Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Masusing Banghay sa Araling Panlipunan 7

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inasahang:

1. Natatalakay kung paano pinalakad at pinaunlad ni Pang. Benigno Aquino


III ang ating bansa,
2. Naiisa-isa ang mga nagawa sa ilalim ng Administrasyong Aquino, at
3. Nasusuri ang suliraning kinaharap ng bansa at paano ito sinolusyonan ni
Pangulong Noynoy Aquino.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Administrasyong Benigno Aquino III


B. Sanggunian: https://youtu.be/Sf1EWf3S43U
C. Mga Kagamitan: Laptop/cellphone, chalk, visual aids, tape

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

- Rey, maaari mo bang pamunuan - Opo


ang ating panalangin? - (Tumayo ang lahat para sa
panalangin)

2. Panimulang Pagbati

- Magandang araw mga bata! - Magandang araw din po, Ma’am!

3. Pagsasaayos ng silid-aralan - Isasaayos ng klase ang silid at


pupulutin ang mga kalat.
- Bago tayo magsimula, paki-ayos
ng inyong silid at damputin ang
mga kalat na nakikita ninyo.

4. Pagtala ng liban sa klase

- Mayroon bang liban sa klase? - Wala po Ma’am


- Ikinagagalak kong malaman na - (Ang mga mag-aaral ay
wala tayong liban sa araw na ito. nagsisipalakpakan)
Palakpakan niyo ang inyong mga
sarili.

5. Balik – Aral

- Bago tayo dumako sa panibagong


aralin, balikan muna natin ang
aralin kahapon.

Mga Tanong:
- Tungkol saan ang aralin natin - (Magsisitaasan ng kamay)
kahapon? - Ma’am!
- Sige Jessa - Tungkol sa administrasyong
Arroyo po Ma’am.
- Ano ang tawag sa plano ni - Ma’am! (Nagsitaasan ng mga
Pangulong Arroyo para sa kamay)
pagpapa-unlad ng bansa?

- Sige, Kaye. - Strong Republic 2010 po Ma’am

- Mahusay!

- Ano-ano ang mga layunin ni (Posibleng Sagot)


Pangulong Arroyo? - Economic Growth and Job
Creation
- (Magtatawag ng mga mag-aaral) - Energy, Social Justice and Basic
Needs,
- Mahusay! - Education and Youth Opportunity
- Anti-Corruption and Good
Governance

B. Pagganyak

- Bago tayo dumako sa ating pormal


na talakayan, magkakaroon muna
tayo ng munting gawain.

- Ididikit sa pisara ang papel na may - Aayusin ang jumbled words upang
bilang 1-3 na naglalaman ng makabuo ng salita, pangngalan o
jumbled words kada bilang. parilala.

- Bawat pangkat ay sasagot sa - Ididikit ng bawat pangkat sa pisara


pamamagitan ng pag-aayos nng ang mga nabuong sagot.
jumbled words at gawin ito sa loob
ng 10 minuto.

- Ang mga nabuo niyong salita ay


ang mga sumusunod: (Posibleng Sagot)
1. Noynoy Aquino 1. Noynoy Aquino
2. K-12 Curriculum 2. K-12 Curriculum
3. “Matuwid na Daan” 3. “Matuwid na Daan”

- Pakibasa po ng lahat. - (Magbabasa ang lahat)

C. Pagtatalakay

- Ang mga nabuo niyong salita o


parilala sa jumbled words ay may
kaugnayan sa tatalakayin natin
ngayong araw. Ang
Administrasyong Benigno Aquino
III.

- Magpapakita/Makikinig ng isang - (Manunuod o makikinig ang lahat


video tungkol sa Administasyong sa video)
Aquino III.

- Base, sa video na inyong Nakita o


narinig magkakaroon tayo ng
pangkatang Gawain.
- Ang pangkat 1-4 ay naatasang - Isusulat ang mga mahahalagang
isulat lahat ang mga impormasyon impormasyon tungkol sa napanood
o talambuhay ni Pangulong o narinig na video.
Benigno Aquino at ang pangkat 5-
8 ay naatasang isulat lahat ng
nagawa at suliraning kinaharap ng
Pangulo.

- Magdidikit ng format sa pisara

Administrasyong Benigno
Aquino III

Talambuhay
-
-
-

Nagawa / Suliranin
-
-
-

- Bawat pangkat ay may isang mag-


uulat ng kanilang awtput.

- Tapos na po ba? - Opo!

- Pakidikit na po sa pira ang inyong - Ididikit sa pisara ang kanilang


mga ginawa at maghanda na po ang awtput.
maguulat at magsisimula tayo sa
pangkat 1 hanggang pangkat 8.

- Magsimula na po tayo sa pangkat 1 (Posibleng Sagot ng Pangkat 1-4)


-4 para sa pag-uulat ng talambuhay
ni pangulong Benigno Aquino III. Administrasyong Benigno
Aquino III

Talambuhay
- Kilala si pangulong
Benigno Aquino III na
Noynoy Aquino o
PNoy. Siya ay anak ni
Cory at Ninoy Aquino.
- Sa pagkamatay ni
Corazon Aquino dahil
sa cancer, si Noynoy
Aquino ang nagging
panibagong simbolo
ng pag-asa kaya’t
hinikayat siyang
maging pangulo.
- Layunin niya ang
“matuwid na daan” o
pagtatama sa maling
ginawa ng dating
administrasyon.
- Mahusay! Bigyan ng limang - (Magsisipalakpakan ang lahat)
palakpak.

- Ngayon ay dumako nman tayo sa (Posibleng Sagot ng Pangkat 5-8)


pangkat 5-8 sa paguulat ng mga
nagawa at suliraning kinaharap ng Administrasyong Benigno
Pangulo. Aquino III

Nagawa
- Pagpapatupad ng K-12
Curriculum sa bansa.
- Pagpapabuti ng lagay
ng imprastruktura ng
bansa.
- Paglikha ng marami
pang trabaho
- Pagpapalawig ng
koleksyon ng buwis at
paglaban sa katiwalian
sa Bureau of Internal
Revenue at Bureau of
Customs
- Pagpapalawig ng
PhilHealth
- Pagpapalakas ng
Sandatahang Lakas ng
Pilipinas at Kapulisan
- Paglikha ng Trading
Centers
- Pakikipag-usap ng
Pamahalaan sa Moro
Islamic Liberation
Front

Hamon
- Bumangon mula sa
korapsyon at
katiwalian ng
nakaraang
administrasyon

Solusyon
- “Matuwid na landas o
pagtatama ng mga
pagkakamali ng
nakaraang
administrasyon.

- Magaling! Bigyan ng limang - (Magsisipalakpakan ang lahat)


palakpak ang pangkat 5-8.

D. Paglalahat / Paglalapat

- Ididikit sa pisara ang mga dapat


tandaan sa Administasyong
Benigno Aquino III.
- (Babasahin ng mga mag-aaral ang nasa
- Basahin po ng sabay-sabay. pisara)
E. Ebalwasyon

- Tunay ngang naintindihan ninyo - Opo!


ang ating tinalakay sa araw na ito.
Handa na ba ang lahat para sa
pagsusulit?

- Kumuha po ng isang malinis na


papel (1/2 crosswise) at isulat ang
tamang sagot.

- Ididikit sa pisara ang sasagutan. - (Seryosong sumasagot ang lahat)

- Bilang 1, Ano ang pangunahing


layunin ni Pangulong Benigno
Aquino III?

- Bilang 2, Ika-ilang pangulo ng


Pilipinas si Benigno Aquino III?

- Bilang 3-5, magbigay ng mga


nagawa sa ilalim ng
Administrasyong Benigno Aquino
III?

- Para sa Essay(10 puntos), ano ang


hamon na kinaharap ng bansa at
paano ito sinulusyonan ng
Administrasyong Aquino?

- Tapos na po ba? - Hindi pa po (sabay-sabay na sagot ng


mag-aaral)
- Kung tapos na, maari nang ipasa - Yes, Ma’am!
ang papel sa unahan. - Saglit po.

IV. TAKDANG – ARALIN

Gumawa ng sanaysay tungkol sa mga nagawa ng Administrasyong Benigno


Aquino III at paano ito nakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Inihanda ni:
Aiza P. Jacob

You might also like