Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

FILDIS-18/FILDIS-19

Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

Second Semester 2021-2022

Prof. Liza R. Llorando

4-AR1

TAKDANG ARALIN 10

TIERRA, MONIQUE C.
“Filipino bilang wikang panturo”
Ang wika ay hindi lamang sumisimbolo sa isang tao, ngunit ito rin ay nagpapabatid ng
isang aspeto ng pagkakaisa ng isang komunidad o bansa. Ayon sa mga ilang propesor o mga
eksperto, wikang Filipino ang dapat na gamitin sa pagtuturo ng mga guro sa Pilipinas, sapagkat
mas makakadaling matuto ang mga mag-aaral kung ang wikang Filipino ang ginagamit mismo.
Ito ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabase sa wikang ginagamit ng
mga guro sa pagtuturo.
Filipino ang ating wikang pambansa na kung tawagin ay “Lingua Franca” at ginagamit
bilang midyum sa pagtuturo upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang mga tinuturo sa
kanila ng kanilang mga tagapagturo. Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan, ngunit paano natin
maiiahon ang Lupang sinilangan kung ang ating inang wika ay hindi Mapangalagaan? Ayon nga
kay Doktor Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay mas masahol pa kesa
sa mabangis na Hayop at malansang isda”. Wikang Filipino ang naging Instrumento sa
pagkakaroon ng magandang edukasyon at mabisang komunikasyon. Wikang somisimbolo sa
ating pagka-Pilipino.

“Pagsasaling siyentipiko-teknikal”
Ang diin sa seksyong ito ay sa pagsasalin sa siyentipiko at teknolohiya. Ang mga sulating
ito ay nagpapakita ng mga suliranin sa pagsasalin na naiiba sa mga matatagpuan sa pagsasaling
pampanitikan. Mas eksakto ang wika ng pagsasaling siyentipiko at teknikal kaysa sa pagsasaling
pampanitikan, kadalasan ding hindi hinihingi sa tagasalin ang matalinghaga at matayutay na mga
pangungusap sa karaniwan sa wikang pampanitikan. Malaganap ang midyun ng impormasyon
sa siyensiya at teknolohiya ang mga tekstong salin.
Saan kaya natin makikita ang mga ganitong salin? Sa halos lahat ng bahagi ng ating pang
ara-araw nabuhay ay may nakikita tayong salin na mga tekstong Ingles, ito ay madalas sa mga
telenobela o mga palabas na nagsasaad ng ibang lengguwahe maliban sa ingles sa telebisyon
o cellphones. Sa mga transaksyon ng banko, sa pagtawag saibang bansa, sa machine payment
sa PLDT, Bayantel, cable tv at iba pa, makakapili ang sinuman sa alinman sa Ingles o Filipino.
Komunikasyon ang pangunahing layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal. Kung sa
pampanitikang salin, nilalayon ng tagasalin na makalikha ng isang bagong obra maestra batay
sa orihinal na akdang naksulat at ibang wika, sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay hindi
kariktan ng teksto upang magbahagi ng Impormasyon sa mas nakakaraming mamamayan na
hindi lubusang nakauunawa, ito ay karaniwang Ingles.

“Intelektwalisasyon ng Filipino”
Ang pangunahing layunin ng wika ng bansa ay ang intelektwalisasyon ang wikang Filipino
upang magamit ito bilang wika ng kaalaman at akademikong talakayan. Ito ang simula ng proseso
ng pag-angat ng wika mula sa kasalukuyang mababang antas nito. Isang pamamaraan para sa
pagtataas at intelektwalisasyon ng isang hindi intelektwalisadong wika upang ito ay matagumpay
na magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Ang intelektuwalisasyon ay hindi
lamang pagpapaunlad at pagpapalawak sa gamit ng wika bilang instrumento sa pagdidiskurso
sa mga paksain at paglikha ng talino sa ibat ibang larangan.
Ang intelektwalisasyon ay higit pa sa pagsulong at pagpapalawak ng paggamit ng wika
bilang kasangkapan para sa pag-uusap sa paksa at ang produksyon ng talino sa iba’t ibang mga
larangan. Ito ay ang pangunahing layunin ng wika ng bansa, intelektwalisasyon ng wikang Filipino
na may layuning gamitin ito bilang wika ng kaalaman at akademikong usapan. Bukod pa rito
minsan ay minamaliit pa ng iilang tao ang gumagamit ng wikang Filipino kapag nakikipag
talastasan o kaya mga nag aaral sa akademya. Ito ang paglulunsad ng proseso ng pagtaas ng
wika mula sa mababang kalagayan nito. Ang patuloy na paggamit ng wikang katutubo sa ibat-
ibang anyo sa sining at kultura tulad ng mga akdang pampanitikan radio, telebisyon, pahayagan,
pelikula, at iba pa ay isang paraan ng paggamit ng wika para sa malalim na pag-iisip.

You might also like