Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

" Akademikong Filipino "

Ruth D. Bril June 17' 2022

Section 1-A Mam Juliet Dela Cruz

• Gawain 1:
* Mga Kasanayan na Ipapakita:
1. Pagpapakilala ng sarili sa ibang tao
2. Pakikipag-usap sa telepono
3. Maikling pagkukwento
4. Pag-iinterbyu
5. Newscasting

• Sagot:
" Newscasting o Pagbabalita "

Ito ay kasanayan sa pagsasalita na pagsasahimpapawid ng mga pang


araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa
industriya, sa agham at iba't-ibang paksa sa loob at labas ng bansa. May
layuning maghatid sa madla ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan
ng pinaka madaling paraan ng pakikipag-talastasan. Ito ay ang radyo at
telebisyon.

* Marcos, " hindi titira sa Malacañang "

Manila, Philippines:

Dahil nanirahan na ng dalawang dekada sa palasyo ng Malacañang,


nilinaw ni Sen. Imee Marcos na hindi doon titira si President-Elect Ferdinand
"Bongbong" Marcos, Jr. Ayon kay Imee, bago manalo ang kanyang kapatid ay
sinabi na niya na hindi siya titira sa Malacañang. Tama naman anya ito dahil
noong bata pa sila ay walang ginawa si Bongbong kundi tumakas ng tumakas
sa palasyo. At dahil galing na umano sila sa Malacañang at labis-labis na ang
kanilang paninirahan doon kaya ang mas mahalaga sa ngayon ay maiahon
umano nila ang pangalan at apelyido nila.
Bukod pa dito, ay mababalikan nila at makikita ang legacy ng kanilang
ama na si dating Ferdinand Marcos, Sr. Nauna namang sinabi ng kampo ni
Marcos, Jr. na pag-iisipan pa kung siya at ang kanyang pamilya ay titira sa
"Bahay Pangarap" sa Malacañang park.
• Gawain 2:
* Mga Pagsasanay:
A. Sagutan ang mga tanong.

1. Ano ang pagbasa? Gaano ito kahalaga sa buhay ng tao?


2. Alin sa kalikasan ng pagbasa ang kailangan sa makabagong panahon?
3. Paano nagkakaiba ang pahapyaw at masusing pagbasa? Ipaliwanag.
4. Paano malulutas ang mga suliraning may kaugnayan sa pagbasa?
Magbanggit ng ilang pamamaraan.
5. Bakit mahalagang matutuhan ang mga kasanayan sa pagbasa?

• Sagot:
1. Ang karunungang taglay ng tao ay maaaring dulot ng walang humpay
na paghahanap ng kaalamang masusumpungan sa pagbabasa. Ang pagbasa
ang pangunahing kasangkapan sa pansariling lakbayin tungo sa paghanap ng
kaalaman at katotohanan. Instrumento rin ang pagbasa sa pag-apuhap ng
kahulugan at kabuluhan ng mga bagay-bagay sa paligid o maging sa
paglinang ng mapanuri at malikhaing kaisipan.
- Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng ganap na
kasiyahan at kaluwalhatian sa buhay na hindi matutumbasan ng anumang
kayamanang materyal. Samakatuwid, sa pagbabasa nagiging ganap ang
pagkatao dahil sa pagkakaroon ng isang tao ng sapat na kaalaman,
kaligayahan at kasiglahan sa mga gawaing magpapa-unlad sa kanyang sarili,
sa kanyang kapwa at maging sa lipunang kanyang kinabibilangan. Sa tulong
din ng pagbabasa, nabubuksan ang lahat ng landas ng karunungang
pandisiplina at pagtuklas ng lahat ng bagay na kailangan ng tao sa daigdig.

2. Ang kalikasan ng pagbasa ay tradisyunal na pananaw kaugnay sa


kalikasan ng pagbasa ang nabago gawa ng pananaliksik sa larangang ito. Ang
pagbasa ay itinuturo at hindi likas na natututunan sapagkat napatunayang
mahalaga ang pagkakaroon ng mga magulang na pro-active (yaong may
panahong magbasa ng aklat sa kanilang mga anak) at maituro sa kanila ang
halaga ng pagbabasa. Kailangan pa rin ng mga mag-aaral ang proseso ng
pagbasa.

3. May dalawang uri ng pagbasa ayon sa layunin, ito ay ang Pahapyaw


na Pagbasa na may layuning makakuha ng panlahat na impormasyon buhat sa
isang aklat, paghahanap ng detalye, paghahanap ng materyales sa aklatan sa
pamamagitan ng kard catalog o paggamit ng high tech na computer at internet
sa silid-aklatan. At ang pangalawa sa dalawang uri ng pagbasa ay ang
Masusing Pagbasa na may layuning makapagbigay ng detalye, makapagbigay
ng halimbawa, makapagbigay ng paghahambing at makapagbigay ng mga
dahilan.

4. May dalawang kasanayan sa pagbasa ang makakatulong upang


maging mapanuri't kritikal, ito ay ang Pribyu at ang Paksang Pangungusap.

- Ang Pribyu ay ang pagkilos ng ilang bahagi o aspeto ng libro baho ito
piliin, bilhin o basahin. Ang pribyu ang prosesong nilalahukan bago basahin
ang libro. Ito ang yugyo ng pagtingin sa babasahin (Informed Scanning) bago
pa man basahin ang libro. Kinikilatis ang ilang bahagi o aspekto ng libro na
hindi nagagawa sa karaniwang scanning. Bahagi ang pribyu ng kritikal na
pagbasa sapagkat may mahalagang mga konsiderasyon na hinahanap tulad
ng mga pamagat, awtor, publikasyon, mga ilustrasyon, mga tala at
sanggunian.

- Sa kritikal na pagbasa isang bentaha ang may kasanayan sa


paghahanap ng paksang pangungusap. Ang pangungusap ay pangungusap
na kumakatawan sa sentral na ideya sa loob ng talata. May dalawang bahagi
ang paksang pangungusap, ito ay ang Paksa at Panaguri.

* Narito ang ilan sa pamamaraan:


1. Dapat malinaw ang layunin sa pagbasa ng isang aklat. Alamin kung ano
ang kailangan mo.
2. Dapat gumamit ng maraming teknik sa pagbasa ayon sa layunin mo.
Alamin kung kailan kailangan na pahapyaw o masusing pagbabasa.
3. Dapat maging sanay sa pormal at kaayusan ng materyales na binasa
tulad ng maikling-kwento, sanaysay, tula, dula at iba pa.
4. Alamin ang buhay ng may-akda upang maunawaan ang mensahe niya
at maiugnay sa iyong pananaw.
5. Ang matalas at malawak na bokabolaryo ay makakatulong sa mga
mag-aaral.
6. Magkaroon ng konsentrasyon sa kakayahan mo sa pagbabasa.
7. Dapat ugaliin ang madalas na pagbabasa.

5. Mahalagang matutunan ang mga kasanayan sa pagbabasa dahil


bukod sa natututo tayong magbasa, nagiging mapanuri tayo sa lahat ng mga
salita na ating nakikita at nababasa. Malaki ang naitutulong nito sa atin upang
mas maunawaan at makapagbigay ng kahulugan sa mga salitang ating
nababasa. Nahahasa o nasasanay ang ating mga bibig at kaisipan sa lahat ng
aspeto ng pagbabasa dahil nahububog nito at nagiging mahusay tayo sa mga
pagpapahayag ng mga salita at kahulugan. Sa pagkakatuto natin sa
pagbabasa mas lalong napapalawig at napapalawak nito ang ating mga
kaisipan at kaalaman kaya napakalaking ambag nito sa buhay ko ang kahiligan
kong magbasa ng libro at marami pang iba.
• Gawain 3:

" Cultural Sports Festival 2022 "

Ang Cultural Sports Festival 2022 na pinasimunuan ng aming paaralang


Grace Mission College-Bulalacao Chapter sa tulong ng aming mga butihing
guro at student counsil ay ginanap nitong Hunyo 4 & 5 taong kasalukuyan sa
Pocanil Beach Resort sa San Roque, Bulalacao Oriental Mindoro.

Ito ay masasabi kong isang napakasayang pangyayari na dumaan sa


buhay ko bilang isang estudyante dahil naranasan ko dito ang kasiyahan, tuwa
at pagkaka-isa ng bawat isa, mapa-estudyante ka man o isang guro pa.
Nakikita ko sa kanilang mga mata ang saya at tuwa sa lahat ng mga aktibidad
at patimpalak na kanilang sinalihan lalo na kapag ito ay kanilang napagtata-
gumpayan. Ang bawat hatid na ngiti sa kanilang mga labi sa bawat laro na
kanilang sinalihan ay nakakadagdag ng sigla sa bawat isa. Mayroong larong
beach volleyball, basketball for men & women, patintero, bao race, palo sebo,
luksong tinik at tiktok dance challenge. Sa larangan ng mga larong ito
naipakita ng mga bawat estudyante ang kanilang angking galing, diskarte at
talino upang ito ay maipanalo.

At noong huling gabi ng Cultural Sport Festival ay ginanap ang pinaka-


inaabangan ng lahat, ang pageant na may kanya-kanyang representante ng
bawat team at ang gabi ng parangal. Bawat miyembro ng team ay
kanya-kanyang sigawan at tilian, kabilang na ako, para ipakita ang kanilang
buong suporta para sa kanilang representante ng pageant. Sa opening
number, talent at question & answer portion ay naipamalas ng bawat kasaling
representante ng team ang kani-kanilang mga angking ganda, galing, talino at
talento. Subalit sa bawat patimpalak, mayroong panalo at mayroon din
namang talo pero ang mahalaga ay naging masaya ang lahat sa naging resulta
ng event na ito dahil umuwi ang lahat na may hatid na ngiti sa kanilang mga
labi.

You might also like