Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Patula

John Mark M. Aldeguer BSHM 4-C

A. 5 Halimbawa ng Tula

Aking Ulap Inang Wika


Lunday ka ng aking sanlibong pangarap, DAYUHAN:
Sa dagat na langit ay lalayag-layag; Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko,
Sa lundo ng iyong dibdib na busilak, Palay, bigas, lusong, at halong pambayó,
May buhay ang aking nalantang bulaklak. Kung inaakalang ililigaya mo,
Kung nagduruyan ka sa rurok ng langit, Laban man sa puso’y handog ko sa iyo…
Kalaro ng aking mga panaginip, Anak ko ma’y hubdan  ng  suot na damit,
Ang lupang tuntunga’y di na naiisip, Sampun  ng  baro kong lampot at gulanit,
Nalilipat ako sa ibang daigdig. Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib,
Isakay mo ako, oh Ulap kong giliw, Kami ma’y lamunin  ng  init at lamig…
Ibig kong mahagkan ang mga bituin; Datapwa’t huwag mong biruin si Ina!
Ang lihim ng araw at buwang maningning, Huwag mong isiping sapagka’t api na,
Ibig ko rin sanang malama’t malining. Ang Ina ko’y iyong masasamantala…
Si Ina ang aking mutyang minamahal,
Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan;
Siya, pag kinuha, ikaw’t ako’y… patay!

Dugo at Laya

Tanging lalaki kang nagmahal sa bayan


Na ang sinandata’y panitik na tangan…
Nang ikaw’y barilin ng mga kaaway
Dugo mo ang siyang sa laya’y umilaw!
Sa dalawang mahal na laman ng isip,
Na Irog at Bayang kapwa mo inibig…
Bayan ang piniling mabigyan ng langit
Kahit ang puso mo ay sakdal ng hapis.
Namatay ka upang mabigyan ng laya
Ang sinilangan mo na lahi at lupa…
Sa tulog na isip ng liping mahina
Dugo mo ang siyang nagbigay ng diwa.
Nabubo sa lupa ang mahal mong dugo –
Ang galit ng bayan naman ay kumulo…
Kaya’t nang mabutas ang mahal mong bungo,
Ay laya ng lahi naman ang nabuo!
ANG BUTO NG ATIS Bayan Ko
Minsa’y nakapulot ng buto ng atis Ang bayan kong Pilipinas
ang isang dalaga. Pagdating sa bahay Lupain ng ginto’t bulaklak
sinabi sa ina ang kanyang naisip — Pag-ibig na sa kanyang palad
buto’y itatanim at aalagaan. Nag-alay ng ganda’t dilag.
“At ang punong-atis paglaki’t namunga, At sa kanyang yumi at ganda
bunga’y sa palengke agad kong dadalhin; Dayuhan ay nahalina
ang mapagbibilhan” anyang nakatawa Bayan ko, binihag ka
“ay ibibili ko ng hikaw at singsing.” Nasadlak sa dusa.
Pagalit ang inang sinugod ang anak, Ibon mang may layang lumipad
kasabay ang bantang kinurot sa singit: kulungin mo at umiiyak
“Ipagpahiraman ang iyong alahas Bayan pa kayang sakdal dilag
at nang putukan ka sa akin ng lintik! Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

B. 10 Halimbawa ng Kasabihan at Salawikain

1. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.


2. Kapag may isinukli, may madudukot.
3. Ang taog wlang kibo ay nasa loob ang kulo.
4. Kung may tinanim, may aanihin.
5. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
6. Nasa Diyos ang awa, sa tao ang gawa.
7. Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat isipin.
8. Sala sa lamig, sala sa init.
9. Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
10. Aanhin pa ang damo kong patay na ang kabayo.

B. 10 Halimbawa ng Bugtong

1. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.


Sagot: Pusa

2. Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.


Sagot: Langgam
3. Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki
4. Tiniris mo na inaamuyan pa.
Sagot: Surot
5. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.
Sagot: Bibe
D. 1 Halimbawa ng Epiko
1. Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)
Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga
lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng mga
pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan
noong 1889 at si Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang
bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes
noong 1935.

Prosa / Patalata
E. Halimbawa ng Maikling Kuwento
1. Si Julio at Ang Sapatero sa Kanto

Lumaki si Julio na hindi kilala ang ama niya. Hindi rin nila napag-uusapan sa kanilang bahay ang tungkol doon. Masaya na
siya sa buhay kasama ang ina niyang si Nena at kuya niyang si Dante.
Subalit, sa di inaasahang pagkakataon, isang araw, bumalik ang ama ni Julio. Matatanggap kaya siya ng bata?

F. 1 Halimbawa ng Alamat

1. Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na
sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na
taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang
kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito
ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim
na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito
isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw
ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit
makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang
katawan.
Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot
nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.
Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang
lasa.
Aral:
Walang mabuting naidudulot ang inggit.
Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.
G. Halimbawa ng Pabula
1. Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at
pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang
balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin.
Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng leon.
“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na
nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na
ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at
bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa
lambat.
“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.
Aral:
Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan pa rin itong makatulong sa
paraang hindi madalas inaasahan ng iba.

H. Halimbawa ng Parabula

1. Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga

Mula sa  Mateo 25:1-13


“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal.
Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima nama’y matatalino.
Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Ang matatalino nama’y nagbaon ng
langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya’t inantok at nakatulog
sila sa paghihintay.
“Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’
Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman
ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’
“‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon
naman ng matatalino.
Kaya’t lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang
limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.
“Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila.
“Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.'”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”
Aral:
 Palaging maging handa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.
l. 1 Halimbawa ng buod ng Nobela

1. Noli Me Tangere

Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang pinaka-buod ng kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Ito
ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga maikling buod ng nobelang Noli Me Tangere
hanggang sa ngayon.
Ang ang nobelang ito ay mahigit na sa isang-daang taon mula noong isinulat ito ni Dr. Jose Rizal. Lumipas man ang
maraming taon ang kanyang mga sinulat ay mananatili paring buhay sa puso’t isip ng mga Pilipino. Nagtungo si Rizal sa
Paris pagkatapos nang kanyang pag-aaral at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Ang huling bahagi
ng nobela ay sa Berlin na niya natapos.
Ang layunin ng nobelang ito ay mapukaw ang kamalayan ng mga Pilipino sa pang-aabusong ginagawa ng gobyerno at
simbahan sa panahon ng mga Kastila.
Ilan sa mga pangunahing tauhan sa nobela ay sina Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevarra, Padre Damaso,
Sisa, Basilio at Crispin, Maria Clara at marami pang iba.

You might also like