Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Oktubre 18, 2022

I. Layunin:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. natutukoy ang mga pamantayan at katangian ng mga mamimili;
b. nakagagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng katangian ng matalinong mamimili; at
c. nabibigyang halaga ang mga karapatan ng mamimili sa pamamagitan ng dula-dulaan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Pamantayan sa Pamimili at Mga Karapatan ng Mamimili (Dula-Dulaan)
Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang
isang mamimili (AP9MKE-Ih-18)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual AP 9
Kagamitan: PowerPoint presentation

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:
Ang guro ay magsasagawa ng aktibidad na “Pictionary”. Ang mga mag-aaral ay mahahati sa apat na
pangkat. Bawat miyembro ay guguhit sa papel ng kanilang ideya patungkol sa salitang binigay ng guro.
Pagkatapos gumuhit ng isang miyembro, ipapasa naman nya ang papel sa susunod na miyembro hanggang sa
umabot sa pinakahuling miyembro. Ang huling miyembro ang siyang manghuhula ng salita base sa mga
ginuhit ng kanyang mga kagrupo.
Mga kailangang iguhit:
1. Pangkat I - Namimili
2. Pangkat II - Pamilihan
3. Pangkat III – Produkto
4. Pangkat IV - Pera

C. Aktibidad:
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay magsasagawa ng
maikling dula-dulaan na nagpapakita ng sumusunod na tema:
Unang pangkat: Katangian ng Matalinong Mamimili
Pangalawang pangkat: Mga karapatan ng Mamimili
Pamantayan
Iskrip Maayos at malinaw ang pagkakasunod- 5 puntos
sunod ng mga ideya
Presentasyon Nagpapakita ng pagkamalikhain 5 puntos
(Pagpapalabas)
Characters Makatotohanang pagganap 5 puntos
(Tauhan)
Theme May kaisahan at organisado ang diwa 5 puntos
(Paksa)
Relevance Maaring gamitin ang sitwasyon sa pang- 5 puntos
(Kaangkupan) araw-araw na pamumuhay.
KABUUAN: 25 PUNTOS
D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin sa aktibidad?
2. Nasubukan mo na bang makabili ng sirang produkto? Ano ang iyong naging aksyon?
3. Ano ang pamantayan mo sa pagpili ng iyong binibiling produkto?
4. Base sa napanuod na presentasyon, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
Karapatan ng mamimili?
E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay patungkol sa mga
Karapatan at Katangian ng mga Mamimili.

F. Aplikasyon:
Panuto: Ang bawat pangkat ay gagawa ng comic strip batay sa kanilang napanuod na presentasyon.
Ang unang grupo ay gagawa ng comic strip ng presentasyon ng pangkat 2. At ang pangkat 2 ay gagawa ng
comic strip batay sa presentasyo ng naunang pangkat. Ang layunin ng aktibidad na ito ay para makita kung
naunawaan ba ng bawat lahat ang kani-kanilang presentasyon.

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa napanuod na presentasyon.


Para sa unang pangkat:
1. Anu-anong katangian ng matalinong konsyumer ang ipinakita ng unang pagkat?
2. Bakit kailangang magtanong-tanong muna ng presyo at lugar kung saan dapat mamili ng mga produkto o
serbisyo?
Para sa ikalawang pangkat:
1. Anu-anong karapatan ng mga konsyumer ang ipinakita ng ikalawang pangkat?
2. Bakit kailangang malaan natin ang ating mga karapatan bilang mga konsyumer?
3. Ano sa tingin moa ng karapatan ng konsyumer ang madalas na hindi napapahalagahan? Magbigay ng mga
sitwasyon.

V. KASUNDUAN:
Panuto: Unawain at isulat ang sagot sa kwaderno.
 Alin sa mga pamantayan ng pamimili ang iyong kalakasan? Kahinaan? Ipaliwanag.
 Paano mo ito mapapagbuti?

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like