Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kultura ng Pilipinas

A.Kultura ng Pilipinas Noon at Ngayon

Musika at Sayaw

Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing nayroon itong
kasamang pag-awit. Kung noon lagi pa natin naririnig ang mga kantang gawa ng mga sikat na Pilipino
tulad nina Pilita Corales, Basil Valdez, Janet Basco, Martin Nievera, Nonoy Zuniega, Sharon Cuneta,
Raymond Lauchengo at marami pang iba. Sikat na sikat ang mga OPM noon. Ito ang mga kantang
punong puno na iba't ibang emosyon katulad ng saya, pagmamahal at iba pa na talaga namang
makakapukaw ng atensyon at damdamin ng mga Pilipino noon.

Ngunit ano ba ang nangyari? Ngayon, wala na masiyadong maririnig na mga kantang OPM sa mga
pampublikong lugar at sasakyan tulad ng Mall, tricycle, jeep at iba pa. Mayroon parin namang
nagpapatugtug ng mga OPM ngunit ang mga kantang ito ay ibang iba na kumpara noong dati at ang ilan
sa mga ito ay pinasikat ng mga artista tulad nina James Reid, Daniel Padilla, Vice Ganda, Willie Revillame
at iba pa. Mga bagong OPM na ang karaniwang musikang maririnig natin sa ngayon. Napaisip lang ako,
hindi naman pangit ang mga kanta nila, ngunit ano ba ang maganda sa mga katagang "Boom!
Karakaraka, Boom! Panes boom! panes o kaya naman sa Boom parang Neneng B ang kanyang katawan
ang sarap niyang titigan." Sa mga ganito palang na mga kataga mapapansin na natin na wala namang
kabuluhan ang mga ito at hindi rin maganda sa pandinig ngunit ito na ang mga kantang kinahihiligan ng
mga kabataan ngayon at kung minsan nga pati matatanda ay nahihilig na rin sa mga kantang ganito.

Noon, ang mga sikat na sayaw ay ang mga katutubong sayang tulad ng "Tinikling", "Singkil", "Pandanggo
sa Ilaw", "Subli" at marami pang iba. Ito ang mga sayaw na masasabi nating nakakapagbigay talaga nga
aliw sa mga tao noon.

Ngunit, ngayon ay tila ibang iba na dahil ang mga ganitong sayaw ay sinasayaw na lang kapag mayroong
paligsahan sa mga barangay o sa paaralan dahil sa panahon ngayon ang "Hip-hop" na ang tinatangkilik
ng mga tao mapa bata man o matanda at dahil nga sa ito ang uso ngayon ay mas lalong sumikat ang
ganitong klaseng sayaw.

Yung dati na puno ng emosyon ang galaw ng mga sayaw ay napalitan na ito ng mga malilikot na galaw at
dahil ito sa Kulturang Popular. Yung mga uso noon na sayaw ay hindi na gaanong kasikat ngayon at ang
mga sikat ngayon ay baka hindi na rin uso sa susunod na panahon.

Kasuotan

Ang henerasyon ngayon ay malayong malayo na kung para noong unang panahon lalo na pagdating sa
mga kasuotan. Bawat taon ay nagbabago ang disenyo ng mga damit. Noon, mahahaba pa ang mga
kasuotan na pangbabae at panglalaki ngunit ngayon ay tila paikli ng paikli na ang mga ito at hindi na
masyadong disent. Dahil dito na wala na ang pagka "Maria Clara" ng mga babae. Oo, magaganda naman
ang kasuotan ngayon ngunit mas maganda paring ang mga damit noong unang panahon.

Dahil sa kulturang popular ay mas tinatangkilik na ng mga tao ang mga bagong gamit. Mas pinipili nila
ang "New Fashion" kaysa sa mga "Old Fashion" na mga damit dahil ayaw nilang masabihan ng ibang tao
na makaluma sila.. Sumusunod ang mga tao sa mga uso ngayong panahon na ito at yung mga dating
kasuotan/damit ay sinusuot na lang kapag maroong okasyon sa paaralan at sa iba pa.

Tradisyon at Paniniwala

HARANA (NOON) :

Noon, ang paghaharana ay isang bagay na madalas ginagawa ng mga lalaki upang manligaw sa kanilang
mga mahal sa buhay. Kukuha ang isang lalaki ng kanyang mga kaibigan upang samahan ito sa bahay ng
kanyang sinta para kumunta kasama ang gitara at iba pang instrumento.

TEXT/CHATMATES (NGAYON):

Sa pag-angat ng teknolohiya, dahan-dahan ng nawala ang pag-haharana. Ngayon, makikita na lamang


natin ito sa mga romantikong pelikula. Ang bagong estilo ngayon ng pagliligaw ay dinadaan sa digital na
mundo. Kahit ang pagkakanta ay maaari nang gawin “online” sa isang simpleng voice chat.

BUO ANG PAMILYA HABANG KUMAKAIN (NOON):

Ang kompletong pamilya sa hapagkainan sa tuwing kumakain ay isa sa tradisyunal na kultura ng mga
Pinoy. Ang masayang kwentuhan ay isa sa mga rason kung bakit mas napapalapit ang isang pamilya.

SAMA-SAMA SA PAGKAIN PERO MALAYO SA ISA’T-ISA (NGAYON):

Ngayon, kahit sama-sama ang isang pamilya sa hapagkainan, hindi na ito nagkukwentuhan. Ito’y dahil
karamihan sa mga miyembro ng pamilya, lalo na ang mga kabataan ay gumagamit ng mga selpon at
tablet habang kumakain.

Kapistahan

Noon...

Pinag-iipunan ang panghanda!

Pinapahiran ng uling ang mga ati-atihan dancer.

Pag hahanda ng lechon baboy.

May amateur singing contest.


May barangay beauty contest.

May importansya ang Santong ipinagdiriwang sa haba ng prosisyon!

Ngayon....

Ipina-ngungutang ang panghanda!

Naka costume na lang ng black stocking at long sleeve t-shirt.

Nag hahanda ng lechon manok. [hehe sosyal pa rin!]

May karaoke singing contest.

May barako at gay byuti contest.

Mas nauna pang humaba ang pila ng mga manginginom kaysa sa mag-prosisyon.

Kilalang Pagkain

NOON:

Daing at Bagoong

Champorado

Lugaw

Bibingka

Suman

Ngayon:

Burgers

Nachos

French Fries

Kimchi
Wika at Diyalekto

Ang Wika ay naiiba sa pagdaan ng panahon, noon ang mga Wika na ginagamit ay malumanay at
malalalim ang mga kahulugan nito. Madalas ang pagmit ng wika ay pormal. Ngunit sa panahong ito ang
wika ay naging makabago na, marami sa wika sa henerasyong ito ay gumagamit ng mga makabagong
salita. Madalas ang ginagamit na salita ng mga kabataan ng henerasyon ay mga salitang balbal o di
pormal na salita. Gaya ng mga Conyo,Jejemon,Gaylingwa.

Kilalang Personalidad

Noon:

Apo Hiking Society

Francis Magalona

Tito Sotto

Kris Aquino

Eraserheads

Ngayon

Joshua Garcia

Koreano

You might also like