Sebastian, Venice - Memoir

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sebastian, Venice Lois S.

BPEA- 1A

Hindi naging madali para sa lahat ang mga pangyayari mula sa mga
nagdaang taon. Ang paraan ng aming pagkatuto ay nagkaroon din ng malaking
pagbabago na hindi inaasahan. Sa unang taon ko sa kolehiyo, ako ay natutuwa
dahil ako ay nakabuo ng mga kaibigan pati na rin ng mga alaala. Hindi lamang ito,
madami ding nagbago sa aking pananaw sa mga bagay, nagkaroon ako ng
kabukasan na masayang matuto ng iba’t- ibang bagay katulad nalang ng pag aaral
ng ating kasaysayan. Nuong ako’y nasa elementarya at highschool pa lamang, hindi
ko talaga gusto ang asignatura na may kaugnay sa kasaysayan dahil ako ay nalilito
sa mga pagkadami-daming pangalan at petsa, ngunit ng tumungtong ako ng
kolehiyo, nagkaroon ako ng kagustuhang matutuhan ito. Napansin ko na habang
ako ay tumatanda, nagkakaroon na ako ng pagpapahalaga sa mga bagay-bagay. Sa
aking palagay ang kagustuhan kong matuto ay dahil din sa paraan ng pagkatuto
ngayon at dahil mas naging pursigido akong makatapos. Sa maikling panahon ang
aking mga natutuhan ay dadalhin ko hanggang dulo. Malaking pasasalamat sa
gurong gumabay at naging instrumento ng aming pagkatuto. Narito ang aking
natutuhan sa ilang buwan na pag-aaral ng ating kasaysayan sa tulong ng aking
guro na si Ginoong Arjay Capitle.

Ang kasaysayan ay ang pag-aaral ng mga pangyayari mula sa nakalipas na


panahon. Sa salitang ugat na ‘’saysay’’, na ang ibig sabihin ay may sense o
katuturan. Kaya naman ang kahulugan ng kasaysayan ay ang mga kwento o
pangyayari na may kahalagahan at nagbibigay ng pagkakakilanlan. Ang history
naman ay nagmula sa salitang griyego na “historia” na ang ibig sabihin ay inquiry o
pagtatanong. Ang kasaysayan ay mayroong tinatawag na batis o source. Ang batis o
source ay mga impormasyong nakuha sa mga ispesipikong tao, ito ay mahalaga
dahil mapapatunayan kung ang isang tala ay tunay bang nangyari o hindi. Ang
batis ay mayroong dalawang (2) bahagi, Ito ay ang primaryang batis at
sekondaryang batis. Ang primaryang batis ay mga impormasyon galing sa mga
taong nakasaksi o malapit sa pangyayari. Ilan sa mga halimbawa ng primaryang
batis na nasusulat ay Liham, Talaarawan, Memoir, Ulat at iba pa. Ang halimbawa
ng primaryang batis na hindi nasusulat ay Larawan, Kasaysayang Oral, Relikya at
artipakto. Ang sekondaryang batis naman ay ang mga impormasyon na hindi
nagmula sa nakasaksi ng pangyayari, ngunit naglalahad lamang sila ng
impormasyon na may kaugnay sa primaryang batis. Ang halimbawa ng
sekondaryang batis ay kritisismo.
Si Ferdinand Magellan ay isang eksplorador na portuges, siya ay isang manlalayag
sa ilalim ng imperyo ng portugal. Ang unang paglalayag ni Magellan ay noon
Setyember 20, 1519. Dahil sa kanyang karanasan sa paglalakbay, Kinausap nya
ang hari ng portugal ngunit hindi siya pinaniwalaan nito. Kaya’t lumapit si
Magellan sa Espanya. Pinaniwalaan siya nito at pinondohan ang kanyang
paglalakbay kaya’t sinimulan na nila ang paglalakbay sa mundo. Ayon sa tala ni
Antonio Pigafetta, na naging katuwang ni Magellan sa paglalakbay, si Pigafetta ay
naghanap ng datos tungkol sa heograpiya, klima, hayop, at mamamayan.
Mahalaga ang mga detalyado niyang ulat. Sa Mactan sa Pilipinas, nasugatan si
Pigafetta sa labanang kumitil sa buhay ni Magellan. Nagpagalíng siya. at
napabilang sa 18 tao na nakabalik sa España sakay ng barkong Victoria. Ang mga
dokumento ay napakahalaga dahil dito naitala ang unang pag ikot ng tao sa
mundo. Ang mga ulat ni Pigafetta ay mahalaga sa Pilipinas dahil ang kanyang tala
ay detalyado at maayos ang paglalarawan.

Ang Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino ay ang


kasulatang binasa noong deklarasyon ng kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas hunyo
12, 1898 sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Cavite. Ito ay bahagi ng mahabang serye
ng mga pagpapahayag ng kasarinlan. Kabilang din dito ay ang listahan ng mga
hinaing laban sa pamahalaang kastila na umabtot pa sa pag dating ni Fernando
Magallanes. Ito ay isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista o Don Bosyong.
Pinagdiriwang natin ito sa saktong 134 taon ngayong araw. Nilalaman ng
proklamasyon ang pagmimithi ng kalayaan ng bansa mula sa kolonisasyon ng
España. Ito ay napakahalaga dahil ito ay bahagi ng planong wakasan ang
panankop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang Acta de la proclamación de
independencia del pueblo Filipino binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang
Kastila. Ang sulat na ito ay may lagda ng 98 na katao. Ngunit ang kasarinlan ng
Pilipinas ay naipatupad lamang noong agosto. Para saakin, ang sulat na iyon ay isa
sa mahahalagang bagay para saating mga pilipino. Ito ay naging instrumento
upang makamtan natin ang ating kalayaan. Kung tayo ay nagpatinag sa mga
Espanyol, siguradong hanggang ngayon ay nakakulong pa rin tayo sa kanilang
kapangyarihan. Kung wala ito, ay wala tayong ipinagdiriwang na selebrasyon
tuwang Hunyo 12, Maligayang araw ng kalayaan, Pilipinas.
Ang cadaquilaan ng Diyos ay isinulat ni Marcelo H. Del Pilar. Ito ay tumatukoy sa
mga magagandang ginawa ng Diyos para sa atin. Ayon sa kaniya, Hindi na
kailangang gumawa ng bagay bagay upang maranasan ang kabutihan ng Diyos.
Kung pipiliin nating maging mabuti, pipiliin din tayo ng Diyos na mabigyan ng
buhay ng walang hanggan. Ipinahiram ng Diyos sa atin ang mundong ating
ginagalawan. Mayroong siyang binigay upang tayo ay mabuhay ng masagana at
maayos at kung nakakalimutan natin ito, ipinaaalala niya na mayroon tayong
Diyos na walang tigil sa pagtulong saatin. Napakahusay ng Diyos sa kanyang
paglikha ng mundo. Bawat isa ay nagkaroon ng paraan para mabuhay sa tulong ng
araw, tubig, hangin at madami pang iba. Tayo ay binigyan ng Diyos ng mundong
napakaganda. Ngunit tayong mga tao ay hindi maingat sa pag- aalaga sa yaman ng
Diyos na ipinahiram sa atin. Kaya sinulat ni Del Pilar ito upang paalalahanan tayo
na lahat ay hirap lamang na dapat nating pag ingatan.

You might also like