Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SANAYSAY HINGGIL SA WIKA SA

PANAHON NG MGA HAPON


Noong 1942 hanggang 1945 noong ikalawang digmaang pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo
ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Sa
pagnanais na burahin ang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinapagamit nila ang wikang Tagalog sa
pagsusulat ng akdang panitikan. Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, Ipinagamit ang mga katutubong wika sa pagsulat ng mga
akdang pampanitikan; sa panahong ding ito namayagpag ang Panitikang Tagalog. Ngunit mahigpit na
pinagbabawal ang paggamit ng wikang Ingles at maging ang paggamit ng mga aklat o anomang
peryodikong may kaugnayan sa Amerika.
Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na aral sa
tradisyon ng mga Amerikano. Nagkaroon din ng debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa
Tagalista. Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog. Isa rin sa usapin sa pagitan ng mga
Tagalista laban sa mga may kaalamang panlingguwistika.
Ang Philippine Executive Commission, na pinamumunuan ni Jorge Vargas, ay nagpatupad ng mga
pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa bansa. Ipinatupad ng mga
Hapones ang isang ordinansa na kung tawagin ay 'Ordinansa Militar Blg. 13' na nag uutos na gawing
opisyal ang na wika ang Tagalog at Nihonggo.
Sa panahong din ito muling napagbigyan ng pagkakataong mabigyang edukasyon ang mga Pilipino
at binuksan ang paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro din ang wika ng mga Hapon na kung saan ang
Gobyerno-Militar ang siyang nagturo sa mga guro, ngunit mas pinagtuunan ng pansin ang paggamit ng
wikang Tagalog.
Ang nagturo naman ng Tagalog sa mga Hapones at hindi tagalog ay si Jose Villa Panganiban. “A
Short to the National Language" ibat ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na matutunan
ang wika. Ang mga mag-aaral na nagsipagtapos ay nakatatanggap ng katibayan. Mayroong tatlong uri ng
katibayan ito ay ang: Junior , Intermediate, Senior
Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng
kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones. Sa panahon din ng pananakop ng Hapon isinilang
ang Kapisanan sa paglilingkod sa Bagong Pilipinas o mas kilala sa tawag na KALIBAPI, si Benigno Aquino
ang hinirang na direktor nito. Ang pagpapalaganap ng Wikang Pilipino sa buong kapuluan ang
pangunahing proyekto ng nasabing kapisanan.

Natutong maghimagsik ang mga Pilipinong namulat ang damdaming makabayan dahil nakaranas ng
pang-aabuso ng mga mananakop. Sa paraang ito mas napatatag ang Katipunan at naitala ang Kartilyang
Katipunan.
Ang EXECUTIVE COMMISSION Ay isang pansamantalang pamahalaan na itinatag upang
pamahalaan ang kapuluan ng Philipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay itinatag na may mga
parusa mula sa sumasakop na pwersa ng Imperial Japanese bilang isang pansamantalang namumunong
katawan bago ang pagtatatag ng Japanese-sponsored at nominally independent, Second Philippine
Republic
Si Jorge Bartolome Vargas (24 Agosto 1890-22 Pebrero 1980) ay isang politikong Pilipinas. Siya ang
nagsilbing chairman ng Philippine Executive Commission sa ilalim ng Hapon. Ang Imperial Japanese Army
ay ang opisyal na ground-based na sandatahang lakas ng Imperyo ng Japan mula 1868 hanggang 1945. Ang
Ordinansa Militar Bilang 13 ay ipinasa noong ika 24 ng Hulyo, taong 1942. Ito ay nagsasaad na ang
opisiyal na wika ay Nihonggo at Tagalog. Nagtapos ang nasabing ordinansya nang makalaya ang Pilipinas
sa pananakop ng mga Hapon at muling ipinalaganap ang paggamit ng Inges sa mga transaksiyon sa
pamamahala, pag-aaral at negosyo.

Ito ay tinatag ng mga Hapones na ang layunin ay pagbuklurin ang iba’t-ibang bansa sa Asya at
tanggalin ang mga impluwensiya ng mga Anglo-Amerikano sa kabuhayang pampolitikal at panlipunan ng
Pilipino. Ang malasariling pamahalaan ng Pilipinas na naglayong mabigyang boses ang mga Pilipino sa
pamahalaan ng bansa ngunit naging sunod-sunuran lamang sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Hapon.
Inilathala noong 1943 na isinaad na ang pagtuturo ng Tagalog sa lahat ng paaralang elementarya at
ipinakilala bilang isang asignatura ang pag-aaral ng wikang Tagalog sa kurikulum ng paaralan.
Isinatupad ang restorasyon ng Pilipinas na naatasang payabungin ang diwa ng nasyonalismo.
KALIBAPI (kapisanan sa Paglilingkod sa bagong Pilipinas) Ay isang partidong pampolitika na
nagsisilbing ang nag-iisang umiiral na partido ng Pilipinas. Ito ay pinamumunuan ni Benigno Aquino Sr. na
ang layunin ay mapabuti ang Edukasyon at Moral na henerasyon at palaganapin ang wikang Pilipino sa
buong kapuloan ng Pilipinas.
Sa pagbagsak ng Bataan pumunta si Douglas MacArthur sa Australia at pinalitan siya sa Corregidor
ni Heneral Jonathan Wainwright upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ngunit tuluyang sumuko ang mga
Pilipino at Amerikano. Tatlong taon nagtagalang okupasyon o pananakop ng Hapones sa Pilipinas.
Nagtatag ng pamahalaan ang mga Hapones kung saan ito’y tau-tauhan lamang nila at si Jose P. Laurel ang
naging pangulo nito.

You might also like