Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 46

KAHANDAAN NG MGA MAG-AARAL NA NASA IKALAWANG TAON

SA PAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO SA THE NATIONAL


TEACHERS COLLEGE AT POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE
PHILIPPINES: ISANG PAHAMBING NA PAGSUSURI

Isang Pamanahong-Papel na Ihinarap sa Kaguruan ng


Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon,
The National Teachers College

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan


ng Asignaturang Major 18, Introduksyon
sa Pananaliksik

ni
Delos Santos, John Paolo M.

Oktubre, 2015
1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Ang pagkuha ng kursong pagpapakadalubhasaan sa kolehiyo ay

isang bagay na nararapat lamang na pag-isipan. Katulad ng mga mag-

aaral na kumukuha ng kursong edukasyon, mahalagang pakaisipin

nilang mabuti kung sa anong asignatura sila magpapakabihasa.

Isa sa mga asignaturang pinagpapakadalubhasaan ng mga mag-

aaral na kumukuha ng kursong edukasyon ay ang Filipino. Maraming

nagsasabi na sa tuwing naririnig nila ang asignaturang Filipino, iniisip

nila na madali lamang iyon subalit ayon din sa kanila mahirap na ito

kung pag-aaralan na. Kung kaya’t maraming tao ang nagbibiro na

katulad ng asignaturang Matematika at Ingles, ang asignaturang Filipino

ay nakapagpapasakit ng ulo at nakapagpapadugo rin daw ng ilong.

Maraming itinuro at ipinayo si Prop. Patrocinio V. Villafuerte

tungkol sa Filipino nang siya ay maging ispiker sa isang palihan sa NTC

(Agosto 1, 2015). Halos lahat ng kanyang mga payo ay para sa mag-

aaral na kumukuha ng kursong BSEd o BSE-Filipino. Ayon sa kanya,

hindi dapat ikahiyang sabihin ng isang mag-aaral na siya ay

nagpapakadalubhasa sa Filipino. Sa oras na tanungin siya kung anong


2

asignatura ang kanyang pinagpapakadalubhasaan, taas-noo niya dapat

sabihing siya ay nagpapakadalubhasa sa Filipino, sabay tanong ng bakit.

May mga sinabi rin si Prop. Rolando A. Bernales sa isang klase

niya ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino tungkol sa

mga mag-aaral na kumukuha ng kursong BSEd o BSE-Filipino (Hulyo,

2015). Ayon sa kanya, kaunti na lamang ang bilang ng mga mag-aaral

na pinipiling magpakadalubhasa sa Filipino at mas kaunti na lamang sa

mga ito ang matitino. Maaaring nasabi niya ito dahil hindi lingid sa

kanyang kaalaman na maraming mag-aaral na kumukuha ng kursong

BSEd o BSE- Filipino nang walang sapat na kahandaan.

Ayon sa Law of Readiness ni Thorndike (sa Lucas at Corpuz,

2013), higit na makabubuti sa isang tao kung handa siya sa kanyang

gagawin. Hindi maganda ang kalalabasan ng isang bagay kung ito ay

hindi pinaghahandaan. Katulad ng isang mag-aaral, nararapat lamang

na maging handa siya sa mga bagay na magdudulot sa kanya ng

pagkatuto.

Kailangang malaman ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa

sa Filipino na hindi magiging madali ang kanilang mga pagdaraanan

kaya mabuting maging handa na sila sa simula pa lamang. Dapat pa

ngang maging masigasig sa pag-aaral at magkaroon ng kagalakan ang

mga nabanggit na mag-aaral sapagkat ang asignatura na kanilang


3

napiling pag-aralan ay may malaking kaugnayan sa lahi na kanilang

kinabibilangan. Higit sa lahat, dapat silang maging masigasig sa pag-

aaral dahil ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral ng

asignaturang yaon ay ang wika na kanilang kinagisnan, ang wikang

Filipino.

Sa maikling salita, hindi lamang dapat ipagmalaki ng isang mag-

aaral na siya ay nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nararapat lang din na

magkaroon siya ng kahandaan sa pagpapakabihasa sa nasabing

asignatura dahil ang paghahandang yaon ang maghahatid sa kanya sa

matagumpay at mabungang pagkatuto ng asignaturang Filipino.

2. Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa Law of Readiness ni Edward L.

Thorndike (sa Altar, 2014). Sinasabi ni Thorndike na ang pagkatuto ay

mararanasan nang walang kahirap-hirap kung may kahandaan ang

isang mag-aaral.

Ang bawat indibidwal ay lubos na matututo kung sila ay

nakahanda para rito, at hindi sila matututo kung hindi nila nakikita ang

magandang dahilan o rason na maaaring idulot ng mga bagay na ituturo

sa kanila. Kung ang mga mag-aaral ay may malinaw na layunin sa

pagkatuto, mas yayabong ang kanilang kaalaman sa pag-aaral ng isang


4

bagay. Kung ang mga mag-aaral ay handa ring matuto, higit silang

kakikitaan ng interes sa paglahok sa iba’t ibang gawain sa klase

(http://www.drillpad.net/DP_IRL_Laws.htm).

Ayon naman kina Mayos, et al., (2008), ang pagkatuto ay lalong

epektibo kung ang indibidwal ay handa nang matuto at kung may

hangaring matuto. Kung nakikita ng guro na tila hindi pa handa ang mga

mag-aaral para sa lalo nilang pag-unlad. Kung nakikita ng guro na tila

hindi pa handa ang mga mag-aaral at sila ay hindi pa makagaganap sa

mga gawain, nararapat lamang na ang guro ay magbigay ng pansin at

magsikap na ganyakin ang mga mag-aaral.

Makikita naman sa pigura sa susunod na pahina ang

pagkakasunod-sunod ng mga bagay na aalamin at isasagawa ng

mananaliksik sa pamamagitan ng pamanahong-papel o pag-aaral na ito.


5

Pigura 1

Paradigma ng Pag-aaral

Mga Mag-aaral na Nasa Ikalawang Taon sa

Pagpapakadalubhasa sa Filipino

The National Teachers Polytechnic University of

College the Philippines

Kahandaan sa Pag-aaral

Pahambing na Pagsusuri

Unang hahanapin ng mananaliksik ang iba pang mga datos o

impormasyon na may kaugnayan sa kahandaan ng isang mag-aaral sa

pag-aaral. Ganoon din ang mga datos o impormasyon tungkol sa pag-

aaral ng asignaturang Filipino. Ang susunod ay ang pag-alam sa kung

gaano kahanda ang mga mag-aaral na nasa ikalawang taon ng pagkuha

ng kursong BSEd o BSE-Filipino sa The National Teachers College at


6

Polytechnic University of the Philippines. Pagkatapos, paghahambingin

at susuriin ng mananaliksik ang mga datos o impormasyon na nakuha

mula sa dalawang paaralang nabanggit.

3. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman at

mapaghambing ang kahandaan ng mga mag-aaral na nasa ikalawang

taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa The National Teachers

College at Polytechnic University of the Philippines.

Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak o ispesipik

na katanungan:

1. Ayon sa kanilang pansariling asesment, ano ang antas ng

kahandaan ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino sa The National Teachers

College?

2. Ano ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral na nasa

ikalawang taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa

Polytechnic University of the Philippines?

3. May pagkakaiba ba ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral

na nasa ikalawang taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa


7

The National Teachers College at Polytechnic University of the

Philippines?

4. Ano-anong mga programa ang maimumungkahi upang

malinang ang kahandaan ng mga mag-aaral sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino?

4. Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na

ito.

Ang pananaliksik na ito ay mapakikinabangan ng mga puno ng

Departamento ng Filipino, hindi lamang sa NTC at PUP kung hindi pati

na rin ng iba pang pamantasan o kolehiyo na may kursong BSEd o BSE-

Filipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mapagtatanto at maiisip

ng mga puno ng Departamento ng Filipino na mahalagang malaman

kung gaano kahanda ang mga mag-aaral sa pagpapakadalubhasa sa

Filipino. Maaari nilang maging batayan ang mga datos o impormasyon

na matutuklasan sa pag-aaral na ito sa pag-iisip ng mga bagay o

programa na magdudulot ng ganap na kahandaan sa mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay maaari ring pakinabangan ng mga

gurong nagtuturo ng Filipino sa mga pamantasan o kolehiyo kung saan

maaaring kumuha ng kursong nagpapakadalubhasa sa Filipino. Sa


8

pamamagitan nito, maaalala nilang kailangang maibalweyt ang kanilang

pagtuturo sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino, kung

ito ba ay epektibo o nakatutulong sa pagpapataas ng kahandaan ng

mga naturang mag-aaral.

Higit sa lahat, naniniwala ang mga mananaliksik na ang lubos na

makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa o magpapakadalubhasa pa lamang sa Filipino.

Dahil sa pamamagitan ng mga datos o impormasyon mula sa pag-aaral

na ito ay lalong mapagaganda at mapabubuti ang mga asignatura at

programa na makatutulong sa kanila upang magkaroon ng ganap na

kahandaan sa pagpapakabihasa sa Filipino.

5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pahambing na pagsusuri ng

kahandaan ng mga mag-aaral sa dalawang paaralan sa pag-aaral ng

Filipino bilang isang asignaturang pagpapakadalubhasaan. Saklaw nito

ang pahambing na pagsusuri sa mga bagay na malaki ang papel na

ginampanan sa pagkakaroon ng kahandaan sa pag-aaral ng Filipino.

Saklaw rin ng pag-aaral na ito ang pahambing na pagsusuri sa

kahandaan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kaalaman at

karanasan nila sa pag-aaaral ng dalawang sangay o bahagi ng Filipino,


9

ang wika at panitikan. Ang kanilang kahandaan ay susukatin ayon sa

kanilang pansariling asesment.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa dalawang paaralan para sa

mga nais maging guro sa Filipino sa hinaharap, ang The National

Teachers College at Polytechnic University of the Philippines na kapwa

mayroong kursong BSEd o BSE-Filipino. Lalo pang nilimitahan ang pag-

aaral na ito sa pamamagitan ng pagpili ng mga respondenteng nasa

ikalawang taon, sa unang semestre ng taong akademiko 2015-2016.

6. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa layunin ng konbensyon at ganap na pag-unawa, ang mga

sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng kaukulang operasyunal na

depinisyon, kung gayon, batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa

pamanahong-papel na ito:

Ang akronim na BSE-Filipino ay tumutukoy sa Bachelor of

Secondary Education major in Filipino o Batsilyer ng Pansekondaryang

Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino, isa sa kursong maaaring

makuha sa Polytechnic University of the Philippines.

Ang akronim na BSEd-Filipino ay tumutukoy sa Bachelor of

Secondary Education major in Filipino o Batsilyer ng Pansekondaryang


10

Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino, isa sa kursong maaaring

makuha sa The National Teachers College.

Ang Filipino ay tumutukoy sa isang asignaturang maaaring

pagpakadalubhasaan ng mga kumukuha ng kursong edukasyon.

Ang kahandaan sa pag-aaral ay tumutukoy o naglalarawan sa

isang mag-aaral na kayang matutunan at mapagtagumpayan ang isang

gawaing pang-akademiko na kanyang pinasok.

Ang NTC ay akronim ng National Teachers College o The National

Teachers College, isa sa mga kilalang institusyon pagdating sa dami ng

bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon.

Ang pagpapakabihasa ay tumutukoy sa mga gawaing ginagawa

ng isang tao upang lubos niyang matutuhan, maisaisip at maisabuhay

ang mga impormasyon at kasanayang may kaugnayan sa isang bagay

na kanyang pinag-aaralan.

Ang pagpapakadalubhasa ay isa pang katawagan sa mga

paraang ginagawa ng isang tao upang lubos na matutunan ang isang

bagay.

Ang panitikan ay tumutukoy sa isa pang sangay o bahagi ng

asignaturang Filipino na kailangan ding lubos na pag-aralan ng mga

mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ilan sa mga aralin


11

nakapaloob dito ay ang pagbasa, pagsusuri at pagpapahalaga sa iba’t

ibang akdang pampanitikan tulad ng tula, maikling kwento o katha,

nobela at iba pa.

Ang PUP ay akronim ng Polytechnic University of the Philippines,

ang pinakamalaking state university sa Pilipinas, kilala rin ito bilang

isang unibersidad na mayroong pinakamababang matrikula.

Ang seminar ay isang programang nagbibigay ng lektyur tungkol

sa isang mahalagang paksa. Makakakita rito ng mga pormal na

diskusyon o palitan ng mga impormasyon sa pagitan ng ispiker o

tagapagsalita at ng mga mag-aaral o tagapakinig

(http://www.merriam-webster.com/dictionary/seminar).

Ang training o pagsasanay ay isang programa na humahasa,

gumagabay at dumidisiplina sa isang tao o mag-aaral upang maging

mahusay o eksperto sa isang bagay sa pamamagitan ng iba’t ibang

gawain. Ito rin ay isang proseso ng pagtuturo ng mga kasanayang

kailangang matutunan sa isang propesyon o trabaho.

(http://www.merriam-webster.com/dictionary/training).

Ang wika ay tumutukoy sa isang sangay o bahagi ng asignaturang

Filipino. Isa ito sa pinag-aaralan ng mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ilan sa mga aralin na nakapaloob dito


12

ay ang ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o palabuuan, sintaksis o

palaugnayan, mga bahagi ng pananalita at iba pa.

Ang workshop ay isang programang makatutulong din sa

pagpapataas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa kursong kanilang

kinukuha. Sa programang ito, pinagtutuunan ang aktwal na pagtuturo

at pagpapakita ng mga pamamaraan, kasanayan at kilos o gawi na

dapat taglayin ng isang tao o mag-aaral sa isang larangan

(http://www.merriam-webster.com/dictionary/workshop).
13

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Maraming aklat ang naisulat hinggil sa asignaturang Filipino,

subalit karamihan sa mga ito ay mga sanayang-aklat. Iilan lamang ang

mga aklat na naglalaman ng mga datos o impormasyon na

nagpapatungkol sa Filipino bilang isang asignaturang maaaring

pagpakadalubhasaan ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong

edukasyon. Halos lahat ng mga aklat sa asignaturang Filipino ay

naglalaman ng mga araling tinatalakay sa asignaturang ito, at kakaunti

lamang sa mga ito ang nakapokus sa mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa Filipino.

1. Kaugnay na Literatura

Matatandaang nabanggit ng mananaliksik sa simula ng pag-aaral

na ito ang tungkol sa dalawang sangay o bahagi ng asignaturang Filipino

na pinag-aaralan ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rito, ang

wika at panitikan. Isa sa mangilan-ngilang akda na nagbanggit ng mga

kataga tungkol sa pag-aaral ng wika ng mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino ay ang akda nina

Tanawan, et al., (2007). Sinabi nila na napakainam na madebelop ang


14

kakayahan at kaalaman sa wikang Filipino ng isang indibidwal lalo pa’t

ito ang kanyang pinagpapakadalubhasaan.

Isa naman sa mga akdang may mga binitiwang salita tungkol sa

pag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral na may kursong BSE o BSEd-

Filipino ay ang akda nina Arrogante, et al., (2007). Ayon sa kanila, ang

pag-aaral ng panitikan ay hindi gawang isusubo lamang at ngunguyain

din lamang ng sinusubuan. Ito’y dapat araling dibdiban. Tiyaga, hilig,

wili at kusa ang dito’y kailangan.

Sinasabi ng dalawang naunang talata na tunay na mahalaga para

sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ang lubos na

kaalaman at karanasan sa pag-aaral ng wika at panitikan. Ang mga

bagay na ito ay makaaapekto nang lubos sa pagiging handa nila sa pag-

aaral ng Filipino.

Ayon naman sa artikulong isinulat ni Bernales (2014) sa

pahayagan ng NTC, nakita niya ang pagkauhaw sa kaalaman ng mga

mag-aaral sa larangan ng edukasyon kasama na ang mga major sa

Filipino. Nabanggit niya rin ang tungkol sa pagkamangha ng mga

nabanggit na grupo ng mga mag-aaral sa progresibong pagtuturo ng

Filipino.

Nabanggit din ni Bernales (2014) na isa pa sa mga dahilan kung

bakit nakadarama siya ng kasiyahan sa pagtuturo ng Filipino sa NTC


15

dahil suportib ang kanyang mga kapwa guro ng asignaturang Filipino sa

kolehiyong ito. Ang impormasyon na nabanggit ay isinama ng

mananaliksik sa pag-aaral na ito dahil bukod sa pagkauhaw sa

kaalaman, isa pa sa mga salik na maaaring makaapekto sa antas ng

kahandaan ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ay

ang kanilang mga naging guro at kasalukuyang guro sa asignaturang

ito. Ito ay dahil kung suportib at mahusay magturo ng asignaturang

Filipino ang kanilang mga guro, malaki ang posibilidad na mataas ang

antas ng kanilang kahandaan sa pagpapakabihasa sa nabanggit na

asignatura.

Pinatutunayan ito sa akda ni Badayos (2008). Ayon sa kanya,

malaki ang pananagutan ng guro sa isang matagumpay na pagtuturo at

pagkatuto ng wika. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na

kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay maaaring maging sanhi ng

pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa pag-

aaral ng wika.

Dagdag naman nina Mayos, et al., (2008), ang kalidad ng

pagkatuto ng isang mag-aaral ay impluwensya mismo ng kanyang mga

karanasang inihahandog ng kanyang paligid. Anupa’t lalong napabibilis

ang kanyang pagkatuto kapag nadaramang makabuluhan ang aralin at

ang nadarama ang magpapakilos sa kanya upang tumugon. Kung lubos

na pinagtuunan ng pansin ng isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa


16

sa Filipino ang mga aralin dito, at kung naging suportib at mahusay ang

kanilang mga guro, sa asignaturang ito ay mas magiging handa sila sa

pag-aaral ng Filipino.

2. Kaugnay na Pag-aaral

Ang pagiging handa ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa

sa Filipino ay hindi lamang masusukat sa kanilang kakayahan sa pag-

unawa ng mga aralin sa wika. Ito ay masusukat din sa pamamagitan ng

kanilang kakayahan sa pag-unawa ng panitikang Filipino.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Isip (1997), sinukat niya ang antas

ng kakayahan sa pag-unawa ng panitikang Filipino ng mga mag-aaral

sa unang taon ng Institute of Arts and Sciences sa Far Eastern

University. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng

pamaraang normative-survey method o pampamantayang sarbey na

nagsasaalang-alang ng mga batayan o saligan ng pagsusuri. Ang

nasabing paraan ay tumutukoy lamang sa mga kalagayang tumitiyak sa

mga bagay-bagay na namamayani sa isang pangkat. Natuklasan sa

pag-aaral na ito na isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang antas ng

pag-unawa ng isang mag-aaral sa pag-unawa ng panitikang Filpino ay

dahil sa mga malalalim na salita. Napagtanto ng mananaliksik ng pag-

aaral na ito na kailangan ng mga mag-aaral ng Filipino na maging


17

pamilyar sa kahulugan ng mga malalalim na salita na ginagamit sa

pagtalakay at pag-aaral nito.

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni Furio (2005), sinubukan

niyang tuklasin ang iba’t ibang salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral

ng La Consolacion College, Manila sa mga asignaturang Ingles,

Matematika at Syensya. Sa pamamagitan ng pamaraang deskriptib-

korelasyonal, nalaman ni Furio na ang mga pangunahing salik na

nakaaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa mga nabanggit na

asignatura ay ang personalidad ng guro, mga pamamaraan ng

pagtuturo, mga gawain at mga pasilidad ng paaralang pinapasukan.

Ang dalawang nabanggit na pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang

pagkakaroon ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ng

mataas na kakayahan sa pag-unawa ng panitikan at mga salik sa

pagkatuto ng isang asignatura ay mahalaga upang maihanda sila sa

anomang gagawing pag-aaral.

May mga pag-aaral din na tumatalakay sa kahandaan ng mga

mag-aaral sa pag-aaral ng isang asignatura, at karamihan sa mga ito

ay nagpapatungkol sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng

asignaturang Matematika. Ito ang paksa ng mga susunod na pag-aaral

na babanggitin ng mananaliksik.
18

Sa pag-aaral na isinagawa ni Altar (2014), nilayon niyang

malaman ang kahandaan ng tatlong daan at limang respondente o mag-

aaral na nasa baitang pito sa New Ormoc City National High School sa

pagkatuto ng Matematika sa baitang walo. Sa pamamagitan ng

pamamaraang deskriptib na metodo, inalam ang kahandaan ng

nabanggit na grupo ng mga mag-aaral at natuklasang mas handa sila

sa sangay o bahagi ng Matematika na tinatawag na Geometry, Numbers

and Numbers Sense at Algebra kaysa Measurement. Bilang

kongklusyon, nalamang hindi pa handa ang mga mag-aaral na nasa

baitang pito sa Matematika sa baitang walo kung kaya’t iminungkahi ni

Altar na bumuo ng mga asignatura at programa na makatutulong sa

paghahanda ng mga mag-aaral sa pagkuha ng Matematika sa baitang

walo.

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni Momo (2013), tinangka

niyang alamin ang kahandaan ng mga mag-aaral ng PNU na nasa

ikatlong taon sa pagpapakadalubhasa sa Matematika sa pagkuha ng

asignaturang Calculus. Sa pamamagitan ng deskriptib na metodo o

pamamaraan, natuklasan niyang marami sa mga respondente ang

nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral ng Analytic Geometry at

Trigonometry na parehong may malaking kaugnayan sa mga aralin sa

Calculus. Natuklasan naman na mas handa ang mga nabanggit na mag-

aaral sa mga aralin sa Calculus na may kaugnayan sa Algebra. Bilang


19

kongklusyon ni Momo (2013), nadiskubre niyang mas marami sa

respondente ang hindi pa handa sa pagkuha ng asignaturang Calculus,

at ang pagbibigay ng mga paunang pagsusulit sa mga

nagpapakadalubhasa sa Matematika ay lubos na makatutulong upang

malaman ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral dito.

Ang isa pang pag-aaral na nahanap ng mananaliksik para sa pag-

aaral na ito ay tungkol pa rin sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pag-

aaral ng asignaturang Matematika. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ni

Lim (1999). Layon ng kanyang pag-aaral na masukat ang kahandaan sa

unang asignaturang Matematika sa hayskul ng mga mag-aaral na nasa

unang taon sa Mataas na Paaralan ng Manuel A. Roxas, lungsod ng

Maynila. Katulad ng dalawang naunang mananaliksik na nagsagawa ng

pag-aaral tungkol sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng

Matematika, ang mananaliksik ng pag-aaral na ito ay gumamit din ng

deskriptib na metodo. Natuklasan niyang karamihan sa mga

respondente ay nasa antas ng hindi kasiya-siyang kahandaan sa pag-

aaral ng unang Matematika sa hayskul.

Binanggit din ni Lim (1999) na nararapat lamang na gumawa ng

mga programa o iba pang asignatura na maaaring makatulong sa

pagpapataas ng antas ng kahandaan ng mga mag-aaral na nasa unang

taon sa Mataas na Paaralan ng Manuel A. Roxas sa pagkuha ng unang

Matematika sa hayskul.
20

Mapapansin na kakaunti lamang ang mga literatura na nakatuon

sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Mapapansin din

na wala pang pag-aaral hinggil sa kahandaan ng mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino. Bagamat ang nakuhang

mga kaugnay na pag-aaral ng mananaliksik ay tungkol sa kahandaan

ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Matematika,

masasabing malaking tulong pa rin ang mga ito sa pagsasagawa ng

pananaliksik na ito. Ito ay dahil pareho namang asignatura ang

dalawang nabanggit, at lahat ng asignatura ay mas nagiging

magkaugnay pagdating sa pangangailangan ng pag-alam ng kahandaan

ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga ito. Sa madaling salita, ang pag-

aaral na ito ay isang panimula na maaaring tularan, sundan o

ipagpatuloy ng iba pang mananaliksik.


21

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

deskriptib-komparatib. Tinangkang ilarawan, paghambingin at suriin sa

pag-aaral na ito ang kahandaan sa pagpapakadalubhasa sa Filipino ng

mga respondente. Bilang isang palarawan at mapanuring pananaliksik,

inalam din dito ang mga bagay na maaaring makaimpluwensya sa antas

ng kahandaan ng dalawang grupo ng mga mag-aaral. Ang mga bagay

na yaon ay pinaghambing at sinuri ng mananaliksik upang malaman ang

antas ng kahandaan ng mga respondente.

2. Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-

aaral na nasa ikalawang taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa The

National Teachers College at Polytechnic University of the Philippines sa

unang semestre ng taong akademiko 2015-2016.

Sa kasalukuyan, parehong may isang (1) pangkat ng mga mag-

aaral na nasa ikalawang taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa


22

dalawang nasabing paaralan. Ang bilang naman ng mga mag-aaral na

binigyan ng sarbey-kwestyoneyr ay ibinatay sa kung gaano karaming

mag-aaral ang nagpapakadalubhasa sa Filipino sa mga paaralang yaon.

Pansinin ang kasunod na talahanayan:

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondenteng

Nagpapakadalubhasa sa Filipino sa NTC at PUP

NTC PUP

Babae 29 31

Lalake 11 14

Kabuuang Dami 40 45

Pinili ng mananaliksik ang mga respondente na nasa ikalawang

taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sapagkat sa taong ito ay

nakatakda silang kumuha ng tinatawag na major subjects ng

asignaturang kanilang pinagpapakadalubhasaan.


23

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng

pagsasarbey. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-

kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang

mapaghambing at masuri ang kahandaan ng mga respondente sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang

mananaliksik sa iba’t ibang hanguang aklat, pahayagan, tisis, at

pamanahong-papel. Kumuha o nangalap din ang mananaliksik ng ilang

impormasyon sa palihan, lektyur at internet.

Bukod sa nabanggit na, nagtanong din ang mananaliksik sa

dalawang guro ng asignaturang Filipino sa kolehiyo upang makakuha ng

mahahalagang impormasyon tungkol sa mga maimumungkahing

programa na makatutulong sa pagpapataas ng antas ng kahandaan ng

mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa pagpapakadalubhasa sa

Filipino.
24

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-

aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng

isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka

upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng

matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami

lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa

kwestyoneyr ang inalam ng mananaliksik. Sa madaling salita, pagta-

tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng

mananaliksik.
25

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at

impormasyon:

Matapos alamin at hatiin ang mga respondente ayon sa kanilang

kasarian at paaralang pinapasukan, sunod namang inalam ng

mananaliksik kung sino ang nagtulak sa kanila na magpakadalubhasa

sa asignaturang Filipino. Sa apatnapung (40) respondenteng nagmula

sa NTC, tatlumpu’t dalawa (32) o 80% ang sumagot ng sarili, anim (6)

o 15% ng dating guro sa Filipino, isa (1) o 2.5% ng magulang at isa (1)

o 2.5% rin ang sumagot ng kaibigan.

Sa apatnapu’t limang (45) respondente naman na nagmula sa

PUP, tatlumpu’t isa (31) o 68.89% ang sumagot ng sarili, labing-isa (11)

o 24.44% ng dating guro sa Filipino, dalawa (2) o 4.44% ng iba pa

katulad ng unibersidad at pagkaubos ng slot para sa kursong nais

kuhanin, at isa (1) o 2.22% naman para sa magulang.

Sa madaling salita, halos lahat ng repondente mula NTC at PUP

ay nagpakadalubhasa sa Filipino ayon sa kanilang sariling desisyon.

Pansinin ang kasunod na grap:


26

Grap 1

Nagtulak sa mga Respondente na Magpakadalubhasa sa

Filipino

80%
68.89%

NTC
24.44%
PUP
15%
2.5% 4.44%
2.22% 2.5%

Sarili Magulang Kaibigan Dating Iba pa


Guro sa
Filipino

Labing-apat (14) o 35% sa mga respondente mula NTC ang

nagsabing napagdesisyunan nilang magpakadalubhasa sa Filipino noong

sila ay nasa ikaapat na taon sa hayskul. Labindalawa (12) o 30% ang

nagsabing napagdesisyunan nilang magpakadalubhasa sa Filipino noong

sila ay nasa unang taon sa kolehiyo. Siyam (9) o 22.5% ang sumagot

ng ikatlong taon sa hayskul. Lima (5) o 12.5% ang sumagot ng iba pa,

apat (4) ang nagsabing unang taon sa hayskul at isa (1) para sa

ikalawang taon sa kolehiyo.


27

Dalawampu (20) o 44.44% naman sa mga respondente mula PUP

ang nagsabing napagdesisyunan nilang magpakadalubhasa sa Filipino

noong sila ay nasa ikaapat na taon sa hayskul. Labintatlo (13) o 28.89%

ang nagsabing napagdesisyunan nilang magpakadalubhasa sa Filipino

nang sila ay nasa ikatlong taon sa hayskul. Sampu (10) o 22.22% ang

sumagot ng unang taon sa kolehiyo. Dalawa (2) o 4.44% ang sumagot

ng iba pa katulad ng elementarya at unang taon sa hayskul.

Samakatwid, marami sa mga respondente mula sa NTC at PUP ang

napagdesisyunang magpakadalubhasa sa Filipino noong sila ay nasa

ikaapat na taon sa hayskul. Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 2

Panahon Kung Kailan Napagdesisyunan ng mga

Respondente na Magpakadalubhasa sa Filipino

44.44%

35%
28.89% 30%

22.5% 22.22%
NTC
12.5% PUP
4.44%

Ikatlong Ikaapat na Unang Taon Iba pa


Taon sa Taon sa sa Kolehiyo
Hayskul Hayskul
28

Sa apatnapung (40) respondente mula NTC, labindalawa (12) o

30% ang nakakuha ng pinal na gradong B- o 2.25 sa Filipino 1. Labing-

isa (11) o 27.5% ang nakakuha ng gradong B+ o 1.75, pito (7) o 17.5%

ng B o 2.00, tatlo (3) o 7.5% ng A o 1.00-1.25 at tatlo (3) o 7.5% rin

ng A- o 1.5. Tatlo (3) o 7.5% rin sa mga respondente ang nakakuha ng

gradong C+ o 2.50 at isa (1) o 2.5% sa kanila ang nakakuha ng gradong

C o 2.75-3.00.

Sa apatnapu’t limang (45) respondente naman mula sa PUP,

labing-apat (14) o 31.11% ang nakakuha ng pinal na grado sa Filipino

1 na 1.5 o A-. Labintatlo (13) o 28.29% ang nakakuha ng gradong 1.75

o B+. Sampu (10) o 22.22% ang nakakuha ng 2.00 o B. Anim (6) o

13.33% naman sa kanila ang nakakuha ng gradong 1.0-1.25 o A. Isa

(1) o 2.22% ang nakakuha ng gradong 2.25 o B- at isa (1) o 2.22% rin

ang nakakuha ng gradong 2.50 o C+.

Mapapansing walang respondente mula PUP ang nakakuha ng

gradong 2.75-3.00 o C sa Filipino 1. Mas marami rin sa kanila ang

nakakuha ng mas mataas na grado sa Filipino 1 kaysa mga respondente

mula sa NTC. Pansinin ang susunod na grap:


29

Grap 3

Pinal na Gradong Nakuha ng mga Respondente sa Filipino 1

31.11% 30%
28.29%
27.5%
22.22%
17.5%
13.33%
NTC
7.5% 7.5% 7.5%
PUP
2.22% 2.22% 2.5%

Sa apatnapung (40) respondente mula NTC, labinlima (15) o

37.5% ang nakakuha ng pinal na grado sa Filipino 2 na B+ o 1.75.

Sampu (10) o 25% ang nakakuha ng gradong B- o 2.25. Pito (7) o

17.5% ang nakakuha ng B o 2.00, apat (4) o 10% ng A- o 1.5 at tatlo

(3) o 7.5% ng C+ o 2.50. Isa (1) o 2.5% naman sa kanila ang nakakuha

ng gradong C o 2.75-3.00.

Sa apatnapu’t limang (45) respondente naman mula sa PUP,

dalawampu’t tatlo (23) o 51.11% ang nakakuha ng pinal na gradong

2.25 o B- sa Filipino 2. Labing-isa (11) o 24.44% ang nakakuha ng

gradong 2.00 o B, apat (4) o 8.89% ng 2.50 o C+, tatlo (3) o 6.67% ng
30

1.5 o A-, dalawa (2) o 4.44% ng 1.75 o B+, isa (1) o 2.22% ng 1.00-

1.25 o A at isa (1) o 2.22% rin ang nakakuha sa kanila ng 2.75-3.00 o

C.

Mapapansing isa (1) lamang sa mga respondente ang nakakuha

ng gradong 1.00-1.25 o A sa Filipino 2, at ang respondenteng ito ay

galing sa PUP. Gayunpaman, mapapansin pa ring mas marami sa mga

respondente galling sa NTC ang nakakuha ng mas mataas na pinal na

grado sa naturang asignatura. Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 4

Pinal na Gradong Nakuha ng mga Respondente sa Filipino 2

51.11%

37.5%

24.44% 25%
17.5% NTC
10% 8.89%
6.67% PUP
4.44% 7.5% 2.5%
2.22% 2.22%
31

Sa apatnapung (40) respondente mula sa NTC, dalawampu’t

siyam (29) o 72.5% ang sumagot na kasalakuyan pa lamang nilang

kinukuha ang asignaturang Filipino 3 at apat (4) o 10% naman ang

nagsabing hindi pa nila nakukuha ang asignaturang ito. Mayroon naman

sa kanilang nagsabing nakuha na nila ang Filipino 3. Tatlo (3) o 7.5%

ang nakakuha ng gradong B+, dalawa (2) o 5% ng B, isa (1) o 2.5% ng

A- at isa (1) o 2.5% ng B-. Samantala, apatnapu’t lima (45) o 100% sa

mga respondente mula sa PUP ang nagsabing kasalukuyan pa lamang

nilang kinukuha ang Filipino 3. Mapagtatantong halos lahat sa mga

respondente ay nagsabing kasalukuyan pa lamang nilang kinukuha ang

Filipino 3. Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 5

Pinal na Gradong Nakuha ng mga Respondente sa Filipino 3

100%

72.5%

10% NTC
2.5% 7.5% 5% 2.5%
PUP

.
32

Labinsiyam (19) o 47.5% sa mga respondente mula sa NTC ang

sumagot na lubos na kasiya-siya ang antas ng kanilang pagkaunawa sa

mga araling tinalakay sa asignaturang Filipino, mula unang taon sa

hayskul hanggang unang taon sa kolehiyo. Labinsiyam (19) o 47.5% rin

ang sumagot ng kasiya-siya at dalawa (2) o 5% naman ang sumagot

ng katamtaman lamang.

Dalawampu’t dalawa (22) o 48.89% naman sa mga respondente

mula sa PUP ang sumagot ng kasiya-siya, labing-apat (14) o 31.11%

ng lubos na kasiya-siya at siyam (9) o 20% ng katamtaman lamang.

Masasabing mas mataas ang antas ng pagkaunawa ng mga

respondente mula sa NTC sa mga araling tinalakay sa asignaturang

Filipino, mula unang taon sa hayskul hanggang unang taon sa kolehiyo.

Pansinin ang kasunod na grap:


33

Grap 6

Pansariling Asesment ng mga Respondente sa

Pagkaunawa ng mga Araling Tinalakay sa Asigturang Filipino

31.11%
Lubos na kasiya-siya 47.5%

48.89%
Kasiya-siya 47.5%

20%
PUP
Katamtamang
lamang 5% NTC

Hindi kasiya-siya

Wala pang ano mang


pagkaunawa

Dalawampu’t dalawa (22) o 55% sa mga respondente mula sa

NTC ang sumagot na kasiya-siya ang antas ng kanilang karanasan sa

pag-aaral ng wika. Sampu (10) o 25% naman ang sumagot ng

katamtaman lamang at walo (8) o 20% ang sumagot ng lubos na

kasiya-siya. Samantala, dalawampu’t apat (24) o 53.33% sa mga

respondente mula sa PUP ang nagsabing kasiya-siya ang antas ng

kanilang karanasan sa pag-aaral ng wika. Labing-isa (11) o 24.44%

naman ang sumagot ng katamtaman lamang, pito (7) o 15.56% ng


34

lubos na kasiya-siya, at tatlo (3) o 6.67% ang sumagot ng hindi kasiya-

siya.

Batay sa kanilang pansariling asesment, makikitang walang

pinagkaiba ang antas ng karanasan ng dalawang grupo ng mga

respondente sa pag-aaral ng wika. Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 7

Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang

Karanasan sa Pag-aaral ng Wika

Lubos na kasiya-siya 15.56%


20%

Kasiya-siya 53.33%
55%

24.44% PUP
Katamtaman lamang
25% NTC

Hindi kasiya-siya 6.67%

Wala pang ano mang


karanasan

Dalawampu’t isa (21) o 52.5% sa mga respondente mula sa NTC

ang sumagot na kasiya-siya ang antas ng kanilang karanasan sa pag-

aaral ng panitikan. Labing-isa (11) o 27.5% naman ang sumagot ng


35

katamtaman lamang at walo (8) o 20% ang sumagot ng lubos na

kasiya-siya. Samantala, labinsiyam (19) o 42.22% sa mga respondente

mula sa PUP ang nagsabing kasiya-siya ang antas ng kanilang

karanasan sa pag-aaral ng panitikan. Labimpito (17) o 37.78% naman

ang sumagot ng katamtaman lamang, pito (7) o 15.56% ng lubos na

kasiya-siya, at dalawa (2) o 4.44% ang sumagot ng hindi kasiya-siya.

Batay sa kanilang pansariling asesment, makikitang walang

pinagkaiba ang antas ng karanasan ng dalawang grupo ng mga

respondente sa pag-aaral ng panitikan. Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 8

Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang

Karanasan sa Pag-aaral ng Panitikan

15.56%
Lubos na kasiya-siya 20%

42.22%
Kasiya-siya 52.5%

37.78% PUP
Katamtaman lamang 27.5% NTC

4.44%
Hindi kasiya-siya

Wala pang ano mang


karanasan
36

Hinggil naman sa kahandaan ng mga respondente sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino, labingwalo (18) o 45% sa apatnapung

(40) respondente mula sa NTC ang sumagot ng katamtaman lamang,

labing-apat (14) o 35% ng handang-handa at walo (8) o 20% sa kanila

ang sumagot ng lubos na handa.

Sa kabilang banda, dalawampu’t apat (24) o 53.33% naman sa

apatnapu’t limang (45) respondente sa PUP ang sumagot ng

katamtaman lamang, labing-apat (14) o 31.11% ng handang-handa at

lima (5) o 11.11% ng hindi pa gaanong handa. Isa (1) o 2.22% naman

ang sumagot ng lubos na handa at isa (1) o 2.22% rin ang sumagot ng

wala pang ano mang kahandaan.

Bagamat may ilang respondente mula sa PUP ang sumagot ng

hindi pa sila gaanong handa o wala pa silang ano mang kahandaan sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino, wala pa ring pagkakaiba ang antas ng

kahandaan ng dalawang grupo ng mga respondente sa

pagpapadalubhasa sa nabanggit na asignatura. Ito ay dahil marami sa

mga respondente sa parehong paaralan ang sumagot na sila ay

katamtamang handa sa pagpapakadalubhasa o pagpapakabihasa sa

Filipino. Pansinin ang kasunod na grap:


37

Grap 9

Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang

Kahandaan sa Pagpapakadalubhasa sa Filipino

Lubos na handa 2.22%


20%

Handang-handa 31.11%
35%
53.33%
PUP
Katamtamang handa
NTC
45%

Hindi pa gaanong handa 11.11%

Wala pang ano mang 2.22%


kahandaan

Tinanong din ng mananaliksik ang mga respondente kung aling

programa ang sa tingin nilang makatutulong sa pagpapataas ng antas

ng kanilang kahandaan sa pagpapakadalubhasa sa Filipino. Sa sampung

(10) pagpipiliang ibinigay ng mananaliksik, hinayaan niya ang mga

respondente na pumili nang higit sa isa o ayon sa dami ng programang

nais nilang piliin.

Tatlumpu’t lima (35) sa mga respondente mula sa NTC ang pumili

ng seminar, labimpito (17) ng obserbasyon ng mga klase sa Filipino,

labing-anim (16) ng training, labinlima (15) ng workshop, labindalawa


38

(12) ng pagtatanong sa mga matagal ng guro sa Filipino, siyam (9) ng

pagsasagawa ng ebalwasyon kung natutunan ang mga araling

tinalakay, walo (8) ng pagpapanood ng mga pakitang-turo, apat (4) ng

pangungumbida sa klase ng mga ekspertong guro at tatlo (3) ng

interbyu. Isa (1) lamang ang nagsama ng diagnostic test sa kanyang

mga napiling sagot.

Tatlumpu’t pito (37) sa mga respondente mula sa PUP ang pumili

ng seminar, tatlumpu’t dalawa (32) ng training, tatlumpu’t isa (31) ng

workshop, dalawampu’t siyam (29) ng obserbasyon ng mga klase sa

Filipino, dalawampu’t lima (25) ng pagtatanong sa mga matagal ng guro

sa Filipino, dalawampu’t dalawa (22) ng pagpapanood ng mga pakitang-

turo, dalawampu (20) ng pagsasagawa ng ebalwasyon kung natutuhan

ang mga araling tinalakay, labing-anim (16) ng pangungumbida sa klase

ng mga ekspertong guro, labinlima (15) ng interbyu at labintatlo (13)

ng diagnostic test. Isa (1) lamang sa mga respondente ang nagsama ng

iba pa sa kanyang mga napiling sagot, at ito ay ang pagtuklas ng mga

salitang Filipino na hindi na masyadong ginagamit.

Pinagsama ng mananaliksik ang bilang ng mga respondente mula

sa NTC at PUP na sumagot sa bawat pagpipilian upang malaman kung

anong tatlong programa ang nakakuha nang may pinakamaraming

bilang ng respondenteng sumagot. Narito ang kanilang pagkakasunod-

sunod: Seminar na may pitumpu’t dalawang (72) bilang ng mga


39

respondenteng sumagot, training na may walumpu’t walo (48),

obserbasyon ng mga klase sa Filipino na may apatnapu’t anim (46),

workshop na may apatnapu’t anim (46) din, pagtatanong sa mga

matagal ng guro sa Filipino na may tatlumpu’t pito (37), pagsasagawa

ng ebalwasyon kung natutunan ang mga araling tinalakay na may

dalawampu’t siyam (29), pangungumbida sa klase ng mga ekspertong

guro na may dalawampu (20), interbyu na may labingwalo (18),

diagnostic test na may labing-apat (14) at isa (1) ang sumagot ng iba

pa katulad ng pagtuklas ng mga salitang Filipino na hindi na masyadong

ginagamit.

Lumalabas na ang mga programang seminar, training,

obserbasyon ng mga klase sa Filipino at workshop ay ang mga

maimumungkahing programa na makatutulong sa paglinang ng antas

ng kahandaan ng mga mag-aaral sa pagpapakadalubhasa o

pagpapakabihasa sa Filipino. Mapapansing sa halip na tatlong programa

ay apat ang binanggit ng mananaliksik. Ito ay dahil pareho ang dami ng

mga respondenteng pumili ng programang obserbasyon ng mga klase

sa Filipino at programang workshop. Pansinin ang kasunod na

talahanayan:
40

Talahanayan 2

Mga Programang Maimumungkahi sa Pagpapataas ng Antas ng

Kahandaan ng mga Respondente sa Pagpapakadalubhasa sa

Filipino

Ranggo NTC PUP Kabuuang


Dami
1 Seminar 35 37 72
2 Training 16 32 48
Obserbasyon ng 17 29 46
3.5 mga klase sa
Filipino
3.5 Workshop 15 31 46
5 Pagtatanong sa 12 25 37
mga matagal ng
guro sa Filipino
6 Pagpapanood ng 8 22 30
mga pakitang-turo
7 Pagsasagawa ng 9 20 29
ebalwasyon kung
natutunan ang mga
araling tinalakay
8 Pangungumbida sa 4 16 20
klase ng ekspertong
guro
9 Interbyu 3 15 18
10 Diagnostic Test 1 13 14
11 Iba pa 0 1 1
41

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman at

mapaghambing ang kahandaan ng mga mag-aaral na nasa ikalawang

taon sa pagpapakadalubhasa sa Filipino sa The National Teachers

College at Polytechnic University of the Philippines.

Gamit ang disenyong deskriptib-komparatib, ang mananaliksik ay

nagdisenyo ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa walampu’t

limang (85) respondente, apatnapu (40) mula sa NTC at apatnapu’t lima

(45) mula sa PUP. Ang dalawang grupo ng mga respondente ay

kasalukuyang kumukuha ng kursong BSEd o BSE-Filipino sa dalawang

nasabing paaralan.

Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga respondente mula

sa dalawang paaralan ay kapwa may katamtamang kahandaan sa

pagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.


42

2. Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay humantong

sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Katamtaman ang antas ng kahandaan sa pagpapakadalubhasa

sa Filipino ng halos lahat ng respondente mula sa The National

Teachers College,

b. Katamtaman din ang antas ng kahandaan sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino ng halos lahat ng respondente

mula sa Polytechnic University of the Philippines,

c. Walang pagkakaiba ang antas ng kahandaan ng mga

respondente mula sa dalawang paaralan o kolehiyo,

d. Ang seminar, training, obserbasyon sa mga klase sa Filipino at

workshop ay ang mga programang maimumungkahi upang

malinang ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa

pagpapakadalubhasa sa Filipino.

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mananaliksik ang mga

sumusunod:

a. Para sa mga administrador ng mga mataas na paaralan,

paghusayin pa ang mga programang isinasagawa upang


43

matulungan ang bawat mag-aaral na lubos na maunawaan ang

iba’t ibang aralin sa asignaturang Filipino.

b. Para sa mga administrador ng mga kolehiyo at unibersidad na

may kursong BSEd o BSE-Filipino, nararapat lang din na

patuloy pang mag-isip ng iba pang epektibong programa na

makatutulong sa pagpapataas ng antas ng kahandaan sa

pagkuha ng kursong ito.

c. Para sa mga guro sa Filipino sa mataas na paaralan, patuloy

na ituro nang may kahusayan ang asignaturang Filipino at

ipaunawa sa mga mag-aaral na kailangan at mahalagang

magpakahusay sila sa pag-aaral ng bawat asignaturang

kinukuha.

d. Para sa mga guro sa Filipino sa tersyarya na nagtuturo ng

major subjects, isaalang-alang ang resulta ng pag-aaral na ito

sapagkat ang pag-unawa o pag-alam sa kahandaan ng mga

mag-aaral sa pagpapakadalubhasa sa Filipino ay lubos na

makatutulong sa kanila sa pagpapabuti ng kanilang pagtuturo.

e. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang

pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami pang mga

datos o impormasyong maaaring makatulong sa paglutas ng

mga suliraning may kaugnayan sa pagpapakadalubhasa sa

Filipino.
44

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Altar, Jeremiah A. 2014. Mathematical learning readiness of grade 7


students in New Ormoc City National High School: Basis for a
remedial program. Di-nalathalang tisis, NTC.

Arrogante, Jose A., Dizon, Erlinda M., Maglaqui, Eriberta T., & dela Cruz-
Fregil Edna. 2007. Panitikang Filipino: Pampanahong elektroniko.
Mandaluyong City: 24K Printing Co., Inc.

Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa pagtuturo ng wika: Mga


teorya, simulain at estratehiya. Manila: Grand Publishing, Inc.

Bernales, Rolando A. 2014, Setyembre. Nilay guro. Fiat Lux, 12.

Bernales, Rolando A. 2015, Hulyo. [Lektyur]. NTC.

Furio, Daisy G. 2005. Learning factors in relation to student performance


in English, Mathematics and Science: Toward an intervention
program. Di-nalathalang tisis, NTC.

http://www.drillpad.net/DP_IRL_Laws.htm.

http://www.merriam-webster.com/dictionary/seminar.

http://www.merriam-webster.com/dictionary/training.

http://www.merriam-webster.com/dictionary/workshop.

Isip, Amelia J. 1997. Mga Antas ng kakayahan sa pag-unawa ng


panitikang Filipino ng mga mag-aaral sa unang taon ng Institute
of Arts and Sciences, Far Eastern University: Isang pagtataya. Di-
nalathalang tisis, NTC.

Lim, Irene I. 1999. Mathematical readiness of freshmen students of


Manuel A. Roxas High School, division of city schools, Manila. Di-
nalathalang tisis, NTC.

Lucas, Maria Rita D. & Corpuz, Brenda B. 2013. Facilitating learning: A


metacognitive process. Quezon City: Lorimar Publishing, Inc.
45

Mayos, Norma S., Gutierrez, Joselito C. & Tica-a, Penelope F. 2008. Ang
guro ng bagong milenyo: Mga kagamitang panturo sa Filipino.
Cabanatuan City: Jimcy Publishing House.

Momo, Kristine Z. 2013. The readiness of BSE-Math students in taking


first course in Calculus: Input for intervention program. Di-
nalathalang tisis, PNU.

Tanawan, Dolores S., Lartec, Jane K. & Nacin, Anita A. 2007. Istruktura
ng wikang Filipino. Cabanatuan City: Jimcy Publishing House.

Villafuerte, Patrocinio V. 2015, Agosto. Ang papel ng wika sa


pambansang kaunlaran at pagkakakilanlang Filipino [Palihan].
NTC.

You might also like