Professional Documents
Culture Documents
Lahat NG Module at Reviewer Sa FIL INTRO FINALS
Lahat NG Module at Reviewer Sa FIL INTRO FINALS
Lahat NG Module at Reviewer Sa FIL INTRO FINALS
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 1
KABANATA I
KALALABASAN NG PAGKATUTO
1. Nagagamit nang buong husay ang wastong gamit ng mga salita sa iba’t ibang sitwasyon
2. Nahihinuha ang tungkuling ginagampanan ng wika sa buhay ng tao
3. Naihahambing ang pagkakaiba ng wika batay sa gamit at antas nito
4. Naipapahayag ang mga mahalagang pangyayari sa kasaysayan sa pag-unalad ng Wikang
Pambansa
5. Napahahalagahan ang pagpupuring nagawa ng mga pinuno sa bansa upang makamit ang kalayaan
sa pagpapahayag gamit ang sariling wika
PAUNANG PAGSUSULIT
A. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay totoo at Mali kung satingin
mo ay nagpapahayag ng maling kaisipan tungkol sa wika.
___________1. Ang wika ay katambal na ng pantaong komunikasyon.
___________2. Ang wika ay nabibigyang hugis ang ating mga kaisipan at saloobin.
___________3. Ang wika ay walang kamatayan.
___________4. Kung ang komunikasyon ay sumusunod sa pagbabago, nagbabago rin ang ang wika.
___________5. Maaaring makalikha ng mga pangungusap kahit na walang salita.
___________6. Ang lahat ng tunog ay wika at lahat ng tunog ay may kahulugan.
___________7. Maituturing na kasangkapan ng komunikasyon ang wika.
___________8. Ang pagkalaos o pagkawala ng mga salita amaging ang pagdaragdag ng mga bagong salita
ay manipestasyon na ang wika ay nagbabago.
___________9. Ang lahat ng salita sa isang wika ay may tiyak at tuwirang katumbas sa ibang wika.
___________10. Ang wika kahit na hindi ginagamit ay patuloy na nabubuhay.
B. Sagutin kung ano ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang titik sa patlang.
1. Nagmomodipika ng tunog gamit ang bibig at guwang ilong ------------------
2. Pagbubuo ng mga phrase at pangungusap ------------------
3. Pag-aaral ng mga ispesipikong tunog at mga kombinasyon nito ----------------
4. Pag-aaral sa pagbuo ng kahulugan ng mga pangungusap __________
5. Iba’t ibang paraan ng pagbuo ng kahulugan ng mga pangungusap ____________
6. Nilikahang presyon ng papalabas ng hiningang galing sa baga _________
7. Nagpapakatal sa mga babagtingang tinig __________
8. Sistema ng pagsulat ng mga tao ________
9. Paraan ng pagpili ng wika sa paraang napagkasunduan ng mga pangkat ng tao _________
10. Sistemang balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong may iisang kultura _________
A. Ponolohiya
B. Sintaktika
C. Wika
D. Ortograpiya
E. Morpolohiya
F. Komunikasyon
G. Enerhiya
H. Artikulador
I. Resonador
J. Arbitraryo
K. Semanrika
C. Ano ang kahulugan ng wika para sa iyo? Sagutin ng tiyak at maikling pahayag.
NILALAMAN
Ayon kay Whitehead isang educator at Pilosopong Ingles: Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito.
Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin.
Ito ay isang behikulo ng mga salitang ng maaring pasalita o pasulat
Katuturan ng wika
Binanggit Austero et al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na isinasaayos sa paraang arbitaryo. Ang mga letra na pinagsamasama upang makabuo ng mga
salitang na ginagamit sa pagpapahayag.
Dagdag naman nina Maghis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang pael na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan at patanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking kakayahan
makaimpluwensya, magdikta, maturo, tumolong, kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha
ng isang realidad sa kanyang ispesipikong kakayanan.
1. May balangkas
Halimbawa. Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benile. (may masistemang ayos ang mga salita
sa isang pangungusap)
2. Binubuo ng mga tunog – gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ng kahulugan
ang wika.
3. Pinipili at sinasaayos
Halimbawa. Madali lang ang pag aaral lalo na kung ikaw ay matiyaga.
4. Arbitaryo - laging nagbabago ang wika ayon sa panahon.
5. Nakabatay sa kultura – tagalong ang isa sa pinaka ginagamit na wika diot sa Pilipinas.
6. Ginagamit - ang wika at parte ng pangaraw –araw na buhay natin.
7. Kagilagilalas – ang wika ay may kakayahang na umakit ng mga tao.
8. Makapangyarihan – ang wika ay nakaka-kontrol ng paiisip ng isang indibidual.
9. May-antas - ang wika ay mahahati sa apat na uri
A. Pabalbal/Balabal
B. Kolokyal
C. Lalawigan/panlalawigan
D. Pambansa
10. May politika - nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.
1. Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas
at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang
mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan
at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
2. Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga
bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
ito.
Halimbawa:
• Tuko
• Aso
• Pusa
3. Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan
ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang
tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog.
4. Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
HALIMBAWA:
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang
ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap?
Ng takot?
5. Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-
eeksert ng pwersa.
Halimbawa:
Ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
6. Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa
alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig
ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa
pinagmulan ng wika.
7. Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag
ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba
at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
8. Sing-song
9. Hey you!
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog
daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa
paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na
kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga
unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat
hayop.
13. Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya
ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang
iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-
bagay (Boeree, 2003).
14. La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.
15. Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng
sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o
mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan
16. Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang
bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang
unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas
sa salitang mother.
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang
magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus
magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
18. Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang
ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento
ito ng tao.
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the
weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa
aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang
kanilang wika.
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos
kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit
na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos”
ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit
hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento ng Komunikasyon
Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang
ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating
kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Sa
pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi
pati na rin sa mga karatig bansa nito.
Ang wika ay mabisang kagamitan ng tao sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
iisang wika, mas madaling maunawaan sa tao ang kanyang kapwa.
Ang wika ay may sistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura, ang lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na
kung tawagin ay ponema. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng
salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga
pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
2. Nagbubuklod ng Bansa
Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas
kundi maging sa mga ibang bansa rin.
Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan. Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.
Ang wika ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. Sa
pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao sa isang bansa.
Mahalagang bahagi ng kultura ay ang pagkakaroon ng sariling wika. Bilang bahagi ng kultura, ang wika
ay nagsisilbing kaban ng mga karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa
pamamagitan nito, mas nakikilala ang bayang kanyang kinabibilangan at mas nagiging madali para sa isang tao
na angkinin at ipagmalaki ang kulturang kanyang nauunawaan at kinamulatan. Ang bawat henerasyon ay may
kulturang pinahahalagahan ayon sa kanilang wika.
Paglalakbay
Pagtatala
Pagsasalin
Midyum ng karunungan
Ang wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwa'y di
totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga'y kung paano ginagamit
ng maguni-guning manunulat ang wikang kasangkapan. Ang kakayahang ito ay itinuturing na
biyayang galing sa Diyos. Sa pamamagitan nito, naipaaabot ng tao ang kanyang kaisipan,
nadarama, nakikita, at nararanasan sa kanyang mundong ginagalawan. Sa kabuuan, angwika ay
isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba't ibang larangan ng buhay.
Sa araw-araw nating pakikisalamuha sa ibat-ibat uri ng tao, sa kung saan-saang lugar sa mundong ito.
Ang wika ang nagsisilbing daan sa pagkakaintindihan natin. Ang wika ang nagsisilbing boses natin,
nagpapatunay ito na ang wika ay napakahalaga at hindi dapat binabasta-basta.
Ang wika ang siyang nagpapatakbo ng ating emosyon, nagpapalungkot ng ating damdamin, minsan
nakakapagpasaya din ng ating saloobin, madalas siya ang nagpapahinto at nagpapakilos satin. Sa puntong ito
mapaguusapan natin ang iba’t-ibang tungkulin ng wika (isa to sa dahilan kung ba’t siya makapangyarihan).
TUNGKULIN NG WIKA
1. Instrumental
2. Regulatori
Ginagamit ang wika upang sabihin sa iba kung ano ang marapat gawin. (Michael A. Halliday)
Ang wika ay ginagamit upang kumontrol at gumabay sa kilos at asal ng iba.
Ginagamit ng taong may nasasakupan o taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng
kapwa.
Nagagawa ng wika na kontrolin at alalayan ang mga pangyayaring nagaganap sa kaniyang
paligid.
Halimbawa:
Umalis ka sa harap ko.
3. Interaksyunal
Ginagamit ang wika upang sabihin sa iba kung ano ang bumuo ng pagkakaugnayan.
Ginagamit ang wika sa pakikipag-interaksyon sa kapwa o kaya’y sa pagtatatag ng mga
ugnayan at samahang sosyal. (Michael A. Halliday)
Ayon din kay Malinowski, gamit ng wikang ito upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao.
Halimbawa:
“Mahal kita Daddy”
Kumusta ka na?
4. Personal
5. Heuristik
6. Imahinatibo
Pinahihintulutan din ng gamit ng wikang ito na pansinin di lamangang tunay na daigdig kundi
pati na rin ang posible at imposibleng daigdig.
Halimbawa:
Kwento, pagtula
7. Impormatib/Representasyunal
ANTAS NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao,
sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
1.PORMAL
Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
a. Pambansa
Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
b. Pampanitikan o panretorika
Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
2. IMPORMAL
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
a. Lalawiganin
Ito ay ginagamit ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto
b. Kolokyal
Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin ito refinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
c. Balbal
Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar, nabuo
sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
1934
Tore ng Babel
Kumbensiyong Konstitusyunal 1934
Wikang Ingles
Kinontra ito ni Lope K. Santos na sinang-ayunan naman ni Manuel Luis Quenzon na iminungkahi niya.
1935
Pangulong Qeuzon
Artikulo XIV Seksyon 3 ng Saligang Batas 1935.
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”
Norberto Romualdez ng Leyte na sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184
Nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa
Pinagtibay na gawing batayan ang Tagalog bilang Wikang Opisyal na may mga pangunahing
pamantayang dapat sundin.
1937
Disyembre 30, 1937
Pangulong Manuel L. Quezon
Wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa
Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap 134
Magkakabisa lamang ito pagkaraan ng dalawang taon.
1940
Pagtuturo ng Wikang Pambansa batay sa Tagalog sa pribado at pampubikong paaralan
1946
Hulyo 4, 1946
Tagalog at Ingles Wikang Opisyal
Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570
1959
Agosto 13, 1959- pinalitan ang Wikang Pambansa
Tagalog Pilipino
Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7 ni Jose E. Romero – kalihim ng edukasyon
Wikang Pilipino ang ginamit sa tanggapan,gusali, dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte,
ginamit din sa mass media, tulad ng dyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks.
1972
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo
Sa Kombensyong Konstitusyunal 1972
Nabuo ang probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpatibay
sa isang panlahat na wikang pambansang kinikilalang Filipino.”
1987- Saligang Batas 1987 - pinagtibay ng Konstitusyunal na binuo ni Pangulong Cory Aquino, implementasyon
sa paggamit ng Wikang Filipino. Isinaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang ganito:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
1934
iminungkahi ang Ingles subalit tinulutan ni Lope K. Santos, Manuel L. Quezon
1935
Ingles & Kastila
nabuo ang surian ng Wikang Pambansa
GAWAIN SA PAGKATUTO
Paggawa ng Infomercial
Gumawa ng isang sariling video presentation na nagpapakita ng maikling kabuuan ng pinagmulan ng wika at
maikling kasaysayan nito. Maaaring gawing sanggunian ang lekturang ibinigay ng guro.
PAGTATASA
Sagutin ang mga sumusunod
1. Anu-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang
wikang nagbibigkis at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura?
_____________________________________________________________________________________

2. Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na pinupuntahan natin kung hindi tayo
marunong ng wika?

3. Bakit kaya sa maraming wika sa mundo ay magkakapareho o magkasingkahulugan ang mga salitang
lengguwahe o wika at dila? Bakit laging nauugnay ang wika sa dila?

4. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi nyang hindi tunay na likas ang
wika sapagkat kailangan muna itong matutunan o maintindihan? Ipaliwanag.

8. Bakit kinakailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang naging pangunahing tungkulin
nila?

9. Anu-ano ang naging pamantayan ng miyembro ng Surian sa pagpili ng Wikang Pambansa?

10. Sa iyong palagay angkop kaya ang Tagalog sa mga pamantayang ito? Bakit oo at bakit hindi?

11. Anu-ano ang mga teoryang sinasabing pinagmulan ng wika? Ipaliwanag ang bawat isa.. Alin sa mga ito
MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House
Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/
RUBRIKS
100%
KABUUAN
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 2
KABANATA I
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Naiisa-isa ang mga tamang gamit at tungkulin ng wika tungo sa epektibong pagtuturo
Natatalakay ang iba’t ibang larangan na gumagamit ng wika
Nagagamit ang Wikang Filipino para sa layuning intelektwal
NILALAMAN
Tagalog
✓ Ito ay salitang pinalaganap sa ating mga katutubo at sinasalita ng mga naninirahan sa katimugang
Luzon.
✓ Isang wikang natural,may sariling mga katutubong tagapagsalitang.
✓ Isang particular na wika na sinasallita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa ang mga
tagalog.
Wikang Pilipino
Ang wikang Pilipino ay ang Filipino National Language (noong 1943) na batay sa Tagalog mula noong
1959, nang ipasa ang Department order No.7ng noo’y Sec. Jose Romerong Department Education.
Ito ang itinatawag sa wikang opisyal, wikang pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa mula 1959.
Nahinto lamang ito nang patibayin ang Filipino bilang wikang pambansa. Filipino naman ang itinatawag sa wikang
pambansa. Filipino naman ang itinatawg sa wikang pambansa sa Konstitusyong ng 1987
Magkaiba ang Filipino at Pilipino kahit parehong naging Wikang Pambansa ang mga ito dahil magkaiba
ang mga konsepto ng mga ito-ang Pilipino ay batay sa iisang wika at ang Filipino ay sa maraming wika sa
pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila.
Tagalog Imperialism
Nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kung kaya’t kahit nabago na ang tawag sa Wikang Pambansa
(Pilipino,Filipino).Tagalog pa rin ang itinatawag dito ng mga pilipino at dayuhan. Tinawag ito ni Prof. Leopaldo
Yabes na “Tagalog Imperialism”.
Miskonsepyon sa Filipino
Ang tawag sa Filipino sa Wikang pambansa ay hindi mula sa Filipino na tawag sa Ingles para sa
mamayang ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ang F dito. Mula ang Pilipino sa binagong konsepto ng wikanng
pambansa na batay sa lahat ng wika sa pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila.
Ang paggamit ng F ay simbolo ng hndi na pagiging Tagalog lang na batayan ng wikang pambansa dahil walang
ganitong tunog ang Tagalog
Ang pinakaubod ng konsepto ng Filipino bilang batay sa mga wika ng pilipinas ay ang paggiging
pambansang lingua franca nito.
PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD
FILIPINO: Wikang Pambansa noong 1987. Ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit
sa pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop at tinatawag itong tulay na wika.
Lingua Franca: Wikang karaniwang ginagamit at nauunawaan sa malaking bahagi ng isang bansa.
Halimbawa:
Japorms
Chorva/churva
Barkada
Wikang Pambansa: Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ng
pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal
na diskurso at tinatalagang pamahalaan ng isanfg bansa.
Halimbawa:
Mamamayan
Panitikan
Kapaligiran
Opisyal na Wika: Ang opisyal na wika ay isa ng wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa
saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama’t hinihiling din ng batas sa sa marami ng bansa na isalin din sa
ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.
Halimbawa:
Umuulan
Nangangalunya
Sinungaling
Pangalawang Wika: Ito ang tawag sa pangalawang wika ng iyong nalalaman.Tulad ditto sa Pilipinas,ang
kadalasang pangalawang wika natin ay Ingles.
Halimbawa:
Who are you?
What is your name?
How old are you?
Unang Wika: Ay ang wikang natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan. Batayan para sa
pagkakakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao. Kung ano ang wikang ginagamit sa kanilang
lugar. Halimbawa, kung ang sanggol ay isinilang sa Ilocos Region, ang kanyang unang matutunang wika ay
Ilocano.
Halimbawa:
PAGPAPAYAMAN NG ARALIN
Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng mga Katutubo
SUBALIT:
➢ Nakakita ng bungo at isang panga ang pangkat na arkeologo na pinangunahan ni Dr. Robert B. Fox sa
yungib ng Tabon Sa Palawan noong 1962
➢ Taong Tabon
➢ nanirahan sa yungib may 50,00 taon nang nakakaraan.
➢ Bakas ng uling
➢ Landa Jocano - UP Center of Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National
Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahi ng Pilipino.
TAONG TABON
➢ specie ng Taong Peking, Homo sapiens o modern man at ang taong Java na kabilang sa Homo erectus.
➢ Dr. Armand Mijares - buto ng paa sa kuweba ng Callao, Cagayan.
2. Teorya Ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong Austronesyano
➢ Austronesian - auster “south wind” at nesos “isla”
➢ Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiyang Timog-Silangang Asya-nagmula ang mga Austronesian sa
mga isla ng Sulu at Celebes na tinatawag na Nustantao.
Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa na ang ating mga ninuno'y may sarili nang kalinangan at
sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahala at
kalakalan, sila ay maalam ng sumulat at bumasa. Samakatwid, mayroon na silang sistema sa pagsulat gamit ang
kanilang alpabeto na tinawag nilang Alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na
katinig.
Sa iba't ibang lugar, ang mga simbulo ng Alibata ay may maynor na pagkakaiba, ngunit ang
pinakamalawak na gamitin ay ang sumusunod:
Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na /e/o/i/;
halimbawa ay ang kasamang patinig ng katining ay /o/o/u/;halimbawaɷ=/be/o/o/u/; halimbawaɷ= /bo/o/bu/.
Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng di
makapag-alinlangang katunayan o katibayan na magpapakatotoo hinggil dito. Gayon man, ipinalagay na
malamang na tama ang teorya ni Padre Chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal
mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan.
Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang kanilang
balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta. Mangilan-
ngilan lamang sa mga ito ang umiiral pa sa kasalukuyan at matatagpuan sa museo sa ilang lugar. Bunga ito ng
mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating kapuluan dahil ipinalagay nilang
ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa
pamamagitan ng pasalitang paraan lamang.
Sa pagdating ng mga kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing ngang
isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto. Tinuruan ng
mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng Alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila,
alalaong baga'y nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito ang tawag sa mga titik sa Abecedario.
Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat. May
mangila-ngilang matatalino bagama't gumagamit ng Abecedario ay nagpasyang magsalamin ng tatak- Pilipino
sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.
Sa kabila ng edukasyong Europeo at kaalaman sa iba't-ibang wika ni Rizal, minahal niya ang kanyang sariling
wika. Una si Rizal sa kampanya ng Pilipinasyon ng ortograpiya. Halimbawa ng mga Tagalog na titik na k at w,
aniya, ay dapat baybayin sa halip na mga Kastilang c at o. Halimbawa,ang kinastilang Tagalog na salita tulad
ng Alacot ay dapat maging baybayin na salakot. Gayon din ang salitang arao na dapat isulat ay araw. Noon pa
mang 1886, habang siya ay nasa Leipzig, ginamit ni Rizal ang isina-Pilipinong ortograpiya sa pagsasalin sa
Tagalog ng William Tell ni Schiller at Fairy Tales ni Andersen. Muli niya iyong ginamit sa pagsulat ng kanyang
unang novelang Noli me Tangere sa Berlin noong 1887. Habang siya ay naglalakbay sa Brussels, nalathala sa
La Solidaridaud noong Abril 15, 1890 ang artikulo niyang Sobre la Nueva Ortografia dela Lengua Tagala
(Hinggil sa Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog). Sa artikulong iyon, inilahad nii Rizal ang mga tuntunin
ng bagong ortograpiyang Tagalog at nang may pagpapakumbaba at katapatan, ibinigay niya ang kredit ng
adapsyon ng bagong ortograpiya kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, may-akda ng El Sanskrito sa wikang
Tagalog na nalathala sa Paris noong 1884.
Bunga na pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang
Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940,
ibinalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa
unang apat na titik na niyon. Ang Abakada ay binubuo ng dalawampung titik: labinlimang katinig at
limang patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa.
A /a/ N /na/
B /ba/ NG /nga/
K /ka/ O /o/
D /da/ P /pa/
E /e/ R /ra/
G /ga/ S /sa/
H /ha/ T /ta/
I /i/ U /u/
L /la/ W /wa/
M /ma/ Y /ya/
Noong 1971, nadama ang di kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga
salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa
ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings
ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng
Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ang mga sumusunod: C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V,
X, at Z na gaggamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan. Ang ilan sa mga
naging problema ng mungkahing alpabetong ito ay ang magiging katawagan ng bawat titik at ang magiging
kaayusan o order ng mga ito sa Alpabeto. May ilang mga mungkahi ang ikoninsider kaugnay nito.
Una sa mga ito ay ang mga sumusunod:.
Hindi pa man ganap na nalilinaw ang mga tanong sa kaugnay ng mungkahi ng Lupong Sungganian, inilathala
ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa palabaybayang Piipino noong Abril 1, 1976.
Kaugnay nito, ipinalabas ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum
Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang nasabing tuntunin ng palabaybayan nito. Illan sa kanilang mga
argumento ay ang mga sumusuod:
1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-sunurin.
2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR, at NG, gayundin ang may kilay na ñ ay isang paraang di
matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik Romano ay unti-unting nagbabawas ng kanilang digrapo
upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang pagdaragdag ng mga digrapo, kung gayon
ay isang hakbang na paurong. Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat ng
isang mag-aaral ang C at H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang
letrang LL, RR, at NG. Ang letrang Ñ naman ay may kilay lamang na N.
3. Mismong Malakanyang, sa isang liham sa direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay tumanggi sa
pagsasama ng mga digrapong CH,LL, RR at NG at iminungkahing dalawampu't pitong letra na lamang
gamitin.
4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo.
Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng
kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralang primary,
ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan. Ito ang dahilan kung bakit ang dating
Abakada pa rin ang ginamit ng mga taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang
pitong buwan ng 1987.
Samakatwid ang pasalitang pagbabaybay ng mga sumusunod na salita ay ganito: ibon = /ay bi o en/ at
hindi /i ba o na/, Kintin= /key ay en ti ay en/ at hindi /ka i na ta i na/, bote= /bi o ti i/ at hindi / ba o ta e/
Mapapansing ang mga titik ng Bagong Alpabeto ay mula sa dalawampung titik sa Abakada na dinagdagan
lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga pangngalang pantangi, salitang hiram,
salitang pang-agham. Mapapansin ding ang walong dagdag na letra ay mula naman sa labing-isang
iminungkahing idagdag noong 1971. Hindi na lamang isinama ang mga digrapong CH, LL, at RR para sa
ekonomiya o pagtitipid. Pinanatili naman ang digrapong NG dahil ito ay tatak na ng ating katutubong alpabeto.
Noong 2001, lumikha ng isang teknikal na panel ang Komisyon ng wikang Filipino na siyang lumikha ng 2001
Revisyon sa alpabetong Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Walng pagbabago sa komposisyon
at tawag ng mga letra sa rebisyong ito. Pinalawak lamang ng gamit ay ang F, J, V, at Z dahil ang mga ito diumano
ay may ponemik istatus na hindi kagaya ng C, Ñ, Q at X na mga redundant na titik.
Dalawang mahalagang linggwistikong prinsipyo ang isinaalang-alang sa pagbabalagkas ng mga
tuntunin sa ispeling noong 2001. Ito ay ang a) simplisidad at ekonomiya, at b) pleksibilidad. Maganda rin ang
mga naging layunin ng proyektong ito - ang makapagbigay-gabay sa panghihiram ng mga salita at pagsasalin ng
pasalitang wika tungo sa nakasulat na anyo upang makapag-ambag sa istandardisasyon at leksikal na
elaborasyon na pambansang wika.
Ngunit ang tuntuning ito sa ispeling noong 2001 ay nagbunga ng pagkakahati-hati ng mga iskolar sa
wika. May mga sumunod sa tuntunin at mayroong hindi. Mayroon ding sumunod nang hindi ganap na
nauunawaan ang mga prinsipyo at tuntunin. Nagbunga ang ganitong sitwasyon ng paglitaw ng iba't ibang sistema
ng ispeling ng mga institusyong akademiko at publikasyon. Sa madaling sabi, hindi umiiral ang istandardisadong
sistema ng ispeling na isa sanang layunin ng nasabing tuntunin.
Kaya noong 2006, mismong KWF na ang nagsuspinde sa nasabing tuntunin at samantalang hindi pa
nakakabalangkas ng bago, nagmungkahing ang tuntunin sa Ispeling ng 1987 na muna ang gamitin.
NASYONALISMO
Damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika,
kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon) nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan.
➢ Propagandista ng kilusan noong 1872
➢ “Isang Bansa, Isang Diwa”
➢ Tagalog ang pinili sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham at talumpati.
➢ Konstitusyon ng Biak-na bato
➢ noong 1899, ginagawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit walang isinasaad na ito ang mga
magiging wikangpambansa ng republika.
Emilio Aguinaldo
➢ Itinatag ang unang republika kung saan isinasaad sa konstitusyonal na ang paggamit ng wikang
Tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan lamang ang wikang tagalog ito gagamitin, ang
pamamayani ng mga ilustrado sa asembleyang konstitusyonal ang nagging pangunaking dahilan nito.
Katuwiran ng Bernakular
1. Walang kinalaman sa sosyol at praktikal na pamumuhay.
2. Magiging epektibo ang pagtuturo sa primary.
3. Nararapat lamang na tagalong sapagkat 1% lamang ang gumagamit ng Ingles sa tahanan, 50%
mamamayan ang hindi nakakaunawa ng Ingles, 40% bata ang hindi natatanggapsa pambayang
paaralan taon-taon.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang pagtuturo dahil hindi natututo ang mag-aaral na malutas
ang problema kung Ingles ang gagamitin.
5. Ang paglinang sa wikang Ingles ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo sa Pilipinas.
6. Magsagawa ng bagay na ikabubuti ng lahat tulad ng paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi nangangailangan ng kagamitang panturo sa salitang bernakular, kaylangang pasiglahin na lang
ito.
Katulad ng pag-aaral ni Ford, maging ang mga kumukuha ng matataas na edukasyon ay nahihirapang
gamitin ang wikang Ingles.
Lope K. Santos
Iminungkahi na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat ng maging wikang pambansa
Jorge Vargas
Nagtatag ng Philippine Executive Commission (nagpatupad ng pangkalahatang kautusan na tinatawag na
Japanese Imperial Forces).
Gobyerno – Militar
Nagturo ng Nihonggo sa mga guro sa paaralang-bayan. Ang nagsipagtapos ay binigyan ng katibayan
upang maipakita ang kakayahan sa wikang Niponggo.
3 uri ng katibayan: junior, intermediate at senior
URI NG KOMUNIKASYON
Berbal na Komunikasyon
Denotatibo at konatatibo
Denotatibo
✓ ay ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng isang salita.
Halimbawa:
Simbahan - isang gusali na itinayo upang doon magsimba ang mga tao.
Tao - nilikha ng Diyos, binigyan ng buhay, kaluluwa at isip.
Konotatibo
Di-Berbal na Komunikasyon
Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat lamang
ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop sa mensahe.
Halimbawa:
Kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, iba-ibang uri ng patingin at pagtitig at iba pa.
Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba't ibang bahagi ng ating
katawan.
a. Ekspresyon ng mukha "Nagpapakita ng Emosyon"
Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag-iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal,
direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas "Galaw ng Kamay”
Ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa.
a. Regulative – kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro.
b. Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito
ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa't isa gaya ng
mga magkakaibigan o magkakapalagayang loob.
Halimbawa:
Pagyakap, paghaplos, pisil, tapik, batok, haplos, hipo at iba pa.
c. Paralanguage - tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita pagbibigay diin sa mga salita.
Halimbawa:
Bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses, kasama rin sa bahaging ito ang
pagsutsot, buntong–hininga.
d. Pagtahimik/Hindi Pag-imik - may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di pag–
imik/katahimikan pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag–isip at bumuo at mag
organisa ng kanyang sasabihin.
- sandata rin ang katahimikan
- tugon sa pagkabalisa o pagka-inip, pagkamahiyain, o pagkamatakutin.
e. Kapaligiran - ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba
pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran Pormal/Di-pormal. Kaayusan ng lugar
f. Simbolo (Iconics) - mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe
Halimbawa:
Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.
g. Kulay (Colorics) - nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Halimbawa:
kulay asul at pula sa bandila ng Pilipinas.
h. Bagay (Objectives) - Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang
mga elektronikong ekwipment.
ETNOGRAPIYA
Ang etnograpiya (Ingles: ethnography, mula sa Griyegong ἔθνος ethnos = "mga tao", at γραφία graphia
= "pagsusulat") ay ang makaagham na estratehiya ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa larangan ng mga
agham panlipunan, partikular na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiya.
MGA HAKBANG SA LINGGUWISTIKONG ETNOGRAPIYA
1. Pananaliksik sa mga kaugnay literature
Bilang panimulang gawain, napakahalaga na malaman o maging maláy sa lahat ng mga sa naisagawa
nang saliksik.
2. Pagtukoy sa lawak ng pananaliksik
Mahalagang tukóy at malinaw ang lawak o mga adyenda o sa pananaliksik bago magtungo sa fild (Paz,
2005, 8).
I. Heograpiya
1. Topograpiya
Lalamanin ng bahaging ito ang detalyadong paglalarawan sa lokasyon ng komunidad, klima, at
temperatura; mga anyong lupa; sukat ng teritoryo at lupaing ninuno; at ibá pang katangian ng lugar.
2. Demograpiya
Ang bahagi ito ay maaaring makuha sa Philippine Statistic Authority; Census ng Barangay; at National
Commission on Indigenous People. Matutukoy sa bahagi ito ang kanilang bilang o populasyon na maaaring
magamit upang malaman kung sila ba ay dumadami o hindi.
3. Ethnolinguistic Background/Migrasyon
Mga datos na dapat na malikom:
a. Kaugnay na Literatura – Pangangalap ng mga nauna nang pag-aaral hinggil sa kasaysayan ng
pangkat, kung wala ay maaaring tingnan ang kasaysayan ng lugar na pinananahanan ng pangkat at
ang mga impormasyon hinggil sa arkeolohiya ng lugar na maaaring makapagbigay ng ebidensiya ng
pananahanan doon at sistema ng pamumuhay noon.
b. Kasaysayan ng migrasyon – Maaaring kombinasyon ito ng mga datos mula sa mga oral history ng
pangkat (lalo na kung undocumented pa ang pangkat), related literature, at ibá’t ibáng theory of migration
sa Filipinas—maaaring pagbatayan ang ilang pag-aaral ni Lawrence Reid at ni Bellwood na may mga
lingguwistikong patunay hinggil sa Dispersal ng mga Austronesian sa Filipinas.
1. Deskripsiyon ng Wika – ang mga datos sa bahaging itong ay masasagot sa pamamagitan ng mga
panayam sa mga katutubo.
a. Pangalan ng katutubong wika.
b. Tawag ng tagalabas sa wika
c. Paano natutuhan ang katutubong wika.
2. Mga Varayti ng Wika – ang datos sa bahaging ito ay makukuha sa pamamagitan ng obserbasyon at
pagkokompara ng mga wika sa palibot ng komunidad. Mga datos na
dapat malikom: Wordlists – gamitin ang modified na wordlist ni J. Peralta para sa mga varayti ng wika.
(tingnan ang annex)
3. Sosyolingguwistika – Mahalagang mailarawan ang ibá’t ibáng anyo ng wika batay sa edad, seks, istatus
sa búhay, trabaho, at ibá pa.
Mga datos na dapat malikom:
1. Wikang sinasalita ng mga katutubo.
2. Bilang o porsiyento ng mga katutubong tanging katutubong wika lamang ang alam salitain.
3. Katatasan sa mga wikang sinasalita.
4. Wikang Ginagámit sa Bawat Dominyo
Mga datos na malilikom:
Pangkalahatang pagtalakay ito sa kalagayan ng paggamit ng wika sa ibá’t ibáng dominyo at aspekto ng
pamumuhay ng komunidad. Mahalagang malaman at masukat ang mga ito upang matukoy ang sigla ng paggámit
ng wika, o kung nagkakaroon na ng pagpapalit ng wika. Sa pagsukat at pagtukoy sa sigla ng paggámit ng wika,
gagámitin ang Expanded Graded Intergenerational Disruption Scale ni Fishman (1991).
5. Ugali o Pagtanaw sa Wika
Mga datos na malilikom:
Pagtanaw ng pangkat sa kanilang katutubong wika. Ito ay magandang makuha sa pamamagitan ng
pagsubaybay sa komunidad. Sa bahaging ito, marapat na masagot at maipaliwanag kung gaano nila kakilala ang
kanilang sarili kapag nagsasalita sila gamit ang kanilang katutubong wika; gaano nila kakilala ang kanilang sarili
kapag nagsasalita sila gamit ang ibáng wika; gaano kahalaga para sa kanila ang pagkatuto ng kabataang
miyembro ng komunidad ng kanilang katutubong wika; at kung gaano kahalaga para sa kanila ang pagkatuto ng
kabataang miyembro ng komunidad ng ibáng wika.
3. Pakikipag-ugnayan sa komunidad
Mga datos na dapat malikom:
a. Katangian ng isang táong marangal at tinitingala sa komunidad.
b. Pagtingin sa lalaki at babaeng kasamahan sa komunidad.
c. Pagtingin sa matatandang miyembro ng komunidad.
d. Relasyon ng mga katutubo sa loob ng komunidad.
4. Panliligaw/pag-aasawa – ang paraan ng pagkuha ng datos ay sa pamamagitan ng panayam at
obserbasyon.
Mga datos na dapat malikom:
a. Proseso ng panliligaw at pag-aasawa.
b. Kultura at kaugalian sa pag-aasawa at pagkakasal.
c. Mga terminong may kinalaman sa panliligaw at pagaasawa.
V. ESTRUKTURA AT SISTEMA NG PAMAMAHALA
1. Produksiyon
Gawaing pangangalap/pangongolekta (collecting/gathering) Karaniwang mga ilahas (wild) na mga
lamang-ugat at mga halamang maaaring kainin. Ang pagkuha ng datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan ng
panayam, obserbasyon, at aktuwal na pagsama sa kanilang mga kabuhayan.
Mga datos na dapat malikom:
a. Konsepto sa pagpilì ng mga ilahas na halamang maaaring kainin.
b. Proseso ng pagkuha at paghahanda nito bago kainin.
c. Paniniwala ng mga katutubo o miyembro ng komunidad hinggil sa naidudulot nito sa kanilang katawan
(batay sa karanasan ng mga katutubo)
d. Mga sample sentence na nasa wikang katutubo hinggil sa pagpapaliwanag ng anumang konsepto
hinggil sa ganitong gawain.
e. Mga ritwal o tradisyon tungkol sa pangangalap ng mga ilahas na lamang-ugat.
f. Mga terminong may kinalaman sa pangangalap.
2. Pangangaso (hunting) - Karaniwang mga ilahas (wild) na hayop tulad ng baboy-ramo, usa, bayawak, at
ibá pa ang maaaring kainin. Ang pagkuha ng datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan ng panayam,
obserbasyon, at aktuwal na pagsama sa kanilang mga kabuhayan.
Mga datos na dapat malikom:
a. konsepto sa pagpilì ng mga ilahas na hayop na maaaring kainin.
3. Pangingisda (fishing) - Isa sa karaniwang hanapbuhay ng mga katutubo sa bansa ang pangingisda
sapagkat likás sa karamihan sa mga ito ang paninirahan sa mga tabing-ilog at tabing-dagat. Ang pagkuha
4. Pagtatanim - (maaaring itanong sa bahagi ito kung likas ba sa kanilang pangkat ang pagtatanim, kung hindi
saan nila ito natutuhan). Karamihan sa mga kasalukuyang katutubong pangkat ay nakasandig sa pagtatanim.
Mas napapakinabangan nila ang kanilang lupaing ninuno sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay,
prutas, mais, at palay. Ang pagkuha ng datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan ng panayam, obserbasyon,
at aktuwal na pagsama sa kanilang mga kabuhayan.
Mga datos na dapat malikom:
a. Konsepto sa pagtatanim.
b. Mga termino hinggil sa proseso pagtatanim. Gumawa ng talaan ng mga termino.
c. Mga ibá’t ibáng uri tanim ng mga katutubo.
d. Talaan ng mga termino sa mga binhing itinatanim.
e. Proseso ng pagtatanim.
f. Mga ritwal na isinagawa bago at pagkatapos magtanim.
g. Mga sample sentence na nasa wikang katutubo hinggil sa pagpapaliwanag ng anumang konsepto
sa pagtatanim.
5. Pangunguha ng pulut-pukyutan - Pangunguha ng pulut-pukyutan ang isa sa pangunahing ikinabubuhay
ng ilang katutubo. Karaniwang ibinebenta nila sa bayan ang kanilang mga nakukuhang pulut para may
maipambili ng ibá pang nilang pangangailangan. Ang pagkuha ng datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan
ng panayam, obserbasyon, at aktuwal na pagsama sa kanilang mga kabuhayan.
Mga datos na dapat malikom:
a. Konsepto sa pangunguha ng pulut-pukyutan.
b. Mga termino hinggil sa proseso ng pulut-pukyutan.
c. Mga uri ng bubuyog na pinagkukunan ng pulut.
d. Proseso ng pangunguha ng pulut-pukyutan.
e. Mga ritwal na isinagawa bago at pagkatapos kumuha ng pulut-pukyutan.
f. Mga sample sentence na nasa wikang katutubo hinggil sa pagpapaliwanag ng anumang
konsepto ng pagkuha ng pulut-pukyutan.
6. Likhang-kamay (handicrafts) - Likás sa mga katutubo ang pagkakaroon ng malawak na katutubong
kaalaman pagdating sa pagbuo ng mga muwebles at ipa bang likhang-kamay na produkto. Ang pagkuha ng
datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan ng panayam at obserbasyon sa aktuwal na katangian ng produkto.
Mga datos na dapat malikom:
a. Mga kagamitan sa paggawa ng likhang-kamay na produkto.
b. Proseso sa paglikha ng mga produkto.
c. Paraan kung paano naipapagbili ang mga produkto
d. Mga sample sentence na nasa wikang katutubo hinggil sa pagpapaliwanag ng paglikha ng mga
produkto.
7. Mga kaugnay na tanong sa pangkabuhayan - Ang pagkuha ng datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan
ng panayam, obserbasyon, at aktuwal na pagsama sa kanilang mga kabuhayan.
Mga datos na dapat malikom:
a. Mga kaugnay at ibá pang hanapbuhay ng pangkat.
b. Estado ng kabuhayan ng pangkat.
VII. RELIHIYON.
Tatalakayin sa bahaging ito ang paniniwala ng mga katutubo tungkol sa dakilang lumikha. Bawat
katutubong pangkat sa Filipinas ay may kani-kaniyang paniniwala at tradisyon na sinusunod kaugnay ng kanilang
mga pananampalataya. Ang pagkuha ng datos sa bahaging ito ay sa pamamagitan ng panayam, obserbasyon,
at aktuwal na pagsama sa kanilang pagsimba.
1. Sining
Mga datos na dapat malikom:
a. Biswal na sining (paghahabi, paggawa ng basket, pagpapalayok, at ibá pa)
2. Literatura (kuwentong bayan, alamat, pabula) - Ipakuwento sa kanilang katutubong wika at ipasalin sa
wikang Filipino.
Mga datos na dapat malikom:
a. Ibá’t ibáng anyo ng literatura at panitikan gaya ng kuwentong bayan, tula, alamat, at ibá pa)
3. Musika at instrument
Mga datos na dapat malikom:
a. Mga katutubong awitin at musika at konsepto nito.
b. Mga katutubong instrumento.
4. Sayaw (uri at gámit)
Mga datos na dapat malikom:
a. Mga katutubong sayaw at konsepto nito.
b. Mga terminong may kinalaman sa kanilang katutubong sayaw.
5. Arkitektura
Mga datos na dapat malikom:
a. Ibá’t ibáng anyo ng arkitektura. o tirahan (tradisyonal at makabago)
b. Proseso ng paggawa nito.
c. katangian ng arkitektura.
d. Mga terminong may kinalaman sa kanilang katutubong arkitektura.
6. Damit
Mga datos na dapat malikom:
a. Katutubong tawag sa kanilang kasuotan. o tradisyonal at makabago
b. Materyales na ginagamit sa paggawa ng katutubong kasuotan.
c. Proseso sa paglikha nito.
d. Katangian ng tradisyonal sa makabagong kasuotan.
e. Mga terminong may kinalaman sa katutubong kasuotan.
7. Mga dekorasyon at palamuti
a. Mga datos na dapat malikom:
b. Karagdagang moda sa mga katutubo ang pagkakaroon ng mga palamuti.
c. Katangian at simbolismo ng bawat palamuti at dekorasyon.
d. Mga termino ng bawat palamuti at dekorasyon.
8. Laro
Mga datos na dapat malikom:
a. Katutubong laro.
b. Mga termino at katangian ng kanilang mga laro/laruan.
f. Mga ritwal at tradisyon na ginagawa upang matukoy ang kasarian ng sanggol habang nasa
sinapupunan ng ina.
2. Pagkabatà
Mga datos na dapat malikom:
a. Araw-araw na gawin ng mga batà sa komunidad.
b. kalagayan ng mga batang katutubo.
3. Pagbibinata/pagdadalaga
Mga datos na dapat malikom:
a. Konsepto ng nagbibinata.
b. Mga pagbabagong pinagdadaanan ng batà bago siya magbinata at magdalaga.
c. Mga ritwal na kaugnay sa pagbabagong ito.
4. May sapat na gulang
Mga datos na dapat malikom:
a. Edad ng pag-aasawa
b. Gampanin sa komunidad.
5. Katandaan
Mga datos na dapat malikom:
a. Papel ng mga matatandang miyembro sa komunidad.
Pangunahing gagamitin sa pangangalap ng datos ang inihandang patnubay na tanong at ibá pang
instrumento gaya ng pormularyo sa profayl ng mga informant.
GABAY SA PAGKUHA NG INFORMANT
1. Rekomendado ng mga namumunò sa pangkat.
2. Miyembro ng Katutubong Pangkat (purong katutubo).
3. Pinanganak at naninirahan sa komunidad nang hindi bababâ sa 15 taon.
4. Magkaroon ng dalawa o tatlong informant sa bawat paksa.
5. Magkaroon ng informant sa ibá’t ibáng edad: (14–25, 35–50, 55 o mas mataas) depende sa paksa.
8. Paghahanda ng write ups/manuskrito.
9. Pagbabalida ng manuskrito.
10. Pagpapaedit ng manuskrito.
11. Pagsasapinal ng manuskrito.
GAWAIN SA PAGKATUTO
1. PAGSULAT NG JOURNAL
Kung makakausap mo ang taong tumutol na ibatay sa isa sa mga wikain sa ating bansa ang wikang pambansa
o ang mga taong ayaw ipagamit ang unang wika sa pagtuturo sa mga batang mag-aaral, ano ang sasabihin mo
sa kanila? Magbigay ng sampung pahayag na kukumbinsi at maaaring makapagpapayag sa kanila. Ito ang
magiging nilalaman ng iyong journal.
2. PAGGAWA NG TIMELINE
Isulat ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat panahon sa pamamagitan ng timeline.
1. Panahon ng Katutubo
2. Panahon ng mga Espanyol
3. Panahon ng Rebolusyong Pilipino
PAGTATASA
1. Sa mga binasang tala ay nabatid mo ang masalimuot at mahabang proseso ang paghahanap ng wikang
magiging batayan ng ating wikang pambansa.nang mapili ang wikang Tagalog ay maraming naging
hadlang at maraming taon ang lumipas bago ito napagtibay.baon ang kaisipang ito sa paanong paraan
mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang pambansa. Maglahad ng
limang paraang ibang paraang sadyang magagawa mo at kaya ding gawin ng kabataang tulad mo.
2. Ayon kay Dr. Jose Rizal, : “ Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda..
Gamitin sumulat ng kunwang blog tungkol dito.
3. Anu ano ang mga teoryang nabuo patungkol sa pinagmulan ng lahing Filipino?
4. Anu- ano ang katangiang taglay ng mga unang taong nanirahan sa Pilipinas?
Anu-ano ang mahahalagang ambag ng mga katutubo sa kasaysayan ng wika? Bakit biglang nawala ang
naiambag ng mga katutubo sa kasaysayan ng wikang pambansa sa pagdating ng sumunod na nandayuhan?
5. Gaano katagal ang hinintay upang mamulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinanas?
________________________________________________________________________________________

6. Bakit sumibol ang kaisipang “ isang bansa. Isang diwa” sa mga naghihimagsik noong panahong iyon?

7. Sa iyong palagay, bakit hindi itinamim ng mga Espanyol sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng
sariling wikang nauunawaan ng lahat?

8. Bakit hindi lumago ang wikang katutubo noong panahon ng Espanyol?

10. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider ng ating bansang Pilipinas, anong mga
proyekto o batas ang iyong paiiralin upang maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House
Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/
RUBRIKS
kalinawan ng mga
ideya.
Rubric sa Timeline
2
Kitang- kita ang Kita ang Bahagyang Hindi nakita ang
Kasiningan kalinisan at kalinisan at nakita ang kalinisan at
kaayusan ng kaayusan ng kalinisan at kaayusan ng _____
timeline na timeline na kaayusan ng timeline na
ginawa ginawa timeline na ginawa
20 ginawa 5
15
10
KABUUAN
_____
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 3
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Batay sa iyong baun-baong kaalaman, isulat kung ano ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino.
Ipaliwanag ito nang maikli at tiyak.
Tagalog
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pilipino

Filipino

KABANATA IV
PAKIKINIG
Pakikinig
Bahagi ng Tainga
Nahahati ang ating tainga sa tatlong rehiyon: Ang panlabas na suson, panggitnang suson at panloob
na suson.
Panlabas na suson - Ito ay bahagi ng tainga na nakikita. Binubuo ito ng Auricle, Eardrum at ng External
Auditory Canal.
Auricle Ito ay ang panlabas na bahagi ng tainga, ang syang nangangalap ng tunog sa ating Paligid.
External Auditory Canal
Ito ay ang kanal o tubo sa loob ng tainga.
Ito din ay dinaraanan ng tunog.
Ito ang bukana ng tainga.
Patungo ang tubong ito sa eardrum.
Eardrum
Ang eardrum ay napakanipis na membrane o tisyu. Ang kapal nito ay .004 pulgada lamang mula sa
lagusan ng external auditory canal. Ang mga tunog na pumapasok sa tainga sa pamamagitan ng external
auditory canal na pumapalo sa eardrum na siyang nagiging dahilan upang ito ay umalingawngaw.
Panggitnang Suson
Auditory Ossicles
Tatlong maliliit na buto. Ang grupo ng maliliit ng mga butong ito ay nagmumula sa eardrum patungo sa
oval window.
Oval window
Ang bukana patungo sa loob ng tainga.
Alam nyo ba ang tatlong maliliit na mga buto na matatagpuan sa gitna ng tainga ang
pinakamaliliit na buto sa ating katawan.
Matatagpuan ang mga butong ito sa ganitong pagkakasunud-sunod.
Hammer (malleus)
Ang butong ito ang pinakamalaking auditory ossicles. Ito ang namamagitan sa eardrum at sa anvil.
Nakakabit ito sa Tympanum.
Anvil (Incus) Matatagpuan ang butong ito sa pagitan ng hammer at stirrup.
Stirrup (stapes) Nakadikit ang butong ito sa manipis na balat ng tisyu o membrane na tinatawag na Oval
window.
Inner Ear Ang inner ear ay binubuo ng coclhea at ng tatlong semicircular canals. Ang estraktura ng tainga
ay puno ng likido.
Cochlea Ang cochlea ay nakapulupot na bahagi ng tainga na parang kabibi. Maliit itong buto na puno ng likido.
Ang gawain nito ay palitan ang sound waves ng mga bugso o impulses na siyang dinadalang auditory nerve
sa utak.
Nalalaman mo na kapag nakararting ang tunog sa Stirrup, tumutulak ito palabas at papasok sa oval
window. At sa ganoong paraan, gumagalaw ang middle ear na sya namang nagpapagalaw din sa cochlea.
Kapag nag-vibrate ito, ang likidong laman nito ay gagalaw.
Ang paggalaw na ito ng likido ay kumikiliti sa mga maliliit na buhok na kahanay ng cochlea na nagiging
dahilan upang ito ay gumalaw at magdala ng mensahe sa ating auditory nerve. Parang linya ng kuryente ang
nerve na ito na nagdadala naman ng mensahe sa utak. Ang mga maliit na buhok ay bahagi ng Organ of corti.
Tandaan:
Tayo ay nakaririnig sa pamamagitan ng vibration. Kapag nakarating sa utak ang tunog, pinag- aaralan
ng utak kung ano ang tunog, saan ito nanggaling at kung ano ang dapat gain dito.
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Pakikinig
Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pandinig at pag-iisip.
Pagtugong mental at pisikal sa nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe.
Ito rin ay nagpapalawak ng kaalaman ng isang tao.
Ayon kay John Marshall, ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na
nagsisilbing impluwensya upang makipag-usap nang mabuti.
Ayon kay Yagang (1993) , ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang
sinasabi ng ating kausap.
Kahalagahan ng Pakikinig
1. Nadaragdagan at napapalawak ang kaalaman.
2. Mabilis na pagkuha ng impormasyon.
3. Upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
4. Sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig.
a. Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o tango ng tango habang nagsasalita sa kanyang harapan.
Ngunit kung naiintindihan niya ang kaniyang naririnig ay isang malaking tanong.
b. Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensiyong makinig.
c. Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handing magbigay ng reaksiyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
d. Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig. Kapansin pansin ang
pagkunot ng kaniyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
e. Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi nalang may tanong at pagdududa. Makikita sa kaniyang
mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi ang isang pagkukunwari
lamang. Sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapagpa-
impress.
f. Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang kita sa kaniya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kaniyang atensiyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksiyon mula sa
kaniya, positibo man o negatibo.
g. Busy-Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin
siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay o anumang gawaing
walang kaugnayan sa pakikinig.
h. Two-Eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kaniyang tainga kundi
maging ang kaniyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kaniyang mukha
ang kawilihan sa pakikinig.
A. Pakinggan hindi lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan. Kailangan ipokus natin
ang ating atensiyon sa kabuuan ng mensahe na ating naririnig. Ang isang epektibong tagapakinig kasi
ay sensitibo hindi lamang sa mga salita kundi maging sa mga metamensaheng kaniyang naririnig at
nakikita.
B. Tulungan ang kausap na linawin ang kaniyang mensahe. Sa pamamagitan ng iyong mga reaksiyon
habang nakikinig, maaarin maging komportable o di-komportable ang iyong kausap. Kapag siya’y hindi
komportable, mahihirapan siyang ipahayag ang kaniyang mensahe. Kung gayon, maaari ka ring
mahirapan sa pagpapakahulugan sa kaniyang mensahe. Samakatuwid, kailangang tulungan mo siyang
maging malaya sa pagpapahayag nang maging malinaw ang mensaheng iyong matatanggap.
C. Ipagpaliban hangga’t maaari ang iyong mga paghuhusga. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pag-
uugali. Mayroon din siyang mga biases at prejudices. Ngunit hindi dapat hayaan ng isang tagapakinig na
makaapekto ang mga ito sa kaniyang pagpapakahulugan ng mensahe.
D. Kontrolin ang mga tugong emosyonal sa naririnig. Ang isang salita ay maaaring maging sanhi ng
ating galit, pagdududa o takot.
E. Pagtuunan ang mensahe. Sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa mensahe ay napapanatili ang
konsentrasyon at napipigil ang paglalakbay ng diwa at pagkawala ng atensiyon.
F. Pagtuunan din ng pansin ang isang istraktura ng mensahe. Higit na magiging madali ang pag-alala
sa mga datos kung papansinin din natin ang istraktura ng mensahe sa pamamagitan ng patern nito o sa
pag-uugnay nito sa ibang bagay.
G. Patapusin ang kausap. Ang isang epektib na tagapakinig ay hindi magsasalita hangga’t hindi natatapos
sa pagsasalita ang kaniyang kausap. Listen = Silent
1. Oras
oras de peligro
alas dose hanggang alas dos ng hapon na syang nakakaantok.
mas mainam na makinig kung umaga sapagkat nakapagpahinga na ang isip at katawan.
2. Edad
mainiping makinig ang mga bata
matatanda nama’y matyagang makinig kaya’t mas naiintindihan nila ang kanilang pinapakinggan.
3. Kasarian
BABAE - mahaba ang pasensya sa pakikinig dahil interasado silang malaman ang lahat ng detalye.
LALAKI - madaling mabagot at ibig nila ang diretsong pagpapahayag.
4. Tsanel
GAWAIN SA PAGKATUTO
1. POKUS SA PAKIKINIG
Makinig sa komentaryong isang sikat na anawnser sa radio o telebisyon. Tukuyin ang sumusunod na mga
impormasyon:
Kailan:
Istasyon ng Radyo/ Telebisyon:
Panagalan ng Anawnser:
Paksa:
Pangunahing Ideyang Tinalakay:
Pansuportang Ideyang Tinalakay:
Buod ng Talakay:
2. Makinig sa isang napapanahong OPM na awitin sa radyo o telebisyon na iyong naiibigan din.
Isulat ang liriko at umawit nito at subukang gawan ng paliwanag ang mensahe nito sa iyo o ibang
tagapakinig.
PAGTATASA
1. Anu-ano ang mga paraan ng mabisang pakikinig?
5. Anu-ano ang maaaring idulot kapag pinupuna agad ang nakikinig ang tagapagsalita at ang mensahe
nito?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House
Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/
RUBRIKS
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 4
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Balikan ang iyong natatandaang karanasan noon pagdating sa pagsasalita. Anong wika ang unang itinuro sa
iyo ng iyong mga magulang? Paano nakaapekto ang iyong lenggwahe sa wika na ginagamit sa paaaralan.?
Isalaysay ang mabuti at di mabuting mga epekto nito sa iyong pagsasalita.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
NILALAMAN
KABANATA V
BAHAGI NG BIBIG AT KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA
Pagsasalita
Ito ay kakayahan at kasanayan nag tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang
ng mga tao; ang nagsasalita at ang kinakausap. Isa rin ito sa mga makrong kasanayan na may layuning ipahayag
ang kaisipan, paniniwala at saloobin. Ang kaisipang ito ay maaring pagbibigay impormasyon, kabatiran
samantalang ang saloobin ay pagpapahayag ng kung ano ang nadarama.
Ang pagsasalita ay isang kakayahan at kasanayan ng tao sa pagpapahayag ng kanyang damdamin, saloobin at
kaisipan sa pamamgitan ng wastong paggamit ng wika. (SUDARIO)
Ang pagsasalita ay sining ng pag arte at pagtatanghal sa pagpapahayg na ang layunin na makaakit o
makapanghikayat ng mga nakikinig. (TUMANGA SR.)
Ang pagsasalita ay paglikha sa pagbigkas ng tunog, intonasyon, himig at aksent ng wika sa paraang
makapahayag nh kanyang nararamdaman at naiisip para sa kanyang kapwa. (BUENSUCESON)
Kahalagahan ng Pagsasalita
a. Naipaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloob ng nagsasalita.
b. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
c. Nakapag aanyaya o nakakaimpluwensya ng saloobin ng nakikinig
d. Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
magamit sa pagbuo ng mga patakaran at estratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
Mga Katangian
a. Kaalaman
Kailangan alam mo ang paksa sa isang usapan.
Hindi mo malilinlang ang iyong tagapakinig.
May sapat kang kaalaman sa gramatika at sa kultura ng iyong kausap.
b. Kasanayan
Kailangan may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
May sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita.
May sapat na kasanayan sa pagpapahayag sa iba't ibang genre.
c. Tiwala sa sarili
Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusapan at maging sa malawak na talastasan.
Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyur.
Ngunit para sa mga taong mahiyain, kailangan ang mga nararapat na pagkakataon upang
masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kundi lalo na sa
madla.
Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko.
Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.
Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon
sa mga tagapakinig.
Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghihikayat sa kanyang tagapakinig
o di kaya'y sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi.
Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig.
a. Tinig
ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita.
Kaakibat ng tinig ay ang himig.
b. Bigkas
c. Tindig
Kinakailangang may tikas.
Hindi kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya'y parang nanghihina o mukhang sakitin.
Kailangan maging kalugug-lugod sa paningin.
d. Kilos
Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw.
Ang mga mata, balikat, paa at ulo, ang pagkilos ng mga ito ay maaring makatulong o makasira sa isang
nagsasalita.
Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap.
Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng pagtango o paggiling ay maaring
makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalita.
Ang labis na paglalakad naman ay pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.
e. Ekspresyon ng mukha
Ito ang nagasisilbing hudyat sa mga tagapakinig upang malaman ang emosyon ng nagsasalita.
Siguraduhing ang salitang binibigkas ay angkop sa mga ekspresyon ng mukha.
f. Kumpas
Ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng
kumpas.
Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot.
TANDAAN: kailangan maging natural ang kumpas.
Uri ng Kumpas
1. Pakikipag-Usap
Nagkakaroon ng palitan ng kaisipan, damdamin at pagpapalagayan ng loob ang mga taong sangkot
sa usapan. Makatutulong upang magkaroon ng kakayahang umunuwa, bumuo ng mga palagay o hinuha
sa kahulugan ng kilos ng kausap.
2. Pakikipanayam
3. Pangkatang Talakayan
Ito ay maayos na paraan ng masusing pagpapalitan ng kuro kuro o opinion na ang layunin ay makatipon
ng mga kaalaman at magbigay halaga sa mabisang opinyon ukol sa paksa, o kaya’y ihanap ng solusyon ang
isang problema.
4. Pagtatalumpati
Ito ay isang pasalitang pagpapahayag ng mga ideya tungkol sa isang paksa sa harap ng mga
tagapakinig.
Uri ng Talumpati
a. Talumpating Pampalibang - ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kwento.
b. Talumpating Nagpapakilala - kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan
lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
c. Talumpating Pangkabatiran - ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong
pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
d. Talumpating Nagbibigay-galang - ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang
panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
e. Talumpating Nagpaparangal - layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay
ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito.
5. Pagtatalo o Debate
Ito ay isang sining na gantihang-katwiran ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa. (Arrogante, 2000)
URI NG PAGTATALO
a. Pormal na Pagtatalo - ito ay ginagawa sa maayos at organisadong paraan. Ang mga kasapi ay
pipili ng isang paksang kanilang pagtatalunan. May takdang oras at panahon kung kalian
gaganapin ang pagtatalo.
b. Impormal na Pagtatalo - ito ay ginagawa sa malayang pamamaraan. Ang bawat miyembro ng
koponan ay malayang magpalitang kuro at magtagisan ng talino.
c. Lincoln-Douglas Debate Type - tinatawag ding two-man debate type. May tig-isang
tagapagsalita ang bawat panig. Mauunang magsasalita ang tagapagsalita sa panig na sang
ayon na susundan naman ng tagapagsalita ng panig na salungat.
d. One-Rebuttal Debate - ang bawat panig ay maaring magkaroon ng dalawa hanggang talong
kasapi. Maliban lamang sa unang tagapagsalita na sang ayon na syang magbibigay na
pangwakas na talumpating pagpapabulaan, ang ibang tagapagsalita ay nabibigyan ng
pagkakataong sumalungat sa pinaniniwalaan ng kalabang panig.
e. Rebuttal Type of Debate - binubuo ng dalawang panig na maaring may dalawa o tatlong kasapi.
Unang magtatalumpati ang tagapangiswa mula sa panig na sang ayon ngunit mauuna naming
magsalita ang ganting matuwid o pagpapabulaan ang panig ng salungat.
f. Oregon - Oxford Debate Type - binubuo ng dalawang panig na maaring magkaroon ng dalawa
o tatlong kasapi bawat isa. Sa ganitong uri ng debate mauuna pa ring magtalumpati ang unang
tagapag salita kung saan ipinapakilala nya ang buod ng kanilang pinaninindigang kaso.
Pagkatapos ng kanyang pagsasalita, tatanungin sya ng unang tagapag salita mula sa panig na
salungat.
GAWAIN SA PAGKATUTO
1. Magsaliksik ng mga halimbawa ng uri ng talumpati na nasa ibaba. Kopyahin ang mga ito at
ilagay ang sanggunian ng bawat isa.
a. Talumpating Pampalibang
b. Talumpati na Nagpapakilala
c. Tal;umpating Pangkabatiran
d. Talumpati ng Nagbibigay-galang
e. Talumpati ng Nagpaparangal
PAGTATASA
Paggawa ng Infomercial
Gumawa ng isang sariling video presentation na nagpapakita ng maikling 2-5 minuto ng pagbigkas. Maaring
ito ay paraan ng pagbabalita, pagtatalumpati o pagkukuwento. Maaaring pumili at magsaliksik ng kahit anong
piyesa ngunit siguraduhin ang magandang mensahe o impormasyon nito sa tagapakinig at tagapanood.
MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House
Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/
Rubriks sa Infomercial
PAMANTAYAN KONSISTENT MAHUSAY KATAMTAM KAILANGA KABU
AN N NG UAN
PAGSASAN
AY
100%
KABUUAN
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 5
KABANATA I
KALALABASAN NG PAGKATUTO
1.Nakikilala at natutukoy ang kahulugan ng pagbasa bilang isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika
4. Nalilinang ang kakayahan ng bawat indibidwal sa larangan ng pagkatuto gamit ang wastong proseso sa
pagbasa
PAUNANG PAGSUSULIT
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
NILALAMAN
3.3 PAGBASA
Ano ba ang pagbasa?
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at
malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang
makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng
kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na
makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa
pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.
Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang
wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang binabasa natin ay maaaring isulat at ang
anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa
pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol
sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang
karanasan sa pagbasa.
"Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura."
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito
ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at
Semorlan, 2002).
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang
at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong
mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa
pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan
upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso
at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa
mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto
ng pagbasa.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan
ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-pababa
(top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon
nang dating kaalaman at karanasan.
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na
ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo
siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay
bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang
sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating
kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa
kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model
(Goodman, 1985 at Smith 1994).
Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito
tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong
papel o tabula raza.
Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na
umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.
Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)
3. Teoryang Interaktibo
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay
may dalawang direksyon (McCormick, 1998).
David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell,
Robert Speaker (1985)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na
o hindi alam ng mambabasa.
Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson,
1984).
Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto.
Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa
kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman
(iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay
ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin
ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.
5. Metakognisyon sa Pagbasa
Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan
sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na
kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na
mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila
ang angkop na estratehiya sa pagbasa.
Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).
Prosesong Metakognisyon
Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang
aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may
magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang
aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?
Ayon sa teoryang interaktib, ang pagbasa ay ang proseso at hindi isang produkto (Bernales, et al.,
2006). Ang isang interaktib na mambabasa, kung gayon, ay pumapaloob sa proseso ng interaksyon sa awtor,
sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Sabihin pa, kung siya ay interaktib sa kanyang pagbabasa, malamang na
nagiging epektibo siyang mambabasa. Sa madaling sabi, madali niyang matataglay ang mga kasanayan sa
limang dimension ng pagbasa. Iminumungkahi naming ang sumusunod na istratehiya habang nagbabasa.
Pagtatanong (Questioning). Bumuo ng mga tanong sa isipan hinggil sa tekstong binabasa. Maaaring ang
tanong ay nauukol sa nilalaman (paksa, tauhan, pangyayari, mensahe, pahiwatig, simbolismo), sa bokabularyo
(di pamilyar na salita, idyoma, tayutay) o kayariang balangkas (pagsisimula, paglalahad ng katawan,
pagwawakas).
Paghuhula (Predicting). Hulaan ang sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan. Maaaring dalawa o higit
pa ang iyong mabuong hula para sa bawat isa. Walang limitasyon sa istratehiyang ito. Ngunit tandaang ang
isang mahusay na mababasa ay malamang na makabuo ng mga wastong hula dahil ang teksto mismo ang
ginagawa niyang batayan sa pagsasagawa nito.
Paglilinaw (Clarifying). Linawin kung tama o mali ang iyong ginagawang mga hula o ang iyong mga sagot sa
iyo ring mga tanong. Kung ang iyong nagging hula o sagot ay iba sa nakasaad sa teksto, linawin din kung bakit
at paano naging gayon.
Pag-uugnay (Assimilating). Iugnay ang teksto sa iyong kaalaman at karanasan. Maaaring iugnay ang teksto
sa dati mo pang nalalaman o kaya’y sa isang pangyayaring nahahawig sa iyong buhay o sa buhay ng ibang
tao.
Paghuhusga (Evaluating). Husgahan ang mga element ng teksto. Maaaring suriin ang kawastuan ng
impormasyon o mensaheng taglay nito. Maaaari ding pansinin ang istilong ginamit katulad ng paraan ng
pagsisimula, paglalahad ng katawan o kaya’y pagwawakas at maging ang kasiningan ng mga simbolo, imahen
at pahiwatig.
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan
sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.
Kasanayan sa Bilis
Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin
Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto.
Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay
nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat
minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis
sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa
ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay karaniwang
inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap
niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90%
na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto
mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na
pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa
sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang
suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil
dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting buuing
konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong
buong aklat.
Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi ng
pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng
pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito
ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa
paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng
mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga
anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.
GAWAIN SA PAGKATUTO
1. Pumili ng isang kwento, Artikulo o sanaysay mula sa mga sikat na manunulat o kolumnista na Filipino. Ilagay
sa bahaging ito ang kopya ng akdang napili. Ito ang materyal na gagamitin mo sa Pagtatasa.
2.. Alalahanin ang iyong paboritong librong nasusulat sa Filipino. Gumuhit ng isang eksena mula sa iyong
paboritong libro.
PAGTATASA
Panuto: Pumili ng isang kwento, Artikulo o sanaysay mula sa mga sikat na manunulat o kolumnista na Filipino.
Gawain1. Simulation: Pag-alam sa Kapasidad ng mambabasa gamit ang Iskiming at Iskaning.
Panuto: Orasan ang sarili at basahin nang tahimik ang napiling babasahin. Pagkatapos, sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
ISKIMING
Pamagat ng Babasahin: _____________________
Tagal ng pagbabasa: __________________________
1.Ano ang kaisipang naglulunsad sa babasahin? ______________________
2. Ano ang tema ng materyal na binasa? _____________________
3. Ano ang kabuuang kaisipan ng babasahin?___________________
4. Bakit isinulat ng may akda ang materyal? ______________________
Gawain 2
Panuto:Sa Ikalawang pagkakataon basahing muli ang napiling materyal, orasan muli ang pagbabasa. At
sagutan ang mga tanong sa ibaba. Maging tapat sa pagsagot pansinin kung naging mas malawak ba ang pag-
unawa sa ikalawang pagbasa.
ISKANING
Pamagat ng Babasahin: __________________________________________
Tagal ng pagbabasa: ___________________________________________
Ano ang pinakapangunahing detalye sa materyal na
binasa?__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Kung maikling kwento ang binasa, ano ang pangunahing tagpo sa kwento? Kung Artikulo o sanaysay naman
ano ang pangunahing punto ng materyal?

Gawain 3
Panuto: Sa dalawang ulit na pagbasa ng materyal ,sumulat ng konklusyon kung anong naobserbahan sa
dalawang uri ng pagbasa.Naging mas malawak ba ang pagkaunawa gamit ang dalawang uri ng pagbasa? Alin
ang mas epektibong gamitin? Pangatwiranan ang sagot ,suportahan ng halimbawa.

Modyul 7
KABANATA 7
KALALABASAN NG PAGKATUTO
1.Nakikilala at natutukoy ang kahulugan ng pagsulat bilang isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika
4. Nalilinang ang kakayahan ng bawat indibidwal sa larangan ng pagkatuto gamit ang wastong proseso sa
makrong kasanayang pangwika
NILALAMAN
Upang maging maayos ang at mabisa ang pakikipagkomunikasyon ng isang tao, dapat ay paghusayan at
paunlarin niya ang kanyang kasanayang pang-wika. ito ang magsisilbing pundasyon ng kaalaman ng tao upang
mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipabatid.
Makrong Kasanayan
I. Pakikinig
-Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais iparating ng taong nagdadala ng mensahe. Ang
pandinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.
-45% ng oras ng tao ay nagagamit sa pakikinig. Ito ang unang natututunan ng tao.
Kahalagahan:
II.Pagsasalita
Kahalagahan:
– Naipapahayag sa madla ang opinyon at katwirang may kabuluhan na papakinabangan ng bawat isa.
• Kaalaman
• Kasanayan
• Tiwala sa sarili
Kasangkapan:
• Tinig
• BIgkas
• Tindig
• Kumpas
• Kilos
Limang Kasanayan Sa Pagsasalita
• Pakikipag-usap
• pakikipanayam
• pagkatang talakayan
• pagtatalumpati
• pakikipagdebate
III.Pagbasa
Kahulugan At Kahalagahan
– Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo. Pagbibigay ito ng kahulugan sa mga
sagisag/simbolo sa iyong kaisipan.
-Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga simbolo (titik)
na nakalimbag sa pahina.
• Pagbasa sa akda
• Pagunawa sa binasa
• Reaksyon
• Asimilasyon
Uri ng Pagbasa
• Iskaning
• Iskiming
• Prebyuwing
• Re-reading
• Kritikal
• Analitikal
• Pagtatala
• Kaswal
IV. Pagsulat
Kahalagahan
Proseso ng pagsulat
• Pre-writing
• Organizing
• Pagsulat ng Draft
• Pagrerebisa
• Editing
• Pagsulat ng pinal na draft
Mga bahagi ng pagsulat
• Panimula
• Katawan
• Konklusyon
• Rekomendasyon
GAWAIN SA PAGKATUTO
(Online reporting )
1. Gumawa ng powerpoint presentation na bubuod sa mga lektura tungkol sa apat na makrong kasanayang
pangwika tulad ng nasa itaas. Ang nilalaman ng presentasyon ay mga larawan at maikling deskripsyon ng
mga lektura tungkol sa mga aralin sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat. Ang ibang paliwanag ay
maaaring sabihin at ipaliwanag sa aktwal na online na presentasyon na tatagal ng 7 minuto hangang 10
lamang bawat isa.
PAGTATASA
Paglinang sa Pagkamalikhain
1. Ihanda ang sarili sa presentasyon ng iyong gawa sa susunod na pagkikita. Maaaring gawan ng
powerpoint presentation ipasa ang awtput sa classroom na magiging pinal na pangangailangan ng
kurso. Gawan ng paraan na makapag-online sa presentasyon nang masakasihan ang gawa ng iba
bilang gabay sa gawain.
MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House
Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 5
KABANATA I
KALALABASAN NG PAGKATUTO
1.Nakikilala at natutukoy ang kahulugan ng pagbasa bilang isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika
4. Nalilinang ang kakayahan ng bawat indibidwal sa larangan ng pagkatuto gamit ang wastong proseso sa
pagbasa
PAUNANG PAGSUSULIT
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
NILALAMAN
3.3 PAGBASA
Ano ba ang pagbasa?
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at
malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang
makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng
kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na
makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa
pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.
Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang
wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang binabasa natin ay maaaring isulat at ang
anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa
pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol
sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang
karanasan sa pagbasa.
"Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura."
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito
ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at
Semorlan, 2002).
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang
at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong
mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa
pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan
upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso
at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa
mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto
ng pagbasa.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan
ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-pababa
(top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon
nang dating kaalaman at karanasan.
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na
ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo
siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda sa teksto.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay
bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang
sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating
kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa
kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model
(Goodman, 1985 at Smith 1994).
Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito
tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong
papel o tabula raza.
Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na
umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.
Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)
3. Teoryang Interaktibo
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay
may dalawang direksyon (McCormick, 1998).
David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell,
Robert Speaker (1985)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na
o hindi alam ng mambabasa.
Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson,
1984).
Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto.
Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa
kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman
(iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay
ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin
ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.
5. Metakognisyon sa Pagbasa
Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan
sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na
kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na
mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila
ang angkop na estratehiya sa pagbasa.
Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).
Prosesong Metakognisyon
Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang
aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may
magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang
aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?
Ayon sa teoryang interaktib, ang pagbasa ay ang proseso at hindi isang produkto (Bernales, et al.,
2006). Ang isang interaktib na mambabasa, kung gayon, ay pumapaloob sa proseso ng interaksyon sa awtor,
sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Sabihin pa, kung siya ay interaktib sa kanyang pagbabasa, malamang na
nagiging epektibo siyang mambabasa. Sa madaling sabi, madali niyang matataglay ang mga kasanayan sa
limang dimension ng pagbasa. Iminumungkahi naming ang sumusunod na istratehiya habang nagbabasa.
Pagtatanong (Questioning). Bumuo ng mga tanong sa isipan hinggil sa tekstong binabasa. Maaaring ang
tanong ay nauukol sa nilalaman (paksa, tauhan, pangyayari, mensahe, pahiwatig, simbolismo), sa bokabularyo
(di pamilyar na salita, idyoma, tayutay) o kayariang balangkas (pagsisimula, paglalahad ng katawan,
pagwawakas).
Paghuhula (Predicting). Hulaan ang sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan. Maaaring dalawa o higit
pa ang iyong mabuong hula para sa bawat isa. Walang limitasyon sa istratehiyang ito. Ngunit tandaang ang
isang mahusay na mababasa ay malamang na makabuo ng mga wastong hula dahil ang teksto mismo ang
ginagawa niyang batayan sa pagsasagawa nito.
Paglilinaw (Clarifying). Linawin kung tama o mali ang iyong ginagawang mga hula o ang iyong mga sagot sa
iyo ring mga tanong. Kung ang iyong nagging hula o sagot ay iba sa nakasaad sa teksto, linawin din kung bakit
at paano naging gayon.
Pag-uugnay (Assimilating). Iugnay ang teksto sa iyong kaalaman at karanasan. Maaaring iugnay ang teksto
sa dati mo pang nalalaman o kaya’y sa isang pangyayaring nahahawig sa iyong buhay o sa buhay ng ibang
tao.
Paghuhusga (Evaluating). Husgahan ang mga element ng teksto. Maaaring suriin ang kawastuan ng
impormasyon o mensaheng taglay nito. Maaaari ding pansinin ang istilong ginamit katulad ng paraan ng
pagsisimula, paglalahad ng katawan o kaya’y pagwawakas at maging ang kasiningan ng mga simbolo, imahen
at pahiwatig.
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan
sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.
Kasanayan sa Bilis
Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin
Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto.
Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay
nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat
minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis
sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa
ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay karaniwang
inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap
niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90%
na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto
mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na
pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa
sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang
suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil
dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting buuing
konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong
buong aklat.
Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi ng
pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng
pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito
ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa
paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng
mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga
anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.
GAWAIN SA PAGKATUTO
1. Pumili ng isang kwento, Artikulo o sanaysay mula sa mga sikat na manunulat o kolumnista na Filipino. Ilagay
sa bahaging ito ang kopya ng akdang napili. Ito ang materyal na gagamitin mo sa Pagtatasa.
2.. Alalahanin ang iyong paboritong librong nasusulat sa Filipino. Gumuhit ng isang eksena mula sa iyong
paboritong libro.
PAGTATASA
Panuto: Pumili ng isang kwento, Artikulo o sanaysay mula sa mga sikat na manunulat o kolumnista na Filipino.
Gawain1. Simulation: Pag-alam sa Kapasidad ng mambabasa gamit ang Iskiming at Iskaning.
Panuto: Orasan ang sarili at basahin nang tahimik ang napiling babasahin. Pagkatapos, sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
ISKIMING
Pamagat ng Babasahin: _____________________
Tagal ng pagbabasa: __________________________
1.Ano ang kaisipang naglulunsad sa babasahin? ______________________
2. Ano ang tema ng materyal na binasa? _____________________
3. Ano ang kabuuang kaisipan ng babasahin?___________________
4. Bakit isinulat ng may akda ang materyal? ______________________
Gawain 2
Panuto:Sa Ikalawang pagkakataon basahing muli ang napiling materyal, orasan muli ang pagbabasa. At
sagutan ang mga tanong sa ibaba. Maging tapat sa pagsagot pansinin kung naging mas malawak ba ang pag-
unawa sa ikalawang pagbasa.
ISKANING
Pamagat ng Babasahin: __________________________________________
Tagal ng pagbabasa: ___________________________________________
Ano ang pinakapangunahing detalye sa materyal na
binasa?__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Kung maikling kwento ang binasa, ano ang pangunahing tagpo sa kwento? Kung Artikulo o sanaysay naman
ano ang pangunahing punto ng materyal?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Gawain 3
Panuto: Sa dalawang ulit na pagbasa ng materyal ,sumulat ng konklusyon kung anong naobserbahan sa
dalawang uri ng pagbasa.Naging mas malawak ba ang pagkaunawa gamit ang dalawang uri ng pagbasa? Alin
ang mas epektibong gamitin? Pangatwiranan ang sagot ,suportahan ng halimbawa.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House
Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/
RUBRIKS
BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)
SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)
Modyul 6
KABANATA I
KALALABASAN NG PAGKATUTO
1.Nakikilala at natutukoy ang kahulugan ng pagsulat bilang isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika
4. Nalilinang ang kakayahan ng bawat indibidwal sa larangan ng pagkatuto gamit ang wastong proseso sa
pagsulat
PAUNANG PAGSUSULIT
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
NILALAMAN
PAGSULAT
Kahulugan ng Pagsulat
Ito ay pag sasatitik sa papel o anumang na maaaring gamitin sa pagsasalitan ng mga ideya, sagisag at
pag lalarawan sa isang pangkat o indibidwal na nagnanalis na maisiwalat ang kanya kanyang naiisip at
nadarama.
Ito ay uri ng interpersonal na gumagamit ng simbolo at inuukit/sinusulat sa isang makinis na bagay o
papel, tela o kaya'y isang malapad at makapal na bato na tipak ng bato.
Ang pagsulat ay pagsasalin ng papel at anumang kasangkapan maaaring magamit napagsalinan ng mga
nabuong salita simbolo o ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan.
1. Kahalagang panterapyutika - Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para
mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam
pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
3. Kahalagahang pang ekonomiya - Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa
madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat
at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline. Maraming
pwedeng pasuking propesyon ang mga manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer sa mga
pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na na maaring makatulong upang magkaroon ng kita.
PROSESO SA PAGSULAT
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. (Bernales, et al.,2001).
Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,pagbuo ng kaisipan at
retorika.
1.2 Pagtatanong
• Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring panggalingan ng mga ideya at detalye sa
posibleng magamit sa pagsulat. Katulad ng mga katanungang nag-uumpisa sa Sino? Ano?
Saan?Kailan?Bakit?at Paano?
• Ito ay epektibong paraan upang matulungan ang iyong sarili na makapag-isip ng mga posibleng
paksa.
1.3 Paglilista
• Sa paglilista kinokolekta mo ang mga ideyang at detalye na may kaugnayan sa paksang
susulatin mula sa nabuong burador.
• Ililista ang mga paksang may kaugnayan sa isa't isa na maaaring gabay sa pagsulat.
1.4 Pagkaklaster
• Ang pagkaklaster ang isa sa mga pamamaraan na maaring pagmulan ng magandang materyal
para sa teksto. Ang metodong ito ay mabisa kung nais mong ipakita ang ideya sa paraang
biswal.
1.5 Pagbabalangkas
• Sa pamamagitan ng balangkas ay maaaring tayain ang sariling gawa, kung mayroon pa bang
kakulangan ang bubuuing teksto, kung hindi makabuo ng isang kongkretong balangkas,
maaaring balikan ang ibang teknik sa yugtong ito.
• Sa isang balangkas,pinag-iisipan nang mabuti ang ipapasok na mga punto at ang mga
pansuportang aytem dito. Titingnan din ang order ng bawat aytem upang masiguro an kaisahan,
koherens at organisadong ideya sa magiging teksto.
Sina Pharr at Buscemi (2005) ay may roong paraan nito na maaring makatulong sa mas mabilis na
pagbuo nito:
1. Impormal na balangkas
2. Balangkas na pangungusap
3. Pormal na balangkas
1. Impormal na balangkas - Halos katulad ito ng pormal na balangkas pero hindi kailangang
mahigpit na sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya at detalye.
2. Habang Sumusulat
• Pagkatapos ng mga paghahanda sa bago sumulat ay dito masusukat ang iyong kasanayan sa
pagsulat. May mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na bubuuing teksto:
a. Magsimula sa isang paksang pangungusap - Simulan sa paksang pangungusap ang iyong unang
talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang talata.
b. Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan - Nararapat na maipresenta
ang mga tiyak na detalye. Halimbawa: pangangatwiran, ebidensya upang masuportahan at maging
kapani-paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.
d. Isulat nang malinaw ang pangungusap - Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga tamang
estruktura ng balarila o maging simoleng mga paggamit ng bantas. Hangga't maaari ay error-free ang
kabuuan ng ating teksto.
3. Pagrerebisa
• Ito ang proseso ng pagsulat kung saan dito ay ginagawa ang pagbabasang muli sa burador nang
makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghubog ng dokumento. Dito isinasagawa sa
prosesong ito ang pagbabawas at pagdaragdag ng mga ideya. Narito ang ilang dapat
isaalang-alang sa pagrerebisa;
4. Pag-eedit
• Ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali ng mga salita, ispeling, balarila, gamit at
pagbabantas ay nakapaloob sa yugtong ito. Ang pageedit ang pinakahuling yugto sa proseso ng
pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
Pamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta
Kailangan may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo ay may paniniwala
sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat.Makalilikha ng mabuting
sulatin ang sinuman kung inilalagay niya ang kanyang sarili sa paksa
2. Pagtitipon
Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas.
Kailangang mangalap ng ng sapat na materyales at ebidensiyang magpapatunay.
3. Paghuhugis
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ito ng hugis ang ating paksang
susulatin. Maari na nating sulatin ang burador na maari ring maging batayan sa pangangalap ng mga
kagamitan.
Narito ang dapat iwasan sa pagsulat.
3.1 Iwasan ang pagiging maligoy o paikut-ikot na paglalahad ng mga ideya.
3.2 Isaalang-alang ang iyong mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang madali
nilang unawaain.
3.3 Iwasan ang paggamit ng jargon o mga espesyalidang salita.
3.4 Iwasan din ang paggamit ng clichés o mga salitang gasgas.
3.5 Iwasan din ang pagkakaroon ng pagkakamaling balarila.
1. Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
• kritikal na sanaysay
• lab report
• eksperimento term paper o pamanahong papel
2. Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal
na layunin.
• ulat panlaboratoryo
• kompyuter
3. Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
4. Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa.
• Bibliography, index, note cards
• police report
• investigative report
• legal forms
• medical report
5. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.
• pagsulat ng tula
• nobela
• maikling katha
1. Alamin ang mga pangangailangang ibinigay ng propesor sa pagbuo ng pamanahong papel. Bahagi
rito ang pipiliing paksa, pormat at istilo ng pananaliksik, deadline at iba pang kasunduan ( oras ng
konsultasyon, bilang ng pahina.
2. Siguraduhing naaprubahan ng iyong propesor ang paksang napili.
3. Tupdin ang mga iminungkahing hakbang sa pagbuo ng pananaliksik papel. Ang pagmamadali o
shortcut ay makakaapekto sa kalidad ng pananaliksik papel.
4. Laging kilalanin ang pinagkunan ng mga impormasyon. Ito ay maaaring awtor, aklat o nasa anyong
multi media . Iwasan ang pladyerismo.
5. Itago ang lahat ng mga sangguniang ginamit.
6. Tiyakin na ang tentatibong bibliograpiya ay updated . Itala ang pinakahuling sanggunian na ginamit.
Mainam na gumamit ng talahanayan.
7. Magkaroon nang maayos na sistema.
8. Alamin ang kahinaan at harapin ang kinatatakutan.
9. Magtakda ng iskedyul o timetable.
10. Sumangguni sa propesor kung may paglilinaw at mga tanong.
2. Paggitna
- dito ipinaliwanag ang lahat tungkol sa paksa
GAWAIN SA PAGKATUTO
1.Magsaliksik at komopya ng artikulong may kaugnayan sa ating kursong ‘ Intro sa Pag-aaral ng Wika”. Itala ang
mga salitang hindi nauunawaan at hanapin at isulat ang katuturan nito sa diksyunaryo.
2. Sumulat ng maikling sanaysay o repleksyon tungkol sa pag-aaral at pandemyang kinahaharap mo bilang isang
mag-aaral. Banggitin ang mga balakaid, pagsubok at magagandang hangarin mo sa kabila ng mga pangyayaring
ito.
PAGTATASA
1.Ipaliwanag ang pahayag na “ Ang mambabasa at hindi ang teksto ang sentrong iniiukutan ng proseso ng
pagbasa”.
2. Magsaliksik ng mga salitang humigit o kumulang sa 20 o higit paang dinaglat na salitang ginagamit sa
social media at ibigay ang kahulugan nito.
Halimbawa: BTW- by the way