Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Nilubid na Abo

Kuwentong-bayan

Sa isang kaharian ay bantog ang katalinuhan ng


isang binatilyo. Siya si Catalino, na nakagawian nang
tawagin ng kanyang mga kanayon na Talino.
Totoong akmang-akma naman sa kanyang angking
katalinuhan ang kanyang palayaw. Palabasa si
Catalino. Silang mag-anak ay mahirap lamang at ang
tanging yamang itinuturing ni Catalino ay ang ubod
ng dami niyang mga aklat at iba’t ibang babasahin.

Wala siyang libangan kundi ang magbasa


pagkatapos ng kanyang mga gawain. Sadyang
nakatutulong nang malaki si Catalino sa kanyang
mga kanayon. Dahil sa marami siyang kaalaman na
nakukuha niya sa pagbabasa, maraming mabubuti
at matatalinong mga payo ang naibibigay niya sa
kanila. Nabibigyan niya ng payo ang mga kanayon
tungkol sa pagsasaka, pagtatanim at paghahalaman,
pag-aalaga ng mga hayop, pagpapagawa ng bahay,
pagpapahukay ng balon at mga poso, paglilipat ng
bahay, pati ang panggagamot sa mga di-kabigatang
karamdaman.
Kaya naman mahal na mahal siya ng kanyang mga
kanayon. Maging ang mga taga-ibang nayon,
malapit man o malayo, ay nakikilala na si Catalino at
alam na ng marami ang kanyang katalinuhan. Ang
lahat ng mga balita tungkol sa matalinong binatilyo
ay nakararating sa kabatiran ng hari. Higit na sikat
pa raw si Catalino kaysa sa hari. Ayaw ng hari ng
ganitong pangyayari. Baka dumating ang araw na
makuha ni Catalino sa hari ang pamumuno sa
kanyang kaharian. Nabahala ang hari.
“Maaari nga pong mangyari ang kinatatakutan
ninyo, Mahal na Hari,” ang sabi pa ng isang taga-
payo. “Ang lalong mabuti ay ipakulong natin siya,”
anang isang tagapayo naman. “Ngunit hindi natin
maaaring ipakulong nang basta-basta ang isang
taong wala namang ginagawang pagkakasala,”
sagot ng isa pang tagapayo. Marami pang mga
usapan hanggang sa ang nabuong balak ay
pagawain si Catalino ng isang bagay na tiyak na
hindi niya magagawa. At ito ay ipagagawa sa plasa
sa harap ng maraming tao at kanyang mga
tagahanga.
Kapag hindi nagawa ni Catalino ang ipagagawa sa
kanya, pagtatawanan siya ng mga tao. Ipinatawag si
Catalino sa palasyo. Sa harap ng mga tagapayo ay
kinausap siya ng hari. “Nabalitaan ko ang iyong
maraming kaalaman. Ikaw raw ay matalino.
Nakagagawa ka ng maraming matatalinong bagay.
Nabibigyan mo raw ng matalinong payo ang mga
tao. Totoo ba ito?” ang tanong ng hari. “Ang mga
tao po ang nagsasabi niyan. Hindi po ako,” sagot ni
Catalino. “At ang ibinibigay ko po sa kanilang payo
ay hindi sa sarili ko galing.
Nakukuha ko po ito sa aking mga pagbabasa.” “Saan
mo nakukuha ang mga karunungang iyan?” ulit ng
hari. “Sa mga aklat po at sa paaralan ng buhay,”
sagot ni Catalino. Nag-ungulan ang mga tagapayo.
Waring pati ang hari ay napapaniwala na ni
Catalino. Bumulong ang punong tagapayo sa hari.
“Catalino!” ang malakas na sabi ng hari. “Ako’y may
ipagagawa sa iyo. Huwag mo akong bibiguin.
Masama akong hindi sundin,” sabi pa ng hari.
“Naiintindihan mo ba?” “Opo, Mahal na Hari,” sagot
ni Catalino. “Sa abot po ng kaunti kong kaalaman ay
sisikapin kong masunod ang inyong utos.

Hinintay ni Catalino ang ipag-uutos ng hari. Binasa


ng isang alagad ng hari ang kautusan. “Bukas ng
umaga, magdala ka rito ng nilubid na abo. Kapag
hindi mo ito nagawa, nangangahulugang hindi ka
pala sadyang matalino at niloloko mo lamang ang
mga tao. Nagkasala ka sa bayan kaya kailangang
pugutan ka ng ulo,” anang tagabasa. Umuwi si
Catalino sa kanilang nayon. Kanyang pinag-isipan
ang ipinagagawa ng hari. Alalang-alala ang kanyang
ama’t ina.
Labis na nag-aalala rin ang kanyang mga kanayon.
Wala naman silang maitulong kay Catalino.
Ipinagdasal nila na sana ay magawa nito kung
anuman ang ipinagagawa ng hari. Kinabukasan,
maagang nagising ang mga tao.
Pumunta ang marami sa plasa. Doon ibibigay ni
Catalino sa hari ang nilubid na abo. Maingat na
dinala ni Catalino ang natatakpang kahon.
Marahang inilapag sa harap ng hari ang
bandehadong malapad. Naroon ang nilubid na abo.
Nagulat ang hari. Hindi akalain ng hari at ng
kanyang mga tagapayo na magagawa ni Catalino
ang nilubid na abo. “Nilubid na abo!” ang wika ng
lahat. Magalang na yumukod sa hari si Catalino.
Wala itong pagmamalaki o anumang bahid ng
yabang. Ang naroo’y kababaang-loob. Nilubid pala
ni Catalino ang abaka at saka niya marahang
sinunog hanggang sa maging abo na hindi
natatanggal ang pagkakalubid. Lalong humanga ang
mga tao kay Catalino. Pati na ang hari ay humanga
rin hindi lamang sa talino kundi sa kabaitan at
kababaang-loob ni Catalino.
Dahil dito, kinuha siya ng hari bilang tagapayo sa
palasyo. Nabigyan ni Catalino ng mabubuting payo
ang hari tungkol sa pamamalakad kaya’t naging
maunlad ang kaharian

You might also like