Lesson 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAP LESSON 1: ANG KONSEPTO NG WIKA

WIKA
Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng
mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o ispesipikong pagkakataon ng
nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon

Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa kognitibong pakulti


na nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at gumamit ng mga sistema ng
komplikadong komunikasyon. (Wikipedia)

Bilang isang ispesipikong lingguwistikong konsepto, ang wika ay tumutukoy sa mga


tiyak na lingguwistikong sistema na ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na
katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Nihonggo, Mandarin, Filipino at iba pa.

Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin
ay dila. Ang metaporikal na relasyon ng wika at dila ay umiiral sa maraming wika at
patunay ito sa historikal na
pagkaprominente ng sinasalitang wika.

Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo.

Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is
Language? ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao.

Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa


pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na estraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang
arbitraryo at kontrolado ng lipunan.

Henry Gleason
Ito’y binubuo gamit ang masistemang balangkas na sinasalitang tunog at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao ng naaayon sa kulturang kanilang
ginagalawan at kinalakhan.” Ang wika ay sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan
ng iba’t ibang lugar. Dahil dito, mas nagiging bukod tangi ang bawat wika sa bawat
pook at mas nagiging madali ang pagkilala sa kanila.

Rolando Bernales, 2002


Bawat wikang ating sinasalita ay may sinusundang disenyo kabilang ang tunog
(Ponema) na
nililikha ng ating bibig katulad na lamang ng “m” na may tunog na panlabi.

Mula sa tunog ay pinipili at isinasaayos natin ito upang makabuo ng maliit na yunit
ng salita (Morpema) katulad ng panlaping “mag” na kapag dinagdagan pa natin ng
salitang-ugat na “aral” ay makabubuo tayo ng salitang may kahulugan. Mula dito ay
makabubuo na tayo ng mga lipon ng salita upang makagawa ng simple o
komplikadong pangungusap na magiging daan sa isang makahulugan at mabisang
komunikasyon

Lev Semyonovich Vygotsky (1978)


Ginagamit ang wika sa pag-iisip ng mga tao dahil tinutulungan niyang iproseso ng
ating utak ang lahat ng kaalaman atimpormasyong iyong nabatid.” Malaki nga ang
tulong ng wika sa pag-iisip ng bawat isa sa atin dahil ito ang nagdidikta kung ano ang
tama sa mali. Nakatutulong din ito sa pagpapahayag ng ating sariling komentaryo,
opinyon, saloobin at damdamin.

Sa palagay ng dalubwikang si Constantino, ang wika ay maituturing na behikulo ng


pagpapabatid ng damdamin at isang mahalagang instrumento sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan.Sa pananaw ni Whitehead, isang edukador at
pilosopong Ingles: ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat
wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay
salamin ng lahi at kanyang katauhan.

Para naman kay Haring Psammatikos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang
nagtuturo at naririnig. Ang naging batayan nito, ipinadala niya ang dalawang sanggol
sa malayong lugar na walang nakikita at naririnig. Ang unang salitang binigkas ay
“bekos”, na ang ibig sabihin ay “tinapay.”

Mula sa sanaysay na “Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino” na isinulat


ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo, kinilala ang Filipino bilang wikang pambansa
alinsunod sa Artikulo XIV, Sek.6, ng Saligang Batas ng 1986.

Ayon sa batas na ito, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at
pagayamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa Wikang Filipino
at iba pang wika.”

Ayon kay Yenbehold, ang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas ay Filipino base
sa Konstitusyon ng 1987 ng Pilipinas. Maliban dito, ginagamit din natin ang wikang
Filipino sa mga sulatin
at pakikipag-ugnayan dahil ito’y madaling maintindihan at magkakapareho sa iba
pang dayalekto.
ANO BA ANG WIKA?
Ang wika ay…
 Masistemang balangkas
 Sinasalitang tunog
 Pinipili at isinasaayos
 Arbitraryo
 Ginagamit
 Nakabatay sa kultura
 Nagbabago
Ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon at napakahalaga nito
para sa pakikipagtalastasan dahil kung wala nito, wala tayong magagamit na
kasangkapan para sa pakikipag-usap sa kapwa natin tao.

Nakasulat sa papel ang mga batas na galing sa pamahalaan at maari nating mabasa,
Ingles man o Filipino. Ang wika ay nagiging gabay at nagbibigay ng kaalaman sa kung
ano ang katanggap-tanggap o hindi.

Wala ang tinatawag na media at entertainment kapag wala ang wika. Kung wala nito,
papaano maipapahayag nang nasa likod ng media at entertainment ang ibig sabihin
nila kung lahat ay nakatahimik? Ang wika ay importante sa pagbibigay ng
impormasyon sa pamamagitan ng balita. Ito rin ay ginagamit para sa mga teleserye o
mga pelikula na tinatanaw natin, bagaman sa aspeto ng pelikula, mayroong
tinatawag na mga silent films noong unang panahon.

Sa aspeto naman ng edukasyon, mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito, naging


malawak ang ating kaalaman. Sa pag-aaral ng dalawang wika (Ingles at Filipino)
naging lalong nadalisay ang ating pag-intindi at tamang paggamit nito.

Ang wika ay isa sa mga importanteng kasangkapan na bumubuo ng partikular na


bansa. Ang bawat bansa ay may kani-kanilang wika na ginagamit. Ang wika rin ang
dahilan kung bakit nagkakaisa-isa ang mga miyembro sa lipunan o ang mga
naninirahan sa isang bansa.

Napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Kung walang wika, maaaring matagal nang


pumanaw ang sangkatuhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa sa ngayon.

1) Instrumento ng Komunikasyon
2) Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
3) Nagbubuklod ng Bansa
4) Lumilinang ng Malikhang Pag-iisip

You might also like