Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Maikling Kwento

Ang pagsasalaysay ang pinakakaraniwang paraan ng pagpapahayag. Ang maikling kwento ay nakapaloob
sa ganitong paraan.

Layunin:
 Maibigay at maipaliwanag ang katuturan at katangian ng maikling kwento
 Matukoy at mapag-iba-iba ang mga ugat ng maikling kwento
 Makapagpahalaga sa binasang sinaunang kwento o pinag-ugatan ng kwento batay sa kanilang
multiple intelligence ng bata.

A. Mga Simula ng Maikling Kwento


1. Ano ang Maikling Kwento?
Ang maikling kwento, gaya ng karaniwang tawag ditto, ay sangay ng salaysay (narration) na
may isang kakintalan (single impression). Ito ay may sariling katangian na ikinaiibba sa mga
kasamang sangay ng salaysay at dito’y kabilang ang mga sumusunod:
a. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay
b. Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at kakauntian ng iba pang mga
tauhan
c. Isang mahalagang tagpo o kakuntian nito
d. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan ng
wakas
e. Iisang kakintalan

Ang maikling kwento ay isang pinaikling nobela. Hindi rin ito buod ng isang nobela o ng isang
kwento kaya.

2. Mga Ugat ng Kasalukuyang Maikling Kwento


Ang maikling kwento sa kasalukuyanna pinakamaunlad na sangay ng panitikan ngayon ditto
sa atin, maging sa Tagalog o sa Ingles, ay tila mayabong na punongkahoy na may mararami’t
malalalim na ugat. Kabilang sa mga ugat naito ang mitolohiya, alamat, kwentong bayan,
pabula, parabola, anekdota at karaniwang kwento.
a. Mitolohiya- Ang mitolohiya ay katipunan ng iba,t ibang paniniwala at mga kwento
tungkol sa mga diyosa. Gaya ng mga Romano at Griyego, tayo ay may katipunan ng mga
ganitong paniniwala at kwento. Nakatulong nang Malaki sa bagay na ito ang
pangyayaring an gating mga ninuno ay pagano bago dumating ang mga Kastila. Sila,y
naniniwala sa maraming diyos, sa mga espiritung mabubuti at masasama.
b. Ang Alamat- ang alamat ay kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan, at
karaniwan tungkol sa painagmulan ng mga bagay-bagayito ang karaniwan nang
kasagutan sa mga kababalaghan o mga pangyayaring may kaugnayan sa kalikasan na
hindi maipaliwanag ng karaniwang taong bayan na hindi sapat sa kaalaman sa agham.
c. Ang kwentong bayann- Gaya ng alamat, ang mga kwentong bayan ay mga kwentong
pasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan.kabilang ditto ang kwentong bayan tungkol
kina Mariannng Makiling, Mariang Sinukuan, Juan Tanga, at marami pang iba. Ang
kwentong bayan tungkol sa iisang paksa ay pabago-bago sa iba’t ibang pook sapagkat
nararagdagan o nababawasan habang nagpapasalin-salin sa mga bibig.
d. Ang Pabula- Ang pabula ay kwento ng mga hayop na nangagsikilos at nangagsasalitang
parang tao, at ang layon ay makapagturo ng aral sa bumabasa. Kilalang-kilala ang mga
pabula ni Esopo, na noong pa mang una ay nakatuklas nan gang tao’ y ayaw
pangangaralan nang tuwiran, kaya marahil, dinaan niya ito sa tulong ng mga pabula.
Kabilang sa mga tanyag nating pabula ang sinulat ni Dr. Jose Rizal, “Ang Matalinong
Pagong at ang Hangal na Unggoy”.
e. Parabula- Karaniwang nanggagaling sa Banal na Kasulatan, ang parabola ay kwentong
umaakay sa tao sa tuwid na landas ng buhay. Kabilang na marahil sa mga kinagigiliwang
parabula ang mga sumusunod: “Ang Mabuting Samaritano”, Ang Publikano at ang
Pariseo”, “Ang Manghahasik”, at Ang Lagalag na Anak”. Magkatulad ang layunin ang
pabula at parabola, ang magturo ng aral sa tao, bagaman magkaiba ang paraan.
f. Ang Anekdota- Maiikling kwento ng mga tunay na karanasan ang anekdota na kung
minsan ay katuwa-tuwa, at kung minsa’y “nag-iiwan ng aral”. Kadalasan nang kawili-
wiling basahin ang mga anekdota tungkol sa mga bayani, mga dakilang tao, o mga
kilalang tao. Mga halimbawa: ang tungkol sa pagkahulog ng tsinelas ni Rizal sa ilog, ang
kakuriputan at pagkaseloso ni Valeriano Hernandez Pena, ang mapagmahal na iringan
ng magkaibigan ngunit magkaagaw na sina Jose Corazon de Jesus at Florentino T.
Collantes.
g. Ang Karaniwang Kwento- Kwento ang tawag sa nagsasalaysay na sinulat ng mga paring
Kastila upang magbigay ng halimbawa sa kanilang mga pangaral gaya ng “Mga Buhok na
Nangungusap” at “Sa Kagalitan”. Kwento rin ang tawag sa mga sumusunod na salaysay
na lumabas sa mga pahayagan noong unang panahon ditto ng mga Amerikano. Kabilang
ditto ang mga dagli ni Lope K. Santos sa Pahayagang Muling Pagsilang at ng kanyang mga
kapanahon sa pahayagang Democracia, Taliba at Ang Mithi.

Kung tutuusin at gagamitin ang mga pamantayan natin ngayon, ang mga ito ay hindi masabing
mga taal na maikling kwento sapagkat hindi nagtataglay ng mga katangian nito bilang isang tiyak
na sangay ng salaysay.

Pagsasanay:

1. Ano ang maikling kwento? Ibigay ang mga katangian at bigyan nang kaunting paliwanag.
2. Bumasa ng isang sinaunang o pinag-ugatan ng kwento at inyong pahalagahan batay sa
inyong multiple intelligence:
a. Linguistic bigyang reaksyon ang nabasang kwento.
b. Musical- gumawa ng isang awit batay sa kwento
c. Logical- banghayin ang kwento ayon sa mga pangyayari

You might also like