Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9 Oktubre 11, 2022

I. LAYUNIN:
Inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. nasasagot ang mga tanong sa pagsusulit na may 75% na pag-unawa;
b. naipapakita ang katapatan sa pagsagot ng mga tanong sa pagsusulit; at
c. naibibigay ang tamang sagot sa bawat tanong ng pagsusulit.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ikaapat na Pagsusulit sa Araling Panlipunan
Learning Competency: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang
isang mamimili (AP9MKE-Ih-18)
Sanggunian: Deped Learner’s Manual AP 9
Kagamitan: papel ng pagsusulit, sagutang papel

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagsasaayos ng silid-aralan

B. Pagbabalik-aral/Pagganyak:

The mag-aaral ay bibigyan isa-isa ng titik. Magsasabi ang guro ng salita na kanilang ibabaybay sa

harap ng klase. Pagkatapos maibaybay ay kanila naming sasabihin ang kahulugan ng salitang ito. Ang mga

salitang kanilang ibabaybay ay patungkol sa mga Pamantayan ng Matalinong Mamimili.

C. Aktibidad:
A. Paglalahad
a. Ipabasa sa mga bata ang Pamantayan sa Pagsusulit
B. Pagsagot ng mga bata sa mga tanong ng pagsusulit.

D. Pag-analisa:
Pamprosesong Tanong:
1. Nasagutan mo ba ng husto ang bawat katanungan?
2. Natukoy mo ba ang iba’t-ibang pamantayan ng matalinong mamimili?
3. Nakapagbigay at naipaliwanag mo ba ang patungkol sa Batas na nangangalaga sa Kapakanan ng mga
Mamimili?

E. Abstraksyon:
Ang guro at ang mag-aaral ay magkakaroon ng pagtatanong at pagtatalakay sa mga tamang sagot sa
pagsusulit.

IV. PAGTATAYA:
Ang resulta ng kanilang pagsusulit ang magiging basehan ng kanilang pagtataya.
V. KASUNDUAN:
Panuto: Pumili ng isa sa mga Pamantayan sa Pamimili at gumawa ng slogan patungkol dito. Ilagay
ito sa long coupon bond.
Pamantayan Puntos
Nilalaman 15
Kaangkupan ng Minumungkahi 10
Kabuuang presentasyon 5
KABUUAN: 30

Inihanda ni:
ROY VINCENT Z. MORENO
Teacher I

You might also like