Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sakanilang pagkakalayo sa kilos, gawi,
ugali, pananamit, damdamin at ibapang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na
magalang,masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim

sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan

ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit


at lubhang matapat sa pagsunod sa batasang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay
hubog sapangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.Kaiba naman ang mga
kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagongpanahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung
magkaminsanay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahassa mga gawin
at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ngmga mithiin nila at higit na maunlad ang
tunguhin. Marami rin angmagkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang
kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa silamakabayan, mapagmahal, matulungin sa
mga kaangkan at may mga

mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’tmayroon tayong “Sampung
Lider na

mga Kabataan” na pinipili taun-taon?Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at
ngayon.

Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,

Saan natin ihahatid itong ating inang bayan?Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguanSa paanan ba
ng langit o bunganga ng libingan?

Dapat tayong manghilakbot…dapat tayong kilabutan

Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan…

Unti-unting naglalaho nang di natin nalalamanAng sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan;

Kilos natin at damdamin…ang kultura’t kabuhayan,

Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon

Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?

Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoyat wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon?
Sa kumpas ng paarala’y nais pa ba natin ngayong Maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon?

Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon


Upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol?

Kabataan…kabataan…ako nayo’y nagtatanong:

Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa,

Ang sariling tatak nati’t kakanyahan ay mawala?

Sa kultura ng dayuhang dito ngayo’y bumabaha,

Ang sariling kalinanga’y lulunurin na rin kaya?

Ang malagim na kahapong dugo’t luha ang napunla

Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?

Ang aral ni Dr.Rizal na tayo’y pag

-asa nga,

Bakit ngayo’y aral pa ring matupad ni bahagya?

Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiya-Pilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!

Ikaw kaya’y isang bulag at hindi mo nakikita

Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura?Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawaAt ni
hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programaAng likas mong panooring makulay na zarzuela,

Ngayo’y nagging video tapes at Betamax sa tuwina

Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana,Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie;

Dumilat ka, kabataan…ang lahi mo’y nakukuha

Ng dayuhang sa bansa mo’y nagpapanggap na turista!

Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak,Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat?

Dumaraan ang maghapo’t lumilipas ang magdamag,

Ni putol mang dayalogo’y hindi kayo nakabigkas;

Kahit isang problema mo…sa kanila’y di naungkat,

Kaya ito’y nananatiling suliraning hindi malutas…

Papaano, tayong bunso’y sa lansangan nagpupuyat

Sila namang ama at ina’y sa Gawain nagbababad;


Ah! Sa aba ng Maykapal… kapag ito’y di nagwakas,

Wawasakin ang pamilya’t ang bansa mo’y malalansag.

Ikaw, ako…kayo, sila… dapat tayong ma

ngag-isip,

Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?

Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig?Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?Tayong mga


kabataan ang pag-asa ng daigdig,

Sa magulang at ninuno’y tayong lahat ang magpapalit

Ang kultura

’t kabuhayan ay linanging buong higpit

Upang tayo’y makalaya sa dayuhang mapanggipit;

Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis,

Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!

You might also like