Ekspresyong Hudyat NG Kaugnayang Lohikal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAARALAN : CAMIGUIN NATIONAL HIGH SCHOOL

GURO : CRISFIE MARIE M. TAGOD


YR &SECTION : GRADE 8 – MANGROVE
ASIGNATURA : FILIPINO
PETSA : Hunyo 06, 2022

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:

i. Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-
bunga, paraan-resulta) F8WG-IIIe-f-32
 Nakikilala ang ugnayang lohikal na taglay ng pangungusap
 Nagagamit nang wasto ang ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal

II. PAKSANG ARALIN


 Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

III. MGA KAGAMITAN


a. Mga larawan
b. Powerpoint Presentation
c. Sangguniang aklat

Stratehiya: Collaboration, Pangkatang Gawain, at Think-Pair-Share

IV. PAMAMARAAN

A. Mga Pangunahing Gawain


 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagsasaayos ng Silid-Aralan – Pagbibigay diin sa mga alituntuning pangkalusugan na
dapat sundin sa loob ng silid-aralan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


a. Pagbabalik Tanaw
Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, nais
ko munang malaman kung ano ang inyung natutuhan
sa ating tilakay kahapon? - Mga Bantas

Magaling!

Magbigay ng halimbawa ng bantas at sa sabihin kung 1. Gitling - Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang
ano ang wastong gamit nito. pangtig ng salitang-ugat
2. Tuldok - Sa katapusan ng pangungusap na paturol
(declarative) o pasalaysay at pautos
3. Pananong - Sa pangungusap na patanong.
4. Padamdam - Sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing
damdamin.
5. Kuwit - Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at
lipon ng mga salitang magkakauri.

b. Pagganyak
Upang magkaroon kayo ng ideya kung ano ang Mga Larawan na ipinakita sa powerpoint presentation:
ating tatalakayin ngayon, mayroon akong mga  Nakapagtapos ng pag-aaral
larawan at magbigay kayo ng dahilan kung bakit  Maraming aning gulay
nangyari ang inyung nakita sa larawan.  Basurang nakatambak
 Sirang kagubatan
 Frontliners ng CoVid19
c. Pagtalakay ng Paksa
Tatalakayin natin ngayong araw ang tungkol sa
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.

Pero bago yan, basahin muna ng lahat ang ating Mga Layunin:
layunin para sa ating aralin ngayong araw.  Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat
ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-
resulta) F8WG-IIIe-f-32
 Nakikilala ang ugnayang lohikal na taglay ng
pangungusap
 Nagagamit nang wasto ang ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang
wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga
pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita o
maunawaan ang mensaheng nais iparating ng
nagsasalita o nagpapahayag.

Ano-ano ang mga ekspresyong hudyat ng


kaugnayang lohikal?
1. Sanhi at Bunga
- Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat
Ano-ano ang mga pangatnig ang madalas na maliwanag na makita ng mga mambabasa o
gamitin sa ganitong pahayag? tagapakinig.

Ano ang pangatnig na ginamit sa mga halimbawang - Sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga
ito?

a. Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya


gumanda ang kanyang buhay.
Anoang pangalawang ekspresyong hudyat? b. Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.

2. Paraan at Resulta
- Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pag-
uugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong
Ano ang resulta sa mga pahayag na ito? pahayag.

a. Nagabago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang


mga kaibigan.
b. Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhn siya ng
Ang pangatlo ay ang Kondisyon at Resulta, kanyang amo.
pakibasa.
3. Kondisyon at Resulta
- Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o
sumalungat ang angyayari kung isasagawa ang
kondisyon. Ang pag-uugnay na kung, kapag, sana,
Ano ang kondisyon at resulta sa mga pahayag na sakali ay maaring gamitin sa pahayag na ito.
ito?
a. Kung nagsumikap ka sa buhay hindi ka mananatiling
mahirap.
b. Kung nakinig ka sana sa iyong magulanghindi
Pakibasa ang pang-apat at panghuling ekspresyong magiging ganyan ang iyong buhay.
hudyat.
4. Paraan at Layunin
- Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang
layunin gamit ang paraan. Ang pag-uugnay na upang,
Ano ang paraan at layunin sa bawat pahayag? para, nang, ang ginagamit sa ganitong pahayag.

a. Nagsikap siyang mabuti sap ag-aaral upang mabago


ang kanyang buhay.
b. Para makatulong sa magulang, nagsikap siya ng husto
Magaling! sa pag-aaral.

Naunawaan ba ang lahat? Mayroon bang mga


katanungan?
d. Pangkatang Gawain
Natutuhan natin ang iba’t-ibang ekspresyong Mga Larawan na ipapakita sa power point presentation:
hudyat ng kaugnayang lahikal. Para sa inyung
pangkatang Gawain; Pangkat 1: CoVid19 Vaccination
Pangkat 2: Mga Kabataan Noon at Ngayon
Ibigay ang sariling kaisipan, pananaw, o obserbasyon Pangkat 3: Ang Paglilinis sa Kapaligiran
sa nakaatas na larawan sa bawat grupo. Gumamit ng
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal sa
pagpapahayg. Sumulat ng tatlong pahayag sa bawat
larawan. (Bibigyan ng 10 minuto ang bawat grupo upang gawin ang
pag-aanalisa sa bawat larawan)
Magaling! Mahusay ang inyung mga ibinahagi sa
klase.
e. Paglalahat
Think-Pair-Share:

Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat


bilang gamit ang ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal.

1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-


aaral ng malaking bahagdan ng kabataang
mag-aaral sa bansa.
2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang
proyektong pangkabataan sa inyung lugar. (Mga kasagutang ng mag-aaral)
3. Magbigay ng isang kondisyon at resulta
kapag gumawa ng isang hakbang na hindi
pinag-isipan.
V. PAGTATAYA O PAGSUSULIT
Isulat sa patlang ang ugnayang lohikal mayroon sa pangungusap. Bilugan ang ekspresyong hudyat ba
ginamit.
____________________1. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat parami nan ang parami ang
mga
batang nabibiktima ng pang-aabuso.
____________________2. Kung hindi sana matigass ang kanilang mga ulo ay maganda na ang kanilang mga buhay
ngayon.
____________________3. Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko alam kung tutulungan ko pa ba ang mga
batang ito o hindi.
____________________4. Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan.
____________________5. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat masusugpo ang problemang ito.

VI. TAKDANG-ARALIN
Bumuo ng limang pangungusap na may paksa tungkol sa pandemyang kinakaharap natin, kultura na
iyong kinabibilangan at gamitin ang bawat pangungusap ng mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal. Isulat sa kwaderno.

Inihanda ni:
CRISFIE MARIE M. TAGOD

You might also like