Week 2-3 Quarter 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANIPUNAN – 7 (Week 2)

KLIMA AT VEGETATION COVER SA ASYA

Uri ng Vegetation Cover sa Asya


 Vegetation Cover – ito ay tumutukoy sa dami ng uri ng halaman at damo na
tumutubo sa isang lugar.
Uri ng Damuhan sa Asya
Steppe – Uri ng damuhan na may mababaw na ugat o shallow-rooted short grarasses.
Matatagpuan sa Mongilia, Manchuria, at Ordos Desert sa Silangan Asya.

Prairie – ang lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o deeply rooted
tall grasses. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Russia at Manchuria at maging sa
Mongolia. Ang mga taong naninirahan dito ay kadalasang pagpapastol at pag-aalaga
ng hayop ang ikinabubuhay.

Savanna – ito ay lupaing pinagsamang damuhan at kagubatan. Katulad ng praire ang


mga taong naninirahan dito ay kadalasang pagpapastol at pag-aalaga ng hayop ang
ikinabubuhay.
Boreal Forest o Taiga = (rocky mountainous terrain) – Cuniforous ang
kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na
maaaring nasa anyong yelo o ulan. Matatagpuan sa hilagang asya
particular sa Siberia.

Tundra o Treeless mountain tract – kakaunti ang halamang tumatakip at


halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Matatagpuan
sa bahagi ng Russia at sa Siberia, ang lupaing malapit sa Asctic Ocean ang
saklaw ng behetasyong ito.

Tropical Rain Forest – mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-


ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa
1750–2000 mm (68-78 pulgada). Ang monsoon trough, mas kilala bilang
intertropical convergence zone, ay may malaking papel na ginagampanan
sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.
MGA KLIMA

Klima – tumutukoy sa karaniwang panahon (average weather) na nararanasan ng


isang lugar sa koob ng mahabang panahon. Kinapapalooban ito ng mga elemento
tulad ng temperatura, ulan at hangin.
Panahon - tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa isang pook sa loob ng
nakatakdang oras.

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KLIMA


1. Lokasyon - siyang tumpak na kinaroroonan ng isang bagay o lugar
2. Topograpiya - nakatuon sa mga hugis at katangian ng mga ibabaw ng lupa.
3. Uri o dami ng halaman
4. Lapit o layo ng lugar sa mga Anyong Tubig
5. Paggalaw ng lupa
6. Pagputok ng Bulkan
7. Pag-ihip ng Monsoon

 Monsoon climate – nagmula sa salitang Arabic na “mausim” na


nangangahulugang “season” o “seasonal wind”. Mga hanging
nagtataglay ng ulan.

Dalawang Bahagi ng Monsoon Climate


1. South Asian Monsoon – ito ay nakaaapekto sa mga bansa sa
Indian Subcontinent.
2. East Asian Monsoon - ito ay nakakaapekto sa malaking
bahagi ng Timog-Silangang Asya. Kabilang ang Pilipinas
gayundin ang Silangang Asya.
 Southwest Monsoon/Habagat - Hanging nagmumula sa Timog
Kanluran na karaniwang nagpapaulan sa kanlurang bahagi ng bansa
na nararanasan mula sa Hunyo hanggang Oktubre.
 Hanging mula sa dagat patungo sa lupain
 Maaaring magpalakas ng bagyo
 Norteast Monsoon/ Amihan – Hanging nagmumula sa Hilagang
Silangan na nagpapaulan sa Silangangag bahagi ng bansa na ating
nararanasan kapag buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero.
 Hanging malamig, maginaw at nanunuyo sa balat.
MGA URI NG KLIMA SA ASYA

1. HILAGANG ASYA
Sentral Kontinental, mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na
buwan, maiksi ang tag-init, ngunit may ilang lugar na nagtataglay ng matabang
lupa.

2. KANLURANG ASYA
Hindi palagian ang klima, maaaaring magkaroon ng labis o katamtamang init o
lamig, bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng
rehiyon, kung umulan man, ito ay kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook
na malapit sa dagat.

3. TIMOG ASYA
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon, mahalumigmig kung Hunyo hanggang
Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, tag-init at
tagtuyot kung Marso hanggang Mayo, nanatiling malamig sa niyebe o yelo ang
Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon. Malamig at nababalutan naman ng yelo
ang ilang bahagi ng rehiyon.

4. SILANGANG ASYA
Monsoon Climate, dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa dito ay
nakakaranas ng iba’t ibang panahon, mainit na panahon para sa mga bansang
nasa mababang latitude.

5. SILANGANG ASYA
Tropical Climate, nakakaranas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
Habagat

You might also like