Fil 10 - Pacia, CJ (CO 1)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Face to Face (Learners-Led Modality)

Paaralan CLDDMIHS Baitang Baitang 10


LESSON Guro Pacia, Cristine Joy M. Asignatura FILIPINO 10
EXEMPL Petsa April 18-22, 2022 Markahan Ikalawang Markahan
AR Oras 7:30 – 11:45 Bilang ng Araw 4

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

a.) Napapahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kaligirang


pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline
b.) Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng
El Filibusterismo
c.) Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline

ARALING PANLIPUNAN
MELC 22 Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog – Silangang Asya.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaligirang pangkasaysayan ng El


Filibusterismo
B. Pamantayan sa Pagganap Pagsulat ng Buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa
ginawang timeline.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa a.) Mapapahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kaligirang
Pagkatuto (MELC) (Kung pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
mayroon, isulat ang pagbubuod nito gamit ang timeline
pinakamahalagang kasanayan sa b.) Maisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng
pagkatuto o MELC El Filibusterismo
c.) Maisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
E. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapayamang kasanayan.)
II. NILALAMAN Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Learner’s Packet (LEAP) Unang Linggo
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Pictures, Video Lesson, Powerpoint, LEAP
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Introduction Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


(Panimula)
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng
El Filibusterismo. Isulat ang numero 1-5 sa mga
patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

______ pagbitay sa GOMBURZA

______ tumulong si Valentin Ventura sa pagpapalimbag ng nobela

______ sinimulang isulat ni Rizal ang nobela

______ nailathala na ang nobela sa Ghent, Belgium

______ lumipat si Rizal sa Brussels Belgica kung saan mas mura ang mga gastusin
sapagkat kulang ang kaniyang pera sa pagpapalimbag ng nobela

B. Development (Pagpapaunlad) Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Magsaliksik ng mahahalagang detalye sa buhay ni


Dr. Jose Rizal at ibalangkas ito gamit ang character profile. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto (Face to Face): Panoorin ang isang video presentation ng kaligirang


pangkasaysayan at buod ng El Filibusterismo mula sa
isang youtube link.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalagang matutuhan muna ang kaligirang pangkasaysayan ng isang
akda?
2. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pagkaunawa sa
nobela?

C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


(Pakikipagpalihan)
Panuto: Isulat ang mga magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Pangyayari 1 _______________________________________________
Pangyayari 2 _______________________________________________
Pangyayari 3 _______________________________________________
Pangyayari 4 _______________________________________________
Pangyayari 5 _______________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6.


Panuto: Gumawa ng timeline ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
gamit ang grapikong presentasyon.

Panuto: Ibuod ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela batay sa timeline na


iyong ginawa sa Gawain 6
D. Assimilation
(Paglalapat)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa sagutang papel.
V. PAGTATAYA

1. Ang El Filibusterismo ay __________ nobela ni Rizal.


A. unang
B. ikalawang
C. ikatlong
D. ikaapat na

2. Anong pangyayari ang tumatak sa isip ni Rizal na naging inspirasyon niya sa


pagsulat ng nobelang El Filibusterismo?
A. pagbitay sa Gomburza
B. pag-agaw ng kanilang lupain
C. sapilitang paggawa ng mga Pilipino
D. pananakot ng mga Espanyol

3. Ang mga sumusunod ay mga isyung inilantad ni Rizal sa nobelang El


Filibusterismo maliban sa:
A. reporma sa edukasyon
B. katiwalaan ng namamahala sa gobyerno
C. pang-aabuso ng mga paring Espanyol
D. pagtulong ng mga mayayaman sa mahihirap

4. Iniingatan ni Rizal na huwag mapasakamay ng mga ________ ang kanyang


aklat.
A. Filipino
B. Espanyol
C. Intsik
D. Hapones

5. Isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo hindi upang mabasa ng mga Espanyol


kundi ______________
A. upang mabasa ng mga Filipino
B. upang mabasa ng mga kaaway
C. upang maipagyabang sa mga kaibigan
D. upang kumita ng malaking halaga

6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng paglalahad ni Rizal ng mga


pangyayari sa nobela?
A. satirikong paglalarawan
B. karikaturang mga tauhan
C. may limitadong katatawanan
D. lahat ng nabanggit

7. Nagsimula ang nobela sa paglalakbay ng isang ________


A. bangka
B. tren
C. bapor
D. karwahe

8. Siya ang pangunahing tauhan ng nobela na higit na mapusok at may


mapaghiganteng layunin.
A. Crisostomo
B. Gobernador Heneral
C. Simoun
D. Kabesang Tales

9. Nagtapos ang nobela sa ___________________


A. pagtatapon ng bangkay ni Simoun sa dagat
B. paghuhukay ng kayamanan sa gubat
C. pagtatapon ng kayamanan sa dagat
D. wala sa mga nabanggit

10. Ang dalawang nobela ay naging inspirasyon ni _____________ at ng iba pang


rebolusyonaryo sa kanilang ipinaglalaban.
A. Emilio Aguinaldo
B. Andres Bonifacio
C. Jose Rizal
D. wala sa nabanggi
VI. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
E.(Pagninilay sa mga Uri ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Formative Assessment na Ginamit sa
Araling ito). Naunawaan ko na _____________________________.
Nabatid ko na _____________________________.
Inihanda ni: CRISTINE JOY M. PACIA
Guro sa Filipino 10

Binigyang-pansin ni: MERISSA A. VIRAY


Ulongguro sa Filipino

Pinagtibay ni: EDITHA L. FULE


Punongguro III

You might also like