Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lapis: Pinakamatalas na Punyal

Sa panulat ni: Malingin, Reymar

Ang dilim ay mabilis na lumagom sa mga makikipot na lansangan, lumatag sa abalang


lungsod at dumantay sa mukha ng isang pangarap na nagpupumilit makatakas palayo sa mga
kinakalawang na yero, sakay ng masangsang na simoy ng hangin naroon nagdudumilat at nagkukubli
ang sampung taong gulang na musmos na ang gabi ay simula lamang ng isang mahabang paglalakbay.
Tanging liwanag na nagmumula sa mga nagdaraang sasakyan at ilaw-dagitab. Tangang mahigpit ang
lapis na sintalim ng isang punyal,tulad ng patuloy na pagkapit sa pag asang makahulagpos sa kumunoy
kadaralitaan.

Sulat.Bura.Sulat.Bura.

Sa simula,wari’y walang katuturan,magulo at napakaulap ng kaisipan. Tila walang kapaguran


sa pag apuhap sa mga sa tunay na esensya waring nalihis ang nagsisimula pa lamang na kabanata ng
kanyang buhay. Hindi niya alam kung ano ang solusyon, mabuti na lamang, na sa bawat panulat na
hawak nasa tuktok ang pambura,handang itama ang bawat pagkakamali na kanyang nagagawa.

Pudpod.Tasa.Pudpod.Tasa.

Nagpatuloy ang pag-usad ng panahon at hindi rin tumigil sa pakikibaka para sa kanyang
mga pangarap. Dahil ibig na huwag nang muling madapa ay napudpod nang husto ang talim ng kanyang
panulat. Sa bawat araw na dumaraan ay paigsi na nang paigsi ang haba ng kanyang lapis kahit na pigila'y
hindi magawang iatras, iiwasang abutin ng dulo ng kawalan.

Bagamat maigsi na lamang ang habang nalalabi ay patuloy ang pagtitiis hanggang nandito pa
ang pambura na nagbibigay tsansang itama ang maling paghagod, na hindi na tugma sa ritmo ng bawat
paggalaw ng kanyang mga kamay ngunit katulad rin ng katawan ng lapis na nalalapit na ang katapusan
ay unti unti na ring nauupos ang pambura.

Sa dulo ng lahat ng dilemang nanatili na sumusubok sa katatagan ng musmos na hinubog ng


mga pagsubok, punyal ay nananatiling may matalas at nakasusugat na talim.Naroroon pa rin ang
kanyang panulat, nagdudumilat at nagliliyab bagamat dahan dahan nang ito'y nauubos ang mahalaga ay
matagumpay niyang naisulat ang kanyang istorya kung paanong ang musmos ay nagbago't naging isang
tunay na Adan at nahanap ang kahalagahan ng panulat sa kanyang buhay. Ang panulat na nagturo sa
kanyang lumaban at kumapit kahit na magpaltos at magkasugat sugat ang kanyang mga kamay sa
pagsusulat at naging pinakamatalas na punyal na kanyang sandata sa pakikibaka kontra sa walang
katapusang pagsubok.

You might also like