journal of Engineering Science Invention 5, issue 3 (March
2016): 24-28.

Scheuerman, William, "Globalization", The Stanford Encyclopedia of


Philosophy (Winter 2018 Edition), Edward N. Zalta (ed.),
https://plato.stanford.edu/archives/win2018/entries/globalization/.

Sypnowich, Christine. "Law and Ideology", The Stanford Encyclopedia of


Philosophy (Summer 2019 Edition), Edward N.
Zalta (ed.),https://plato.stanford.edu/archives/sum2019/entries/
law-ideology/.

https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1991/10oct/19911010-RA-7160-
CCA.pdf.
https://www.scribd.com/doc/26605926/Decentralization-in-the-Philippines-Local.
https://www.macmillanihe.com/resources/sample-chapters/
9780230363373_sample.pdf.
https://www.open.edu/openlearn/society-politics-law/what-politics/content-section-
2.1.1.
https://www.unescap.org/sites/default/files/good-governance.pdf.
http://www.ombudsman.gov.ph/UNDP4/wp-content/uploads/2013/01/Module_I.pdf.
https://www.e-education.psu.edu/geog128/node/534.

53

You might also like