1. Pagkakapalit ng Alibata sa Alpabetong Romano 2. Ang pagkakasulat ng iba’t ibang aklat pambalarila sa iba’t ibang wikang Filipino-gaya ng sa Tagalog, Ilocano, Cebuano, at Hiligaynon 3. Ang malaking ginawang pagtulong sa simbahan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng panitikan 4. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wika 6. Ang pagkakadala sa Pilipinas ng mga alamat sa Europa at ng tradisyong Europeo na naging bahagi ng panitikang Filipino sa ngayon, gaya ng awit, corrido, at moro-moro 7. Ang wikang Kastila na siyang wika ng Panitikan ng panahong iyon at marami sa mga salitang ito ang naging bahagi na rin ng wikang Filipino.
MGA UNANG AKLAT
1. Doctrina Cristiana- Kauna-unahang aklat na panrelihiyong
nalimbag sa Pilipinas na nasusulat sa Tagalog at Kastila. Ito ay naglalaman ng Ave Maria, Credo, Ang Sampung Utos ng Diyos, Ang mga Utos ng Santa Iglesia, Ang Pitong Kasalanang Mortal, Ang Labing Pitong Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Katesismo. 2. Nuestra Seńora del Rosario- Pangalawang aklat na nalimbag na nasusulat sa Tagalog. Ito ay naglalaman ng mga talambuhay ng mga Santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon. 3. Barlaan at Josaphat- Kauna-unahang nobelang isinalin sa Filipino. Ito ay hango sa mga kwento sa Bibliya. 4. Pasyon- Pag-awit sa buhay ng Panginoon 5. Urbana at Felisa- Aklat na binubuo ng mga sulat ng magkapatid na Urbana at Felisa. Malaki ang naging impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. Si Urbana ay nag-aaral sa Maynila at si Felisa ay nasa lalawigan. Ang mga liham ay naglalaman ng mga pangaral. MGA AKDANG PANGWIKA
1. Pag-aaral ng Balarila sa Tagalog
a. Arte y Reglas de la Lengua Tagala b. Compendio de la Lengua Tagala 2. Talasalitaan sa Tagalog a. Ang Vocabulario de la Lengua Tagala b. Nuevo Diccinario Manual Espańol- Tagala c. Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog d. Ensayo de Gramatica Hispano Tagala 3. Mga Balarila sa Ibang mga Wika a. Arte de la Lengua Iloco b. Arte de la Lengua Pampango c. Arte de la Lengua Bicolana
MGA AKDANG PAMPANITIKAN
1. Tula 2. Kantahing Bayan 3. Awit at Corrido
a. Corrido- tulang tuluyan tungkol sa katapangan, kabayanihan,
kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan. Binubuo ng 8 pantig bawat taludtod.
Hal. Ang Ibong Adarna
b. Awit- may 12 pantig sa bawat taludtod
Hal. Florante at Laura
4. Dulang Patula
a. Karagatan- sa mga Tagalog ay nanggaling sa isang alamat
tungkol sa isang dalagang nawalan ng singsing sa dagat. Ipag- aanyaya sa mga binata na hanapin ang singsing sa dagat at ang sinomang makakita nito ay siyang ipakakasal sa dalaga. b. Duplo- isang madulang pagtatalong tula c. Tibag- pagsasadula sa paghahanap ng krus sa pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino d. Panunuluyan- Isinasadula ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa kanyang nalalapit na panganganak kay Hesus. e. Panubong- mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan f. Karilyo- dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Madilim kung palabasin ang Karilyo sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao’y ang kanilang mga anino. Ang mga pangyayari ay galing sa mga awit at corrido o sa mga dulang panrelihiyon. Sinasamahan din ito ng awit. g. Cenaculo- dulang naglalarawan ng buong buhay hanggang sa muling pagkabuhay ni Hesukristo 1. Hablada- patula 2. Cantada- inaawit
h. Moro-Moro- Ang paksa ay laging paglalaban ng mga Muslim
at mga Pilipinong Kristiyano at lagi namang nagwawakas sa tagumpay ng mga Kristiyano.