Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 31

UNANG BAHAGI: INTRODUKSYON Unang Markahan Ang wika, kultura, at lipunan ay

magkakaugnay. Wika ang pangunahing ginagamit ng tao bilang instrumento sa kanyang


pakikipag-ugnay sa lipunan at kultura. Binanggit ni Hoebel (1966) na ang isang lipunan o
komunidad ay maaaring mabuhay nang walang wika ngunit walang maunlad na kalinangan o
kultura kung walang wika. Dito umusbong ang pangangailangan niya para
makipagkomyunikeyt, gamit ang wikang alam niya. Bagaman tao ang pangunahing may
pangangailangang makipagtalastasan subalit ginagawa rin ito ng ibang nilalang o hayop. Sinabi
ni Eller (2009) na lahat ng mga nilalang, kahit halaman, ay nakikipag-usap sa iba’t ibang
paraan, sa kahulugan ng pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon. Kahit ang mga hayop
ay nakagagawa rin ng mga gawaing may pagkakatulad sa gawain ng mga tao at isa na rito ang
linggwistikong kakayahan. Ngunit ano nga ba ang wika? Ano ang relasyon nito sa kultura at
lipunan? Ang wika ay isang sistema ng simbolikong komunikasyon na gumagamit ng mga tunog
at/o kilos na pinagsama ayon sa mga panuntunan na nagbubunga ng mga kahulugang
napagkasunduan ng isang lipunan at mauunawaan ng lahat ng nakikibahagi sa wikang iyon
(Haviland et al., 2011 at Eller, 2009). Nakasalalay sa pasalitang wika ang mga tao upang
makipagtalastasan sa isa’t isa subalit hindi lamang ito ang tanging komunikasyon na ginagawa.
Nakapaloob ang wika ng tao sa lumang- lumang sistema ng kilos-tawag (age-old gesture-call
system) na kung saan ang mga galaw ng katawan at mga ekspresyon ng mukha, kasama ang
mga katangian ng tunog tulad ng tono at lakas ng tunog ay may ginagampanang papel sa
paghahatid ng kahulugan (Eller, 2009). Halimbawa, ang isang taong takot o kinakabahan kapag
nagsasalita ay may halong panginginig ang boses. Maaaring may takot at kaba rin na
mararamdaman ang isang babae kapag sorpresa siyang inaalok ng kasal ng kanyang nobyo.
Mamumula ang kanyang pisngi at manginginig rin dahil sa kasiyahan. Ngunit, ang
naramdamang takot at kaba ay hindi katulad sa isang taong may kasalanan na nagawa.
Maituturing na simbolo ang pamumula at pangingig ng babae sa sitwasyong ito. Bahagi ito ng
komunikasyon na higit sa paraang pasalita at pasulat – ito ay mga komunikasyong di-berbal.
Walang taong namumuhay nang mag-isa. Ito ang dahilan kaya patuloy siyang nakikisalamuha
upang mabuhay. Ang tuluyang pag-unlad ng tao ay dulot rin sa kanyang patuloy na
pakikipagkapuwa gamit ang wikang alam niya. Hindi maihihiwalay sa pag-unlad ng buhay ang
kultura at lipunang kinabibilangan ng tao. Higit pa, ang wika niya ay nakasalalay sa kultura at
kanyang lipunan. Ang wika ay kultura at ang kultura ay komplikadong ideya na maaaring
nakapaloob sa kilos, galaw, at iba pang anyo. Ang dalawang mahahalagang salitang ito ay
naging isang simbolo ng lipunan para makilala ang mga tao. Ang isang kultura ay binubuo ng
mga ideya at mga pananaw sa mundo na nagpapaalam at nasasalamin sa pag-uugali ng mga
tao. Ang masalimuot na ideya at mga paniniwala ay nakaenkowd sa isang magkakaugnay na
sistema ng mga simbolo na nagsisilbing komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng isang
lipunan. Dahil dito, ang wika ay mahalaga sa pag-andar ng kultura ng tao. Ang mga
panlipunang pagbabago—tulad ng edad, kasarian, at katayuan ng ekonomiya — ay maaaring
makaimpluwensya kung paano ginagamit ng mga tao ang wika. Bukod dito, nakikipag-usap ang
mga tao kung ano ang makabuluhan sa kanila, at karamihan ay tinutukoy ang kanilang
partikular na kultura. Ang kanilang paggamit ng wika ay may epekto sa, at naiimpluwensyahan
ng kanilang kultura. Ang wika ay isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat.
Nailalahad ito sa paraang berbal at di-berbal. Simboliko itong natututuhan. Saan ito natututuhan
ng mga tao? Sa lipunang kanyang kinabibilangan at nababatay rin ang wikang ito sa kultura ng
lipunang kinalakhan. Masdang mabuti ang ilustrasyon sa ibaba: Nagpapakita ang ilustrasyong
ito ng ugnayan ng kultura, wika, at lipunan. Wika ang pangunahing nagpapahayag ng kultura —
ang pangunahing prinsipyo na ipinahihiwatig dito. Ang kultura naman ay repleksyon ng lipunang
kinabibilangan ng bawat indibidwal. Kung ano ang wika at kultura ng isang tao, bunga ito ng
lipunang kanyang kinalakhan. Tunay nga na nang isilang ang isang tao ay wala pa siyang wika.
Nagpapakita ang ilustrasyong ito ng ugnayan ng kultura, wika, at lipunan. Wika ang
pangunahing nagpapahayag ng kultura — ang pangunahing prinsipyo na ipinahihiwatig dito.
Ang kultura naman ay repleksyon ng lipunang kinabibilangan ng bawat indibidwal. Kung ano
ang wika at kultura ng isang tao, bunga ito ng lipunang kanyang kinalakhan. Tunay nga na nang
isilang ang isang tao ay wala pa siyang wika. Upang higit na mauunawaan ang ilustrasyon,
gawin nating halimbawa ang isang sanggol. Ang iba’t ibang paraan ng komunikasyon ng isang
sanggol ay hindi matatawag na wika dahil ang wika ay natututuhan. Pag-edad ng ilang buwan,
ano’ng laking problema ang dulot niya sa kanyang mga magulang kung hindi pa siya marunong
magsalita. Ang gamit niyang mga salita sa pakikipag-usap ay nakukuha niya sa lipunang
kanyang kinabibilangan, sa kanyang kapaligiran, at sa lugar na kinalakhan. Ang mga salitang
alam niya ngayon ay umaayon sa mga salitang gamit din ng mga tao sa kanyang kapaligiran.
Hindi maaaring mag-iba ang wika niya sa kasambahay o mga kapitbahay. Kinokontrol ang mga
salitang gamit niya ng kanyang palibot. Ang isang sanggol na Meranaw halimbawa, na pinalaki
(sa kung ano mang dahilan) ng mga magulang na nagsasalita ng Cebuano, siguradong ang
sanggol na ito ay marunong ng wikang Cebuano kahit Meranaw ang wika ng kanyang mga
magulang. Pati na rin ang kulturang Cebuano ng nag-aalaga sa kanya ay kanyang mamanahin.
Ang kuwento ni Tarzan ay makapagpapatunay dito. Dahil lumaki siyang kasama ang mga
gorilya, ang pagsasalita niya pati na kilos ay tulad na rin ng sa gorilya. Maliwanag ngayon na
ang wika at kultura ay natutunan sa lipunan na kinalakhan ng isang indibidwal. Kung uunlad
man siya o hindi, ito ay nakadepende sa kulturang kanyang kinalakhan. Wika ang isa sa mga
dahilan kung bakit nakikilala ang kultura ng isang indibidwal. Wika rin ang naging tulay para
patuloy na buhay ang kultura ng isang pangkat mula sa kauna-unahang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Kapag ang sariling wika ay mamamatay, maglalaho rin ang kulturang dala ng
ginagamit na wika. Ito ay sa kadahilanang binubuo ang Pilipinas ng multikultural na mga tao,
higit na kailangang matutunan ng bawat isa na ang daan tungo sa kapayapaan ay ang pagkilala
at pag- unawa sa wika, kultura, at lipunan ng isang pangkat. Kapayapaan ang minimithi ng
lahat. Magkakaiba man sa paniniwala, kulay, relihiyon, wika, kultura, at anupaman kung may
pagkakaunawaan ay may kapayapaan. Ito ang pinakadahilan kung bakit mahalaga na
matutunan ang wika at kultura ng anumang uri ng lipunan. Ang pag-alam ng kung ano ka at ano
sila, lalo na ang pag- unawa sa kanila ay makatutulong ng malaki sa katiwasayan at pagunlad
ng isang lipunan at ng buong bansang Pilipinas. Ito ang malaking papel na ginagampanan ng
pag-unawa sa kultura ng iba— ang matagal at nilulumot nang minimithing kapayapaan.

PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN

Hindi maiwawaglit sa pagtalakay ng ugnayan ng wika at lipunan o anumang tungkulin ng


dalawa sa isa’t isa ang pagtukoy sa kahulugan ng wika at lipunan. Nailahad na ang
kahulugan ng wika bilang sistema ng simbolo. Simbolo ito na may mga elemento tulad ng
ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, semantika/pragmatika, at tuntunin gaya ng gramatika.

Bunga ang mga ito sa napagkasunduang paggamit ng lipunan sa isang wika. Sa kabilang
banda naman, nabanggit ni Wardhaugh (2006) na ang isang lipunan ay anumang grupo ng
mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin. Komprehensibong
konsepto ang lipunan dito ngunit

mahalaga ang komprehensibong pananaw na ito dahil sa iba’t ibang uri ng mga lipunan na
nagbibigay ng direktang impluwensya sa wika o bise bersa. Maaaring mahulma rito ang
kabuluhan ng wika sa palibot: ang wika ay kung ano ang sinasalita ng isang partikular na
lipunan. Halimbawa, ang lipunan

ng mga bayot/bakla ay may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita at


nakauunawa. Kinikilala nila at ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na bekimon.
Gumagamit naman ng sarili nilang wika ang lipunan ng mga doktor na sila-sila lamang ang
maaaring makauunawa dahil sa

teknikal nitong kahulugan at anyo. Ang kalagayan na ito ng wika at lipunan ay


naipapaliwanag sa mga

araling tumatalakay sa interrelasyon ng wika at lipunan sa isa’t isa.

2.2 SOSYOLINGGWISTIKA

Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ang pag-aaral ng buhay
panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at Kaworkski, 1997). Pagtatagpo ito
ng wika at impluwensya ng lipunan sa isang tao. Siyentipiko na mapag- aaralan ang wika
bilang hiwalay na

bagay sa gumagamit nito. Ito ang gawain ng mga linggwista. Subalit, ang lipunan na
ginagamitan ng isang wika ay lumilikha ng epekto sa huli. Sa talakay ni Wardhaugh (2006),
ang sosyolinggwistika ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika at
lipunan na may layuning sa pag-unawa sa istraktura ng wika at kung paano gumagana ang
mga wika sa komunikasyon. Higit ang empasis rito sa wika bilang may direktang relasyon
sa lipunan. Ito ay tinatawag rin na mikro-sosyolinggwistika.

Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang, at maaari itong magamit upang ilarawan ang
maraming iba’t ibang paraan ng pag-aaral ng wika. Ito ba ay tungkol sa kung paano ang
mga indibidwal na nagsasalita gamitin ang wika? Ito ba ay tungkol sa kung paano ginagamit
ng mga tao ang wika sa magkakaibang bayan o rehiyon? Ito ba ay tungkol sa kung paano
ang isang bansa ay nagpasiya kung anong mga wika ang makikilala sa mga korte o
edukasyon? Sa kaso ng Pilipinas, ang pagkakaroon ng pulo-pulong anyo nito ay lumilikha
ng iba-ibang paraan ng paggamit ng wika. Matutunghayan ito sa paraan ng pagbigkas, sa
bokabularyong ginamit, sa istruktura, at iba pa. Bahagi ng usapin din ng sosyolinggwistika
ang pagkakaroon natin ng pambansang wika at mga opisyal na wika – ang wikang Filipino
at Ingles.

Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong pagkakaiba-iba sa paraan


na ginagamit nila ang kanilang wika. Ito ang tinatawag na baryasyon ng wika. Bahagi ito ng
ugnayan ng wika sa lipunan kung saan ito ginagamit. Ang mga baryasyong ito ay ipinakita
ng mga pagkakaiba sa

wika sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at istraktura (gramar). Maaaring may mga
bahagyang pagkakaiba lamang sa pagitan ng mga anyo ng isang wika, – gaya sa paraan
ng pagbigkas. Halimbawa, ang bigkas ng mga Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ang [pera] ay
nagiging [pira]. Ito ang mapapansin sa isang patalastas ng Palawan Pawnshop Express
Pera Padala na pinagbidahan ni Aling Dionisia, ang

ina ni Senador Manny Pacquiao. Hindi lamang sa bahaging ito mapapansin ang baryasyon
sa wika. Minsan may mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga kalalakihan at
kababaihan, iba’t ibang

mga klase sa lipunan, at mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat ng edad. Samaktwid,
ang sosyolinggwistika ay nakatuon sa pagkakaiba-iba ng wika na mula sa lipunan. Ang mga
baryasyong

at pagkakaibang ito ay bunga ng mga panlabas na faktor o dahilan gaya ng heyograpikal o


grupong sosyal. Tinalakay nina Santos, et al. (2012) ang heyograpikal at sosyal bilang
pangunahing ugat sa

pagkakaiba ng wika. Heyograpikal na pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa lugar o


lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng dayalekto o wikang
subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
Halimbawa, ang Cebuano ay

magkakaroon ng ibang paraan ng paggamit sa mga lugar ng Iligan kaya naging Cebuano-
Iligan, Cagayan de Oro kaya naging Cebuano-Cagayan de Oro, Surigao kaya may
Cebuano-Surigaonon. Sosyal naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa
posisyong sosyal o panlipunan ng

bawat grupo. Ang konteksto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor ay
tinatawag naman na sosyolek. Halimbawa nito ang lipunan ng mga babae ay mapapansing
may sariling paraan ng pagpapahayag na kaiba rin sa mga lalaki. Samakatwid ito ay wikang
ginagamit ng bawat partikular

na grupo ng tao sa lipunan. Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng
trabaho, istatus sa buhay, uri ng edukasyon, atbp. May mga paraan o barayti naman ng
paggamit ng wika na makikita sa sumusunod:
2.3 REHISTRO NG WIKA

Kilala rin ito sa tawag na Jargon. Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga
grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa
grupo o hindi familyar sa profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilalangan
(Santos, Hufana, at Magracia,

2008). Ang mga guro ay may mga salita na grupo lamang nila ang nakauunawa at
gumagawa/gumagamit tulad ng lesson plan. Ang mga abogado naman ay may mga termino
na sila lamang ang nakakaunawa gaya ng salitang order [sa parirala na order of the court]
na nangangahulagang kaayusan.

2.4 ARGOT

Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan , ngunit hindi limitado,
ng mga magnanakaw, at iba pang mga kriminal. Layunin nito na maiwasan mabatid o
maunawan ng mga hindi kasama sa grupo ang kombersasyon sa loob ng samahan. Ano
ang kaibahan nito sa balbal o

slang na mga salita? Iba ang balbal sa argot sapagkat hindi sekreto ang kahulugan ng mga
salita, higit na pang pampubliko, mas pangkalahatang magagamit at, siyempre, mas
‘kagalang-galang.’ Ang argot naman ay isang espesyal na bokabularyo o hanay ng mga
idyoma na ginagamit ng isang partikular na uri o grupong panlipunan, lalo na ng mga hindi
sumusunod sa batas. Tinatawag din na cant at cryptolect.

Halimbawa ng balbal at argot:

Balbal

yosi (sigarilyo), parak (pulis), tsimay ( katulong sa bahay)

SOSYOLOHIYA NG WIKA

Nagmula ito sa larangan ng sosyolinggwistika kaya tinatawag din na makro-

sosyolinggwistika. Nakatuon din ang araling ito sa ugnayan ng wika at lipunan. Manipis ang
distinksyon ng dalawa kaya minsan sinasabing wala itong pagkakaiba sa isa’t isa.
Proponent ng

larang na ito sa ugnayan ng wika at lipunan ay ang kilalang iskolar sa wika na si Joshua
Fishman, ang kanyang pangunahing kontribusyon dito ang pagbuo ng International Journal
of the Sociology of

Language. Ano ang pagkakaiba ng sosyolohiya ng wika sa sosyolinggwistika? Sabi ni


Fishman (1997), patuloy na gumagamit ang tao ng wika – pasalita, pasulat, at maging
nakalimbag man – at patuloy rin

siyang nakikipag-ugnay sa kapuwa sa pamamagitan ng mga ibinahaging mga norm ng pag-


uugali. Dito nabuo ang papel ng sosyolohiya ng wika na sumusuri sa interaksyon sa pagitan
ng nabanggit na

pag-uugali ng tao: ang paggamit ng wika at ang sosyal na samahan ng pag-uugali (social
organization of behavior). Sa madaling salita, ang sosyolohiya ng wika ay sumasaklaw sa
mga paksa

na may kaugnayan sa panlipunang samahan ng pag-uugali ng wika (social organization of


language behavior), kabilang hindi lamang ang paggamit ng wika sa bawat isa kundi
kasama rin ang mga saloobin sa wika (language attitude) at mga pag-uugali ng pag- uusap
sa wika at sa mga gumagamit

ng wika. Lipunan ang tuon ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika
samantalang ang sosyolinggwistika ay tungkol naman sa relasyon ng wika sa lipunan.
Maaaring sabihin sa bahaging

ito na ang dimarkasyon ng dalawa ay makikita sa paksang nais tingnan sawika bilang
produkto ng lipunan. Halimbawa, kapag napapansin mo na si A ay may ibang pagbigkas ng
tunog kaysa kay B kahit

pareho silang gumagamit ng wika ito ay may kaugnayan sa sosyolinggwistika. Sa kabilang


banda, kapag higit ang pagturing ni A sa wikang Ingles bilang wika ng karunungan at si B
naman ay higit na nagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino bilang pambansang
pagkakilanlan, ito ay nasa larang ng

sosyolohiya ng wika. Sinusubukan ng sosyolohiya ng wika na matuklasan kung paano mas


madaling maunawaan

ang estrukturang panlipunan sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika (Wardhaugh, 2006).


Bahagi rin ng sosyolohiya ng wika ang pagbibigay-diin sa mga barayti at baryasyon ng wika
subalit inilalagay

ito sa konteksto ng pag-uugali para sa sariling identipikasyon ng grupo, pagbuo ng grupo at


pagkabuwag nito, at referential membership behaviors (Fishman, 1975). Ang
konsiderasyong ito ng sosyolohiya ng wika ay tugon din sa konsiderasyon ng pag-unawa sa
kaibahan ng bawat isa. Sa kabilang banda, ang sariling identipikasyon gamit ang pag-uugali
sa wika ay isang palatandaan ng impluwensya ng lipunan sa wika. Maibibigay natin na
halimbawa rito ang mga pangkat etniko sa ating bansa. Kapag pinagbawalan sila na
gumamit ng sariling wika tiyak na magagalit sila. Ito ang nangyayaring sitwasyon sa ating
bansa sa kasalukuyan. Simula pa noong 1935 nagkaroon tayo ng probisyon sa ating
Konstitusyon na magkaroon ng wikang pambansa subalit hanggang sa kasalukuyan
mayroon pa ring mga hesitasyon at pagtanggi rito. Itinuturing ng ibang etnikong pangkat na
pinaghaharian ng pambansang wika, ang Filipino, ang Pilipinas kaya mawawalan nang
halaga ang mga bernakular na wika sa ating bansa. Ngunit, layunin lamang ng hangarin na
ito na magkaroon ng pagkakaugnay ang mga taong may iba-ibang sinasalitang wika para
sa pagkakaunawaan. Ganito rin ang mangyayari sa proseso ng kasunduang
pangkapayaan, magiging hindi ito epektibo kapag ang ginagamit na wika ay hindi abot ng
matalas na pag-unawa ng sangkot

dito.

2.6 ANTROPOLOHIKONG LINGGWISTIKA

Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas malawak na
konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa paggawa at pagpapanatili ng mga
kultural na kasanayan at mga panlipunang kaayusan. Tinitingnan sa antropolohikal na
linggwistika ang wika sa pamamagitan ng lente ng antropolohikal na konsepto,–kultura–
upang makita ang kahulugan sa likod ng paggamit, maling paggamit o hindi paggamit ng
wika, ng iba’t ibang anyo nito, mga rehistro at estilo. Interpretatibong larang ito ng
paghihimay-himay sa wika upang makahanap ng kultural na pag-unawa. Katulad ng
sosyolohiya ng wika, ito ay may kaugnayan din sa sosyolinggwistika. Kung ang hanap ng
larang na ito ay makahanap ng kultural na pag-unawa sa likod ng pag-uugali sa wika, ang
sosyolinggwistika naman at tumitingin sa wika bilang panlipunang institusyon na nagdadala
ng

panlipunang interaksyon (Foley, 1997). Sinabi ni Foley (1997) na magkaiba na larang ang
antropolohikal na linggwistika at linggwistikang antropolohiya. Higit diumano na binibigyan
nang diin sa una ang larang ng

linggwistika upang maipaliwanag ang kultural na konteksto ng wika. Sakabilang banda, ang
huli naman ay nagbibigay raw ng higit na empasis sa larang ng antropolohiya sa
pagbabasa ng wika.

Pinutol ang dimarkasyong ito ni Dell Hymes (nasa Duranti, 2009) nang ginamit niya ang
terminong linggwistikang antropolohiya upang tukuyin ang pagdulog antropolohikal sa pag-
aaral ng wika.

Nagpahayag si Duranti (2009) ng dalawang alalahanin ng antropolohiya sa wika o


linggwistikang antropolohiya: (1) upang panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang isang
sentral na bahagi ng disiplina ng antropolohiya, at, (2) upang palawakin ang konsepto ng
wika na lampas sa makitid na interes sa

estrakturang gramatikal.

2.7 ETNOLINGGWISTIKA

Ugnayan ng wika at kultura ang tunon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika. Ayon
kayUnderhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May
konotasyon ang larang na ito kung pagbabatayan ang kasamang salita nitong etnik/o na
maaaring tumukoy sa mga

marhinal na grupo – mga Lumad, Igorot, Meranao, at iba pa. Paliwanag ni Underhill, may
dalang konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil sa mga marhinal
na grupo. Habang ito naman ay maaaring mangangahulugang karaniwang grupo gaya ng
imigrant na grupo, at

mayoryang grupo. Gayunpaman, sa lente nito higit ang pagtingin sa pag-aaral ng wika
sapagkat ito ay isang larang ng lingguwistika na pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika
at kultura, at ang paraan ng iba’t ibang grupo ng etniko na nakikita ang mundo. Ito ang
kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya

at lingguwistika. Kinikilala rin ito bilang kultural na linggwistika. Halimbawa, mauunawaan


lamang ng mga kapatid nating Meranao ang konsepto at pagpapakahulugan ng rido ngunit
kahit maiintindinhan ito ng mga Kristiyano, hindi pa rin lubos itong maramdaman sapagkat
wala sa kanilang kultura.

3.1 PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na rito ang
panlipunang istruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala ng linggwistikong
istruktura at/o pag-uugali. Halimbawa rito ang ating bansang Pilipinas na may iba- ibang
wika na sinasalita dahil sa anyo nito na pulo-pulo. Ang mga barayti ng wika na ginagamit
rito ay sumasalamin sa kanilang

kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong pinagmulan at maaaring kasarian rin. Gayundin,


ang Pilipinas bilang bansang sinakop ng ilang taon ay naging dahilan rin para makabuo ng
wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo ng wika ng mananakop (halimbawa Kastila)
at wikang bernakular – gaya ng Chavacano sa Lungsod ng Zamboanga. Ang mga nabuong
wika rito ay wika ng lipunan na higit na ipinapaliwanag sa mga salik na tinalakay sa ibaba.

Ang tinatawag na communicative isolation ay ang hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga


pangkat sa isang partikular na lugar o bansa. Nangingibabaw pa rin ang rehiyonalismo.
Natututo ang mga bata sa wikang kanilang sinasalita at pinatatatag ang katangiang taglay
na kalikasan ng isang

dayalektong nagamit na. Ang pagbabagong ito ng wikang sinasalita ng isang partikular na
lugar ay hindi nangangahulugan na kakalat na ito sa ibang lugar. Sa isang grupo ng mga
tagapagsalita na parating nag-uusap-usap sa isa’t isa ay maibabahagi nila ang
pagbabagong ito sa kanilang grupo at matutunan

ito ng kanilang mga anak o iba pang kasambahay.

Kung mayroon mang pisikal na hadlang sa pakikipagkomunikasyon tulad ng dagat, bundok


o maaaring sa lipunan tulad ng pulitikal, mga angkan o grupo ng tao at maging sa uri ng
relihiyon - sa madaling salita hindi maibabahagi nang madalian ang pagbabagong
linggwistik sapagkat may mga

hadlang o sagabal (interference) sa komunikasyon at dahilan na rin sa kalakasan ng


pagkakaiba sa dayalekto (dialectal differences). Ang pagkakaiba sa mga dayalekto ay ang
pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na umusbong sa isang rehiyon na hindi
naibabahagi sa iba pang rehiyon. Kasamang maririnig ang pagkakaiba sa punto tuwing
magsasalita. Ang punto o accent ay ponolohikal o ponetik na pagbabago sa paraan ng
pagbigkas at katangian ng pagsasalita na siyang pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng
nasabing dayalekto.

3.2 DIYALEKTO

Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain at


ginagamit sa isang partikular na rehiyon, Malaki man o maliit. Makikilala ang dayalekto hindi
lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distink na bokabularyo kundi maging sa punto o
tono at sa istruktura ng pangungusap. Katulad din ito ng bernakular na palasak sa isang
pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa
tahanan, lalawigan at pamayanan. Nagsisilbi itong midyum ng komunikasyon sa isang pook
na kung saan ang nasabing katutubong wika

ay ay nabibilang (Belvez, 2003). Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto.
Ang varayti na tinatawag na wika ay may mas maraming aytem kaysa dayalekto. Kaya ang
Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng

dayalekto nito tulad ng Filipino sa Metro Manila, Filipino sa Baguio o Filipino sa iba pang
lugar sa Pilipinas. Iba pang halimbawa ay Cebuano- Iligan, Cebuano-Cagayan de Oro,
Cebuano-Bohol atbp.

IDYOLEK

Ang bawat indibidwal na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa’t isa ngunit wala sa
kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ay pagkakaiba sa
edad, seks, kalagayang pisikal o pangkalusugan, personalidad, lugar na pinanggalingan at
marami pang ibang

faktor. Ang bukod tanging wika ng isang indibidwal ay tinatawag na idyolek. Ito ang
pekyulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal. Maaring sa tono, mga salitang gamit o sa
estilo ng kanyang pagsasalita atbp. Pansinin ang natatanging pagsasalita nina Kris Aquino,
Mike Enriquez, Mommy D

(ina ni Manny Pacquiao), atbp. Sa mga kaklase ninyo? Mayroon ba?


3.4 TABOO

May mga salita sa lipunan na tinatawag na taboo. Ito ay mga salitang bawal gamitin o hindi
maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang
paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Una ipinagbabawal ang
paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na bukas sa mga mata ng publiko at
ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na sa pormal na usapan at domeyn.
Mahirap itong bigkasin sa mga lugar na pampubliko at tinitingnan ng mga nakikinig na hindi
tama. Sa halip, papalitan ito ng mga salitang yufemismo. Halimbawa, bawal sabihin ang
puki, nagtae, utin, kantutan, atbp.

3.5 YUFEMISMO

Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng mga salitang
yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi
masabi dahil

malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di magandang pakinggan. Halimbawa nito ay


nagsipingsa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa halip na namatay, nagsakses sa
halip na nagtae, ibon sa halip na utin, bulakalak sa halip na puki, atbp.

3.6 SPEECH COMMUNITY/KOMUNIDAD NG PAGSASALITA

Ang loob ng isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng tao na may
kaniya-kaniyang mga gawi at pag-uugali. May ugnay rito ang banggit nina Zalzmann,
Stanlaw, at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga
myembro nito. Ganito ang sitwasyon ng Pilipinas na bagaman tinatawag na mga Pilipino
may mga partikular na pangkat etniko

sa loob nito. May mga Manobo, Higaonon, Talaandig, Itwawit, Ilokano, at iba pang pangkat
na makikita sa ating bansa.

Lahat sila ay mga Pilipino. Mayroon naman itong komplikadong lipunan na binubuo ng
isang malaking bilang ng mga grupo na tinutukoy ng mga tao at mula sa kung saan ay
nagmula ang natatanging mga balyu, mga pamantayan, at mga tuntunin para sa pag-
uugali. Ito ang tinatawag na

sabkultura. Ayon kay Jandt (2010) ito ay kultura sa loob ng isang kultura o lipunan sa loob
ng isang lipunan sapagkat kahawig ito ng isang kultura sa isang lipunan na karaniwan ay
sumasaklaw sa isang

malaking bilang ng mga tao. Samakatwid, ito ay grupo ng mga tao na may iisang wika na
ginagamit at hindi lamang sa pansamantalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang lahat
ng kanilang gawi gaya ng paraan ng pagsasalita, pananamit, pananaw-mundo, at iba pa.
Dito nabuo ang tinatawag na

komunidad ng pagsasalita o speech community. Ang komunidad ng pagsasalita ay


maaaring hango sa wikang Aleman na Sprachgemeinschaft na nangangahulugang
speaking community sa wikang Ingles. Paliwanag nina

Zalzman, Stanlaw, at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na tuntunin para sa
pagsasalita at pagbibigay-kahulugan sa wika at kahit isang barayti ng wika ay tinatawag na
komunidad ng pagsasalita. Para naman kay Hymes (1972) hindi ito lipunan na tinutukoy ng
isang komon na wika

ngunit sa komon na mga linggwistikong norm: isang komunidad na may parehong mga
tuntunin para sa pagsasagawa at interpretasyon ng pagsasalita, at mga tuntunin ng kahit
isang linggwistikong

barayti nito. Ang sitwasyon ng mga pangkat ng tao sa lipunan, gaya ng mga bakla, na may
sariling kultura at wikang nauunawaan nila ay matatawag na isang komunidad ng
pagsasalita. May tinatawag itong mga speech markers na ipinaliwanag naman ni
Wardhaugh bilang mga katangian ng wika na

ginagamit ng isang pangkat upang makamit ang pagkakakilanlan ng grupo, at ang


pagkakaiba ng grupo mula sa iba pang mga nagsasalita. Hindi lamang linggwistikong anyo
ang mga marka ngkomunidad ng pagsasalita sapagkat maaari ring ang iba pang katangian
gaya ng panlipunan, kultura,

pampulitika at etniko, at iba pa.

Pareho man ang lugar na kinabibilangan maaaring mabibilang sa iba-ibang komunidad ng


pagsasalita ang naninirahan dito. Halimbawa, makikita ito sa pagitan ng mga milenyal at
mga may edad na. Hindi mauunawaan ng huli ang paraan ng paggamit ng wika ng una
gaya ng pag-usbong ng

lodi ‘idol,’ petmalu ‘malupit,’ werpa ‘power’ at iba pang umuusbong na salita at paraan ng
paggamit ng wika. Ngunit, kapag ang isang may edad ay mabilis makuha at masundan,
gumagamit at ginamit

ang paraan na ito ng milenyal masasabing napabilang siya sa komunidad ng pagsasalita.


Ang kailangan lamang nilang gawin ay magbahagi ng sapat na katangian ng pagbigkas,
pambalarila,

bokabularyo, at paraan ng pagsasalita upang maging miyembro ng kaparehong komunidad


ng pagsasalita.

Ang pag-unawa sa komunidad ng pagsasalita ay mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan


sa pagkakaiba-iba. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap mabigyan ng tiyak na
pagpapakahulugan ito. Bagaman iniugnay ito ng ilang iskolar sa usapin ng wika subalit may
iba naman na bahagi ito ng antropolohiya – ang pag- unawa ng ugnayan ng wika sa
lipunang gumagamit.

Ayon kay Morgan (2003), integral sa interpretasyon at representasyon ng mga lipunan at


sitwasyon ang mga pagbabago, pagkakaiba-iba, at pagtaas ng teknolohiya pati na rin ang
mga sitwasyong datingitinuturing bilang kombensyonal. Sentro ng pag-unawa sa wika ng
tao at paggawa ng kahulugan ang kaalaman sa komunidad ng pagsasalita dahil ito ay
produkto ng matagal na pakikipag-ugnayan ng mga taong parehong may ibinahaging
paniniwala at mga sistema ng halaga (value) tungkol sa

kanilang sariling kultura, lipunan, at kasaysayan pati na rin ang kanilang komunikasyon sa
iba. Ang mga interaksyong ito ay bumubuo sa pangunahing katangian ng ugnayan ng tao at
ang kahalagahan

ng wika, diskurso, at mga estilo ng pagsasalita sa representasyon at negosasyon ng


nalikhang ugnayan. Kaya ang konsepto ng komunidad ng pagsasalita ay hindi lamang
tumutuon sa mga grupo

na nagsasalita ng parehong wika. Sa halip, ang konsepto ay tumatayong katotohanan na


ang wika ay kumakatawan, sumasaklaw, lumilikha, at bumubuo ng makabuluhang
partisipasyon sa isang lipunan at kultura.

3.7 LINGUA FRANCA, PIDGIN, AT CREOLE

Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipunan. Ang patuloy
na ugnayang nabubuo ng bawat indibidwal at grupo sa bawat komunidad sa loob ng isang
lipunan ay nabubuhay dahil sa mga wikang ginagamit nila. May pakikipag-ugnayan naman
ng mga taong may

iba-ibang wika at lipunan para sa pagpapahayag ng bawat hangarin at naisin – halimbawa


sa emosyon, komersyo, at maging sa turismo. Halimbawa, ang mga turistang bumisita sa
Pilipinas, kung wala ang wikang Ingles na mag-uugnay sa isa’t isa, walang
pagkakaunawaang mabubuo. Paano sila

makipagtalastasan? Malambot ang wika at mabilis itong umangkop sa pangangailangan ng


mga tao. Maaaring makalikha ang patuloy na ugnayang ito ng wika. Samakatwid,
makapagdisenyo ng paraan ang ugnayang mabuo upang mapagsama ang mga taong mula
sa magkakaibang grupo o wika na

nagkakasama. Ipinanganak sa kahingiang ito ang kaisipan ng lingua franca, pidgin, at


creole.

Lingua franca

Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika
para magkaunawaan. Mula sa UNESCO, ang Lingua franca ay wikang ginagamit ng mga
taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang komunikasyon sa kanilang pagitan.
Sa Pilipinas, may malaking ginagampanan na papel ito sa komunikasyon dahil sa
multilinggwal na sitwasyong pangwika. Binanggit sa Etnologue, may 187 at 183 dito ang
buhay at 4 ang itinuturing na wala o patay. Mula naman sa mga buhay na wika, 175 ay
katutubo at 8 ay hindi katutubo. Ang komplikadong sitwasyong pangwika na ito ng ating
bansa ay hindi maaaring walang wika na magsisilbing tulay sa bawat isa. Ito ang dahilan
kaya nagpahayag ng probisyon ang ating 1987 na Konstitusyon tungkol sa pagkakaroon ng
pambansang wika na tinatawag na Filipino. Sa kabilang banda naman, tungo sa tawag ng
global na pangangailangan, itinuturo at naging lingua franca na rin ng mga Pilipino ang
wikang Ingles para sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.

3.3 IDYOLEK

Ang bawat indibidwal na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa’t isa ngunit wala sa
kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ay pagkakaiba sa
edad, seks, kalagayang pisikal o pangkalusugan, personalidad, lugar na pinanggalingan at
marami pang ibang

faktor. Ang bukod tanging wika ng isang indibidwal ay tinatawag na idyolek. Ito ang
pekyulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal. Maaring sa tono, mga salitang gamit o sa
estilo ng kanyang pagsasalita atbp. Pansinin ang natatanging pagsasalita nina Kris Aquino,
Mike Enriquez, Mommy D

(ina ni Manny Pacquiao), atbp. Sa mga kaklase ninyo? Mayroon ba?

3.4 TABOO

May mga salita sa lipunan na tinatawag na taboo. Ito ay mga salitang bawal gamitin o hindi
maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang
paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Una ipinagbabawal ang
paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na bukas sa mga mata ng publiko at
ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na sa pormal na usapan at domeyn.
Mahirap itong bigkasin sa mga lugar na pampubliko at tinitingnan ng mga nakikinig na hindi
tama. Sa halip, papalitan ito ng mga salitang yufemismo. Halimbawa, bawal sabihin ang
puki, nagtae, utin, kantutan, atbp.

3.5 YUFEMISMO

Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng mga salitang
yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi
masabi dahil

malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di magandang pakinggan. Halimbawa nito ay


nagsipingsa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa halip na namatay, nagsakses sa
halip na nagtae, ibon sa halip na utin, bulakalak sa halip na puki, atbp.

3.6 SPEECH COMMUNITY/KOMUNIDAD NG PAGSASALITA

Ang loob ng isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng tao na may
kaniya-kaniyang mga gawi at pag-uugali. May ugnay rito ang banggit nina Zalzmann,
Stanlaw, at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga
myembro nito. Ganito ang sitwasyon ng Pilipinas na bagaman tinatawag na mga Pilipino
may mga partikular na pangkat etniko

sa loob nito. May mga Manobo, Higaonon, Talaandig, Itwawit, Ilokano, at iba pang pangkat
na makikita sa ating bansa.

Lahat sila ay mga Pilipino. Mayroon naman itong komplikadong lipunan na binubuo ng
isang malaking bilang ng mga grupo na tinutukoy ng mga tao at mula sa kung saan ay
nagmula ang natatanging mga balyu, mga pamantayan, at mga tuntunin para sa pag-
uugali. Ito ang tinatawag na

sabkultura. Ayon kay Jandt (2010) ito ay kultura sa loob ng isang kultura o lipunan sa loob
ng isang lipunan sapagkat kahawig ito ng isang kultura sa isang lipunan na karaniwan ay
sumasaklaw sa isang

malaking bilang ng mga tao. Samakatwid, ito ay grupo ng mga tao na may iisang wika na
ginagamit at hindi lamang sa pansamantalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang lahat
ng kanilang gawi gaya ng paraan ng pagsasalita, pananamit, pananaw-mundo, at iba pa.
Dito nabuo ang tinatawag na

komunidad ng pagsasalita o speech community. Ang komunidad ng pagsasalita ay


maaaring hango sa wikang Aleman na Sprachgemeinschaft na nangangahulugang
speaking community sa wikang Ingles. Paliwanag nina

Zalzman, Stanlaw, at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na tuntunin para sa
pagsasalita at pagbibigay-kahulugan sa wika at kahit isang barayti ng wika ay tinatawag na
komunidad ng pagsasalita. Para naman kay Hymes (1972) hindi ito lipunan na tinutukoy ng
isang komon na wika

ngunit sa komon na mga linggwistikong norm: isang komunidad na may parehong mga
tuntunin para sa pagsasagawa at interpretasyon ng pagsasalita, at mga tuntunin ng kahit
isang linggwistikong

barayti nito. Ang sitwasyon ng mga pangkat ng tao sa lipunan, gaya ng mga bakla, na may
sariling kultura at wikang nauunawaan nila ay matatawag na isang komunidad ng
pagsasalita. May tinatawag itong mga speech markers na ipinaliwanag naman ni
Wardhaugh bilang mga katangian ng wika na

ginagamit ng isang pangkat upang makamit ang pagkakakilanlan ng grupo, at ang


pagkakaiba ng grupo mula sa iba pang mga nagsasalita. Hindi lamang linggwistikong anyo
ang mga marka ngkomunidad ng pagsasalita sapagkat maaari ring ang iba pang katangian
gaya ng panlipunan, kultura,

pampulitika at etniko, at iba pa.

Pareho man ang lugar na kinabibilangan maaaring mabibilang sa iba-ibang komunidad ng


pagsasalita ang naninirahan dito. Halimbawa, makikita ito sa pagitan ng mga milenyal at
mga may edad na. Hindi mauunawaan ng huli ang paraan ng paggamit ng wika ng una
gaya ng pag-usbong ng

lodi ‘idol,’ petmalu ‘malupit,’ werpa ‘power’ at iba pang umuusbong na salita at paraan ng
paggamit ng wika. Ngunit, kapag ang isang may edad ay mabilis makuha at masundan,
gumagamit at ginamit

ang paraan na ito ng milenyal masasabing napabilang siya sa komunidad ng pagsasalita.


Ang kailangan lamang nilang gawin ay magbahagi ng sapat na katangian ng pagbigkas,
pambalarila,

bokabularyo, at paraan ng pagsasalita upang maging miyembro ng kaparehong komunidad


ng pagsasalita.

Ang pag-unawa sa komunidad ng pagsasalita ay mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan


sa pagkakaiba-iba. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap mabigyan ng tiyak na
pagpapakahulugan ito. Bagaman iniugnay ito ng ilang iskolar sa usapin ng wika subalit may
iba naman na bahagi ito ng antropolohiya – ang pag- unawa ng ugnayan ng wika sa
lipunang gumagamit.

Ayon kay Morgan (2003), integral sa interpretasyon at representasyon ng mga lipunan at


sitwasyon ang mga pagbabago, pagkakaiba-iba, at pagtaas ng teknolohiya pati na rin ang
mga sitwasyong datingitinuturing bilang kombensyonal. Sentro ng pag-unawa sa wika ng
tao at paggawa ng kahulugan ang kaalaman sa komunidad ng pagsasalita dahil ito ay
produkto ng matagal na pakikipag-ugnayan ng mga taong parehong may ibinahaging
paniniwala at mga sistema ng halaga (value) tungkol sa

kanilang sariling kultura, lipunan, at kasaysayan pati na rin ang kanilang komunikasyon sa
iba. Ang mga interaksyong ito ay bumubuo sa pangunahing katangian ng ugnayan ng tao at
ang kahalagahan

ng wika, diskurso, at mga estilo ng pagsasalita sa representasyon at negosasyon ng


nalikhang ugnayan. Kaya ang konsepto ng komunidad ng pagsasalita ay hindi lamang
tumutuon sa mga grupo

na nagsasalita ng parehong wika. Sa halip, ang konsepto ay tumatayong katotohanan na


ang wika ay kumakatawan, sumasaklaw, lumilikha, at bumubuo ng makabuluhang
partisipasyon sa isang lipunan at kultura.

3.7 LINGUA FRANCA, PIDGIN, AT CREOLE

Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipunan. Ang patuloy
na ugnayang nabubuo ng bawat indibidwal at grupo sa bawat komunidad sa loob ng isang
lipunan ay nabubuhay dahil sa mga wikang ginagamit nila. May pakikipag-ugnayan naman
ng mga taong may

iba-ibang wika at lipunan para sa pagpapahayag ng bawat hangarin at naisin – halimbawa


sa emosyon, komersyo, at maging sa turismo. Halimbawa, ang mga turistang bumisita sa
Pilipinas, kung wala ang wikang Ingles na mag-uugnay sa isa’t isa, walang
pagkakaunawaang mabubuo. Paano sila

makipagtalastasan? Malambot ang wika at mabilis itong umangkop sa pangangailangan ng


mga tao. Maaaring makalikha ang patuloy na ugnayang ito ng wika. Samakatwid,
makapagdisenyo ng paraan ang ugnayang mabuo upang mapagsama ang mga taong mula
sa magkakaibang grupo o wika na

nagkakasama. Ipinanganak sa kahingiang ito ang kaisipan ng lingua franca, pidgin, at


creole.

Lingua franca

Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika
para magkaunawaan. Mula sa UNESCO, ang Lingua franca ay wikang ginagamit ng mga
taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang komunikasyon sa kanilang pagitan.
Sa Pilipinas, may malaking ginagampanan na papel ito sa komunikasyon dahil sa
multilinggwal na sitwasyong pangwika. Binanggit sa Etnologue, may 187 at 183 dito ang
buhay at 4 ang itinuturing na wala o patay. Mula naman sa mga buhay na wika, 175 ay
katutubo at 8 ay hindi katutubo. Ang komplikadong sitwasyong pangwika na ito ng ating
bansa ay hindi maaaring walang wika na magsisilbing tulay sa bawat isa. Ito ang dahilan
kaya nagpahayag ng probisyon ang ating 1987 na Konstitusyon tungkol sa pagkakaroon ng
pambansang wika na tinatawag na Filipino. Sa kabilang banda naman, tungo sa tawag ng
global na pangangailangan, itinuturo at naging lingua franca na rin ng mga Pilipino ang
wikang Ingles para sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.

Pidgin

Dulot ito sa pagkakaroon ng pangangailangan ng lingua franca. Bunga ito ng dalawang


lipunan na may mga wikang hindi magkakalapit o unintelligible languages ngunit kailangan
ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak na limitado o natatanging layunin – lalo na
sa kalakalan. May namumuong ugnayan sa wika sa sitwasyong ito. May wika na
kinikilalang higit na

makapangyarihan o mas prestihiyo at wikang hindi kilala. Ang isang wika ay dumadaan din
sa proseso ng pidginization. Ayon kina Zalzman, Stanlaw, at Adachi (2012), ito ay proseso
ng gramatikal at leksikal na reduksyon dulot ng limitadong ginagampanan ng pidgin. Bunga
rin ang pidginization ng direktang ugnayan ng unintelligible na mga wika – prestihiyong wika
bilang higit

na may impluwensya sa wikang walang kapangyarihan. Ang sitwasyong ito ay lumilikha ng


paghahalo ng dalawang wika na kinikilalang bagong wika. Ang bokabularyo ng ‘bagong
wika’ nanalikha ay nagmumula sa wikang mas higit ang gumagamit o wikang may
prestihiyo. Ito ang sitwasyon noon ng Chavacano nang hindi pa ito naging unang wika sa
lungsod ng

Zamboanga. Nalikha ito dahil sa pananakop ng mga Kastila noong unang panahon kaya
ang lexifier sa wikang ito ay wikang Espanyol. Mayroong mga katangian ang Pidgin. Ito ang
mga sumusunod:

1. Hindi unang wika ninuman. Walang taal na tagapagsalita dahil napaunlad lamang ang ito
mula sa dalawa o higit pang magkaibang mga wika. Ito ay ginagamit lamang bilang isang
ugnay na wika para sa mga layunin ng komunikasyon.

2. Limitado ang gamit. Ito ay biglaang posibilidad ng pangangailangan ng wia habang ito ay
kinakailangan ngunit nawawala kung ito ay hindi na kailangan. Wala rin itong permanenteng
pinaggagamitan tulad ng pagiging wika sa simbahan, sa paaralan, sa bahay at iba pa.

3. Limitado ang bokabularyo. Ang isang pidgin ay karaniwan nang mas simple kaysa sa
mga unang wika ng mga gumagamit nito kaya ang dami naman ng leksikon nito ay
nakabatay sa isa sa mga dalawang wika na may ugnay sa isa’t isa. Ang pagiging limitado
sa gamit nito sa lipunan ang isa rin sa dahilan sa kakulangan ng bokabularyo.
Creole

Ito ay wika na napaunlad mula sa pidgin. Dumaraan ito sa proseso ng creolization o


ekspansyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika. Samakatwid, ito ay isang pidgin na
nagiging unangwika ng isang komunidad ng pagsasalita o speech community. Umuunlad ito
na anyo ng pidgin kaya

mayroon na itong higit na malawak na bokabularyo, estruktura ng wika o gramatika at


ginagamit bilang wika sa lahat ng domeyn. Tulad ng pidgin, ang creole ay tinatawag ring
ugnay na wika o contact language sapagkat nabuo ito mula sa dalawa o higit pang wika
nang dalawa o higit pang lipunan. Sa Pilipinas, ang halimbawa na dumadaan sa proseso ng
creolization ay ang wikang Chavacano ng lungsod Zamboanga. Paglipas ng mahabang
panahon at maraming taon, nagmula ito sa ugnay na wika ng mga Kastilang mananakop at
wika ng lokal sa lugar ay nagkaroon ito ng

komunidad ng pagsasalita/speech community. Napaunlad ang gramatika, lumalawak ang


bokabularyo, at hindi na lamang ito wika ng mananakop bagkus naging bernakular na wika
ito ng

lungsod ng Zamboanga. Narito ang mga mahahalagang pagtukoy ng mga katangian ng


isang creole na wika (Sebba, 1997):

A. May katutubong tagapagsalita ito hindi katulad ng pidgin na walang katutubong


nagsasalita. Mangyayari ito kapag sa isang lipunang nagsasalita ng pidgin ay may
ipinanganak na bata at ito ang kanyang magiging unang wika. Kaya, ang pidgin ay
magiging creole sa pamamagitan

ng proseso ng pagsasakatutubo o nativization.

B. Ang mga Creole ay laging lumalabas sa isang pidgin.

C. Ang proseso kung saan ang isang creole nagbabago at isang pidgin nagkakaroon ng
katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization.

Ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag- unlad ng isang pidgin
– maaaring gradwal na creolization o biglaang creolization. Ang gradwal na creolization ay
mangyayari sa pinahaba/ pinalawak na yugto ng pidgin. Sa madaling salita, ang creolization
ay nagsisimula sa yugto kung saan ang pidgin ay lubos na nadebelop. Ito ay nailalarawan
sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng pamantayan ng paggamit ng wika. Magaganap naman


ang biglaang creolization sa proseso bago lumabas ang matatag na pidgin mula sa
maagang pag-unlad nito. Sa puntong ito, ito ay nailalarawan pa rin sa pamamagitan ng
kakulangan ng matatag na lingguwistikong mga pamantayan ng paggamit ng wika.

3.8 BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO

Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay tumutukoy sa parehong pag-iral, pakikiharap, at


interaksyon ng magkaibang mga wika. Maaaring ito ay mangyayari sa panlipunan at
indibidwal na lebel. Ito ay mula sa sitwasyong maaaring ang isang lipunan ay binubuo ng
maraming sinasalitang

wika na ginagamit naman ng iba-ibang mga grupo ng indibidwal. Sabi nga ni Wei (2013)
maaaringang isang tao sa isang komunidad ay magiging bilinggwal o multilinggwal habang
ang buong lipunan

na kanyang kinabibilangan ay kumikilala lamang ng isang wika para sa pampumblikong


gamit sa pamamagitan ng batas at ibang anyo ng regulatoryo. Ganito ang nangyayari sa
ating bansa , habang

ang bawat pulo sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay binubuo ng marami at iba-ibang mga
wika isinusog naman ang pagkakaroon ng pambansang wika bilang lingua franca – ang
wikang Filipino – at wika para sa global na pakikipag- ugnayan – ang wikang Ingles. Ang
bilinggwalismo at multilinggwalismo ay hindi lamang penomenon na para sa isa o pangkat

ng mga tao sapagkat ito ay isang panlipunang penomenon din. Banggit ni Romaine (2013),
ito aymakikita sa lahat ng uri ng tao gaya ng mga nasa rural at maging sa mga kilalang
historikal na mga tao tulad nina Hesu Kristo at Gandhi at mga kontemporaryong indibidwal
gaya nina Pope Benedict

XVI at Canadian mang-aawit na si Céline Dion. Ano nga ba ang bilinggwalismo at


multilinggwalismo?

1. Bilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika. Ngunit,


nagkakaroon ito ng ibang pananaw ayon sa kakayahan ng inidibdwal sa paggamit ng mga

wikang ito. Kung pagbabatayan ang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935), hindi lamang
sapat ang makapagsalita sapagkat ang kanyang pananaw dito ay paggamit ng dalawang
wika sa tulad ng katutubong wika. Hindi lamang tungkol sa kakayahan ng pagsasalita
bagkus ito ay tumutukoy rin sa kahusayan sa pagsasalita at paggamit nito na may
konsiderasyon sa

kahusayang linggwistika. Ipinaliwanag naman ni Trask (2007) na kahanga-kahangang


tagumpay na sa kasalukuyan ang magkaroon ng abilidad sa pagsasalita ng dalawang wika
lalo na sa lipunang higit na diin ang pagsasalita ng wikang Ingles.
2. Multinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang indibidwal
na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon. Tinatawag rin itong plurilinggwalismo
sapagkat ayon kay Crystal (2008), sa sosyolinggwistiko ito ay tumutukoy sa isang
indibidwal

na tagapagsalitang may kakayahan sa paggamit nang higit sa dalawa o maraming mga


wika na may iba-ibang antas ng kahusayan. Hindi lamang ito tungkol sa paggamit ng wika o
kakayahan ng isang indibidwal dahil mangyayari rin ito sa sitwasyong pangwika sa buong
bansa o lipunan. Ito ay lubos na karanasan ng Pilipinas na binubuo ng mga pulo. Bawat
pulo

na may iba’t ibang rehiyon ay mayroong sinasalitang wika. Bukod sa pambansang wikang
Filipino at opisyal na wikang Ingles, ang ilang mamamayan dito ay nakakapagsalita ng
kanilang wika bilang unang wika at marunong din ng wika na lingua franca sa kanyang

lipunan. Halimbawa ng sitwasyong ito ang isang Meranaw na nakatira sa lungsod Marawi at
nag-aaral sa lungsod Iligan. Unang wika na kanyang natutunan ay Meranaw dahil sa
Marawi siya ipinanganak at tiyak marunong din siya ng wikang Filipino at Ingles dahil
itinuturo ito sa

paaralan. Ngunit, dahil sa lungsod Iligan siya nag- aral Cebuano ang lingua franca naging
maalam na rin siya sa wikang ito.

Ang pagiging at pagkakaroon ng bilinggwal at multilinggwal na kahusayan at kakayahan sa


wika ay isang penomenon tungkol sa kahusayan at paggamit ng wika. Ito rin ay
naglalarawan sa lipunan na kinabibilangan ng indibidwal. Sa kaso ng Pilipinas, naging
normal sa mga mamamayan dito ang magkaroon ng kakayahan sa paggamit ng higit sa
isang wika dahil sa implementasyon ng

bilinggwal na polisiya sa pagtuturo bukod pa sa unang wika na batid ng isang mag-aaral.


Sa kabilang banda naman, ang pagiging bilinggwal ng indibidwal ay maaaring maging
temporaryo depende sa kanyang kinabibilangang sitwasyon. Gaya ito sa karanasan ng
isang pamilyang Pilipino na nangibang-

bayan. Hindi man makalimutan ng mga anak na lumaki sa Pilipinas ang kanyang unang
wika subalit ang mga anak ng anak niya ay mawawala ang wika na natutuhan sa Pilipinas
sapagk at higit na ginagamit ang wika ng lugar na kanilang nilipatan.

3.9 GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Gumaganap ng napakahalagang papel ang wika sa buhay ng tao kaya naging isang
panlipunang penomenon ito. Isa sa pangunahing tunguhin ng wika ay gamit sa pakikipag-
ugnayan at
pakikipagtalastasan sa kapwa upang magkaunawaan sa isa’t isa. Kapag nagsasalita ang
tao, mayroon siyang tiyak na layunin o mensaheng nais ipaabot gamit ang wika. Ginagamit
niya ang wika at

nakikipag-usap siya sa kapwa upang magpahayag ng marami at iba-ibang dahilan gaya ng


pagpapahayag ng mga damdamin, pagkuha ng impormasyon, paghahanap ng mga bagay,
paghinging kapatawaran, at iba pa.

Makabuluhan ang paggamit ng wika sapagkat gumaganap ito ng mga tungkulin na pagbuo
at pagpatuloy ng relasyon sa loob ng isang lipunan. Gumagamit tayo ng wika upang
matugunan ang mga pangangailangan. Ang paggamit naman ng wika sa lipunan ay
nangangahulugan ring kahusayan sa

pagpili ng mga salitang tumutugon sa mga pagnanais ng tao sa kanyang


pakikipagtalastasan. Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang
tungkulin ng wika sa lipunan:

A. Nagbibigay-kaalaman/Informational.

Ito ang tinitingnan ng karamihan na pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa


lipunan. Nakatuon ito sa mensahe ng bagong informasyon na ibinabahagi. Nakadepende
ito sa katotohanan o halaga (value) ng kaisipan ng mensahe. Maibibigay na halimbawa rito
ang pagbabasa ng mga balita at pagkilala kung alin sa mga ito ang fake news o totoong
balita: ‘May martial law sa Mindanao kaya marami ang namamatay rito.’ May dalawang
impormasyon na dala ang balitang ito gaya ng pagkakaroon ng martial law at sa dami ng
namatay.

Ngunit, ituturing ito ng mga Mindanaon na fake news kahit totoo pang may martial law dahil
hindi naman tama ang katuturan ng pahayag na ‘may maraming namatay rito.’

B. Nagpapakilala/Expressive.

Magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at

atityud ng nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang wika ay sinusubukang


ipinapahayag ang kanyang damdamin sa tungkuling ito ng wika sa lipunan. Ito ay
nagbibigay ng malinaw na imahe

ng pagkatao ng tagapagsalita o manunulat sapagkat naglalahad ito ng kanyang impresyon


at ang pagbago-bago ng mga ito. Makikita natin ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng
tula at iba pang genre ng panitikan. Sa katunayan, ang tungkulin na ito ay pumupukaw ng
tiyak na damdamin at nagpapahayag ng nararamdaman. Mahihinuha ang pagpukaw ng
damdamin sa mga halimbawang pahayag na: ‘napakasaya ko na kasama kita,’ ‘hindi ako
mabubuhay kung wala ka,’ ‘mahal na mahal kita.’ Lahat ng mga ito ay mga damdamin ng
tao na maaaring mababago o hindi. Halimbawa rin dito ang panunuod ng isang pelikula na
pumukaw sa iyong damdamin kaya tumawa o umiiyak ka habang nanunuod.
C. Nagtuturo/Directive.

Ito ay may layuning magbigay ng impluwensya sa pag- uugali o atityud ng iba. Malinaw
itong makikita sa mga pagpapahayag na nag-uutos o nakikiusap. Ang tungkuling ito ng wika
sa lipunan ay nagbibigay empasis sa tumatanggap ng pahayag kaysa sa nagbibigay ng
mensahe. Gayunpaman, ito ay pagpapahayag ng tungkulin ng wika na hindi gaanong
mahalaga dahil hindi ito

pwersahan o may dalang kapangyarihang sundin. Ekspresyon ito na may halong


konotatibong kahulugan o pagpapahiwatig kaya kung hindi makukuha ang ibig sabihin,
hindi matutupad ang

kahulugan ng mensahe. Sa kabilang banda, ipinapahayag rin ito nang may paglalambing o
di kaya pagpapahayag na may halong pagpaparinig. Halimbawa, ang nanay na
nagsasabing ‘Nauuhaw ako’

ay parinig o pahiwatig na humihingi siya ng tubig sa anak. Ito rin ang sitwasyon sa mga
magkabarkada na umuwi ngunit bilang nagyaya ang isa na kumain sa pamamagitan ng
‘Nagugutom ako.’ Sa pag- uutos naman, magagawa ito sa pamamagitan ng pakiusap gaya
ng ‘Pakikuha po ng aking pera sa ibabaw ng kabinet.’

D. Estetika/Aesthetic.

Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit/ paglikha ng wika o linguistic artifact
mismo at wala ng iba pa. Tuon ng tungkuling ito ang ganda ng paggamit ng wika. May
pagdidiin din tungkol sa paraan ng pagpapahayag para sa konseptwalisasyon ng
kahulugan.

Higit na binibigyan dito ng pansin ang poetika ng pagpapahayag ng isang mensahe kaysa
ideolohikal na halaga nito. Halimbawa, maaaring mabibighani ka sa iyong manliligaw dahil
sa husay at galing

niya sa pagbigkas ng mga salita sa spoken poetry kahit hindi mo naiintindihan ang nais
niyang sabihin.

E. Nag-eengganyo/Phatic.

Mahirap tumbasan sa wikang Filipino ang phatic na tungkulin ng wika sa lipunan. Ito ay
nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula ng komunikasyon sa kapwa kaya tinumbasan
ito ng nag-eengganyo. Maaaring ito ay verbal o di-verbal na pakikipagtalastasan na

nagbibigay palantadaan ng pagiging laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan at


pagpapanatili ng maayos na relasyon sa iyong lipunan. Sa kulturang Pilipino, ang
pagtatanong kung saan ka pupunta
ay isang hudyat ng pagsisimula ng komunikasyon at anyo na rin ng pangungumusta sa
kaibigan o kakilala. Hindi ito palatandaan ng pagiging mapang-usisa o tsismosa.
Mapapansin rin ito sa isang

lugar na wala kang kakilala ngunit nakikipag-usap ka sa isang tao ng kahit ano bilang
simula ng inyong komunikasyon na hahantong naman sa pagiging magkaibigan. Tungkulin
din ng wika ang paglalahad ng kung ano mang dapat ipaliwanag ng isang tao sa kanyang

kausap o tagapakinig. Halimbawa nito ay pagluluto ng iba’’t ibang ulam o pagkain,


pagpapaliwanag kung bakit nahihilig ang karamihan sa sosyal midya, atbp. Ang
pagsasalaysay ay nagkukwento. Kung

kailangang magsalaysay tungkol sa isang pangyayari upang malaman ng lahat ay maaring


magkwento. Pati ang paglalarawan ng hitsura, anyo, hugis, kulay, lasa, amoy, at iba pang
deskriptibong salita ay tungkulin din ng wika.Paglalarawan sa sarili mong bayang tinubuan,
ang

dating tahimik na Bulkang Mayon, si Pangulong Duterte, atbp. Samantalang ang


nanghikayat o humihingi ng pagtiwala sa isyung gustong paniniwalaan ng lahat ay
tungkuling pangangatwiran ng wika. Ang mga halimbawa nito ay Ang Dengvaxia ang
Dahilan ng Pagkamatay ng mga Bata, Ang Retayrment na Edad ay Dapat 70 na Taon,
Hindi Dapat Pababayaan ang mga Bata na Gumamit ng Selfon o Tablet, at marami pang
ibang isyu.

3.10 ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG PILIPINO

Ayon sa aklat nina Santos et al.(2012) , ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga
mamamayang Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua franca nagagamit ito sa pagbabahaginan at
pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin at marami pang ibang nararamdaman ng isang tao
lalo pa’t ng mga Pilipinong may

iba’t iba ring sinasalitang wika. Sinabi pa rin nina Santos et al. na ang mga sumusunod ay
ang tungkulin ng wikang Filipino.

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino. Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng isang
multikultural at multilinggwal na mga Pilipino, kasama pa ang napakaraming etnikong
grupo, nagkaroon ng integrasyon o pagkakaisa sa paggamit ng iisang wikang nauunawaan
ng lahat.

Saang sulok man ng Pilipinas, maging sa labas ng bansa magkita-kita ang mga Pilipino
nagkaka- isa at nagkakaunawaan sila dahil sa paggamit ng wikang Filipino.
2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. Wika ang dahilan, pasulat man o
pasalita upang maihatid ang kaalaman o impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t ibang
pangkat sa Pilipinas. Mapalad ang mga pangkat na naisulat at naipreserba nila ang
kanilang kultura. Isa ito sa nakatutulong upang mas lalong mapayaman ang kulturang
Pilipino.

3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino. May mga kultural na mga salita na
tanging salamin lamang ng mga Pilipino. Kapag binabanggit ang mga salitang ito, tiyak na
identidad lamang ang mga ito ng mga Pilipino. Halimbawa: balut, bahay-kubo, sapin-sapin,
tabo, Sarao-dyipney , bakya, barong-Tagalog, atbp.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, napakarami ng ating
OFW, at nauso na rin ang pagbabakasyon sa labas ng bansa, wikang Filipino lang ang
pumupukaw sa damdaming Pilipino. Ang musikang Pilipino ay nakakaantig damdamin at
isip lalo pa’t ikaw ay wala sa Pilipinas. Ang mapakinggan lamang ang nagsasalita nito na
isang

puti, itim man o dilaw ay nagpapasaya at nakabagbag damdamin sa isang Pilipino. Narinig
ba ninyo ang mga banyagang kumakanta ng ating mga awiting-bayan?

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Wikang Filipino ang
isang mahalagang pagkakakilanlan ng kahit sino para matawag na siya ay Pilipino.

ARALIN 3: Ilang Grupo sa Pilipinas na May Natatanging Kultura May mga katanungan marahil
ang ilan sa pag-usbong ng iba’t ibang grupo o pangkat na may natatanging pinapaniwalaan na
iba sa karaniwang mga samahan o pangkat na kilala na sa buong Pilipinas tulad ng Rotary,
Lions, Samahan ng mga Magsasaka, Couples for Christ , Ang mga Mangagawang Pilipino, at
marami pang iba. Ang kakaibang mga grupong ito ay may mga kaugalian na taliwas kung
minsan sa mga sinusunod ng iba. Naging palaisipan sila sa hindi nakakaalam at kung makikilala
naman sila ay lalong naging misteryoso ang gawain nila sa pagtingin ng mga nag-iisip na hindi
sila normal na mga indibidwal. Ang mga paghuhusgang ito ay mabibigyan kasagutan o
pagpapaliwanag sa bahaging ito kahit man lang sa kaunting impormasyon tungkol sa mga
grupong ito. Naririto ang iilan sa kanila. 3.1 Ang mga Rizalian sa Lungsod ng Dapitan -mula sa
pananaliksik nina: Ana Rheza B. Blase, Mary Cris E. Manlangit at Precious I. Salaveria Kilala
ang mga Rizalian sa kanilang magaling na pagmamasahe at pagbo- boluntaryong pagtulong sa
pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng parke ng Rizal Shrine. Nakadamit sila ng puti kaya
misteryoso sa mga mata ng mga taong bago pa lamang sila nakita. Isang samahan sila na
makikita sa Lungsod ng Dapitan. Tagasunod at naniniwala sila na si Dr. Jose Rizal ay isang
Diyos. May bagong kulturang umusbong sa likod ng samahan mayroon sila. Ang kulturang ito
ay nakasuporta sa interpretasyon nila sa Bibliya, kaya naman lahat ng kanilang ginagawa at
pinaniniwalaan ay binatay sa Bibliya. Mayroon din silang mahabang kasaysayan lalo na sa
simula ng kanilang pananampalataya kay Jose Rizal. May sarili silang bersyon ng kasaysayan
ng buhay ni Rizal na hindi sinabi sa mga aklat. Ang sumusunod ang bersiyon nila ng kwento:
May isang reyna sa bansang England na nagngangalangang Victoria na nagdadalantao habang
nasa Pranses at bilang reyna kailangan niyang umuwi sa sarili niyang bansa para ang kanyang
anak ang mamuno at magmana ng kanyang trono. Habang nasa barko pauwi ay ipinanganak
niya ang isang babae na pinangalanan niya ring Victoria. Nang malapit na silang makarating
nanganak ulit siya ng isang lalaki. Nakita niya nang lumabas ang bata na malaki ang ulo nito at
hindi kaaya-ayang tingnan para sa kanila kaya napagdesisyunan niya na piliin ang batang
babae lalo na sa pamumuno at pagmana ng kanilang kaharian. Ibinalot niya ang batang lalaki,
inilagay sa kahon at pinaanod sa dagat. Napadpad ang bata sa kaharian ng Italya na agad
namang sinagip ng kaharian. Ang batang ito ay naging prinsipe at tagapagmana ng lahat ng
nasa kaharian pati na ang pagpunta sa Pilipinas. Nang minsan itong bumisita, umibig ito sa
isang babaeng Pilipina na kanyang nabuntis. Dahil may dugong bughaw, hindi puwede sa
kanila ang umibig sa hindi dugong bughaw. Dito isinilang ang isang batang lalaki na
pinangalanang Jose Protacio Rizal. Dahil ang babae ay hindi mayaman dinala niya ang bata sa
mayamang pamilya ni Doña Teodora Realonda Alonzo at Don Francisco Mercado. Kaya sinabi
ni Jose Rizal sa kanyang isang liham na “It seems that I am an illegitimate child of the Mercado
Family cause I am the only Rizal.” Dahil tatlong araw matapos siyang ibigay ng kanyang ina kay
Don Francisco, pagbukas nila ng lampin ay may pangalan na itong Jose Protacio Rizal.
Napagtanto nina Doña Teodora na ang bata ay hindi isang ordinaryong bata lamang dahil
noong dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na itong magbasa. Sa murang
edad ni Rizal ay mayroon na itong tatlong propesiya. Una, ang mapalaya ang nakulong niyang
ina; pangalawa gumawa siya ng rebulto ng sarili niyang imahen na nagpapahiwatig na sa
hinaharap ang lahat ng bayan sa Pilipinas ay gagawa ng kanyang imahe o rebulto para kilalanin
ang kanyang pangalan; at ikatlo, tinawag niyang Philippines in Century Hills o ang Pilipinas sa
ikasandaang taon. Nang nabubuhay pa si Rizal, isa ang lungsod ng Dapitan sa Mindanao sa
kanyang naging tahanan sa loob ng apat na taon bago siya ipinadala sa Maynila para hatulan
ng kamatayan noong 1896. Sa mga taong ito naging malapit sa kanya ang lungsod, lalo na ang
mga taong naninirahan mismo sa Barangay Talisay. Ibinahagi niya ang kanyang mga kaalaman
sa mga tao at hindi tumigil sa kanyang pagtulong at pagsasaayos ng lugar. Naging guro siya ng
mga bata at naging doktor sa lahat ng maysakit. Isa sa kanyang inoperahan ay ang ama ni
Josephine Bracken na naging kabiyak niya sa buhay at kinasama sa Dapitan. Naging katuwang
niya ang kanyang asawa sa lahat ng bagay at minsan na silang biniyayaan ng anak ngunit
nakunan si Josephine. Sa kanyang pagkamatay, hindi ito naging dahilan para matigil ang
kanyang nasimulan at hindi makalimutan ng mga tao ang kanyang mga nagawa. Ipinagpatuloy
nila ang mga nagawang ito ni Rizal at pinahalagahan ang mga bagay na kanyang naipundar.
Isang taga-Lungsod ng Dapitan na pinangalanang Filemon O. Reambonanza ang minsang
dinalaw ni Rizal sa panaginip taong 1952. Sa unang gabing pagdalaw ni Rizal kay Filemon, higit
limang beses na nanaginip ang huli, at hanggang sa kanyang paggising ay nakita nito mismo si
Rizal na nakatayo sa kanyang paanan. Matapos ang kaganapang ito, hindi mapigilan ni Filemon
na sabihin sa mga tao ang mga nangyari sa kanya. Makalipas ang ilang araw nagpakita sa
kanya ang Panginoon at nagalit ito dahil ipinagkalat niya ang kanyang napanaginipan. Doon
niya napagtanto na iisa lamang si Hesus at si Rizal. Hindi pa binigyan ng atensyon ni Filemon
ang pangyayaring iyon. Noong 1970 nangyari ulit ang panaginip at dito na sinabi sa kanya ni
Rizal na ang Espiritu ng Panginoon ay nasa kanya at inatasan niyang si Felimon ang
magbahagi ng magandang balita sa mga tao at sabihing si Rizal ang Panginoon. Sa tulong ng
boses na kanyang naririnig, nagagawa niyang magbigay ng interpretasyon sa Bibliya. Hulyo 27,
1975 nang sinimulan niya ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga kasamahang panday
at sinulat niya ang lahat na binigay sa kanyang karunungan. Agosto 5, 1975, tumigil siya sa
pagtatrabaho at pumunta sa Maynila para makilala ang mga nananampalataya kay Rizal na
“Watawat ng Lahi.” Bago niya binuo ang kanilang samahan ay marami na ang kapareho nila ng
paniniwala— paniniwalang panginoon si Jose Rizal ng mga taga-Maynila na kilala sa tawag na
“Watawat ng lahi” at pinamumunuan ni Arceño de Guzman noong binuo niya ang grupo noong
1914. Si Arceño de Guzman ay kaklase ni Jose Rizal at kauna- unahang pinakitaan ni Jose
Rizal ng kanyang espiritu. Sinabi ni Jose Rizal na siya ang Diyos at inatasan si de Guzman na
bumuo ng sekta na mananampalataya sa kanya. Sumunod naman ang mga kwento nina
Parabuac, Felix Milgar ng Ozamiz, Anastasio Balase ng Zamboanga del Norte at Ruben Ecleo
Sr. ng Surigao. Nagkaraoon ng hindi pagkakaunawaan ang mga lider na nauwi sa
pagkakawatak-watak ng ibang kasapi ng samahan. Pumunta lahat ng mga lider sa Dapitan para
malaman kung sino sa kanila ang pinili ng Diyos na pasukan ng espiritu. Napili si Filemon na
pasukan ng espiritu at nanirahan sa parke sa Dapitan. Naging basehan nila ang pagkakaroon
ng Pitong Espiritu ng Panginoon na makikita kay Felimon. Ang pitong Espiritong ito ay ang
banal na dugo ni Hesus, utak o karunungan at ang limang pandama at kagustuhan ng
gobyerno. Sinasabing sa simula pa lamang ng daigdig, nang nabubuhay pa si Adan at Eba, ang
Balaang Espiritu ay nasa sa kanila na. Pagkatapos kay Adan ang mga sumunod na lalaki sa
Bibliya ay pinasukan din ng Espirtu: si Abraham, ang kilala na Father of All Nations; si Noah na
gumawa ng arko; at si Hesus, ang huling pinasukan ng Espiritu na isinaad sa Bibliya bilang
anak ng Diyos at siya ang ikaanimnapu na pinasukan ng Espiritu. Naniwala sila na si Hesus at
si Rizal ay iisa lamang sapagkat pumasok ang espirito kay Rizal. Sina Hesus lamang at Rizal
ang kanilang pinaniniwalaan at hindi ang Holy Trinity. Hindi sila naniniwala sa Ama at Balaang
Espiritu. Lahat ng kanilang pinaniniwalaan ay nakabatay sa Bibliya dahil para sa kanila ang
Bibliya ay may apat na bahagi—ang Kasaysayan, Agham, Matematika at Propesiya. Nang
umakyat na sa langit ang espiritu ni Hesukristo, sinasabing lumilipat na sa mga
maimpluwensyang tao sa mundo ang Espiritu ng Panginoon sa loob ng labimpitong taon
matapos mamatay ang taong huling pinasukan ng espiritu. Ilan sa mga pinasukan Tiberius
Claudius Caesar Augustus Germanicus (Enero 24, 41 A..D-Oktobre 13,54 A.D), si Haring
Humabon ng Cebu, at si Jose Rizal na pandalawamputpitong tao na pinasukan ng espiritu.
Maliban sa mga makasaysayang nagawa ni Rizal at mataguriang bayani, siya rin ang Third
Witness of God at nagdeklara ng Mindanao is the Land of Promise. Kaya tinawag na The Land
of Promise ang Mindanao dahil ito ang pinaniniwalaang susunod na Mesapotamia o ang banal
na lugar na magiging langit sa hinaharap. Sinasabing hindi nagkakalayo ang mga nagawa ni
Jose Rizal sa mga nagawa ni Hesus noong nabubuhay pa siya sa mundo at nagkatawang tao.
Ilan sa mga ito ang pagtuturo sa mga bata maging sa matatanda tungkol sa magandang balita,
pagtulong sa kapwa sa kanilang pangangailangan lalo na ang may mga sakit (bilang isang
doktor), at ang pag-aalay ng sarili nitong buhay para iligtas ang buhay ng karamihan, na
itinuturing na makasay-sayang gawaing kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa
buong mundo. Taong 1982 nang magsimulang dumami ang mga tagasunod ni Filemon sa
Dapitan at patuloy itong dumarami hanggang taong 1992. Sa taong ito naaprubahan sa Maynila
ang kanilang samahan bilang isang organisasyon na makikita sa Mindanao na may seksyon na
CN201410709 at pinangalanan nilang Kingdom of God ang mas kilalang Rizalista o Rizalian.
Kingdom of God ang kanilang pinangalan sa kanilang organisasyon dahil sa ideya na ang
Dapitan ang The Land of Promise, ang bagong Jerusalem at Mesapotamia. Mula rin ito sa
Bibliya na nangangahulugang kaharian ng Diyos. Si Filemon O. Reambonanza, bilang pinuno
ng samahan,ang nagbibigay ng mga utos at patakaran, maging ng kanilang mga
pangangailangan. Ang salitang Rizal ay mula sa salitang Espanyol na Ricial na ibig sabihin ay
field where wheat is cut while still green, and sprouts again. Naniniwala ang mga Rizalista na
matapos patayin si Jose Rizal sa Bagumbayan, isang Rizal ang isisilang pagkaraan ng
labimpitong taon mula ng kanyang kapanganakan noong taong 1861. Pinaniniwalaan ng mga
Rizalista na si Filemon, na ipinanganak noong taong 1931, ang bagong Rizal na tulad ni Jose
Rizal ay pinasukan ng Espiritu at siyang susunod na maghahari sa buong mundo at
magpapatuloy sa mga nagawa ng Panginoon. Ayon sa mga Rizalist; ang salitang Rizal ay hindi
lamang tumutukoy kay Jose Rizal dahil lahat ng tao na naniniwala kay Jose Rizal ay matatawag
na Rizal kahit pa hindi ito naniniwala na siya ay Diyos. Ang batayan ng pagiging Rizalian ay ang
pananampalataya ng isang tao at ang malalim na paniniwala na Diyos si Jose Rizal. Kaya ang
naniniwala kay Rizal bilang Jose Rizal lamang at hindi ang Rizal na Diyos ay hindi itinuturing na
Rizalista o kasapi ng samahan. Nakabatay ang lahat ng kanilang paniniwala sa King James
Version, Bibliya ng mga Katoliko dahil sinasabi nilang malapit ito sa orihinal na bersiyon ng
Bibliya at wala masyadong binago. Sa tulong na rin ni Jose Rizal na dumadalaw sa panaginip ni
Felimon, ay nabigyan ang Bibliya ng interpretasyon na pinagbabatayan ng kanilang paniniwala.
Iba ang Rizalian ng Kingdom of God sa Talisay sa mga Rizalian na makikita sa ibang bahagi ng
bansa at iba rin ang tawag ng kanilang simbahan. Naging iba na ito sa mga grupong may
kapareho nila ng paniniwala sa dahilang nagiging tiwalag na ang ibang grupo sa totoong
paniniwala nila at may masasama nang adhikain. Ang pagkakatulad lamang nila ay ang
paniniwala na si Jose Rizal ay reinkarnasiyon ni Hesukristo. Sila ay iisa pero iba-iba ang
pamamaraan ng bawat grupo sa pagsamba. Sa Kingdom of God nakabatay lahat sa Bibliya ang
kanilang paniniwala. Bilang pinuno ng samahan, si Filemon O. Reambonanza ang nagbibigay
ng mga utos at patakaran, maging ang pagbibigay ng kanilang pangangailangan. Para mas
maging madali ang gawain ni Filemon, mayroon siyang labindalawang (12) Apostoles at
labindalawang (12) pari na nagkakasal sa kanila. Bumibisita at nag-iikot-ikot sa iba’t ibang
bayan ang mga ito para magbahagi ng magandang balita sa mga bahay-bahay. Hindi lahat ng
mga miyembro ay ipinanganak na isa nang Rizalian dahil ang iba sa kanila ay Katoliko o may
ibang relihiyong kinalakhan. Pero minsan na rin silang dinalaw ni Jose Rizal sa kanilang
panaginip o di kaya sa panahong nangangailangan sila. Katulad na lamang nang muntik nang
may namatay ay nagpakita si Jose Rizal at sinasabing humawak ito sa taong nangangailangan
ng tulong para gamutin. Dahil nasaksihan ng iba na agad namang gumaling ang mga
ginagamot, nahikayat silang sumali sa samahang Rizalian. May iba namang minana na lamang
sa mga magulang ang pagiging Rizalian. Ang iba naman ay matanda na nang sumali sa
samahan. Karamihan sa mga sumasali sa samahan ay nagmula lang din sa Lungsod ng
Dapitan. Sa ngayon, tinatayang nasa humigit-kumulang 50,000 ang mga miyembro ng Rizalian
sa buong kapuluan. Nagiging daan sa pagsali sa samahan ang tatlong bagay–panaginip,
pakikinig sa radyo, at sakit. Ngayon, itinuturing nilang Hari si Filemon O. Reambonanza o kilala
sa tawag na Mahal na Hari o Supremo dahil sa pagpasok ng espirtu sa kanya. Siya ang
pinaniniwalaan nilang huling papasukan ng espiritu sa mundo, matapos kay Jose Rizal. Bilang
huling tao na pinasukan, siya rin ang The Last Adam dahil 70 taon matapos ng kanyang
kapanganakan wala nang sumunod na pinasukan ng espiritu sa Pilipinas. Noong 2001, ang
espiritu ni Adam, ang isinaad sa Bibliya na kauna-unahang pinasukan ng espiritu ng Diyos, ay
lumipat sa kanya. Dahil dito, matatawag na rin si Mahal na Haring Filemon O. Reambonanza na
Adam. Nakapag-asawa si Filemon ng limang beses. Isa rito ay namatay na at ang apat ay
kasama niya sa templo. Ang pag- aasawa ng marami ni Filemon ay hango sa pagaasawa ni
Hakub ng apat. Dalawa sa kanyang asawa ay kilala sa tawag na Eba at Josephine Bracken
dahil ang dalawang babaeng ito ay pinasukan ng espiritu nina Eba at Josephine. Binibigyang
galang naman ng hindi mga Rizalian na nakatira sa lungsod ang mga paniniwala at kulturang
mayroon ang Rizalian sapagkat mayroon silang mabubuting nagawa at naiambag sa kanilang
komunidad o sa kapwa tao. Marami sa kanila ang nagsasabi na may mabubuting puso at
marunong makipagkapwa tao ang grupong ito. 3.2 GOSPEL MINISTRY OF SALVATION - mula
sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatma M. Jamali, Josa Marie M. Labis, at Princess L.
Tado Isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao del
Norte, Mindanao. Ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda ay si Dr. Salvacion Legaspi
o kilala sa tawag na “Majesty”. Sa bahay na ito nakabase ang pinaka- opisina ng isang
Monarchy Government. Tinatawag ang gobyernong ito na Gospel Ministry of Salvacion
(salvation). Ayon sa nakapanayam ng aming grupo na si Alden Kerubin, ang punong direktor ng
kanilang opisina; ito ang pinakamataas na hukom sa lahat ng hukom. Sinabi rin niyang ang
opisinang ito ang pinaka- opisina, kahit pa nakaayon ito sa palasyong nakabase sa England.
Ang ilan sa mga bakanteng kwarto ng palasyong ito ay nakalaan sa mga magiging trabahante o
sa mga magtatrabaho sa palasyo. Iminumungkahing layunin ng hukom na ito na pag-isahin at
gawing isang barangay ang buong mundo, mayroon silang sariling watawat, pera, pasaporte at
plaka ng kotse. Bukod pa rito, plano ng hukumang ito na gagawa ng sariling bangko na kung
saan doon magiging epektibo ang kanilang ginawang pera. Makikita sa kanilang pera ang
larawan ng kanilang itinuturing na Majesty. Ang bawat pera ay may partikular na larawan.
Nakabatay ang larawang ito sa pitong (7) sagradong katawagan sa kanya. Tinagurian siya
bilang Queen of Salvation, Queen of South, Queen of Islam, Queen of Light, Queen of Flowers,
Queen of Motherland at ang Alpha and Omega. Sapagkat iminumungkahi ng kanilang Majesty
na pagmamay-ari niya ang Pilipinas, kaya niya gumawa ng pera at mag-imprenta nito. Bawat
isang AU dollar ay may katumbas na pitong daang piso (P700). Bukod pa rito, gumawa rin sila
ng sarili nilang watawat na kung saan ang watawat na ito ay sumisimbolo sa layunin at
responsibilidad na ayon kay Kerubin, ibinigay ng diyos kay Majesty. Ayon kay Kerubin, ang
dalawang tig-aanim na mga bituin sa itaas at ibabang bahagi ng watawat ay sumisimbolo sa
labindalawang (12) tribu noong unang panahon na binanggit sa Bibliya. Ang isang araw sa gitna
ay sumisimbolo kay Majesty na siyang magiging tagapagligtas ng buong sinasakupan. Makikita
rin ang isang buwan at isang bituin sa ibabaw na bahagi ng watawat na ayon sa nasabing
impormante, ang buwan at bituin ay sinisimbolo ng Diyos. Ang kanilang adhikain ay nakabatay
sa nakasulat sa Bibliya at sa Efra Law (tumutukoy sa batas sa mga lupain). Sinasabi ng
grupong ito na ang Iligan ay ina ng lahat ng kalupaan sa mundo. Nagsimula ang lahat ng
pangyayari noong unang panahon sa lugar na ito kaya dito inilagay ang pinakabase ng
Kingdom Filipina Hacienda ni Dr. Salvacion Legazpi. Binanggit din ni Kerubin na ang Iligan ay
ang tinatawag noon na Garden of Eden. Ayon sa kanya, hinanda siya ng Panginoon upang
tulungang iligtas ang mga tao sa mundo. Kaya, inutusan siyang gumawa ng bagong mundo sa
pamamagitan ng pagbuo ng bagong gobyerno na tutulong sa mga tao upang guminhawa ang
kanilang buhay. Ang panawagang (calling) ito ayon sa kanya ay kusa niyang naramdaman nang
minsan siyang bumabasa ng Bibliya at nakita niya ang salita ng Diyos na para bang tinatawag
siya ng Banal na Ispirito para sa ganitong responsibilidad. Ayon kay Majesty, masasabing pag-
aari niya ang bansang Pilipinas dahil siya lamang ang may hawak ng titulo nito. May
pinanghahawakan siyang kasunduan o dukomento ng Treaty of Paris na nilagdaan at
inaprobahan ng lahat ng hukom. Unti-unti niyang tinitipon ang mga mahahalagang
dukomentong gagamitin niya sa pagbuo ng bagong gobyerno, bagong mundo. Una niyang
magiging hakbang ay ang paggawa ng sariling bangko na tatawagin niyang Tribunal Bank na
itatayo niya sa mismong kinatatayuan ng kanyang palasyo. Ang unang makikinabang ng
bangkong ito ay ang mga naunang miyembro o kasapi ng kanilang kaharian. Aniya, ang ID card
na gawa nila ay magiging isang pinakamahalagang bagay upang makapasok at makalabas sa
bansang Pilipinas sapagkat darating ang panahon na walang sinuman ang makakapasok at
makalalabas ng bansa kung wala silang maipapakitang ID card na katulad ng nasa larawan at
maisasakatuparan lamang ito kung matutuloy ang plano niyang isara ang bansa. Sa panahon
na iyon, wala nang mga taong maghihirap sapagkat ang pera ay hindi na po-problemahin ng
mga tao at mawawala na rin ang pagsingil ng tax dahil ayon kay Majesty, tax ang nagpapahirap
sa mga tao. Ito ang lahat ng paniniwala ng miyembro ng grupo nila. 3.3 ILAGA: ANG MGA
MILITANTENG KRISTIYANO SA MINDANAW Isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa internet
sa panayam kay Dennis Arcon, News5, 2013) Ang ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga
sa Filipino. Ngunit sa Mindanao, ang Ilaga na nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng
grupong Kristiyano na ang karamihan ay mga magsasaka sa simula na lumaban sa mga
Morong ekstrimist o Islamist, Nagsimula ang grupong ito ng kanilang kilusan noong 1970 at
lalong nakilala noong 1971 nang maibalita ang pinakamadugong ginawa nila na pagpatay sa
animnapu’t limang (65) sibilyan sa isang moske. Isa sa pangunahing adhikain ng kilusang ito
ang protektahan ang mga Kristiyanong komunidad sa pag-atake ng mga rebeldeng Moro
Islamic Liberation Front (MILF) at sa New People’s Army (NPA) na nasa Sentral Mindanao ng
mga panahong iyon. Sunud-sunod ang pakikipaglaban ng kilusan sa kanilang pinaniniwalaang
sila lamang ang makaprotekta sa komunidad ng mga Kristiyano. May mga bali-balita noon na
sinusuportahan sila ng gobyerno sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng MNLF at NPA. Sunud-
sunod din noon ang panalo ng mga Ilaga sa kalaban. Sinasabing ang kilusan ay isang kulto,
may talisman o anting-anting, di-tinatablan ng bala at higit sa lahat, kumakain ng tao.
Lumaganap noon ang balita na takot na takot sa kanila ang kanilang kalaban dahil sa sila na
mismo ang kinakain nila. Ginamit daw sila ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos sa pagsugpo ng karahasan sa Mindanaw dahil sa kakulangan ng sangay ng mga
sundalo. Ngunit nang makialam na ang ibang bansa, pinatigil na ng dating pangulo ang kilusan.
Unti-unti na itong tumamlay at nawala ang popularidad nito nang lubusan. 3.4 ANG MGA
MONCADISTA - isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa Ethnic Group of the Philippines, 2016.
Ang Isla ng Samal ay napakagandang isla na makikita sa gulpo ng Davao. Ito ay kilala sa
napakaganda dahil sa kulay asul nitong karagatan na may puting buhangin. Noong panahon ng
Komonwelt naging mas kilala ang lugar na ito nang bumuo si Hilario Moncado ng isang sektong
panrelihiyon na tinawag niyang Filipino Crusaders World Army (FCWA). Tinawag na mga
Moncadista ang mga kasapi nito na sumunod sa katuruan ng kanilang ispiritwal na lider.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga tao mula sa iba’t ibang lugar
sa PIlipinas ang pumunta sa Samal upang maging tagasunod ng relihiyong ito at upang lalong
malapit sa punong-kwarter nila. May dalawampu’t tatlong (23) ektaryang lupa sila sa Babak at
labingsiyam (19) naman sa Limao na pinaninirahan ng mga Moncadista at pinatayuan ng
tinawag nilang White House. Ang ibang miyembro nila ay nasa Makilala, North Cotabato;
Marawi City, Lanao del Sur; Kitawtaw, Bukidnon, at sa Sudlon II. Sa Cebu ay may tatlong
palapag sila na gusali na tinawag naman nilang Moncado Hotel. Si Hilario Moncado na taga-
Bamba, Cebu ay tinawag na punong–kumander ng kanyang mga nasasakupan. Siya ay may di-
pangkaraniwang kapangyarihan na makakakita ng di-pangkaraniwang nilalang na siya namang
pinaniniwalaan ng kanyang milyon-milyong tagasunod. Ang kapangyarihang ito ay taglay na rin
ng kanyang matagal nang mga miyembro. (Batay sa karanasan ni Dr. Nerissa L. Hufana,dating
Moncadista ang asawa at pamilya nito.). Ipinanganak siya noong Nobyembre 4, 1898 at sa
batang edad ay nangibang bansa-sa Hawaii at dito nagtrabaho siya sa isang plantasyon ng
tubo. Kinalaunan ay lumipat siya sa Amerika at doon nanirahan. Noong 1925, itinatag niya ang
Filipino Federation of America na naging pugad ng pagtitipon ng lahat ng mga migranting
Pilipino sa buong Amerika at Hawaii. Dalawang grupong panrelihiyon ang bumuo sa
organisasyon—ang Equifrilibricum World Religion at ang Moncadian Church of the Philippines.
Sa Isla ng Samal ang may pinakamaraming miyembro nila hanggang sa kasalukuyan.Hindi sila
kumakain ng karne ng hayop lalo na iyong may apat na paa. Nagtatanim sila ng gulay dahil ito
ang pinakaulam nila. Bawal ang panlasa sa pagkain tulad ng asin at bitsen. Kilala sila na ang
kinakain kung maaari ay hilaw na pagkain (raw food). Bilang pagsunod sa Diyos, nagpapahaba
sila ng buhok at balbas. Hindi sila naninigarlyo at nag-iinom ng alak. Ginagawa rin nila ang pag-
aayuno lalo pa kung baguhan pa sila sa federasyon para na rin daw mapalayo sa temptasyon.
Ang pagsimba nila ay araw ng Sabado at pinagbabasa sila ng Bibliya sa ilalim ng
pangangasiwa ng isang ispiritwal na direktor. Marami ring kontrobersya ang inabot ng sektong
Moncadian kaya naging dahilan ng unti-unting paglaho nito. Maraming miyembro ang bumalik
sa dati nilang relihiyon at ang iba naman ay sumapi sa mga bagong relihiyon. Nang mamatay si
Hilario noong 1956, may bagong akting na presidente ang inihalal sa isang kombensyon ng
organisasyon para ipagpatuloy ang bisyon ng namatay na dating punong-kumander. Ngayon,
ang White House na itinayo sa Isla ng Samal ay naging atraksyon na lamang sa mga turista na
bumibisita sa lugar, banyaga man o lokal. Ang estatwa ni Hilario Moncado ay nakatayo pa rin sa
Limao bilang alaala sa kanya. 3.5 PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATION
- Isinalin ng may-akda sa Filipino mula sa https//.wikipedia org>wiki>Phil Ang Philippine
Benevolent Missionaries Association, Inc. ay itinatag ni Ruben Edera Ecleo Sr. noong 1965 sa
Isla ng Dinagat sa Pilipinas. Nang mamatay si Ecleo Sr. noong 1987, humalili ang kanyang
anak na si Ruben B. Ecleo Jr. May humigit kumulang na milyong miyembro ang asosasyong ito
sa Sentral at dakong Timog ng Pilipinas at sa ibang bansa. Narehistro ito sa Securities &
Exchange Commission (SEC) sa Makati, Philippines noong Oktubre 19, 1965 sa ilalim ng
Rehistrasyon blg. 28042. Ang pinakaopisina nito ay nasa San Jose sa probinsya ng Isla ng
Dinagat. Ayon sa doktrina nila, si Ecleo Sr. ay biniyayaan ng mga “boses”na makapagbabasa at
makasusulat nang mahusay sa Arabic, Hebrew, Sanskrit(sinaunang wika sa mga iskriptyur at
klasikal na mga tula ng India), at Aramaic (dayalekto sa Syria na ginamit na lingua franca sa
Near East noong 6 th century B.C.. Hinay-hinay na pinalitan niya ang Hebrew na wika sa lugar
na iyon at kinalaunan ay nadagdagan ito ng Arabik.) para mainterpreta ang mga sinaunang
misteryo sa buhay. May mga hula siya sa mga darating pa na mga pangyayari. Inilarawan nila
si Ecleo Sr. na katulad ni Kristo na makapagbubuhay ng patay. Ang kakayahan daw niyang
manggamot ay galing sa Banal na Ama at sa mga banal na dasal na kanyang pinag-aralan.
Sinabi ng mga tagasunod ni Ecleo Sr. na mula pagkabata ay makikita siya sa mga lugar na
nangangailangan ng tulong at sa mga taong kailangan siya. Ang mga misyonaryong gawa niya
ay umabot sa Agusan del Sur at Samar. Sinasabing ang mga miyembro ng PBMA ay may
sariling mga sandata para proteksyunan ang kanilang lider na si Ecleo Jr. Handa silang
mamatay para sa kanya. Napatunayan ito nang magkaroon ng kaso si Ecleo Jr. dahil sa
pagpatay niya sa kanyang asawa at sa iba pang kaso laban sa gobyerno. Nagkaroon ng
putukan nang ipagtanggol ng mga miyemro nito si Ecleo Jr. Marami sa mga miyembro ang
namatay. Nahatulan si Ecleo Jr. na mabilanggo sa loob ng tatlumpong (30) taon dahil sa
paglabag sa kontratang panggobyerno na may kinalaman sa pera at ikinalugi ng gobyerno. Ang
kaso niyang pagpatay ay wala pang linaw hanggang sa kasalukuyan.

You might also like