Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAARALAN : CAMIGUIN NATIONAL HIGH SCHOOL

GURO : CRISFIE MARIE M. TAGOD


YR &SECTION : GRADE 8 – MANGROVE
ASIGNATURA : FILIPINO
PETSA : Mayo 02, 2022

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:
i. Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) F8WG-IIIa-c-30
 Natutukoy kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga ang mga salita
 Nakapagbibigay ng halimbawa para sa bawat uri ng salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon

II. PAKSANG ARALIN


1. Antas ng Wika – Di-Pormal
1.1 Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

III. MGA KAGAMITAN


a. Mga larawan ng iba’t-ibang lahi at henerasyon
b. Modyul sa Filipino 8
c. Powerpoint Presentation
d. Sangguniang aklat
e. Placards

Stratehiya: Collaboration at Pangkatang Gawain

IV. PAMAMARAAN

A. Mga Pangunahing Gawain


 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagsasaayos ng Silid-Aralan – Pagbibigay diin sa mga health protocols na dapat sundin sa
loob ng silid-aralan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


a. Pagbabalik Tanaw
Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, nais
ko munang malaman kung ano ang inyung natutuhan
sa ating tilakay kahapon? - Mga Estratehiya sa Pagsulat ng Balita

Magaling!
Ano-ano naman ang iba’t-ibang estratehiya sa - Pagbabasa at pananaliksik
pagsulat ng balita? - Obserbasyon
- Pakikipanayam o interbyu
- Pagtatanong o questioning
- Pagsulat ng journal
- Brainstorming
- Pagsasarbey
b. Pagganyak
Ngayon naman, mayroon akong inihandang mga (Ang guro ay magpapakita ng iba’t-ibang larawan gamit ang
larawan na nagpapakita ng iaba’t-ibang lahi, powerpoint presentation)
henerasyon o propesyon. Sabihin sa akin kung anong
lahi, henerasyon o propesyon at kung anong  Muslim
lenggwahe o salita ang kanilang ginamit o ginagamit.  Hiphop
 Tambay
Mahusay!  Scientist
 Millineal
Sa inyung palagay, ano ang ginagampanan ng wika
sa ating pang-araw-araw na pamumuhay? Bakit (Sagot ng mga mag aaral)
mahalaga ang wika?
c. Pagtalakay ng Paksa
Alam kong mayroon na kayong idea kung ano an  Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang
gating paksa ngayong umaga. Pero bago ang lahat, ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal,
nais kong basahin ninyu kung ano ang layunin natin kolokyal, banyaga)
para sa araw na ito.  Natutukoy kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o
banyaga ang mga salita
 Nakapagbibigay ng halimbawa para sa bawat uri ng
salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Tatalakayin natin ang aralin tungkol sa Antas ng Wika
na Di-Pormal.

Ano ang iyong impresyon nang narinig mo ang Di- (Sagot ng mga mag-aaral)
Pormal na Antas ng Wika?

Mahusay, maganda ang iyong punto.

Nais kong ilabas ninyo ang inyong nakitang sagot


galing sa internet at ibahagi ito sa klase. ( Magbabahagi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang Research
Assignment)
Mayroong apat na uri ng salitang ginagamit sa
impormal na kounikasyon.
1. Lalawiganin (Provincialism)
Ano ang una? - Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na
pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga
lalawiganing salita bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba
pang tono ito.
Hal. MALAKI – tugang (Bicol), dako (Bisaya), Ngarod (Ilokano)
Magbigay pa ng iba pang halimbawa ng salitang
lalawiganin. (Sagot ng mga mag-aaral)

2. Balbal (Slang)
Pakibasa ang pangalawa - ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng
matatanda at may mga pinag-aralan dahil hindi raw
maganda pakinggan
Hal. Erpat – tatay yosi – sigarilyo
Lispu – pulis sikyu – security guard
Tsikot – kotse praning – baliw

Ano pa ang maidadagdag ninyong halimbawa ng (Sagot ng mga mag-aral)


salitang balbal o slang?
3. Kolokyal (Colloquial)
Ano naman ang pangatlo? - Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis
ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Hal. Pormal – aywan Kolokyal – ewan
Piyesta pista
(Sagot ng mga mag-aaral)
Magbigay pa ng halimbawa ng salitang kolokyal
4. Banyaga
Pakibasa ang pang-apat at panghuli - Ito ay mula sa ibang ibang wika . An gating wika ay
mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga ito ay
pangalang tiyak, wika teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatimatika o mga salitang banyaga na walang salin
sa wikang Filipino.
Hal. Spaghetti, French Fries, Facebook
(Mga sagot ng mga mag-aaral)
Magbigay pa ng ibang halimbawa ng salitang banyaga

Ano ang wika o lenggwahe ang komportable kayong


gamitin? Gumawa ng isang pangugusap gamit ito.

d. Pangkatang Gawain
Nalaman na natin ang iba’t-ibang antas ng wika sa Mga Sitwasyon:
di-pormal na komunikasyon. Pangkat 1: Gusto mong makakwentuhan ang tita mong galling sa
inyong probinsya. (Lalawiganin)
Para sa inyong pangkatang gawain, bumuo ng apat Pangkat 2: Namamasyal kayo ng lola mong galling sa amerika at
na grupo at ang bawat grupo ay may nakalaang may gusto kang ipabili sa kanya. (Banyaga)
sitwasyon. Gumawa ng Dayalogo sa nakaatas na Pangkat 3: May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong
sitwasyon gamit ang mga impormal na uri ng salitang maging palagay ang loob mo sa kanya kaya nakipagvideo call ka
nasa loob ng panaklong at isasadula ito pagkatapos. sa kanya. (Balbal)
May mga katanunga ba? Pangkat 4: Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit
parang naliligaw ka. Paano ka magtatanong sa mga taong puwede
mong hingan ng tulong sa daan. (Kolokyal)

(Pagkatapos ng 10 minuto, isasadula ng mga mag-aaral ang


kanilang gawa)
e. Paglalahat
Mayroon akong kahon ng wika, nakalagay dito ang Mga Salita:
iba’t-ibang salita at inyong tutukuyin kung ito’y - Bayay
halimbawa ng salitang lalawiganin, balbal, kolokyal, o - Toma
banyaga. Para sa gawaing ito, magpapaligsahan ang - Lika
tatlong grupo sa pagtukoy ng tamang sagot. - Gorabels
Maliwanag ba? - Ala-e
- Lafang
- Muchacha
- Halok
- Kelan
- Sakalam
- Ditse
- Mestizo
- Chaka
- Gurang
- Homo sapiens
Sa pasalitang paraan at pagkatapos ng talakayan,
sasagutin ng mga mag-aaral ang mga tanong: . (Mga sagot ng mag-aaral)
1. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng wika?
2. Ano ang kahinaan ng pagkakaroon ng iba’t-
ibang uri ng wika?

V. PAGTATAYA O PAGSUSULIT
Sa inyung ikatlong markahan modyul 2, sagutin ang Tayahin, Gawain 7: Kilalanin mo ako, sa pahina 10.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

VI. TAKDANG-ARALIN
Bumuo ng sanaysay na nagpapakita ng paggamit ng mga salitang natutunan mula sa ating napag-aralan.
Malayang makakapili ng paksa.

Inihanda ni:
CRISFIE MARIE M. TAGOD

You might also like