Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ____________________


3.1 RENAISSANCE
- Ang Renaissance ay isang salitang Pranses na ang ibig-sabihin ay “muling pagsilang”. Noong una ito
ay tumutukoy lamang sa panunumbalik ng interes ng mga iskolar sa pag-aaral sa sinaunang Griyego
at Romano noong ika-14 na siglo.
- Ngunit hindi nagtagal ay ginamit ang termino na ito upang ilarawan ang panahon kung saan maraming
mga pagbabago ang naganap sa larangan ng sining, pilosopiya at sa paraan kung paano nakikita
ng mga tao ang daigdig. Ang Renaissance ay tumagal ng mahigit 200 taon, mula ikalabing-apat na
siglo hanggang ikalabing-anim na siglo.
Mga Ambag ng Renaissance sa Iba-ibang Larangan
Sa Larangan ng Sining at Panitikan Sa Larangan ng Pagpipinta
- William Shakespeare – Romeo and Juliet - Michelangelo Buonarroti – La Pieta
- Desiderius Erasmus – In Praise of Folly - Leonardo da Vinci – The Last Supper
- Nicollo Machievelli – The Prince - Raphael Santi – Madona and Child
Sa Larangan ng Agham
- Nicolas Copernicus –ang araw ang sentro ng unibero na iniikutan ng mga planeta, kasama ang daigdig
- Galileo Galilei – nakaimbento ng telescope
- Isaac Newton – Laws of motion; Law of Universal Gravitation
Gawain Blg. 3.1
Panuto: Sumulat nang tatlo hanggang limang (3-5) pangungusap na nagsasaad ng iyong personal na
saloobin sa bawat katanungan.
1. Bakita mahalaga ang pagbabago?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Magbigay ng mga positibo at negatibong epekto ng pagbabago sa daigdig at lipunan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ano sa mga ambag ng Renaissance ang pinakamahalaga sa iyo? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Bilang kabataan, ano ang iyong nais iambag sa pagbabago ng lipunan? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Karagdagang Puntos
Isulat sa bahaging ito ang mga health protocol na dapat nating sundin at isagawa habang may pandemya.
1. 4.
2. 5.
3.
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ____________________

3.2 UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO


KOLONYALISMO - ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang mahihinang
bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito tulad ng pagkuha ng mga kayamanan.
Dahilan ng Pananakop:
• Paghahanap ng kayamanan;
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
• Paghahangad ng katanyagan at karangalan.
In short..
GOLD, GOD and GLORY
Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo
• Mga naging tala ng nabigador na sina Marco Polo at Ibn Battuta
• Pagkatuklas sa compass at astrolabe
• Pagpapasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain ng Portugal at Espanya

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo


• Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak
• Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko dahil sa dumaraming salapi ng mga mangangalakal
• Nang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel, ito ang nagbigay daan sa
pagtatatag ng kapitalismo.
• Lumaganap ang relihiyong Kristiyanismo
• Sa larangan ng wika at kultura, nanatili hanggang sa ngayon sa lahat halos ng maraming bansa ang wikang
Espanyol, Pranses, at Portuges.
• Nagkaroon ng malawakang kalakalan ng mga alipin
• Nagsimula rin ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan.
• Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan,
paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.

Gawain Blg. 3.2


Panuto: Magtala ng limang (5) mabuti at limang (5) di-mabuting epekto ng kolonyalismo.

Mabuting Epekto Di-mabuting Epekto


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Karagdagang Puntos
Balitaan: Sumulat ng dalawa hanggang tatlong (2-3) pangungusap tungkol sa mahalagang balita na
napanuod, nabasa, o narinig mo ngayong araw. Petsa: _____________________
Balita:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ____________________

3.3 REBOLUSYONG SIYENTIPIKO, ENLIGHTENMENT AT REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


Rebolusyong Siyentipiko
- Naging hudyat ng pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko noong ika-16 at ika-17 siglo ng magsimula
ang panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa
sansinukob.
- Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa
kaalaman at paniniwala ng mga Europeo.
- Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at
humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas nakaalaman na pinatunayan ng “bagong
siyensiya.”
- Ang dulot ng Rebolusyong Siyentipiko ay hindi lang natuon sa Astronomiya o pag-aaral tungkol sa
kalawakan, lumaganap din ito sa iba’t ibang larangan ng Agham na naging batayan sa kasalukuyan.
- Ang Rebolusyong Siyentipiko ay ginamit ang katwiran (reason) sa pagpapaliwanag kung bakit at
paano nangyari ang mga bagay-bagay sa pisikal na mundo. Ang tagumpay na ito ay nagbigay ng
inspirasyon at matinding pagtitiwala sa kapangyarihan ng katwiran sa mga uring edukado ng Europa.
Panahon ng Pagkamulat o Enlightenment
- Ang Enlightenment ay isang kilusan noong ika-18 siglo kung saan sinikap ng mga pilosopo na isagawa
ang mga prinsipyo ng pangangatwiran at paraang siyentipiko sa lahat ng aspeto sa lipunan.
- Sila ay kinabibilangan ng ibat-ibang uri ng tao, mga manunulat, propesor, ekonomista,
mamamahayag, at mga taong nagnanais ng pagbabagong panlipunan.
- Ang mga taong lumahok sa Enlightenment ay tinatawag na mga Pilosopo.
- Para sa mga Pilosopo, ang layunin ng Pilosopiya ay makabuo ng isang lipunan na mabuti kaysa sa
nauna.
- Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may
kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining.
- Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga pilosopo o pangkat ng mga intelektuwal na
humihikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at
kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan
sa lipunan.
Rebolusyong Industriyal
- Taong 1760 nang pasimulan ng Britanya ang Rebolusyong Industriyal.
- Ito ang panahon kung saan gumamit sila ng mga makinarya upang makagawa ng iba pang
produkto.
- Ito rin ang panahon na lumipat ang mga tao mula sa simpleng ginagamitan ng kamay tungo sa
paggamit ng mga komplikadong makinarya.
- Nagdulot ito ng mas mabilis at maraming produktong nagagawa.
- Ang dating lipunang umaasa lamang sa pagsasaka ngayon ay nakadepende na sa mga bagong
kagamitan o teknolohiya.
Epekto ng Rebolusyong Industriyal

•Nagdulot ng polusyon, pagsisiksikan sa mga marurumi


• Binago ng Rebolusyong Industriyal ang bawat
at madidilim na mga kabahayan na nagdulot ng
bahagi ng pamumuhay ng mga bansang naging
paglaganap ng sakit at epidemya sa mga lugar na
aktibo sa industriyalisasyon.
tirahan ng mga mahihirap.
• Matinding pananamantala at paghihirap ang
•Paglaki ng agwat katayuan sa buhay ng mahihirap
naranasan ng mga manggagawa sa mga pabrika
na manggagawa at mayayamang may ari ng lupa at
at industriya.
pagawaan.
• Lumaki ang pangangailangan sa mga hilaw na
•Mabilis na lumago at nagsulputan ang mga lungsod.
sangkap.
•Nagdulot din ito ng pagkabuo ng mga samahan para
• Umunlad ang transportasyon, agrikultura at
sa pagbabago ng kalagayan ng mga manggagawa,
pakikipagtalastasan.
gayun din ang pagkakaroon ng mga batas para sa
• Nagbigay ito ng maraming trabaho dulot ng
ikabubuti ng kalagayan ng mga ito.
industriyalisasyon na nagbunga rin ng panganib sa
•Nabuo rin ang kilusang nagsusulong sa pag-aalis ng
kalusugan ng mga tao.
pang-aalipin. Kasabay rin nito ang pagkakaroon ng
• Nagbunga ang Rebolusyong Industriyal ng
mga karapatan ng mga kababaihan.
pagdami ng bilang ng populasyon sa Europa lalo
na ang mga sentro ng kalakalan at komersiyo.
Gawain Blg. 3.3
Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mag-imbento ng anumang bagay na kapaki-pakinabang sa
kasalukuyang panahon, ano ang iyong lilikhain bilang sarili mong imbento? Iguhit ito at lagyan ng paliwanag
sa loob ng kahon.
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ____________________

3.4 KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG AMERIKANO


Sa patuloy na pag-unlad at pagbabago ng kaalaman naging mapanuri ang sistema nang kaisipan ng tao,
na naging dahilan upang tumuklas ng panibagong kaalaman at imbensyon tungo sa pagbubukas ng
panibagong panahon ang Rebolusyong Siyentipiko at Rebolusyong Industriyal. Nabago nito ang mga
paniniwala ng tao sa mundo na naka-impluwensiya sa mga kaisipan sa Europa at Amerika. Mula sa mga ideya
at kaisipan ng Rebolusyong Siyentipiko ay nagbigay-daan sa Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment.
Ang Amerika ay binubuo ng labintatlong (13) kolonya na pinamumunuan ng bansang Great Britain. Isa – isahin
natin ang mga kolonya:
- Conneticut - Massachusetts - North Carolina - Virginia
- Delaware - New Hampshire - Pennsylvania
- Georgia - New Jersey - Rhode Island
- Maryland - New York - South Carolina

Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo, ay nagsimula na nilang kalabanin ang Great Britain. Alamin natin ang mga
dahilan!
*Tandaan ang salitang RISEN (Representasyon, Intelektuwal, Stamp Act, Ekonomiya, at Navigation Acts)
para sa mga dahilan:
1. Intelektuwal o Enlightenment. Ang mga akda, aral at prinsipyong mula sa mga pilosopo ay naging
inspirasyon at nagbigay-daan upang mabuksan ang kanilang kaisipan bilang Amerikano na may mga
karapatan, kalayaan, kaisipang politika at kaisipang rebolusyon.
2. Navigations Acts – nakasaad sa batas na ang kolonya ay maaari lamang bumili ng mga produkto sa
bansang Great Britain.
3. Ekonomiya. Sa loob ng Seven Years’ War (1756-1763) ng Great Britain sa France, nangailangan ito
ng malaking salapi, bilang panustos sa digmaan at pambayad sa malaking pagkakautang. Dahil sa
pangangailangang ito, hinigpitan ang kalakalan at tinaasan ang mga buwis na ikinagalit ng mga Amerikano.
4. Stamp Act of 1765. Ipinatupad ang batas na ito upang patawan ng buwis ang mga legal na
dokumento at paglalagay ng mga selyo sa mga produkto ng British mula sa kanilang kolonya. Ang Stamp Act
of 1765 at ang pagbubuwis ay naging dahilan upang iboykot ang mga produkto ng British ng kolonya, at
mag-ismagel o lihim na pagpuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa ang mga Amerikano.
5. Representasyon sa Parlyamento. Dito sumikat ang kaisipan at katagang “no taxation without
representation” o ‘walang pagbubuwis kung walang representasyon’. Hiningi ng mga kolonya sa Amerika ang
pagkakaroon ng representasyon sa parlyamento.
Mga pangyayaring nagtulak sa pagkamakabayan ng mga Amerikano:
Stamp Act of 1765 Boston Massacre (1770)
Paglalagay ng selyo sa mga produkto ng Great -Namatay ang limang Amerikano sa pamamaril ng
Britain na simbolo sa karagdagang buwis mga sundalong British.

Townshend Revenue Act Boston Tea Party (December 16, 1773) –Palihim na
–sa batas na ito ang produktong salamin, lead, nakapasok sa bapor ng British ang mga kolonistang
papel, at tsaa ay papatawan ng karampatang Amerikano o tinatawag na “Sons of Liberty” sa
buwis. pagpapanggap bilang Indiano o katutubong
Amerikano upang makapasok sa tatlong barko ng
Tea Act (1770) Great Britain na nasa daungan ng Boston at itinapon
– isinasaad na ang 13 kolonya ay sa dagat ang 342 kaban ng tsaa.
makikipagkalakalan sa East India Company ng
Great Britain. Dahil sa pangyayaring ito, pinatawan ng
kaparusahan ang mga kolonista at buong Boston,
Declaratory Act pinaghigpitan at inalisan ng karapatang pamunuan
– sa batas na ito binibigyan ng karapatang lumikha ang sarili.
ng batas para sa kolonya ang Parlamento ng British
Mga mahahalagang pangyayari na naging hakbang sa paglaya ng Amerika:
First Continental Congress o Unang Kongresong Declaration of Independence (Hulyo 4, 1776)
Kontinental (Setyembre 5, 1774) Ang Second Continental Congress ay
Isang pagpupulong na nilahukan ng mga inaprubahan at inalabas ang Declaration of
kolonya liban lamang sa Georgia bilang paglaban Independence na isinulat ni Thomas Jefferson. Ang
sa mga British. Nagkaisa at sama-samang upang mga kolonya ay naging malaya at kinilala bilang
maitaguyod ang kanilang karapatan sa kolonya at malayang nasyon sa ilalim ng pangalang United
matigil ang pakikipagkalakalan sa Great Britain. Sa States of America o Estados Unidos ng Amerika.
kabila nito, hindi ito nabigyan ng pansin ni Haring
George III ng Great Britain. Pagsuko ng Great Britain sa Amerika
(Oktubre 19, 1875)
Labanan sa Lexington, Massachusetts Tuluyang nagapi ng mga Amerikano ang Great
(Abril 19, 1775) Britain sa pamumuno ni George Washington. Sumuko
Bago makarating ang mga British sa Concord sa Labanan sa Yorktown, ang hukbong ng mga British
upang makuha ang tindahan ng pulbura, mabilis na sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Cornwallis, tuluyan
ipinaalam ito ng isang panday na si Paul Revere sa ng nakalaya ang Amerika.
mga Amerikanong tagapagbantay. May namatay
sa Amerikano, subalit natalo naman nila ang mga Treaty of Paris o Kasunduan sa Paris
sundalong British sa Boston. (Setyembre 3, 1783)
Bilang pagtanggap ng Great Britain sa kalayaaan
Second Continental Congress o Ikalawang ng Amerika.
Kongresong Kontinental (Mayo 1775)
Paggawa ng Konstitusyon (Mayo 14, 1787)
Dahil sa hindi nabigyang-pansin ng Britain ang
kanilang hiling nagsagawa ng ikalawang Binalangkas ang Konstitusyon sa Philadelphia,
pagpupulong ang mga kolonya. Bumuo ang kolonya Pennsylvania, kasama ang 12 dating kolonya.
ng hukbong sandatahang lakas na tinawag na Kabilang sina George Washington, Benjamin
Continental Army at nanalo sa botohan si George Franklin, Alexander Hamilton at James Madison mga
Washington bilang commander-in-chief. Ang kilala at prominenteng delegado. Si James Madison
pamahalaan ng mga kolonya ay tinawag na United ay kilala bilang “Father of the Constitution” o “Ama
Colonies of America at sinimulan na nilang ng Konstitusyon”.
makipaglaban sa mga British.

Gawain Blg. 3.4


Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang.
Mga dahilan ng pagkakaroon ng Rebolusyong Amerikano:
1. 4.
2. 5.
3.
Mga pangyayaring nagtulak sa pagkamakabayan ng mga Amerikano:
1. 4.
2. 5.
3. 6.
Mga mahahalagang pangyayari na naging hakbang sa paglaya ng Amerika:
1. 5.
2. 6.
3. 7.
4.

Karagdagang Puntos
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng mga kilalang personalidad na Amerikano, mga sikat na awit, at
mga pelikula na gawang Amerika.
Mga Kilalang Personalidad sa Amerika Mga Sikat na Awit sa Amerika Pelikula sa Amerika
1. 1. 1.
2. 2. 2.
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ____________________
3.5 KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES
Ang France noon pa man ay pinamumunuan na ng hari at reyna kung saan nakatira sa isang palasyo na may
matataas na pader, mga kubyertos na gawa sa ginto at pilak, at tila pasko ang lamesa dahil sa hamong
nakahain. Ganito ang naging buhay ng hari at reyna sa kabila ng labis na kahirapan ng kanyang
nasasakupan, dahilan upang isilang ang Rebolusyong Pranses!

Ano ano nga ba ang mga naging dahilan sa pagkakaroon ng Rebolusyong Pranses? Tandaan ang salitang
PIE (Politikal, Intelektuwal at Ekonomikal)

1. Politikal – Bilang pamahalaang monarkiya, na pinamumunuan ng hari at reyna, ang hari noon na si
King Louis XV (1715-1774) ay namuhay sa maluhong pamamaraan na umabot sa puntong ang France ay
naghirap at naipasa niya ito sa kanyang anak na si King Louis XVI at ang kanyang reyna na si Marie
Antoinette. Tulad ng kaniyang ama, hindi rin inisip ni King Louis XVI ang paghihirap ng kaniyang mamamayan.
Nabuhay sa maluhong pamumuhay na halos ikinaubos ng kaban ng bayan. Ang pamumuno ay nakabatay sa
divine right of kings, o ang pinuno ay mula sa Diyos.

2. Intelektuwal – Ang mga philosophes at ang kanilang panulat sa panahon ng Enlightenment ang may
pinakamalaking ambag. Ang kanilang mga paniniwala at kaisipan, ito ang bumago sa kaisipan ng mga
Pranses na naging matibay na layunin at tunguhin sa paghahangad na maging malaya.
Idagdag pa dito ang inspirasyon sa Rebolusyong Amerikano. Ito ay mababanag o makikita mula sa mga akda
nina John Locke, Francois Marie Arouet, Baron de Montesquieu at iba pang ideya ng mga pilosopo na
tumatalakay sa kalayaan, karapatan at pagkakapantay-pantay ng mga tao.

3. Ekonomikal – Bumagsak ang ekonomiya ng France dahil sa maluhong pamumuhay ng hari at reyna,
at pagbibigay ng panustos o tulong sa Rebolusyong Amerikano. Nagresulta ito ng matinding kahirapan at
pagkagutom ng mga mamamayan.

REBOLUSYONG PRANSES
• Hunyo 17, 1789 - idineklara ang Third Estate bilang National Assembly o Pambansang Asemblea
• Hulyo 14, 1789 - Ang Pagbagsak ng Bastille. Ang Bastille ay isang kulungan at lugar na kinaroroonan
ng mga pulbura. Sinugod, pinakawalan ang mga nakakulong, kinuha ang mga pulbura para sa
digmaan, at sinunog. Sa kasalukuyan ang Hulyo 14 sa France ay ipinagdiriwang bilang “Bastille Day”o
“France’s Day of Independence”.
• Agosto 27, 1789 - Declaration of the Rights of Man: “Liberty, Equality and Fraternity”. Ang
Constitutional Assembly o dating Pambansang Asemblea ay naglabas ng Deklarasyon ng Karapatang
Pantao at Mamamayan, ang Saligang Batas na nakatuon at isinusulong ang pagkakaroon ng
kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran ng mga Pranses.
• Setyembre 1791-1792 - Sumang-ayon si Haring Louis XVI na ang pamumuno ay nakabatay sa batas.
Naitatag din ang Legislative Assembly, bagong Asemblea na may kapangyarihang tagapagbatas.
Mula sa monarkiya, ngayon ay naging republika ang France.
• Enero 21, 1793 - Pinugutan ng ulo si Haring Louis XVI gamit ang guillotine, sa kasalukuyan tinawag
ang lugar na Place de la Concorde sa Paris. Ilang araw ang nakalipas, ang kanyang asawa na si
Marie Antoinette naman ang napugutan.
Ang mga pangyayaring ito ay lumaganap at kinatakutan sa Europa, upang matigil ang mga rebolusyonaryo,
ang Austria at Prussia ay nagpadala ng mga sundalong lalaban at tatalo sa rebolusyon. Ang panahong ito
ay kinilala bilang “Reign of Terror”. Ang kaguluhan at kahirapang ito, isinilang ang isang lider at heneral na
si Napoleon Bonaparte, na sumakop sa iba’t ibang bahagi ng Europa at nagpasimula ng French Empire. Dala
sa kanyang pananakop ang ideya ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran na nagsulong sa
pagbabago ng pamumuno at pagtatatag ng Republikang pamahalaan.

Gawain Blg. 3.5


Panuto: Punan ang mga sumusunod na pahayag ng mga angkop na salita/parirala upang mabuo ang
pangungusap.
1. Kaya pala nagkaroon ng French Revolution ay dahil sa ____________________________________.
2. Ang hindi ko malilimutang kaganapan sa French Revolution ay ang ___________________________
________________________________________________________________________________.
3. Ang aking natutuhan ay makakatulong sa akin bilang mag-aaral at mamamayang Pilipino dahil
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ____________________
3.6 IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

Ang pagkakaroon ng Rebolusyong Industriyal ay nakatulong para sa mabilisang proseso nang produksyon
ng mga produkto at pag-unlad ng mga industriya sa bahagi ng Europa. Ang rebolusyong ito ay may
malaking papel sa pagsisimula ng panibagong yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Alamin pa natin ang
iba pang mga dahilan.
Nais kong tandaan mo ang salitang PIE (Politika, Imperyalismo at Ekonomiko) para sa mga dahilan.
Isa-isahin natin.
1. Politika. Ang pagpasok ng mga kaisipan sa pagpapatakbo at pagpapatuloy ng kapangyarihan
tulad ng SWHIM - (Social Darwinism, White Man’s Burden at Manifest Destiny):
• Social Darwinism – Ito ay ang paniniwalang ang mga Kanluranin o taong may lahing puti
ay may mas mataas na karunungan sa pamamahala at sibilisayon kung ihahalintulad sa
mga lahing kayumanggi, itim at dilaw.
• White Man’s Burden – paniniwalang ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay
obligasyong tulungan ng lahing puti upang umunlad.
• Manifest Destiny – paniniwala ng United States na nakatadhana at may basbas ng langit
na palawakin at angkinin ang mga bansa.
2. Ekonomiko. Sa patuloy na pag-unlad ng industriya at pagdami ng mga napoprodyus na produkto,
nagkaroon ng mga surplus o labis na produkto dahilan upang humanap ng mga pamilihan o lugar na
paglalagakan ng mga produkto.
3. Imperyalismo. May tatlong uri ng imperyalismo KSP (Kolonyalismo, Sphere of Influence at
Protectorate):
• Koloniyalismo- tuwirang sinakop at pinamahalaan ng dayuhang mananakop ang isang
bansa.
• Sphere of Influence – may karapatan ang mga dayuhan sa kalakalan ng isang bansa.
• Protectorate – isang bansa na nasa ilalim ng dayuhang pamamahala.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Africa


Ang matagumpay na eksplorasyon at tuklas nina Livingstone at Stanley, ay ang simula rin ng pagdaong at
paggalugad ng mga Europeo sa Africa, isa na dito ay ang ekplorasyon sa ngalan ni Haring Leopold II ng
Belgium. Mabilis na naangkin ng Belgium ang Hilagang Congo na malapit sa ilog at tinawag itong “Congo
Free State” o Zaire sa kasalukuyan.

Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa, sa pananakop ng Africa, isang kasunduan
ang naganap sa Berlin Conference noong 1884. Dumalo ang 14 na bansa, ngunit walang Aprikanong
nakarating upang maging kinatawan.
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya
Pagdating nang ika-19 na siglo ay ang panahon ng paghahati-hati ng mga Europeo sa teritoryo ng Asya.

Ang United States ay


nagtakda ng Open Door Policy sa
China noong ika – 16 ng
Setyembre, 1899. Winakasan din
ng United States ang sphere of
influence upang maging bahagi sa
kalakalan ng China.
Japan
Sa paglaya ng Amerika
mula sa rebolusyon, hindi ito
nagpahuli sa pakikipagsabayan
sa pananakop, kaya naman ang
isa sa mga bansang napasailalim
dito ay ang Japan. Sa
pangunguna ni Matthew C. Perry,
dala ang mensahe mula kay US
President Millard Fillmore, na
humihingi ng istasyon ng langis,
iba pang mga pangangailangan
at pagkakaibigan, naipaabot ito
sa Japan.
Ang usapang ito ay humantong sa lagdaan ng Kasunduan sa Kanagawa (1854). Ang pagpasok ng Amerika
at iba pang mga bansa sa Japan ay isang mahalagang pundasyon sa pag-unlad nito. Sa patuloy na pag-
unlad ng Japan, ito ay naging makapangyarihan at isa na rin sa mga naging mananakop.
Timog Asya: India
Ang pinakamalaking kolonya ng Great Britain ang India. Kinilala ang India bilang,”pinakamaningning
na hiyas”. Sa loob ng pitong taong pakikidigma o Seven Years War ng France sa Great Britain dahil sa pag-
aagaawan nawalan ng teritoryo ang France sa India. Ang pagsasagawa sa Kasunduan sa Paris o Treaty of
Paris (1763), ang nagwakas sa digmaan. Sa puntong ito, buong kalakhan ng India ay nasa ilalim ng pamumuno
ng British.

Sa mga bansa sa Asya, may dalawang bansang hindi nasakop. Ang Siam o Thailand, ngayon ay sinuko o
ibinigay ang ilang teritoryo para sa pagsasarili mula sa pagitan ng Great Britain at France. Ang pagiging
“Hermit Kingdom” ng Korea ay naging proteksyon nito, dahil hindi pinayagan ang mga dayuhang
makipagkalakaan.

Pakikilahok ng United States


Bansang Nasakop Bunga ng Pananakop
Guam naging himpilang-dagat sa Silangan ng Amerika
Pilipinas naging base militar ng Amerika
Puerto Rico himpilang-dagat sa Carribean ng Amerika

Samantala, ayon kay Pangulong William Mckinley, ay pinag-isipan kung ano ang nararapat gawin sa
Pilipinas.

Nalagpasan ng United States ang Unang Digmaang Pandaigdig at nakuha ang teritoryo ng Samoa at Hawaii.
Sa Samoa inilagak ang mahalagang himpilan. Sa Hawaii naman matatagpuan ang Pearl Harbor, kung saan
nakabase ang himpilang-dagat ng United States sa Pasipiko. Bago matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig, noong 1917, nakuha ng United States ang Virgin Islands mula sa kamay ng Denmark.

Ang pagiging makapangyarihan ng United States sa Pasipiko ay nagdulot sa pagkakaroon nito ng mga
protectorate at sphere of influence. Ilan dito ay ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa
Central America.
Gawain Blg. 3.6
Panuto: Tukuyin ang mga isinasaad sa bawat bilang.

1. Ito ay tuwirang pananakop at pamamahala ng dayuhang mananakop ang isang bansa.


__________________________
2. Ang paniniwalang ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong tulungan ng mga lahing
puti upang umunlad
__________________________
3. Tawag sa isang bansa na nasa ilalim ng dayuhang pamamahala.
__________________________
4. Paniniwala ng United States na nakatadhana at may basbas ng langit na palawakin at angkinin
ang mga bansa.
__________________________
5. Nag-ugat ang paniniwalang ito sa teorya ni Charles Darwin, na inangkop ng mga Europeo para
sa sarili nilang adhikain na ikatataas ng kanilang lahi.

__________________________

3.7 NASYONALISMO SA EUROPA AT IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG

1. Sino ang paborito mong superhero? Bakit? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, sinong superhero ang gusto mo? Bakit? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Kung papipiliin ka ng kapangyarihan, anong kapangyarihan ang gusto mo at bakit? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
4. Paano makatutulong ang iyong kapangyarihan sa mga tao? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Nasyonalismo – Ito ay isang paniniwala na ang isang bansa ay nararapat na nabubuklod ng isang wika,
adhikain, kaugalian, at kasaysayan at pinamumunuan ng isa lamang pamahalaan upang makatayo bilang
isang malayang bansa.
Ipinapakahulugan din ang nasyonalismo na damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa
pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan. Sa madaling salita ay ang labis na pagmamahal sa
bayan.

Gawain Blg. 3.7


Panuto: Sumulat ng isang haiku (tulang mayroong tatlong taludtod at may 5-7-5 na pantig) tungkol sa
nasyonalismo.
Halimbawa: _________________________

Bayan Ko ____________________
Pag-ibig sa’yo ____________________
O, ipaglalaban ko ____________________
Hanggang sa dulo

You might also like