FILIPINO (Page 55)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aborsyon : Sang-ayon nga ba ako o hindi?

Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang


Aborsyon sa ating lipunan. Marami ng mga kababaihan ang mas
pinipiling sumailalim sa ganitong paraan kaysa ang buhayin at
lingapin ang nasa sinapupunan nila. Marahil sa napakaraming
kadahilanan at madalas dito ang kahirapan at kahandaan ng isang
babae at lalaki na magsama. Kung ating susuriin, iisipin nating
hindi makatarungan ang kanilang ginagawa at nakababang moral
bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga sa
ibang tao at paninira sa kanilang pagkatao.mahirap nga naman
isipin na tama ang pagsasagawa ng aborsyon bilang isang babae na
binigyang ng pagkakataon maging ina na nagbibigay buhay sa halip
ay iyong pinapatay.
Ako ay hindi sang-ayon sa pagpapalaganap ng aborsyon. Sapagkat
para sa akin, ito ay isang krimen. Ang aborsyon ay pagpatay ng
bata sa sinapupunan ng kanyang ina. Kahit ano pa ang sabihin
natin, ang batang ito ay nilikha ng Diyos. Kahit pa sabihin natin na
ang batang iyon ay bunga ng kasalanan (hal. rape), walang alam
ang batang ito na siya ay galing sa masama, at isa pa, hindi niya ito
kasalanan. Marami ding paraan upang makontrol ang ating
populasyon. Gaya ngayon, tayo ay nasa makabagong teknolohiya
na, kaya marami ng alternatibong paraan upang mapigilan ang
paglaki ng ating populasyon. Ang ating bansa ay binubuo ng
malaking bilang ng mga katoliko. At dahil tayo ay nananampalataya
na ang buhay ay mula sa Diyos, dapat lamang na ito ay bigyang
halaga. Ang aborsyon ay gawain krimen sapagkat ito ay pagpatay.
Alam din natin na isa sa sampung utos ng Diyos ang huwag
pumatay, kaya marapat lamang na huwag pairalin ang aborsyon.
Ang aborsyon ay gawain ng mga taong walang takot sa Diyos at
walang relasyon sa Diyos. At ang aborsyon ay kasalanang walang
kapatawaran at tanging Diyos lamang ang makakapaghatol. Kaya
dapat nating mahalin ang buhay dahil ito ay biyaya ng Diyos.

You might also like