Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Katatapos lamang ng eleksyon sa Pilipinas.

Kabi-kabila ang balita sa telebisyon tungkol sa naganap na


botohan. May mga hindi sang-ayon at mayroon din naman na hindi. Marami ang nagrarally sa daan
kabilang na ang ilang mga guro. Sana naman ay hindi ito makaapekto sa pag aaral ng aking mga anak.
Sino kaya ang binoto ng mag aama ko? Sana ay tama ang kanilang pinili upang ng sa gayon ay
magkaroon naman ng magandang kinabukasan ang aming bansa.

Nais ko ng bumalik sa Pinas sapagkat napakahirap dito sa espanya. Inaalagaan ko ang anak ng iba
habang ang aking mga anak ay tanging ama lamang nila ang gumagabay. Kamusta na kaya ang panganay
ko? Sana ay nag-aaral siya ng mabuti, sapagkat wala akong ibang hangad kung hindi ang mapagtapos
siya ng pag-aaral. Lahat titiisin ko mabigyan lamang sila ng magandang buhay. Apat na taon pa lamang si
bunso ng siya ay aking iwan. Siguro ay ganito na rin siya kalaki ngayon tulad ng anak ng amo ko.
nakakabasa na kaya siya? Balita ko ay ngayon ang araw ng kanyang unang pasok sa eskwela. Kung sana
lamang ay nandoon ako para ihatid siya sa paaralan. Patawad mga anak sapagkat wala ako sa inyong
tabi sa tuwing kailangan niyo ng isang ina. Sa malalamig na panahon ay tanging ang inyong mga yakap
ang aking laging inaasam.

“Nanay kailan ka uuwi?” Yan ang laging tanong ng aking mga anak. Nakakadurog ng puso sapagkat
ramdam ko ang kanilang pagkasabik sa aking pagbabalik.

Kung alam niyo lamang mga anak, gusto ko na rin umuwi para magkasama-sama na ulit tayo lalo na sa
panahon ngayon na nauuso na naman ang mga kidnapan. Hindi ako mapakali sa tuwing papasok kayo sa
paaralan. May pangamba na baka isang araw mabalitaan ko na lamang na kayo ay nawawala. Sa ngayon
ay wala akong magawa kung hindi ang magdasal na sana ay palagi kayong gabayan ng panginoon.

“Wag kang mag-alala asawa ko sapagkat iingatan at aalagaan ko ang ating mga anak”. Yan ang mga salita
na pinanghahawakan ko mula sa aking asawa. Patawad mahal ko sapagkat nangako ako na magiging
katuwang mo sa pag-aalaga sa kanila ngunit mas pinili ko na lumayo mabigyan lang ang ating mga anak
ng magandang buhay.

Kaunting tiis pa mga anak, uuwi rin si nanay.

You might also like