Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL

2
PAGSASALING-WIKA:
SINING o AGHAM?

Panimulang Pagtataya:
A. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Sa iyong sariling pag-unawa, ano ba ang pagsasaling-wika: Ito ba ay sining o agham? Pangatwiranan.
 Sa aking pag-unawa sa pasasaling-wika ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas
sa ideyang nasa likod ng pananalita at pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na
katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay kahulugan, ikalawa ay estilo.
2. Ano ang pagsasaling-wika ayon sa iyong kaalaman o sariling pagpapakahulugan.
 Sa aking sariling pagpapakahulugan ay ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng
pagtangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika.
3. Mahalaga ba ang pagsasaling-wika? Ipaliwanag.
 Mahalaga ang pagsasaling-wika dahil ang hakbang na pagsasalin ng wika ay maituturing na
mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, mas nauunawaan ng mga tao ang isang bagay.
Halimbawa, kung ikaw ay hindi marunong umunawa ng salitang Japanese, makatutulong ma
mayroong saling wika upang maintindihan natin ang mga pahayag nila. Bukod dito, ang pagsasaling
wika rin ay daan upang umunlad ang isang wika. Mas madali at mabilis ang mga pananaliksik at
mananatiling buhay ang wika na siyang isinalin. Naipahahayag din ng mabuti ng isang tao ang
kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsasaling wika.
4. Alin ang higit na mahirap, ang gawain ng tagasaling-wika o ang gawain ng manunulat? Pangatwiranan
ang iyong sagot.
 Ang manunulat ay may kalayaang pumili ng salitang kanyang gagamitin sa kanyang pagpapahayag
ng nais niyang iparating sa kanyangmga mambabasa. Samantala, ang tagasaling-wika ay nakatali sa
kahulugan ng bawat salitang napili ng awtor. Tungkulin ng tagapagsalin naihatid niya sa mambabasa
ang diwang ibig ipahayag ng awtor sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga salita at estilo o
paraan ng pagpapahayag.

B. Panuto: Isalin sa ingles ang mga sumusunod na salita sa Filipino.

1. Maganda- Beautiful 6. Bahay- Life


2. Bulaklak- Flower 7. Silangan- East
3. Masaya - Happy 8. Silid- Room
4. Kulay- Color 9. Tahimik- Quiet
5. Malungkot- Sad 10. Hugis- Shape

C. Panuto: Isalin ang wikang Ingles sa salin nito sa Filipino.


1. Good morning! Magandang Umaga!
2. Thank you very much Maraming Salamat
3. How are you? Kamusta Ka?
4. What is your name? Ano ang iyong Pangalan?
5. What can I do for you? Ano ang maari kong gawin para sa iyo?
6. Till we meet again. Hanggang sa muli nating Pagkikita
7. I am pleased to see you. Natutuwa akong makita ka
8. I hope you remember me. Umaasa ako s aiyo na alalahanin mo ako
9. I’ll be going now. Pupunta ako ngayon
10. You are beautiful. Maganda ka.

D. Panuto: Tumbasan ang mga sumusunod salita/ parirala sa Filipino

1. Fable _____________Pabula ____________


2. Moral lesson __________Mabubuting Asal_______
3. Characters __________Mga Tauhan_________
4. Plot ____________Balangkas _________
5. Setting ___________Tagpo____________
6. Once upon a time _________ Noong unang panahon
7. In a faraway place ________Sa malayong lugar ____
8. The turtle went to the woods __Nagpunta ang pagong sa kakahuyan _
9. The main character is ___ Ang pangunahing tauhan ay______
10. Fable is a fiction ____ Ang pabula ay kathang-isip_____

Pagnilayan-Unawain-Suriin:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ibigay ang pagkakaiba ng sining at ng agham ayon kay Webster.
 Ang sining ay nakatuon samga bagay na estetiko, sa kagandahan na resulta ng malikhaing
imahinasyon. Habang ang Agham ay nakatuon sa sistematisasyon o pagsasaayos ng karunungan,
ng prinsipyo opamamaraan na resulta ngsistematikong proseso ngpamamasid, pag-aaral at
eksperimento.
2. Ano ang pagsasaling-wika ayon kay Nida? Ipaliwanag.
 Ayon kay Nida ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa
o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin.
3. Ano naman ang pagsasaling-wika ayon kay Savory? Ipaliwanag.
 Ayon kay Theodore Savory ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas
sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na mensahe.
4. Naniniwala ka ba sa sinabi ni Savory na ang gawain ng tagasaling-wika ay higit na mahirap kaysa gawain
ng manunulat? Pangatwiranan ang iyong sagot.
 Oo, dahil ang manunulat ay may kalayaang pumili ng salitang kanyang gagamitin sa kanyang
pagpapahayag ng nais niyang iparating sa kanyangmga mambabasa. Samantala, ang tagasaling-
wika ay nakatali sa kahulugan ng bawat salitang napili ng awtor. Tungkulin ng tagapagsalin naihatid
niya sa mambabasa ang diwang ibig ipahayag ng awtor sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na
mga salita at estilo o paraan ng pagpapahayag.
5. Kung ikaw ay tatanungin muli mula sa tinalakay na paksa, ano sa iyong palagay ang pagsasaling-wika —
isa ba itong sining o isang agham? Pangatwiranan ang iyong sagot.
 Kung ako ang tatanungin ang pagsasaling wika ay maaaring agham at maaari ring sining dahil ito ay
parehong nangangailangan ng skills o kasanayan. Ang siningay nakatuon sa mga bagay na estetiko,
sa kagandahan na resulta ng malikhaing imahinasyon, samantalang ang agham ay nakatuon sa
sistematisasyon o pagaayos ng karunungan, ng prinsipyo o pamamaraan na resulta ng sistematikong
proseso ng pagmamasid, pag-aaral at eksperimentasyo.
Ilipat-Punan-Isulat:
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat patlang.

1. Ang _ sining __ay nakatuon sa mga bagay na estetiko o sa kagandahan na resulta ng malikhaing
imahinasyon.
2. Samantala, ang _ agham__ naman ay nakatuon sa sistematisasyon o pamamaraan na resulta ng
sistematikong proseso ng pagmamasid, pag-aaral at eksperimentasyon.
3. Sinulat ni _ Eugene A. Nida _ ang Toward a Science of Translating.
4. Sinulat naman ni __Theodore Savory ang The Art ofTranslation.
5. -6. Ayon kay Nida, kung ang linggwistika ay mauuring palarawang agham (descriptive science), ang
paglilipat ng mensahe mula sa isang wikang tungo sa ibang wika ay maaari ring ituring na isang _ syentipiko o
makaagham _na paglalarawan.
7. Inihalintulad ni Savory sa sining ng siyang sining, nangangahulugan lamang na ito'y walang pinipiling
panahon ang pagsasaling-wika upang patunayan na ito'y isa ring sining.
8. Sinabi niya (ni Savory) na sa pagpipinta, ang maling kulay o maling laki ng isang guhit ay katumbas ng
isang maling _ salita __ sa pagsasaling-wika.
9. Ang salin ng mga literatura sa _ sa agham_ at iba pang paksang teknikal ay maihahambing sa mga
larawang kuha ng isang litratista.
10. Sa mga salin ng mga literaturang pang-agham, ang mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o diwa at
hindi ang __ estilo__ ng awtor.

11. Ang isång tagapagsalin ay hindi napapansin; laging nakukubli sa anino ng_awtor, hindi napapansin.

12. Ang dahilan ay ang maling paniniwala na isinalin lamang niya sa ibang wika ang nilikha ng _tagapagsalin.

Tayahin:Isulat Mo!:
Magsaliksik sa internet. Sangguniin ang iba pang babasahin o source sa pagsasaling-wika na tumatalakay sa
paksang sining o agham ang pagsasaling-wika. Pagkatapos ay sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa
iyong sariling paniniwala. Gamitin ang iyong mga nasaliksik sa iyong talakay. Maaaring ganito ang maging
pamagat ng iyong sanaysay: ANG PAGSASALING-WIKA BILANG ISANG (sining o agham
Pagsasaling-wika: Sining o Agham

Alin ang na una, ang manok ba o ang itlog? Ang katanungan na ‘yan ay matagal nang pinagtatalunan at
pinagdedebatehan ng ilan sa mga naniniwala sa siyensya o sateyoryang ebolusyon ni Charles Darwin at ang ilan naman sa
mga buong pusong naniniwala na mayroong paglalang na ginawa ang Diyos at ito ay nakasulat sa bibliya.Ang pagsagut sa
tanong na iyan ay walang ipinagkaiba sa pagsagut sa katanungang kung ano ang pagsasaling-wika, sining ba o agham-
parehong may katwiran. Ang pagbibigay ng kasagutansa ganoong uring katanunganay naka depende lamang sa kung alin
ang higit na binibigyang-diin sa dalawang magkaibang paninindigan base sa kani-kaniyang paniniwala o pinaniniwalaan.
Bigyan natin ng pansin ang tanong na ano ang pagsasaling-wika, sining ba o agham?ayun kay G. Virgilio S. Almario
sa kanyang aklat na Batayang Pagsasalin, ang pangunahing kasangkapan sa gawaing pagsasalin ika niya ay ang wika. Ito
ay walang ipinagkaiba sa gawaing pampanitikan na wika din ang siyang pangunahing kasangkapan,subalit sa isang pagtanaw
ay di hamak na mas mahirap ang pagsasalin kaysa sa gawaing pampanitikan, dahil ang tagasalin ay kailangang
magpakadalubhasa sa dalawang wika sa ordinaryong sitwasyon. Winika nga ni John Dryden na ang sinumang nais na
magsalin ng isang tula ay kailang “bukodsa isang henyo sa naturang sining ay (kailangang)dalubhasa kapuwa sa wika ng
kaniyang awtor at sa kaniyang sarili.Atin nang nabatin sa umpisa pa lamang ang kahalagahan ng wika sa parehong
gawain –pampanitikan at pagsasalin.Hindi din lingid sa ating kaalaman na ang pagsasaling wika ay hindi madaling gawain na
gaya ng pampanitikan.
Sa aklat ni G. Alfonso O. Santiago na Sining ng Pagsasaling-wikaSa Filipino mula sa Ingles ay binanggit at kinilingan
ang paniniwala ni G. Theodore Savoryna ang pagsasalin ay isang sining. Ito ay hindi maipagkakaila sa pamagat mismo ng
kanyang aklat na Sining ng Pagsasaling-wika. Ayun kay G. Santiago, ang pagsasalin bilang sining ay hindi madaling gawain at
ang may sapat na karanasan lamang sa pagsasaling-wika ang makapagsasabing ito ay hindi biru-birong gawain. Ayun din
naman kay Savory, “the translator’s task is much harder than that of the original author.” Batay sa kanya, ang isang manunulat
ay may lubos namaykalayaang pumili ng mga salitang gagamitin upang ipahayag ang diwang ibig niyang isatitik.
Samantala, ang isang tagapagsalin ay masasabing “nakatali” sa kahulugan ng bawatsalitang napili ng awtor. Kailangang
maging maingat ang tagapagsalin sa pagbibigay ng katumbas na salitang magiging angkop o kung hindi man ay magiging
malapit na malapit ang kahulugan pagkatapos timbang-timbangin at muni-muniin ang tunay na ibig ipahayag ng awtor. Talaga
namang mayroong katuturan ang pahayang ni Savory patungkol sa gawaing pagsasalin. Hindi natin maipagkakailang tunay
ngang ito ay isang napaka komplekadong gawain subalit paano niya nasabing ito ay isang sining? Paano naging sining
ang isang gawaing tinatawag nilang hindi madali? Paano nila nasabing ang isang gawain ay hindi madali sapagkat maraming
mga bagay ang kailangang isaalang-alang kagaya na lamang ng angkop na ibig ipagkakahulugan ng awtor? Hindi ba’t ang
gawaing iyan ay isang halimba ng agham?
Ayun mismo kay G. Santiago sa kanyang aklat na nabanggit, ang agham ay nakatuon sa sistematisasyon o
pagsasaayos ng karunungan, ng prinsipyo o pamamaraan na resulta ng sistematikong proseso ng pagmamasid, pag-aaral at
ekperimentasyon. Ang sining naman ay nakatuon sa mga bagay sa estetiko, sa kagandahan na resulta ng malikhaing
imahinasyon. Sa mga pagkakahulugan ni G. Santiago, alin ang mas naglalarawan sa kaniyang paniniwala? Mayroon bang
binanggit si G. Santiago na ang pagsasalin ay resulta ng malikhaing imahinasyon batay sa kanyang pagpapakahulugan sa
salitang sining? Hindi ba’t ang kanyang paniniwala ay nakatuon sa pagiging komplikado ng gawaing pagsasalin at kinakailang
ang masusing pagtitimbang ng mga salita kung kaya’t ang pagsasalin ay nangangailangan ng karunungan o ng pang-unawa sa
akda at ito ay kailangang dumaan sa isang proseso at masusing pag-aaral.
Ang pagsasalin ay isang agham. Ipinaliwanag ni G. Eugene A. Nida na kapag pinag-usapan natin ang agham ng
pagsasaling-wika o science of translation, hindi natin maiiwasang mapasuong sa aspeto ng paglalarawan. Kung ang
linggwistika, aniya ay mauuring “descriptive science,” ang paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay
maari ring ituring na isang syentipiko o makaaghan na paglalarawan. Ang linggwistikaat ang paglilipat ng mensahe gaya ng
nabanggit na sa naunang saknong ay parehong wika ang siyang pangunahing kasangkapan kaya hindi din nakapagtataka na
kung ang linggwistika ay isang syentipiko o makaagham ay gayun din ang pagsasaling-wika. Ipinaliwanag pa ni G. Nidana ang
isang taong nagpipilit na ang pagsasaling-wika ay isang sining at wala nang iba pa ay maaaring nagiging paimbabaw lamang
ang kanyang pagsusuri sa kanyang ginagawa. Hindi siya lumalalim nang husto upang malimi niya ang mga makaagham na
aspeto ng pagsasalin na kalimitang nakatago sa ilalim ng lantad na mga simulain at prinsipyo. Gayunpaman, tinanggap din
niya ang katotohanan na ang isang taong yumayakap naman sa paniniwalang an pagsasaling-wika ay isang agham at wala
nang iba ay hindi marahil napag-aralan nang husto ang kaniyang ginagawa upang mapahalagahan ang makasining na aspeto
ng pagsasalin -isang di dapat mawalang sangkap sa isang mabuting salin, lalo na sa mga obrang pampanitikan.
Ang pagsasaling-wika, sining man o agham ay parehong nangangailangan ng “skill” o ng kahusayan. Ano man ang
ating pinaniniwalaan, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbibigaynatin ng kahalagahan sa gawaing pagsasaling-wika.

You might also like