Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

MAGANDANG

ARAW!!!
PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
· Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng
mga ideya at opinyon sa napanood na debate
o kauri nito
· Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa
mga dapat o hindi dapat na katangian ng
kabataang Asyano
MGA LAYUNIN:
1. Natatalakay ang sanaysay ni U Nu na “Tatlong
Mukha ng Ksamaan” na isimalin sa Filipino ni Gng.
Salvacion M. Delas Alas.
2. Nabibigyang halaga ang mga aral na napulot sa
sanaysay na binasa.
3. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga
dapat at hindi dapat taglaying katangian ng mga
kabataang Asyano.
PAKSANG- ARALIN
1. Sanaysay
2. "Tatlong mukha ng Kasamaan" ni
U Nu, at isinalin sa Filipino ni
Gng. Salvacion M. Delas Alas
ALAM MO
BA???
Ang akdang iyong babasahin
ay sinulat ni U Nu (Thankin
Nu).
Siya ang unang punong
ministro ng Myanmar
(Burma) matapos nitong
matamo ang kasarinlan mula
sa bansang Britanya noong
Enero 4, 1948.
Si U Nu ay isinilang sa
Wakema, Myaungmya District,
Myanmar, noong Mayo 25
1907.
Siya ay anak ng isang politiko.
Nagtapos siya sa Unibersidad
ng Rangoon at nagtrabaho
bilang guro, manunulat, at
tagasalin ng wika.
Bumalik siya sa Unibersidad ng
Rangoon noong 1934 para mag-
aral ng abogasya. Ngunit hindi
niya natapos ang nasabing
kurso dahil natanggal siya sa
kanyang paaralan nang
pangunahan niya ang unang
malawakang demonstrasyon
laban sa pamahalaang Britanya.
Siya rin ang nanguna sa
pagkakatatag ng Red Dragon
Book Club na naglalathala ng
akdang mapanghimagsik
laban sa nasabing
pamahalaan. Ito ang naging
sanhi ng kanyang
pagkakakulong noong 1942.
Mahaba ang naging buhay
panunungkulan ni U Nu sa
Myanmar. Ang Myanmar ay
kilala noon sa pangalang
Burma. Naglingkod siya sa
bansang ito simula 1948
hanggang 1958 at 1960
hanggang 1962.
Basahin ang isang sanaysay
na kanyang isinulat upang
bigyang-aral ang mga taga-
Myanmar ukol sa kalagayang
sosyal ng kanilang bansa at
upang mabigyang-aral ang
mga tao tungkol sa mukha ng
kasamaan sa mundo.
"Tatlong mukha ng Kasamaan" ni U Nu,
at isinalin sa Filipino ni Gng. Salvacion
M. Delas Alas
Sagutin 1. Anong tatlong
Natin!!! mukha ng kasamaan
ang binanggit sa
seleksyon? Isa-
isahin ang mga ito.
Sagutin 2. Ano naman ang
Natin!!! tatlong bagay na
hindi maiiwasan ng
sinumang tao? Sang-
ayon ka ba sa mga
ito?
Sagutin 3. Ano ang gagawin
Natin!!! mo o plano mo
kapag dumating ka
na sa mga nasabing
panahon?
Sagutin 4. Ano ang iyong pananaw
Natin!!! tungkol sa limang
katangian ng nilalalng mula
nang siya ay isinilang na
nabanggit sa seleksiyon.
Alin sa mga ito ang
masasabi mong taglay mo?
Sagutin 5. Bakit tila naging
Natin!!! napakalayo ng agwat ng
mayaman at mahirap sa
lipunan? Ano raw ang
pangunahing dahilan ng
pagkagahaman ng isang
nilalang?
Sagutin 6. Sa iyong palagay,
Natin!!! bakit naging
napakadali sa isang
tao ang masilaw sa
materyal na bagay?
Sagutin 7. Naniniwala ka ba sa
Natin!!! kasabihang “ang pera
ang ugat ng kasamaan
sa mundo”?
Pangatwiranan ang
iyong sagot.
Sagutin 8. Sang-ayon ka bas a
Natin!!! lahat ng sinabi ng
may-akda sa
seleksiyon?
Pangatwiranan ang
iyong sagot.
Sagutin 9. Anong aral ang
Natin!!! iyong nakuha mula sa
“Alamat ng
Padaythabin”? Paano
ito maaaring mangyari
sa ating buhay?
Sagutin 10. Anong
Natin!!! pangunahing kaisipan
at mensahe ang
naging hatid s aiyo ng
seleksiyong binasa?
GAWAIN BILANG 8
Panuto: Ipinaliwanag sa seleksiyon ang tatlong mukha ng
kasamaan-ang kasakiman, galit at kamangmangan sa batas
ng sandaigdigan. Ito ang mga bagay na maliwanag na
binangit ng may-akda na hindi dapat taglayin ng isang tao.
Bukod sa mga ito sa iyong palagay, ano-ano ang mga
katangiang dapat at di dapat taglayin lalo na ng mga
kabataang Asyano sa kasalukuyan upang magkaroon ng
makabuluhan at matagumpay na buhay. Isulat ang sagot
sa T-Chart sa ibaba.
GAWAIN BILANG 8

You might also like