Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ika-04 ng Oktubre 2022 Vargas, Ma. Elaine B.

Bionote 12- Hawking

Si Ma. Elaine B. Vargas o maaaring tawagin sa


pangalang “Laine”, ay kilala bilang retiradong
Medical Technologist na kasalukuyang nagtatrabaho
sa St. Luke’s Medical Center. Sa edad na
dalawampu’t dalawa ay nagtapos siya ng kursong
Batsilyer ng Agham sa Medical Technologist (BSMT)
sa Unibersidad de Sto. Tomas at ginantimpalaan ng
may parangal noong 2026. Isa siya sa mga
nangungunang board passers ng Medical Technologist Licensure Examination
(MTLE) noong 2027. Nairaos niya ang kanyang mahabang buwan na pag-aaral
upang makapasa sa board exams. Kamakailan, siya ay ginawaran bilang ang
pinakanamumukod-tanging sertipikadong Medical Technologist para sa pagpapanatili
ng pambihira at mataas na kalidad na serbisyo. Maraming aktibidad ang kanyang
sinalihan noong siya ay nag-aaral pa mula elementarya tungong kolehiyo. Isa siya sa
mga mag-aaral noon na gustong sumali sa mga organisasyon na may adbokasiya ng
pagtulong sa mga tao. Sa kanyang pananatili sa Unibersidad de Sto. Tomas, isa siya
sa naging student leader at nagsilbing student body ng Institusyon ng Medical
Technology sa kanyang simpleng paraan. Sa kabila ng kanyang pagiging tanyag na
Medical Technologist, naipursigi ni Elaine ang kanyang pangarap na maglingkod at
mag-ambag sa larangan ng medisina dahil sa nais na mapahusay at mapabuti ang
pang-agham na pangangailangan ng mga mamamayan at magpasalamat sa mga
taong naniniwala sa kanyang kakayahan.

You might also like